“Do you Travis, take Eunice to be yours? And do you Eunice, take Travis to be yours? Do you both promise your hearts to be with each other? Will you walk hand and hand wherever life's journey takes you? Will you keep living, learning, loving, and growing together for the rest of your lives?”
“I do/ I do.” Parehas naming sagot ni Travis. Nakatitig kami sa isa't-isa pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya, parang wala lang talaga sa kaniya ang nangyayari. Sumasakay lang siya sa agos ng seremonyas na ito.
“And now for the rings, Travis, please place this ring on Eunice and repeat after me.” Sabi ng judge. Tumango naman si Travis.
Muli akong nag-angat ng tingin kay Travis habang kinukuha niya ang singsing at inulit ang sinabi ng judge.
“I give you this ring as a symbol of my love and vows, to cherish always and forever.” Dahan dahan niyang sinuot ang singsing sa aking daliri, kumirot ang puso ko dahil habang binibigkas niya ang bawat salita ay wala itong emosyon, at ang sakit isipin na walang katotohanan ang lahat ng sinabi niya. Puro peke..
Dahan dahan ko naman kinuha ang singsing at inulit ang sinabi ng judge.
Pinakatitigan kong maigi si Travis habang binabanggit ang bawat salita.
“I give you this ring as a symbol of my love and vows, to cherish always and forever.” Dahan dahan kong sinunot sa kanyang daliri ang singsing. Kung siya walang emosyon na binabanggit ang salitang ito, ako naman ay kabaliktaran. Sa bawat pagbigkas ko ng salita, totoo, galing sa puso, walang halong kasinunalingan at pag-papanggap.
Dati pinapangarap ko na makasal sa taong mahal na mahal ko, at kay Travis 'yon, Pero ngayon na nangyari na, imbis na maging masaya ako, kalungkutan ang bumalot sa`kin. Dahil saming dalawa ako lang ang nag-mamahal at siya ibang babae ang mahal.
Hindi ito ang pangarap kong kasal. Gusto ko mahal ako ng taong mahal ko. Kaso ano pa bang magagawa ko? For the sake of the company? Arranged marriage? Hayyy, uso pa pala talaga ang arrange marriage na 'to.
"By the power vested in me, I pronounce you husband and wife, please seal your love with a kiss." Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ako mapakali. Eto pa ang isang nakakakaba `e. Hahalikan niya ako? Saan, sa labi ba? Kasi kung sa labi...
Siya ang first kiss ko..
Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa`kin, pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang halik niya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at excitement? Ramdam ko na ang hininga niya, ayan na malap—
Mabilis akong napamulat at tumingin sa kanya. Hindi makapaniwala!
Nakatitig ito sa`kin habang may naglalarong ngisi sa kanyang mga labi.
Narinig ko ang palakpakan sa paligid pero hindi ko iyon pinansin.
“Disappointed?” Nakangisi nitong sabi. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Geez, assuming ako masyado. Akala ko naman hahalikan niya ako sa labi, sa noo lang pala. Hayy ang hirap talaga umasa! Nakakasakit ng damdamin. T*nga mo talaga, Eunice.
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko, Nag-taasan ang balahibo ko sa batok.
“You really look disappointed. Do you think hahalikan kita sa labi? Tsk, in your dreams Aaliyah. Hindi lalapat ang labi kong ito sa `yo dahil para lang ito sa babaeng mahal ko. Naiintindihan mo? Kaya `wag kang umasa dahil hindi mang-yayari `yon.” Akma akong haharap sa kanya para sana singhalan siya dahil ang kapal ng mukha niya, napakayabang! Kaso lumapit na samin ang pamilya namin para batiin kami.
“Congratulations hija! Welcome to the family!"Masaya akong niyakap ni Mommy Kim, niyakap ko rin ito pabalik. Kasal na ako, kasal na kami ni Travis.
“Thank you mommy.” Kumalas sa yakap si Mommy Kim at hinawakan ang pisnge ko.
“Ang saya-saya ko dahil parte ka na ng pamilya namin. Ikaw nang bahala kay Travis ha? Alam kong magiging mabuting asawa ka. Intindihin mo na lang siya minsan. Kung sasaktan o awayin ka niya, 'wag kang mahihiyang magsabi samin, kami nang bahal—”
“Mom, stop it.” Singit ni Travis sa sinasabi ng kanyang mommy, Nilingon naman siya nito.
“At ikaw Travis alagaan mo si Eunice. 'Wag na wag mo siyang sasaktan okay? Dahil malaman ko lang na saktan o lokohin mo siya, magagalit ako ng sobra sa`yo..” Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Mommy Kim. Nakakatuwa silang pagmasdan ni Travis, para siyang maamong tupa pag si Mommy Kim na ang kaharap pero kapag wala parang tigre na kulang na lang sakmalin ka.
“Don't worry mom, akong bahala kay Aaliyah.”
Napairap ako sa aking isipan. Kung alam lang ni Mommy Kim ang magiging sitwasyon namin ng anak niya baka sinisinghalan niya na ito. Hmm, mag sumbong kaya ako? Char! Ayoko ng gulo, mas okay na manahimik na lang ako.
“Good, aasahan ko `yan sinabi mo, anak.”
Lumapit naman si mom sa`kin.
"Congrats to the both of you baby. Maging mabuti kang asawa okay? H'wag mong pasasakitin ang ulo ni Travis." Ngumiti ako at tumango kay mommy. Gagawin ko ang best ko bilang asawa niya kahit na hindi niya ako mahal. Ipaparamdam at ipapakita ko sa kanya na deserved niya ako bilang asawa. Para kahit matapos ang isang taon na kasal wala akong pag-sisisihan sa huli. Ginawa ko pa rin ang part ko bilang asawa niya.
“Yes mommy.” .
"Oh siya, tama na 'yan. Pumunta na tayo sa restaurant na pinareserve ko, baka nagugutom na ang bagong kasal.” Biglang singit ni mommy Kim.
"Oo nga, let's go!" Masayang segunda naman ni mommy.
Nauna na silang naglakad lahat palabas habang ako, biglang hinila ni Trish. Napalingon pa samin si Travis bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Gosh, alam mo bes sobra akong hindi mapakali kanina! Akala ko nga aatras ka na 'e." Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Akala ko naman kung ano na `e.
"Told you, wala nang atrasan 'to."
"Yeah right, kasal ka na 'e. Pero congrats bes, alam kong mahirap sa `yo ang desisyon na 'to at alam ko rin na mahal na mahal mo si kuya. Ang swerte ng mokong na `yan sa`yo, mahal na mahal mo siya mula noon hanggang ngayon. Tsk bakit kasi nakilala pa niya si Mayell? Sana ikaw na lang 'no? Para sana happy!"
“Sana nga, pero malay mo naman `di ba? Gagawin ko ang lahat para kay Travis. Sana lang makita niya 'yun,"
"At sana mahalin ka rin nya! Kalimutan na niya ang babaeng manloloko na 'yon." May sasabihin pa sana ako kay Trish nang sabay kaming napalingon sa pinto, sumilip doon si Travis. Salubong ang kilay nito.
“Are you two finished? Let's go! They're waiting.” Tamad niyang sabi.
"Eto na! Let's go bes!" Hinila na ako ni Trish, naglakad na kami at nilagpasan si Travis na nakatingin lang naman samin.
Mabilis kaming naglakad. Nakita agad namin sila mom, sasakay na sana ako sa kotse nang pigilan ako ni mommy.
"Anak, doon ka sa kotse ng asawa mo sumakay okay? Mauuna na kami, ingat kayo." Napamaang na lang ako nang isarado ni mommy ang pinto ng kotse at hinila naman ni Mommy Kim si Trish na ngayon ay nakabusangot ang mukha dahil hindi kami sabay na makakapunta sa restaurant.
Naiwan akong tulala nang humarurot ang dalawang kotse. Grabe! Iniwan talaga nila ako?
“What? Tatayo ka na lang ba d'yan?" Nabalik ako sa ulirat at napalingon kung nasaan ang asawa ko. Nakatayo na ito sa harap ng kanyang kotse hindi kalayuan sa akin.
Mabilis naman akong humakbang patungo sa kinaroroonan nito, binuksan ko agad ang shotgun seat at pumasok sa loob. Mahirap na baka iwan pa niya ako.
Sumakay na rin ito at pinaharurot ang kotse..
******
Fast forward. Kinagabihan.. Pagod akong bumaba ng kotse ni Travis, hindi ko akalain na aabutin na kami ng gabi. Sila mom at Mommy Kim kasi ang daming pinag-usapan. Tapos sinabayan pa ng pag-inom. Well, kami ni Trish nagwine lang habang ang parents namin at si Travis hard drinks. Tumingin ako sa kabababa lang na si Trish galing sa kabilang kotse. Naglakad ito patungo sakin. "Bes! Congrats ulit. Mauuna na ako ah? Sobra talaga pagod ko 'e. Good night! Love you, mhuaaa!" Matapos makipagbeso beso, naglakad na siya papasok ng bahay. Ang parents ko nandoon na sa bahay. Magpapahinga na raw sila at bukas pupunta sila sa company. Naglakad na rin ako papasok sa loob. Sinilip ko muna si Travis, kausap niya ang parents niya. Kibit-balikat akong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina, nauuhaw a
I woke up with the sun shining brightly on my face. I smiled and got up. Nag-unat ako, ahhhh! Ang sarap ng tulog ko ah? Kahit nasa ibang kwarto ako at kahit na naging pangit ang gabi ko. Oh, naalala ko nilipat ko nga pala dito sa paanan ng kama ang hinihigaan ko. Baka kasi daan daanan ako ng mahal na hari, baka maapakan pa ako. Lumingon agad ako sa kama para tingnan kung nandoon pa ang asawa ko. Nandoon pa ito at masarap na natutulog. Tiningnan ko ang oras at mag-aalasyete na ng umaga. Bakit hindi pa siya gumigising para mag-asikaso pumasok? Alas otso dapat nasa opisina na siya. Gusto ko siya gisingin kaso baka magalit na naman siya, hays. Hayaan na nga, baka pagod at inaantok pa kaya hindi pa gumigising. Tumayo na ako at dumeretso sa CR para maghilamos. Habang nagtotoothbrush ay may biglang pumasok sa isip ko. Alam ko ngayon pa lang nagluluto ng almusal ang mga katulong, tutulun
"Son hindi si manang ang gumawa ng almusal mo ngayon. Your wife cooked all of that." Nakangiting saad ni Daddy Troy. Napatigil naman sa pagkain si Travis at hindi makapaniwalang tumingin siya sakin, "You cooked all of this?" Tinuro niya ang bacon, omelette at toasted bread na nasa harap niya. "Yes, tinulungan ko sila manang magprepare ng almusal. Maaga kasi ako nagising." Nahihiyang sabi ko. Tumango tango ito. "Masarap. Buti na lang pala hindi ako pumasok ngayon, natikman ko ang luto mo. Thank you baby." Napatigil ako sa pagkuha ng omelette nang halikan niya ako sa noo, oh gosh! Ang ganda ba ng gising niya kaya siya ganito? Ang sweet at lambing niya sakin ngayon. "Honey ang ganda nila pagmasdan ano? Napakasweet." Kinikilig na sabi ni Mommy Kim. Nag-init ang pisnge ko dahil lahat sila nanonood samin. "Nakakatuwa ngang pagmasdan
"D*mn it! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Aaliyah? H'wag na h'wag mong pakikialaman ang gamit ko! Hindi ka ba makaintindi?!" Napapikit na lamang si Eunice nang sigawan na naman siya ng asawa. "Sorry, nakakalat kasi kaya inayos ko na." Salubong ang kilay na binalingan ni Travis ng tingin ang asawa. "Kahit nakakalat pa 'yan o ano, basta pag sinabi kong h'wag mong galawin, h'wag mong galawin! Mahirap bang intindihin 'yon Aaliyah? Hindi ka naman siguro bobo o tanga 'di ba? Nakapag-aral ka naman! Bwiset! Lumabas ka nga ng kwarto! Naiirita ako sa'yo! Baka ano pang magawa ko!" Umiiyak na lumabas ng kwarto si Eunice. Dalawang buwan na ang nakakalipas, araw-araw na ganito ang nangyayari sa kanila. Noong dalawang linggo pa lang silang kasal ni Travis ay malambing pa ito dahil nga nandito pa ang mga parents nila. Kaso nang umalis na ang mga ito dahil kailangan nang bumalik sa ibang bansa, nagi
Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti. "Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita." "Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao. Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga. "Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya p
Iuurong na sana niya ang upuan para maupo nang biglang dumagundong ang nakakatakot na boses ni Travis galing sa kusina. "AALIYAH!" Halos atakihin siya sa puso nang sumigaw ito. Umusbong ang kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang kinagalit ng asawa? Agad siyang nagtungo sa kusina. Naabutan niya ito na nakaharap sa lababo. Nang maramdaman ang presensya niya, dahan dahan itong lumingon sa kanya na salubong na salubong ang kilay, kitang kita na galit ito! Mas lalong kumabog ang dibdib ni Eunice nang makita ang nakakatakot na itsura ng asawa. "Who is the fcking owner of this fcking t-shirt Aaliyah!?" Dinuro duro pa ito ni Travis. Kitang kita ang mga ugat nito sa leeg at noo sa sobrang galit. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Eunice. Bakit niya nakalimutan na may asawa nga pala siyang ganito ang ugali? Bakit nakalimutan ni
Kinabukasan.. Busy si Eunice sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila kaninang umaga. Nakapagluto na rin siya ng lunch niya. Pinupunasan niya ang kutsara nang may bigla na lang may nagsisisigaw galing sa sala. Nabitawan tuloy niya ang kutsarang pinupunasan dahil sa gulat. "Bes! Where are you!? Come here! Besss!" Si Trish ang maingay. Napaisip tuloy si Aaliyah, 'Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito ng ganitong oras? Dapat nasa company ito ah?' Dinampot niya ang kutsarang nahulog at nilagay muli sa lababo. Muli na naman niyang narinig ang matinis na boses nito. "Aaliyah Eunice Mendoza-Dela Cerna! Yuhooooooo," Napailing na lang siya at naglakad na palabas ng kusina. Malakas ang loob nito magsisisigaw dahil wala ang kuya niya dito. Muli na naman sana itong sisigaw nang makita na siyang kakalabas lang
Magsasalita sana siya kaso naunahan siya ni Travis. "Good, buti naka-ayos ka na. Akala ko nasa taas ka pa at nag-aayos kaya bumaba ako ng kotse. Sakto din pala sa'yo ang binili kong gown, bumagay sa'yo.. mukha ka nang tao. Hindi ako mapapahiya sa party." Hayy, akala pa naman niya... wala talaga siyang aasahan sa lalaki. "Let's go, baka matraffic tayo." Tumalikod na ito at naunang maglakad papunta sa kotse. Napanguso na lang siya, hindi man lang talaga maging gentleman kahit ngayon man lang! Tsk. Naunang pumasok ito sa kotse. Napailing na lang siya at sumunod na pumasok sa kotse. Habang nasa biyahe, tahimik lang sila. Siya ay pinili na lang na tumingin sa labas. Maya-maya pa'y tumikhim si Travis. Napalingon siya dito. "Nakalimutan kong sabihin, umayos ka mamaya sa party. Ipapakilala