Share

Chapter 2

Magkakasama kami ngayong tatlo ulit ni Adrian and Tessa.

"Gusto nyo ba ng pagkain?" sa unahan kasi may nagbebenta ng mga street foods. Nandoon din si Tan-tan na nag bigay sa akin ng panyo kasama nya yong kapatid nya. Parang four or five years old lamang yong kapatid nya.

"Kakasya pa ba? Baka makagalitan lamang tayo." paano kasi 'di pa umaabot ng singkwenta ang kita namin ngayon. Tapos ibibili pa namin ng pagkain.

"Minsan lang naman kulang yong quota natin. Tsaka 'di pa tayo kumakain." sumunod na lang ako kay Tessa and Adrian.

"Hello." bati ko sa kanila ng kapatid nya ng makalapit kami. Marahan nya lang ako tinignan. Kumakain sila ng fishball ng kapatid nya at may kanin silang pinaghahatian.

"Oh," binigay sa akin ni Adrian yong limang pirasong fishball.

"Saan kayo nakabili ng kanin?" tanong ni Tessa kay Tan-tan. Hindi siya nag salita sa halip tinuro nya lamang kong saan siya bumili.

"Akin na yong sampung piso nyo." Inabot ko kay Adrian yong sampu ganon din si Tessa.

Umupo kami sa tabi ng puno na nandito sa gilid ng kalsada. Wala na rin si Tan-tan kong na saan sila kanina ng kapatid nya.

"Ito na." tatlong balot na kanin ang binili ni Adrian at ang ulam namin ay fishball.

"Wala ka bang raket ngayon?" tanong ni Tessa kay Adrian na halos mabulunan sa kakasubo ng pagkain. Mabuti na lang talaga bumili din ng tubig si Adrian.

Sabi ko nga palamig na lang sana na gulaman binili nya para mas mura. Kaso medyo malayo yong may pwesto dito ng ganon.

Pagkatapos naming kumain mabuti na lang umulan kaya nakapag hugas kami ng kamay.

"Hoy drian 'di mo sinagot tanong ko kanina." oo nga pala 'di nasagot ni Adrian kasi bumuhos na ang ulan at kinailangan namin mag hanap ng masisilungan.

"Wala kasi sila Jasper. Hindi ko nga rin alam kong na saan sila." Sila Jasper kasi kasama nya sa ibang raket nya.

"Pinuntahan ko siya don sa kanila pero wala pati si Ivan."

"Baka iniwan kana at na isipan nilang sila na lang muna."

"Hindi kasama ko pa sila nong tanghali pero nong hapon 'di ko na sila nakita pa. Ako na nga lang gumawa ng dapat namin gagawin kahapon dahil 'di ko sila nakita." Ano kayang nangyare sa kanila?

Ang tagal natapos ng ulan parang umabot ito ng dalawang oras bago huminto. Hindi naman din ganon kalakasan kaya 'di naman bumaha. Inabot na kami ng hapon bago naka alis sa pinasilungan namin.

"Kong tumakas na lang kaya tayo. Nakakatakot si Boss Herbert wala tayong kinita ngayon." halata sa boses ni Tessa ang takot.

Kahit ako medyo kinakabahan na dahil pagabi na tapos wala man lang kaming kinita. Ipinangbili kasi namin ng tsinelas yong natitirang kita namin.

"Hwag kayong mag-alala ako bahala."

"Salamat talaga Drian ah." ani ni Tessa. Tingin ko nga crush ni Tessa 'tong si Adrian eh.

Pumasok na kami sa loob ng abandonang gusali at habang papalapit kami palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko.

"Bakit kulang 'tong pera!" malayo pa lang kami dinig na namin yong sigaw ni Boss Herbert.

"Ayoko sa lahat yong kinukutungan ako!" Napakapit sa braso ko si Tessa at ramdam ko ang panginginig nya.

"Adrian nandito ka na pala. Sana naman 'di masama yang balita mo sa akin." bungad nito sa amin ng makita nya kami.

Inilapag ni Adrian yong dalawang libo. Hindi ko alam kong saan nya yon nakuha kasi apat na pirasong 500.

"Mukhang malaki 'to, ah." ngiting-ngitj Boss Herbert pagkakita nya palang.

"Kasama na po dyan yong kay Tessa at Anya." Sinulyapan kami ni Boss Herbert na parang 'di natuwa pero parang pinalampas nya lamang.

Nag sign na siya na pwede na kami umalis.

"Hoy Drian saan mo nakuha yong ganon kalaking pera?!"

"Kaya nga mag kasama naman tayong tatlo buong mag hapon pero wala naman tayong napaglimusan." hindi siya halos makatingin sa amin.

"May ginawa ka ba?"

"Alam kong ikakagalit nyo pero yon lang ang paraan." sagot nya sa amin at nagkatinginan kami ni Tessa.

"Nagnakaw ka?" mahinang sabi ni Tessa na ikina tango naman ni Adrian.

"Pasensya na ayaw ko lang maparusahan din kayo. Habang nasa canteen ako kanina nong bumibili ako ng kanin."

"Naiintindihan naman namin pero sa sunod 'wag mo na gawin yon. Hindi mo kami kailangan isipan pa. Baka mapahamak ka lang sa ginawa mo. Paano kong mahuli ka?"

"Saan mo dinala ang pera ko?!" natigilan kami sa lakas ng sigaw ni Boss Herbert at agad na napatakbo kong sino yong pinapagalitan nya.

Si Tan-tan 'yong pinapagalitan nya. Parang piniga yong puso ko sa nakita ko kong paano siya latiguhin at kong paano sila pinaghiwalay ng kapatid nya.

Pagkatapos namin mapanood ang ganong situation bumalik na kami kong saan kami natutulog kasama pa ng ibang bata.

"Nakakatakot pala talaga. Salamat Drian kasi ng dahil sayo 'di namin naranasan yon." marahan lang tumango si Adrian kay Tessa.

Nong gabing 'yon 'di ako nakatulog ng maayos at gusto ko puntahan si Tan-tan kaso nakakulong siya. Kinuha ko ang panyo na binigay nya sa akin mula sa bulsa ko. Hindi ko pa siya nalalabhan dahil wala namang tubig na pwede pag labhan nito.

May tubig dito na dinadala sa amin si Boss Herbert para pampaligo namin. Pero kulang na kulang 'yon sa dami namin na naliligo. Isang beses sa isang linggo kami makapagligo. Isang beses sa isang linggo lang kasi nagdadala ng tubig si Boss Herbert dito. Lahat kami dito homeless at wala ng mga magulang.

Nagising ako na may tinapay sa tabi ko. Dalawang piraso iyon wala na rin dito si Tessa and Adrian baka nasa labas na.

"Nakita nyo ba ang kapatid ko?" Si tan-tan hinahanap nya si tin-tin ang kapatid nya.

Narinig ko kaninang madaling araw na ibebenta ang kapatid nya. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos at narinig ko ang usapan nila Boss Herbert.

"Nakita mo ba si tin-tin?" huminto siya sa tapat ko. Inabot ko sa kanya yong isang tinapay na ko at halata na gutom na gutom siya.

"Alam mo ba kong na saan ang kapatid ko?" nagdalawang isip pa ako kong sasabihin ko ba sa kanya ang narinig ko. Pero kailangan nyang malaman yong totoo.

"Hindi eh, pero narinig ko na ibebenta siya." nabitawan nya yong tinapay na binigay ko sa kanya at agad na tumakbo.

"Anya dito ka pa rin pala. Kanina ka pa namin hinahanap tara na!" Hinila ako ni Tessa palabas.

Nasa labas na kami at mamalimos sana. Kasama din namin si Adrian ngayon sa tabi ng kalsada.

"Siya po yong lalake na nasa cctv na nagnakaw!" may mga pulis na papalapit sa amin.

"Drian!" Agad kaming napatakbo na tatlo.

"Hoy huminto kayo!"

Tumakbo lang kami ng tumakbo na 'di alam ang paroroonan.

"Pagod na ako," kaya huminto kami at nagtago na lamang sa basurahan na nandito.

Halos naririnig namin ang hininga ng bawat isa. Kahit na napakabaho nitong basurahan kailangan namin tiisin. Sumilip kami at tinignan kong naka sunod pa ba sa amin ang pulis na humahabol.

Lumabas na kami ng makitang umalis na ito. Nilinis muna namin ang damit namin dahil dumikit dito yong ibang basura. Yong ang baho ko na mas lalo pa ako bumaho.

Natigilan kami ng may humintong sasakyan sa harapan namin at lumabas ang mga naka bonet na mga lalaki. Pinilit kaming ipasok sa loob ng sasakyan.

Nang nasa loob na kami 'di kami halos makapanglaban nong tinakpan ng panyo ang ilong ko. Parang may amoy 'to na nakakapanghina at nawalan ako ng malay.

****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status