Aaliyah Matapos kumain, nag-pahinga lang kami saglit, bago nagpalit ng damit pang-ligo. Inuna ko munang bihisan si Trisha na excited na excited ng bumaba. Sinunod ko naman si Trevor na tuwang tuwa din sa kanyang salbabida na binili ni Travis sa baba. Nang masiguro kong ok na ang mga bata, ako naman ang sumunod na nag-bihis. Isang bikini na kulay pula ang sinuot ko, tapos ay pinatungan ko iyon ng isang white maxi summer dress with slit. Hinayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok. Nang makuntento sa ayos ng aking suot ay lumabas na ako ng banyo. Saktong ako na lang pala ang hinihintay ng lahat. Napangiti ako ng makita ang ayos ng asawa ko. Parehas kami ng kulay ng damit. Ang sa kanya naman ay isang floral hawaiian summer polo shirt na naka bukas at may panloob na sandong puti tapos ay isang board short na navy blue ang kulay. Napaka-gwapo talaga ng asawa ko. "Okay na ba ang lahat? let's go! saktong sakto ang baba natin." Excited na yaya sa amin ni Trisha. Kinuha nit
KINABUKASAN Nagising ako dahil may naririnig akong nagsusuka, nakapikit ang isang mata ng kapain ko sa center table ang phone ko para icheck ang oras, 5:18am palang. Ang aga-aga pa. Dahan-dahan akong bumangon at pinakinggan kung tama ba ang naririnig kong may nag-susuka. Nang masigurado kong may tao nga sa banyo ay bumaba ako sa kama at sinilip ang bawat higaan kung sino ang kulang. Nangunot ang noo ko, nang makitang walang katabi si Jacob, Sobrang sarap ng tulog nito na hindi niya alam na wala na siyang katabi. So, means si Trisha ang nasa loob at nag-susuka? Muli kong pinasadahan ng tingin ang higaan, malalalim pa rin ang tulog nila. Mukhang pagod na pagod sa bihaye kahapon at sa pag-langoy tapos sinabayan pa ng uminom kami kagabi. Dalawang beer lang naman ang aking ininom. Sila ay medyo nakarami din pero hindi naman mga lasing o may tama. Sakto lang para pampatulog talaga. Pagkatapos ko pasadahan ng tingin ang lahat ay dahan dahan na akong nag-lakad patungo sa ba
Aaliyah Nakarating kami sa hospital at agad na dinala sa ER si Trisha para icheck kung anong lagay nito. Habang kami nag-hihintay lang sa labas. Hindi mapakali si Jacob, palakad lakad ito, pabalik balik. “Hey, Ja. Can you please, sitdown? Nahihilo ako sa'yo. Don't worry too much. Sigurado ok na si Bes.” Sabi ko ng hindi na matiis ang pagpapabalik-balik niya. Nilingon naman niya ako. “How can I calm down, Ali? my wife is inside and I don't know the reason why she fainted, then you still don't want to tell us what really happened.” Halata sa boses nito ang pagkairita, naiintindihan ko naman. Bumuntong hininga ako bago siya tinitigan ng deretso sa mga mata. “I understand that you're worried, but I don't want to say my suspicions right away. Maybe I'm wrong and giving more problems. I want to make sure first and I really want the truth to come from the doctor or Bes. I'm sorry. You will understand me later. I don’t want to rush right now; there’s still no certainty.” Sery
** “Love, the doctor said you were pregnant. We will have a baby, we will have the family we want. Binigyan na tayo ng anghel na ninanais natin. Thank you, Love. Sobrang saya ko.” Emosyonal na sambit ni Jacob, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Samantalang si Bes, naman ay natulala. Hanggang sa unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. At hindi makapaniwalang tumingin sa amin. “T-talaga? Buntis nga ako? Totoo 'yong hinala natin, Bes?" mabilis naman akong tumango habang may ngiti sa labi. At doon, napahagulgol na nga siya ng iyak. Niyakap naman siya ni Jacob. “Oh my gosh..'yung dating pinapangarap ko lang, binigay na ni lord. Magiging isang ganap na kaming pamilya soon." “Yes, love. Matutupad na ang pangarap natin.” Hinayaan muna namin sila saglit sa ganoong tagpo, umiiyak pa rin si Bes, iba talaga ang hormones ng buntis. “That's enough, Bes. Hindi pwede sa buntis ang ganyan, makaka-apekto sa baby. Hanggang maari dapat iwas sa stress okay?” Sunod sunod
TRAVIS A married life doesn't easy, dahil doon palang papasok sa pagsasama niyo ang mga pag-subok sa inyong buhay. Ang dami naming pinag-daanan ni Aaliyah, simula sa umpisa hanggang sa nagsama na kami at bumuo ng isang pamilya. Akala ko talaga tuluyan na akong iiwan ni Aaliyah, Akala ko masisira na ang pamilyang binuo ko. Salamat dahil may asawa akong maunawain at maintindihin. Nag-papasalamat talaga ako na pinilit ng mga magulang namin na ikasal kami ni Aaliyah, kasi siya pala ang babaeng bubuo sa akin, ang babaeng mamahalin ako sa kung ano ako, Ang babaeng mahal pa rin ako kahit nasaktan kona ng ilang beses, Ang babaeng pinaiyak ko pero tinanggap pa rin ako ng taos puso. Ang babaeng nagparanas sa akin ng totoong pagmamahal at pinaramdam sa akin ang totoong kasiyahan. She’s the right girl for me and to love her is very worth it. I never regret that she is the woman I loved and will be with until my old age. Sobrang proud ako dahil si Aaliyah ang asawa ko at duma
Aaliyah Eunice (Present) "Bes, anong resulta, positive ba?" Tanong ni Trisha habang nakatingin sa ’kin, nanginginig na inilahad ko sa kanya ang pregnancy test, mabilis naman niyang kinuha sa kamay ko ang PT at tinignan iyon. Napasinghap ito ng makita ang resulta. "Oh my god!" Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng bestfriend ko. Napapikit na lamang ako at napahawak sa aking mukha. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako, paano ko sasabihin kay Travis 'to? "Trish, anong gagawin ko? Natatakot akong sabihin sa kuya mo ang pag bubuntis ko, baka hindi niya ako paniwalaan! Alam mo naman ang sitwasyon namin ‘di ba? Alam mong pinakasalan lang ako ng kuya mo para sa kompanya n’ya. At hindi naman ako ang tunay niyang mahal. Wala lang ako sa kuya mo. kaya paano 'to?." Hindi ko maiwasan na hindi ma-iyak, naramdaman ko naman ang pag-yakap niya sa akin. "Shhhh..stop crying Bes, mag-iisip tayo ng paraan ok? Magiging ok din ang lahat." Pang-aalo niya sa akin. Tumigil naman ako
Aaliyah Eunice's pov "Aah! Ang sarap talaga ng pineapple juice na gawa ni Manang!" Masaya kong sambit habang binababa ang baso na ininuman ko. Sana dinamihan ni manang ang ginawa niyang juice, para na-iakyat ko sa taas mamaya para may naiinom ako habang nag-iisip ng mga design na gagawin ko. Kinuha ko ang basong pinag-inuman at nilagay sa lababo para hugasan. Nakasanayan ko na ang ganitong routine, hindi ko na inaasa sa mga katulong namin ang kakaunting hugasin, bait ko 'no? Wala 'e, Si manang kasi pinalaki akong marunong sa lahat ng gawaing bahay. Dapat kahit mayaman kami, may alam pa rin ako sa mga gawain, kasi babae raw ako. Maganda raw kasi sa isang babae ang may alam sa mga ganitong klaseng bagay. Lalo na kapag nag-asawa para maasikaso ko raw ang magiging asawa ko. So, balang araw, ang mahal kong si Travis ang lulutuan ko ng mga paborito niyang pagkain, Dahil siya ang magiging asawa ko! Tapos ako ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin habang siya tinutulungan ako. Magigi
Lahat kami nakatingin pa rin sa papalayong si Travis. Kahit na nasaktan ako sa mga sinabi niya kanina, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala para dito. Ako nga na minamahal siya ng patago nasaktan sa mga sinabi niya, paano pa kaya siya na niloko ng girlfriend niya? Mahal na mahal pa man din n'ya. Doble o triple ang sakit no`n. Nabaling ang aming atensyon nang magsalita si tita. "Honey, bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo ba nakitang nasaktan ang anak mo?" "Mas okay na malaman na niya ang katotohanan honey, na niloloko lang siya ng babaeng kinababaliwan niya. Tama lang talaga na ipakasal natin siya kay Eunice, sigurado tayong magiging maayos si Travis. Mabait, maganda, masipag at matalino ang mapapangasawa niya. Darating din ang araw na matututunan nilang mahalin ang isa't-isa lalo na kung mag-kakasama sila sa iisang bahay. Tama ba ako hija?" Napaayos ako ng upo nang bumaling sa`kin si tito. God, totoo ba 'to? Ikakasal talaga kami ni Travis? Parang kanina lang pinap