****** Nagtataka si Anya habang nagliligpit sila ng gamit ay tahimik pa rin talaga si Marco. "Nagtatampo ka ba kay mommy?" tanong ni Anya sa anak. Agad naman itong umiling. "Kong hindi bakit ang tahimik mo? Magsabi ka sa akin ng totoo baka naman may nanakit sayo?" "Wala po mmy! Nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo rito. Tsaka saan po ba tayo pupunta?" "Kila Adrian muna tayo, okay? Siya lang kasi ang pwede nating lapitan sa ngayon." agad naman nag bago ang mukha ni Marco. "Bakit siya? I don't want mommy!" Nagulat pa si Anya sa biglaang pag tantrums ng anak nya. "Marco! Stop it! Wala tayong choice okay?" "Hmp!" hindi na siya pinansin pa ni Marco. Hindi na rin nag abalang aluin ni Anya si Marco. Lalo na't busy siya sa pag ligpit ng gamit nila. Nasa mansion kasi sila ngayon ng mga De Luca at nagliligpit. Susunduin lang sila ni Tonyo para maka punta sa mismong sinabi na address ni Adrian na tutuluyan nila. Matapos niyang maka pag ligpit ay nag pasya siyang ma
****** Walang hupa ang pag-iyak ni Anya hindi nya na nga alintana ang mga dumadaan na sasakyan. Hindi nya na rin maaninag gaano ang paligid dahil sa luha nyang hindi tumitigil. Nasilaw si Anya sa sasakyan na paparating na para bang sasagasaan siya nito. Bago pa man siya tuluyang mabangga nito ay huminto ang sasakyan. Bumaba ang babaeng sakay nito. "Ano papasagasa ka na lang talaga dyan? Hindi ka man lang lumayo!" halata ang inis sa boses nito. Pero agad din nawala ang inis sa mukha nito ng makita nya si Anya na umiiyak. Tumayo si Anya para harapin ang babae. "S-sorry a-aalis na —" natigil sa pagsasalita si Anya ng maaninag nya ang mukha nito. "Sab?" "Bakit ka ba umiiyak? Ang daming pwedeng iyakan na lugar gusto mo pa talaga dito sa kalsada? Gusto mo na bang mamatay? Akala ko ba gusto mo pang maranasan mamuhay sa tahimik na lugar?" Pinunasan ni Anya ang mga luha nya. "Ikaw ba talaga yan? Baka hindi ka totoo?" umirap naman sa kanya si Sabrina. "Syempre ako to, mi
******** ANYA POINT OF VIEW Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Gusto kong mag kaayos na kami ni Oliver pero hindi ko magawa. Lalo na ay nagkaka problema ang company ni lolo. Gusto ko sana siyang puntahan kong na saan siya ngayon pero baka makagulo lang ako. Hindi ko rin alam kong paano ko sisimulang ayusin ang papalabog na company namin. Marami nang mga investor na nag back-out dahil sa nangyare kay lolo at bumaba din ang rating ng hotel dahil sa pagiging attitude ni tita Rhea. Plus na ang shares ni Raven at ni Tita Rhea ay na punta na sa iba. Ganun nya na lang binalewala ang pinaghirapan lahat ng papa nya. Kinompronta ko na siya kong bakit nya yon ginawa. Ang tanging sinagot nya lang sa akin ay mas mabuti na daw na mapunta sa iba ang company kaysa sa akin. Ganon ka taas ang pride nya pag dating sa akin. Sa ngayon ay ibang tao na ang magiging CEO ng company. Pero hinding-hindi ako papayag na mapunta sa iba ang company nila lo
Alas-tres ng hapon sa matingkad na sikat ng araw, isang batang lalake ang tumatakbo na walang yapak, halata sa katawan nito ang kapayatan, pamumutla at bitak-bitak na labi. Nakikipagsiksikan sa napakaraming tao at 'di alintana ang init ng semento. Palinga-linga ito habang tumatakbo na parang may humahabol sa kanya. Takbo lang ito ng takbo hanggang sa makarating sa isang iskenita at barong-barong na bahay."Kuya," isang batang babae ang tumawag sa kanya na nakahiga sa sapin na karton. Hingal na hingal siyang umupo sa tabi nito."Pasensya kana nahirapan kasi ako makakuha ng gamot." ani nito. Kinuha nya ang gamot na nasa bulsa nya isang pad ito. Kumuha muna ito ng tubig at ipinainom nya sa kanyang kapatid."Ayos na ba ang pakiramdam mo?" marahan naman itong umiling.Isang malakas na kalabog ang nagpagulat sa magkapatid."Pinapatawag ka ni boss," isang matabang lalaki ang bumangad sa kanila na halos 'di na magkasya sa maliit nilang pintuan. Nagkatinginan naman ang dalawa at halata sa mga
Padilim na ang paligid pero namamalimos pa rin kami ni Tessa. Paparusahan kami ng amo namin. Hindi ko rin alam kong bakit namin siya sinusunod. Bigla na lamang nya kaming ginulo at kinukuha ang kinikita namin sa pangangalakal at panglilimos. Kakarampot na nga lang na kita namin kinukuha nya pa."Nakakapagod Anya." umupo si Tessa sa gilid ng daan at tumabi din ako sa kanya.Napatingin ako sa mga batang naglalakad kasabay ng mga magulang nila. Ano kayang pakiramdam ng may magulang? Ano kayang pakiramdam ng inaalagaan? Hindi ko na kasi alam kong anong pakiramdam.Tinignan ko ang kita ko na nakalagay lamang sa lata na napulot ko. Hindi man lang ito umabot ng isang daan. Hindi kami pwedeng umuwi hanggat hindi namin ito naabot ng dalawang daan. Siguradong papagalitan kami ng amo naming si Herbert. Simula ng dumating siya dito 'di na ako nakaka kain ng maayos dahil kinukuha nya iyon. Natatakot rin kaming lumaban sa kanya dahil marami siyang mga tauhan at baka bogbogin lamang kami."Tessa, A
Magkakasama kami ngayong tatlo ulit ni Adrian and Tessa."Gusto nyo ba ng pagkain?" sa unahan kasi may nagbebenta ng mga street foods. Nandoon din si Tan-tan na nag bigay sa akin ng panyo kasama nya yong kapatid nya. Parang four or five years old lamang yong kapatid nya."Kakasya pa ba? Baka makagalitan lamang tayo." paano kasi 'di pa umaabot ng singkwenta ang kita namin ngayon. Tapos ibibili pa namin ng pagkain."Minsan lang naman kulang yong quota natin. Tsaka 'di pa tayo kumakain." sumunod na lang ako kay Tessa and Adrian."Hello." bati ko sa kanila ng kapatid nya ng makalapit kami. Marahan nya lang ako tinignan. Kumakain sila ng fishball ng kapatid nya at may kanin silang pinaghahatian."Oh," binigay sa akin ni Adrian yong limang pirasong fishball. "Saan kayo nakabili ng kanin?" tanong ni Tessa kay Tan-tan. Hindi siya nag salita sa halip tinuro nya lamang kong saan siya bumili."Akin na yong sampung piso nyo." Inabot ko kay Adrian yong sampu ganon din si Tessa. Umupo kami sa tab
"Ano pong gagawin nyo sa amin?!""Maawa po kayo."Napasigaw ako ng tinutok ng lalake sa ulo ko ang baril na hawak nya."Hwag po!" napapikit na lamang ako at tinanggap na hanggang dito na lamang ako."Robert!" napamulat ako ng may dumating na isang lalake. Tinignan ko si Adrian and Tessa na walang mga malay. Buong akala ko ay wala na sila pero buhay sila."Anya!" Nagising ako sa isang sigaw na mukhang kanina pa ako ginigising."Ikaw pala, Sab" halata sa mukha ni Sabrina na nag-aalala siya."Ano ba 'yan kanina pa kita ginigising para namang ang lalim ng tulog mo." Si Sabrina at si Tessa ay iisa. Pinalitan nya yong name nya dahil 'di raw unique yong Tessa at masyado daw maraming memories ang name nya na Tessa."Napuyat kasi ako kakahanap ng information about sa Secret Protection Agency." That agency always interrupt our transaction. "Secret na nga pangalan, eh no clue. Ano ba yan Anya ang bobo mo." Gusto ko siyang sapakin kong 'di ko lang talaga siya bestfriend at kasama ko na siya simu
Maaga akong nagising dahil sa ingay ng cellphone ko. Unknown number ang tumatawag."Hello?""I have a mission for you, dear." babae ang nasa kabilang linya. Napabangon ako kahit antok na antok pa ako dahil sa unknown caller na 'to."Wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo," papatayin ko na sana ang tawag ng mapahinto ako sa sumunod na sinabi nya."You don't want to be free?" paano nyang nalaman na gusto ko ng tumiwalag sa grupo at maging malaya."Who the heck are you?"Tanging si Keanu lang ang pinagsabihan ko non through email. Si Adrian ang team leader namin pero kahit kailan wala akong natanggap na response mula sa kanya."You don't need to know. Tatanggapin mo ba ang alok ko bilang kalayaan mo?" Isa lang ang naiisip ko hindi lang basta kong sino ito. Lalo na sa mission na 'to ay kalayaan ko ang nakataya. Imposible naman na papayag sila ng ganito lang."Anong mission?" tanong ko."You can check your own email." pagkatapos non ay pinatay nya na ang tawag.Binuksan ko ang email