Share

Chapter Three

Eunice's pov.

 "Bes, you ready? They were waiting downstairs." 

  Bumuntong hininga ako. This is it Eunice, harapin mo na ang naging desisyon mo. Tumayo ako at tipid na ngumiti kay Trish. 

 "I'm ready, let's go." 

 Nandito kami ngayon sa bahay nila Tita Kim, nandito rin sila mom and dad. Pag-uusapan na ang tungkol sa nangyari kahapon at syempre, ang kasal na sinasabi nila. 

 Ngayon malalaman ang desisyon namin ni Travis. 

 Kung parehas kaming pumayag, ikakasal daw agad kami next week. Ayon ang sabi sa`kin ni Trish. Narinig daw niya kasing nag-uusap sila Tito Troy at Tita Kim.

 Grabe, agad agad ikakasal kami, matatali na ba talaga ako? Hindi ko na ba magagawa ang mga gusto ko? Ang pangarap ko? Magiging maybahay nalang ako? Sana naman kahit ikasal kami magawa ko pa rin ang mga gusto ko gawin, lalo na ang pangarap ko..

 Nang makababa kami ni Trish, dumiretso kami sa dinning area  kung saan naghihintay ang mga magulang namin. 

 "Oh they are here na. Maupo na kayo. Honey, nasaan na ba ang anak mo? Siya na lang ang kulang," Naupo ako sa tabi ni mom habang si Trish naupo sa tabi ni Tita Kim.

 "Ang batang 'yon, sinabi niya kanina pauwi na siya."

 "It's okay Troy. Baka busy lang si Travis kaya siya nahuli. Hindi naman tayo nagmamadali."

 "Kahit na pare, alam niyang mahalaga ang pag-uusapan natin. Hindi niya dapat tayo pinaghihintay. Hindi ba niya naisip na kadadating niyo lang galing America? Dumiretso agad kayo dito samin para mapag-usapan ang kasal nila ng unica hija mo. Hay! Tumitigas na ang ulo ni Travis." Naiiling na lamang si Tito Troy. Parang stress na stress na siya sa kanyang panganay. 

 Sabi ni Trish hindi raw umuwi kagabi si Travis. Siguro masama pa rin ang loob nito sa dad niya dahil sa sagutan nila kahapon at doon sa pinakita na picture.

 Ano kayang nangyari sa kanila ng girlfriend niya? Ano kaya ang desisyon niya? Baka hindi talaga sila nag hiwalay, baka kaya wala si Travis ngayon dahil ayaw niya ma— 

  Bumalik ako sa wisyo nang makita kong pumasok sa loob ng dinning area si Travis. He's here na. Ano kayang desisyon n'ya? 

 "I'm sorry, I'm late." Dire-diretso lang itong naupo sa kabilang dulo ng lamesa. 

 "Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa ’yo? Ang Tita Erin at Tito Ariel mo galing pa ng America, dito na agad dumiretso. Hindi pa sila nakakapagpahinga." Dahil sa sinabi ni Tito Troy, lumingon si Travis kila mom and dad. Pero bago `yun, nagtama muna ang mga tingin namin. Ako na ang umiwas ng tingin dahil iba 'yung tingin niya, sobrang lamig. Tipong mag-tataasan  ang mga balahibo mo. 

 "I'm so sorry Tito Ariel and Tita Erin, naparami ang inom ko kagabi kaya tinanghali po ako ng gising." Magalang na sabi nito kila mom. 

 "Okay lang hijo, ang mahalaga nandito ka na." Nakangiting sagot naman ni mommy.

 "Kumain na muna tayo para masimulan na ang importanteng pag-uusapan." Singit naman ni Tito Troy. Nagsi-tanguan naman sila dad bago kami nagsimulang kumain.

 Jeez, hindi ako makakain ng maayos. Kanina ko pa nararamdaman ang tingin ni Travis, nakakailang.. 

 "So, Travis, nakapagdesisyon ka na ‘ba?" Napahinto ako sa pagkain dahil sa biglaang tanong ni Tito Troy. Gosh, eto na. Mas lalong dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Lahat sila nakatingin kay Travis pero ako mas pinili kong tingnan ang kinakain ko. Ewan ko, ayaw ko siyang tingnan at kinakabahan ako sa magiging sagot niya. 

 "Yes, dad. Nakapag-desisyon na ako." 

 "So, what's your decision?" Oh God, eto na. 

 "Pakakasalan ko si Aaliyah." Malamig nitong sagot.

  Hindi ako makapaniwalang nag-angat ng tingin at bumaling sa kanya, Sigurado ba siya? Magpapakasal siya sa`kin? Pumapayag siya? Paano si Mayell? Anong nangyari sa kanila? Ang dami kong gusto itanong sa kanya pero pinili ko na lang sarilihin dahil wala naman akong karapatan na mag-tanong. Baka iba pa ang isipin niya. 

 "Good decision son, akala ko'y hindi ka susunod sa`kin. Ikaw naman hija?" Kinakabahan akong bumaling kay Tito Troy na ngayon ay malawak ang pagkakangiti sa`kin, kitang kita sa mga mata niya ang saya dahil sa naging desisyon ng anak. 

 "U-uhm.. ano po... u-uhmm.. pumapayag po ako, magpapakasal po ako kay Travis." Nauutal kong sagot sabay lingon kay mommy nang hawakan niya ang kamay ko at tumango ito sa akin. Jeez wala na, ikakasal na kami parehas kaming pumayag 'e. Hayyy.. 

 "Mabuti kung ganoon! Masaya ako na parehas kayo ng naging desisyon. So, pareng Ariel, next week na ang kasalan?" Masayang sambit ni tito. 

 "Oo pare, mas magandang maaga.”

  “Sa simbahan ba o sa huwes?” Tanong ni Tita Kim. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain dahil ayun lang naman ang hinihintay ng mga magulang namin. Sila na ang bahala sa lahat. Napatingin ako kay Trish nang sipain niya ang paa ko.

  Sa titig pa lang niya, alam ko na ang ibig sabihin no'n. Tinatanong niya kung okay ako. Tipid lang akong ngumiti at tumango tango. Alam kong nag-aalala siya sa`kin dahil sa ganitong set up namin ng kuya niya. 

 “Sa huwes na lang muna kung ayos lang sa inyo. Mas mabilis pag sa huwes sila magpapakasal. Para tayo tayo lang din ang makaalam ng kasalanan na ito. Ang importante makasal sila at may maipapakita sa board members na kasal na si Travis. Pag okay na ang lahat, pwede na magpakasal sa simbahan si Eunice at Travis. Doon tayo babawi, ibobongga natin ang kasalanan. Ayos lang ba sa inyo iyon pareng Ariel? Sa 'yo Erin? Sa inyo Travis?” Sunod-sunod na tanong ni tito. 

   Mas pabor ako na sa huwes lang kasi kami kami lang. Ang pangarap ko talagang kasal sa simbahan kasama ang lalaking mahal ko at mahal ako. 'E samin naman ni Travis ako lang 'yung nagmamahal. 

   “Okay lang sakin dad.” Tipid na sagot ni Travis.

   “Okay lang din samin pare.” Sagot naman ni Daddy

    “Ikaw hija?” Tipid akong ngumiti kay Tita Kim.

    “Okay lang din po sa`kin, tita.” Nahihiya kong sagot. 

   “Finally! Ang pinapangarap natin, Erin mangyayari na." Masayang sabi ni Tita Kim habang nakatingin kay mommy na abo't langit din ang ngiti sa labi. 

 “Mapapanatag na tayo.” Sagot naman ni Mommy. 

 Napabuntong hininga na lang ako at tinapos na ang kinakain. Hinayaan ko na sila mag-usap. Ayoko na makisali. Naging tahimik kaming tatlo nila Trish habang ang mga magulang namin ay masayang masaya na nag-uusap. 

****

 Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang kalangitan, napakaganda nito napaka-aliwalas at halatang maganda ang panahon ngayon. Nang umihip ang hangin ay napapikit ako at dinama ang malamig na hangin na lumalapat sa balat ko.

  Nasa ganoon akong ayos nang may biglang humigit sa`kin. 

   “Aay!” Napatili ako dahil sa gulat nang tingnan ko kung sino ang humila sa `kin ay nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa niya dito? anong kailangan sa akin ni Travis? 

 “Come with me, Aaliyah.” Malamig niyang sabi. okay, parang deja vu lang? Pero bakit ganoon? Nakakatakot siya magsalita, parang may nag-iba sa kanya.

  “Saan mo ba ako dadalhin?” Nagtataka kong tanong.

 "May pag-uusapan tayo."

  Malamig niyang sagot, ano naman kaya 'yon? Hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako dadalhin.

******

Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Marjorie Caimen
next plssss
goodnovel comment avatar
Michael Unabia
exciting n Ang part n itoh nkkatence
goodnovel comment avatar
Indira Bautista Lacson Palermo
bakit sa bahay Ng lalake mag uusapan diba dapat Doon sa babae?just saying...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status