Lahat kami nakatingin pa rin sa papalayong si Travis. Kahit na nasaktan ako sa mga sinabi niya kanina, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala para dito. Ako nga na minamahal siya ng patago nasaktan sa mga sinabi niya, paano pa kaya siya na niloko ng girlfriend niya? Mahal na mahal pa man din n'ya. Doble o triple ang sakit no`n.
Nabaling ang aming atensyon nang magsalita si tita.
"Honey, bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo ba nakitang nasaktan ang anak mo?"
"Mas okay na malaman na niya ang katotohanan honey, na niloloko lang siya ng babaeng kinababaliwan niya. Tama lang talaga na ipakasal natin siya kay Eunice, sigurado tayong magiging maayos si Travis. Mabait, maganda, masipag at matalino ang mapapangasawa niya. Darating din ang araw na matututunan nilang mahalin ang isa't-isa lalo na kung mag-kakasama sila sa iisang bahay. Tama ba ako hija?"
Napaayos ako ng upo nang bumaling sa`kin si tito. God, totoo ba 'to? Ikakasal talaga kami ni Travis? Parang kanina lang pinapangarap ko na makasal sa taong matagal ko nang mahal. Kaso lahat 'yun naglaho na parang bula dahil sa rebelasyon ngayon.
Hindi ko na alam. Masyadong magulo at nalilito pa ako.
"A-Ah tito kasi ano po—"
"Kung si Travis ang iniisip mo hija, kami nang bahala." Napalingon naman ako kay Tita Kim nang hawakan nito ang kamay ko.
"Hija, kung ikaw ba ang tatanungin, papayag kang makasal sa anak namin?"
'Oo naman po' sagot ko sa aking isip. Kung hindi ko narinig ang mga sinabi ni Travis at ni tito baka ito agad ang isagot ko kay Tita Kim. Kaso nga narinig ko kaya ayoko na. Iba ang mahal ni Travis, hindi niya ako mahal at may kaunting hinanakit ako kila mommy at daddy dahil hindi man lang nila ako kinausap about dito. Wala akong kaalam alam sa nang-yayari.
Tipid akong ngumiti kay Tita Kim, akma akong sasagot nang magsalita naman si tito.
"Hija please? Alam namin na gulong gulo ka sa nangyayari pero sana tulungan mo kami. Ayoko mawala ang pinaghirapan namin ni Ariel lalo na ni Travis. Marami ang gustong umagaw sa pagiging CEO ni Travis, marami silang nakikitang butas para mapaalis siya sa pwesto niya. Kaya nag-usap kami ni Ariel na ituloy na ang pagpapakasal niyo. Gusto rin ng mommy mo na makasal ka kay Travis, mapapanatag daw ang loob nila kung sa kanya ka makakasal. Kaya sana hija pumayag ka, masaya kami at buong puso kang tatanggapin sa pamilya namin."
Oh god, hindi ko na alam. Kailangan ko munang makapag-isip. bumaling ako ng tingin kay Trish, wari'y humihingi ng tulong.
Agad naman niyang nakuha ang nais kong iparating.
"Dad, mom, hayaan na muna siguro nating makapag-isip si bes kasi hindi biro 'yung mga revelation ngayon. Bukas naman nandito na sila tita, bukas natin malalaman ang sagot ni bes. Sa ngayon po iuuwi ko muna siya. okay lang po ba?"
Thanks bes, buti nalang naintindihan mo ako. Kailangan ko munang makapag isip at lumanghap ng sariwang hangin. Feeling ko ang sikip sikip ng garden ni Tita, parang walang hangin kahit open space. Kailangan ko munang lumayo sa bahay na ito.
"Alright, tama si Trisha. Sige na hija, pasensya ka na sa mga nangyari."
"Okay lang po tito, uuwi na po muna ako."
Tumango lang sila tita. Sabay naman kaming tumayo ni Trisha, Yumuko pa ako ng bahagya bilang paalam kela tita bago kami naglakad ni bes.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang maisip ang mga nangyari at mga sinabi nila tito.
Papayag ba ako?
Pero kailangan nila ng tulong. Mabait si Tita Kim at Tito Troy, hindi nila ako pinakitaan ng masama. Mula noon tinuring na rin nila akong tunay nilang anak. Madami na rin silang nagawang mabuti sa` kin. At mahal ko naman si Travis. Siguro tama si tito, pag magkasama kami sa iisang bahay matututunan akong mahalin ni Travis. Pero paano si Mayell? Makakamove-on ba agad si Travis? 'E mahal na mahal niya `yung girlfriend n'ya. Baka nga magkaayos pa sila.
Hays ano ba Eunice? Magpapakasal ka ba o hindi?
"Hey, are you okay? Kanina pa kita tinatanong bes, ang lalim ng iniisp mo." Nabalik ako sa wisyo nang kalabitin ako ni Trish.
"Ha? Ah sorry, iniisip ko lang kung magpapakasal ba ako sa kuya mo o hindi."
"Hay, alam kong nahihirapan ka bes pero kung ano 'yung mas nangingibabaw sa `yo na desisyon, ayun ang sundin mo. Kung magpapakasal ka kay kuya, susuportahan kita. Kung ayaw mo naman, susuportahan pa rin kita. Nandito lang ako bes okay?" Napangiti naman ako. Maaasahan ko talaga ang bestfriend ko.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang phone ni Trish. Tumigil kami sa paglalakad at kinuha niya sa bulsa ng short ang phone.
Napatingin ito sa 'kin.
"It's Tita Erin." Sinagot niya agad ang tawag. Nakatingin lang naman ako sa kanya.
"Hello po, tita? Yes tita, she's with me, okay po. Wait tita," Bumaling siya sa akin at nilahad ang phone niya, "Gusto ka raw makausap ni tita, bes. Hindi mo raw kasi sinasagot ang tawag niya." Oo nga pala nasa kwarto ko ang phone ko. Dahan dahan ko na lang kinuha ang phone ni Trish.
"Hello mom? Yes po, opo, nandito po. Alam ko na po. Opo sige po...." Pinapakinggan ko lang ang lahat ng sinabi ni mommy. Nang masabi na niya lahat ng gusto niya sabihin ay binaba ko na ang tawag. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago binalik ang phone kay Trish.
"Bes, are you okay? Anong sinabi ni tita?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at isang tipid na ngiti ang pumaskil sa aking labi.
“Nakapagdesisyon na ako Trish.....
Magpapakasal ako kay Travis..."
******
TRAVIS' pov.
Kuyom ang aking kamao habang tinatahak ang daan papunta sa unit ni Mayell. Hindi maalis sa isip ko ang mga litrato na pinakita ni dad, lalo na ang video.
D*mn it Mayell! You need to explain everything!
Nang makarating ako sa harap ng unit niya, nanginginig kong pinindot ang doorbell. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto.
Tumambad sa 'kin ang babaeng mahal ko, gulat na gulat ang reaksyon niya ng makita ako.
"H-Hon! W-What are you doing here?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong niya sa `kin. Halatang hindi niya inaasahan na makikita niya ako ngayon dito.
Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Mukhang may lakad siya dahil ayos na ayos siya. Pwes kung saan ka man pupunta, hindi na matutuloy Mikaela Mayell.
"We need to talk Mayell." Seryosong sambit ko. Kitang kita ko ang pag-iiba niya ng reaskyon, kinakabahan. May tinatago ka nga talaga sa`kin.
"Ha? About what hon?" Hindi na ako sumagot. Basta nalang ako pumasok sa loob kahit walang paanyaya niya at naupo sa single sofa, sinenyasan ko siyang maupo din. Naupo naman siya sa kabilang sofa.
"What are we going to talk about hon?"
Huminga ako ng malalim, kinalma ko ang sarili bago tumingin ng seryoso sa kanya.
"Do you love me Mikaela Mayell?" Nagulat naman siya sa tanong ko, pero kalaunan ay natawa ng mahina bago sinagot ang tanong ko.
"What kind of question is that hon? Of course, I love you." D*mn Mayell! Hanggang kailan mo ako lolokohin? Hanggang kailan ka magpapanggap?
Akma akong magsasalita nang sabay kaming napatingin sa cellphone niya na nasa center table ng tumunog iyon. May tumatawag. Ang lalaki ba niya ang tumatawag? Huh! That assh*le.
Nagmamadali niyang kinuha ang phone at pinatay ang tawag. Kitang kita ko ang pagkabalisa niya at pagkataranta.
"Sino ang tumawag? Bakit hindi mo sinagot? Baka importante." Seryoso at nagtitimpi kong tanong.
"H-Ha ano.. si manager. Mamaya na lang tatawagan ko siya, nag-uusap pa tayo 'e." Napangisi na lamang ako at nailing. Dati kahit nag-uusap kami kahit magkasama sasagutin niya agad ang tawag kapag manager niya. Pero ngayon? Halatang may tinatago nga siya, at isa pa, kitang kita ko ang pilit niyang ngiti. Kabisado ko kung peke ang ngiti niya o totoo. Ganoon ko siya kamahal at kilala.
Muli na namang tumunog ang cellphone niya. Natataranta niyang pinatay ito muli. Dahil naiinis na ako, nilahad ko ang kamay ko.
"Give me your phone. Ako ang kakausap sa manager mo." Seryoso kong sabi. Para naman akong natulos sa aking kinauupuan, hindi ko alam kung anong irereact ko nang makita kong simple niyang in-off ang phone niya at nilagay sa likod niya.
D*mn! You really made me look stupid, Mayell..
"H-Hon, okay lang ako nang ba—"
"I said give me your godd*mn phone! Bakit ayaw mo ibigay!? May tinatago ka ba sa`kin!?" Hindi ko na napigilang sumigaw. Punong puno na ako! Takot ang naging reaksyon niya nang sumigaw ako. Simula nang naging kami, ngayon ko lang siya napagtaasan ng boses. Maingat ako pagdating sa kanya.
"W-What's wrong hon? Bakit nagkakaganyan ka? Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" Umiwas ako ng tingin nang makita kong tumulo ang mga luha niya. Mahina ako kapag nakikita ko siyang ganito. Isa ito sa kahinaan ko.
Bumuntong hininga ako, Itatanong ko na ang kanina ko pang gusto itanong sa kanya.
"Do you have another man?" Sa pagkakataong ito tumingin na ako ng deretso sa kanya. Lahat ng pagtitimpi ko kumawala na.
Napamaang siya dahil sa tanong ko. Kitang kita ko ang pagbabago ng kulay ng mukha niya.
"W-What are you t—"
"Tinatanong kita Mikaela Mayell, sagutin mo ang tanong ko! Do you have another man!?"
"Wala! Ano ba ang sinas—"
"B*llsh*t! Stop the act Mikaela! I know the goddamn truth!" At doon napatigil siya, hindi makapaniwla na may alam ako.
"Why Mayell? Why did you fool me? Am I not good enough!? Ano pa ba Mayell?! Saan ako nagkulang sa`yo?! D*mn it!" Napahilamos ako ng aking mukha dahil sa sobrang frustration.
"I'm s-sorry tr—" Masama ko siyang tiningnan.
"Who is your man!?" Galit kong tanong, "Sino ang lalaki mo Mayell!? Sino!?"
Imbes na sagutin niya ako ay umiwas lang ito ng tingin. D*mn!
"I'm asking you! Who is your fcking man!? What's his name!?" Muli kong tanong pero imbes na magsalita ay bigla siyang tumayo at hinawakan ang mga kamay ko habang umiiyak.
"Calm down Travis, please let me explain fir—"
"No need. Ang gawin mo, iwan mo siya Mayell, iwan mo ang lalaki mo and I will forgive you, I will forget everything, just leave him." Stupido na kung stupido pero mahal ko talaga siya! Even though she cheated on me, I will accept her.
Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang binitiwan niya ang kamay ko at umiling iling.
"I'm so sorry Travis, I'm so sorry but I can't leave him. I love you but.. I love him more. Mas mahal ko siya dahil naiintindihan niya ako. Hindi niya ako sinasakal, ibang iba siya sa 'yo. Sorry Travis pero itigil na natin 'to. Sorry kung niloko kita, pero masaya ako na naging bahagi ka ng buhay ko. Sana maintindihan mo ako, thank you for everything. Goodbye Travis." Matapos niya masabi ang mga katagang 'yon, umalis na siya sa harap ko at lumabas. Naiwan akong wasak na wasak. Mas pinili niya ang lalaki niya kaysa sa 'kin! T*ng ina ganon ganon na lang? Ayon na `yon?!
"B*llsh*t!" Bakit Mayell? Sobra kitang minahal! Pinaglalaban pa kita sa pamilya ko! Sobra na ba talaga ako!? Nakakasakal na ba talaga ako?”
Bakit hindi mo sinabi sa `kin na nasasakal ka na? Sana sinabi mo sa akin ang lahat ng ayaw mo para nabago ko! Hindi 'yung ganitong naghanap ka ng iba at iniwan ako!
Ganoon na lang kadali sayong iwan ako, lokohin ako. Sinayang mo ang apa't na taon, t*ngina! Wala na! Wala na ang babaeng minahal ko ng apa't na taon! Iniwan na ako! Iniwan ako para sa ibang lalaki! Fck!
****
Eunice's pov. "Bes, you ready? They were waiting downstairs." Bumuntong hininga ako. This is it Eunice, harapin mo na ang naging desisyon mo. Tumayo ako at tipid na ngumiti kay Trish. "I'm ready, let's go." Nandito kami ngayon sa bahay nila Tita Kim, nandito rin sila mom and dad. Pag-uusapan na ang tungkol sa nangyari kahapon at syempre, ang kasal na sinasabi nila. Ngayon malalaman ang desisyon namin ni Travis. Kung parehas kaming pumayag, ikakasal daw agad kami next week. Ayon ang sabi sa`kin ni Trish. Narinig daw niya kasing nag-uusap sila Tito Troy at Tita Kim. Grabe, agad agad ikakasal kami, matatali na ba talaga ako? Hindi ko na ba magagawa ang mga gusto ko? Ang pangarap ko? Magiging maybahay nalang ako? Sana naman kahit ikasal kami magawa ko pa rin ang mga gusto ko gawin, lalo na ang pangarap ko.. Nang makababa kami ni Trish, dumiretso kami sa dinning area kung saan naghihintay ang mga magulang namin. "Oh they are here na. Maupo na kayo. Honey, nasaan na
Tumigil kami sa isang pinto malapit sa maid quarters. Anong gagawin namin dito? May kinuha ito sa bulsa niya.. Susi? Bigla naman akong kinabahan! Oh no, h'wag niyang sabihin.. oh geez, Eunice ang isip mo na naman! Pero bakit kasi dito? Bakit may kwarto pa? Kahit sabihing ikakasal na kami ayoko pa gawin ang bagay na 'yon! Nang mabuksan na niya ang pinto, hinatak na niya ako papasok sa loob at binitiwan. Napapikit ako ng mariin dahil sa takot. Geez ano bang gagawin namin dito? “What are you doing? Para kang t*nga.” Huh? Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, bumungad sa`kin ang mukha niya, Nakakunot noo ito. Pero sandali, anong sabi niya? Ako, t*nga? Bubungangaan ko sana siya kaso mabilis na niya akong tinalikuran, bastos! Pero napanganga ako nang makita ko ang itsura ng loob ng kwarto. “Wow!” Namamangha kong sambit habang nililibot ang tingin sa paligid. Ang daming paintings! ang gaganda lahat. Kanino kaya ang mga 'to? bakit dito nakatago? “Come here, Aaliyah!”
“Do you Travis, take Eunice to be yours? And do you Eunice, take Travis to be yours? Do you both promise your hearts to be with each other? Will you walk hand and hand wherever life's journey takes you? Will you keep living, learning, loving, and growing together for the rest of your lives?” “I do/ I do.” Parehas naming sagot ni Travis. Nakatitig kami sa isa't-isa pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya, parang wala lang talaga sa kaniya ang nangyayari. Sumasakay lang siya sa agos ng seremonyas na ito. “And now for the rings, Travis, please place this ring on Eunice and repeat after me.” Sabi ng judge. Tumango naman si Travis. Muli akong nag-angat ng tingin kay Travis habang kinukuha niya ang singsing at inulit ang sinabi ng judge. “I give you this ring as a symbol of my love and vows, to cherish always and forever.” Dahan dahan niyang sinuot ang singsing sa aking daliri, kumirot ang puso ko dahil habang binibigkas niya ang bawat salita ay wala itong emosyon
Fast forward. Kinagabihan.. Pagod akong bumaba ng kotse ni Travis, hindi ko akalain na aabutin na kami ng gabi. Sila mom at Mommy Kim kasi ang daming pinag-usapan. Tapos sinabayan pa ng pag-inom. Well, kami ni Trish nagwine lang habang ang parents namin at si Travis hard drinks. Tumingin ako sa kabababa lang na si Trish galing sa kabilang kotse. Naglakad ito patungo sakin. "Bes! Congrats ulit. Mauuna na ako ah? Sobra talaga pagod ko 'e. Good night! Love you, mhuaaa!" Matapos makipagbeso beso, naglakad na siya papasok ng bahay. Ang parents ko nandoon na sa bahay. Magpapahinga na raw sila at bukas pupunta sila sa company. Naglakad na rin ako papasok sa loob. Sinilip ko muna si Travis, kausap niya ang parents niya. Kibit-balikat akong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina, nauuhaw a
I woke up with the sun shining brightly on my face. I smiled and got up. Nag-unat ako, ahhhh! Ang sarap ng tulog ko ah? Kahit nasa ibang kwarto ako at kahit na naging pangit ang gabi ko. Oh, naalala ko nilipat ko nga pala dito sa paanan ng kama ang hinihigaan ko. Baka kasi daan daanan ako ng mahal na hari, baka maapakan pa ako. Lumingon agad ako sa kama para tingnan kung nandoon pa ang asawa ko. Nandoon pa ito at masarap na natutulog. Tiningnan ko ang oras at mag-aalasyete na ng umaga. Bakit hindi pa siya gumigising para mag-asikaso pumasok? Alas otso dapat nasa opisina na siya. Gusto ko siya gisingin kaso baka magalit na naman siya, hays. Hayaan na nga, baka pagod at inaantok pa kaya hindi pa gumigising. Tumayo na ako at dumeretso sa CR para maghilamos. Habang nagtotoothbrush ay may biglang pumasok sa isip ko. Alam ko ngayon pa lang nagluluto ng almusal ang mga katulong, tutulun
"Son hindi si manang ang gumawa ng almusal mo ngayon. Your wife cooked all of that." Nakangiting saad ni Daddy Troy. Napatigil naman sa pagkain si Travis at hindi makapaniwalang tumingin siya sakin, "You cooked all of this?" Tinuro niya ang bacon, omelette at toasted bread na nasa harap niya. "Yes, tinulungan ko sila manang magprepare ng almusal. Maaga kasi ako nagising." Nahihiyang sabi ko. Tumango tango ito. "Masarap. Buti na lang pala hindi ako pumasok ngayon, natikman ko ang luto mo. Thank you baby." Napatigil ako sa pagkuha ng omelette nang halikan niya ako sa noo, oh gosh! Ang ganda ba ng gising niya kaya siya ganito? Ang sweet at lambing niya sakin ngayon. "Honey ang ganda nila pagmasdan ano? Napakasweet." Kinikilig na sabi ni Mommy Kim. Nag-init ang pisnge ko dahil lahat sila nanonood samin. "Nakakatuwa ngang pagmasdan
"D*mn it! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Aaliyah? H'wag na h'wag mong pakikialaman ang gamit ko! Hindi ka ba makaintindi?!" Napapikit na lamang si Eunice nang sigawan na naman siya ng asawa. "Sorry, nakakalat kasi kaya inayos ko na." Salubong ang kilay na binalingan ni Travis ng tingin ang asawa. "Kahit nakakalat pa 'yan o ano, basta pag sinabi kong h'wag mong galawin, h'wag mong galawin! Mahirap bang intindihin 'yon Aaliyah? Hindi ka naman siguro bobo o tanga 'di ba? Nakapag-aral ka naman! Bwiset! Lumabas ka nga ng kwarto! Naiirita ako sa'yo! Baka ano pang magawa ko!" Umiiyak na lumabas ng kwarto si Eunice. Dalawang buwan na ang nakakalipas, araw-araw na ganito ang nangyayari sa kanila. Noong dalawang linggo pa lang silang kasal ni Travis ay malambing pa ito dahil nga nandito pa ang mga parents nila. Kaso nang umalis na ang mga ito dahil kailangan nang bumalik sa ibang bansa, nagi
Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti. "Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita." "Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao. Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga. "Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya p