Share

Chapter 1

Padilim na ang paligid pero namamalimos pa rin kami ni Tessa. Paparusahan kami ng amo namin. Hindi ko rin alam kong bakit namin siya sinusunod. Bigla na lamang nya kaming ginulo at kinukuha ang kinikita namin sa pangangalakal at panglilimos. Kakarampot na nga lang na kita namin kinukuha nya pa.

"Nakakapagod Anya." umupo si Tessa sa gilid ng daan at tumabi din ako sa kanya.

Napatingin ako sa mga batang naglalakad kasabay ng mga magulang nila. Ano kayang pakiramdam ng may magulang? Ano kayang pakiramdam ng inaalagaan? Hindi ko na kasi alam kong anong pakiramdam.

Tinignan ko ang kita ko na nakalagay lamang sa lata na napulot ko. Hindi man lang ito umabot ng isang daan. Hindi kami pwedeng umuwi hanggat hindi namin ito naabot ng dalawang daan. Siguradong papagalitan kami ng amo naming si Herbert.

Simula ng dumating siya dito 'di na ako nakaka kain ng maayos dahil kinukuha nya iyon. Natatakot rin kaming lumaban sa kanya dahil marami siyang mga tauhan at baka bogbogin lamang kami.

"Tessa, Anya!" napalingon kaming dalawa sa tumawag sa amin. Si Adrian ang tumatawag katulad din namin siyang namamalimos.

"Sabay na kayo sa akin," mas matanda siya sa amin parang ang sabi nya sa akin dati katorse na siya. Palagi siyang nakaka diskarte ng kikitain nya at kami ni Tessa tanging sa panglilimos at pangangalakal lang talaga umaasa.

"Hindi pa kami pwede umuwi kulang pa ang kita namin. Baka maparusahan lamang kami."

May dinukot siya sa bulsa nya at nilagyan nya ang latang dala namin ni Tessa ng barya at mga papel. Sa tingin ko umabot ng dalawang daan na ang kita ko.

"Paano kong kumulang ang sayo dahil sa amin?" Paano kasi kapag laging kulang ang kita namin lagi nya 'tong pinupunan.

"Sobra yan sa dapat kong quota." yan ang palagi nya sa aming sinasabi.

"Salamat." ngumiti lamang siya sa amin at sumunod na rin kami sa kanya. Masakit na rin kasi ang mga binti ko kakalakad simula kaninang umaga para lang mamalimos.

Habang naglalakad na patingin ako sa halos kasing edad ko rin na bata. Binibilang nya rin yong kinita at pumunta siya sa malapit na drug store.

"Hindi ba kasama natin siya?"

"Oo si tan-tan 'yan may sakit kasi iyong kapatid nya. Kawawa nga eh lagi siyang napaparusahan ni boss Herbert dahil lagi kulang ang quota nya. Naiipambili nya kasi ng gamot ng kapatid nya."

"Kawawa naman pala siya." gustuhin ko man siyang tulungan kaso wala rin naman akong maitutulong sa kanya.

Nakarating na kami sa abandonadong gusali. Dito kasi ang hide out nitong amo namin. Dito na rin kami natutulog dahil wala naman kaming matutulugan maliban sa kalsada.

Pagkarating na pagkarating namin agad nyang kinuha ang papel na sinusulatan nya kong ilan dapat ang quota namin.

"Akin na mga kinita nyo." nilapag naming tatlo sa lamesa nya yong kinita namin.

"Bukas Anya tatlong daan na yong sayo." gusto kong mag reklamo pero wala naman din akong pagpipilian.

Matapos nyang kunin ang kinita namin binigyan nya lamang kami ng bente pesos at isang tinapay.

"Paano kaya tayo makakalaya dito?" umupo kami sa malamig na semento. Nakatupi pa kasi ang karton na hinihigaan namin pag matutulog na kami.

"Mahirap takasan si boss Herbert marami siyang mga tauhan. Siguradong ipapahanap nya tayo." sabi sa amin ni Adrian.

"Siya na lang lagi ang nakikinabang ng kita natin. Gusto ko ng makakain ng masarap na pagkain." Kahit ako gusto ko na rin. Palagi na lamang tinapay ang nakakain ko. Tapos tinaasan pa yong quota ko hirap na nga ako sa dalawang daan ginawa pang tatlong daan.

"Kong buhay pa sana si mama." nasabi ko nalang.

"Ano bang nangyare sa kanya?"

"Wala na siya, eh." yan lang yong na isagot ko dahil baka maiyak pa ako.

"Mabuti ka nga nakilala mo ang ina mo samantalang ako 'di ko man lang sila nakilala o nakita." Napulot lang kasi si Tessa ng bata pa siya tapos napaka walang hiya din nong nakapulot sa kanya. Naligaw siya kaya napunta siya sa ganitong situation.

"Ikaw Adrian mag kwento ka naman." Parang siya na ang tumayong kuya namin ni Tessa. Matagal na namin siyang kasama parang mag apat na taon na. Apat na taon na rin kaming nahihirapan. Mas matanda ako kay Tessa ng isang taon. Walong taon lang ako ng naging palaboy laboy na ako at na kilala ko sila.

"Hindi ko din sila kilala." nalungkot naman ako.

Pagkatapos namin mag kwentuhan inayos na namin ang mga karton na hihigaan namin.

Pinilit kong pumikit para makatulog na ako pero 'di ko magawa. Kapag pumipikit ako nakikita ko ang mukha ni mama. Mis na mis ko na siya. Apat na taon na siyang wala at 'di ko nakakasama. Namatay si mama sa sunog ng factory na pinagt-trabahohan nya. Naiwan akong mag-isa akala ko kukunin ako ng ante ko.

Pero iba yong ginawa nya pinalayas nya ako mismo sa bahay namin wala akong nagawa non. Kasi ano bang magagawa ng batang katulad ko? Pero pinangako ko sa sarili ko na babawiin ko yong bahay namin. Pero mukhang 'di ko na rin yon magagawa apat na taon na ang lumipas pero mas lumala pa ang kalagayan ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga dahil baka magising ang mga katabi ko sa pag-iyak ko. Natigilan ako ng may isang bata pa palang gising na nandito. Dito kasi kami lahat natutulog pero minsan hindi kami dito natutulog. Kong saan na lang kami inabutan ng gabi doon na lamang. Pero dahil maaga kaming natapos kaya dito kami natulog.

"Bakit ka umiiyak?" Nasa kabilang dingding siya nitong hinihigaan namin. Siya yong batang lalaki na nakita ko kanina.

"Kasi nahihirapan na ako napakasama sa akin ng mundo." Hindi ko na napigilan pang mas umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka mapalakas ang pag-iyak ko at magising ang ibang nandito.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. "Ito oh," inabot nya sa akin ang panyo. Color white ito at halatang malinis talaga.

"Malinis yan kakalaba ko lang nyan kaninang umaga." Kinuha ko naman ang panyo. Napansin kong may mga sugat ang kamay nya.

"Ikaw napano ka? Hindi ba may kapatid ka na saan siya?"

"Nasa bahay siya pupuntahan ko rin siya maya-maya nag pahinga lang ako dito." Napansin ko rin yong sugat nya sa paa dahil wala siyang tsinelas.

"Okay ka lang ba?"

"Ayos lang ako." pero halata sa mukha nya na 'di siya okay.

"Ibalik mo na lang yang panyo kapag okay kana." Tumayo na siya at halatang hirap siya maglakad.

Tinignan ko yong panyo na binigay nya sa akin na ngayon ay madumi na. Ang dumi-dumi naman kasi ng mukha ko dahil sa pawis buong araw.

Binuksan ko yong panyo at may naka stitch dito na initial. Ibabalik ko na lang siguro to sa kanyang panyo kapag nakakita ako ng tubig na pwedeng pag labhan. Ayoko naman ibigay ito sa kanya na madungis.

Bumalik na ako sa pagkakahiga dahil baka 'di ako makagising ng maaga bukas. Lalo na tatlong daan ang sinabi ni boss Herbert na quota ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status