"D*mn it! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Aaliyah? H'wag na h'wag mong pakikialaman ang gamit ko! Hindi ka ba makaintindi?!" Napapikit na lamang si Eunice nang sigawan na naman siya ng asawa.
"Sorry, nakakalat kasi kaya inayos ko na." Salubong ang kilay na binalingan ni Travis ng tingin ang asawa.
"Kahit nakakalat pa 'yan o ano, basta pag sinabi kong h'wag mong galawin, h'wag mong galawin! Mahirap bang intindihin 'yon Aaliyah? Hindi ka naman siguro bobo o tanga 'di ba? Nakapag-aral ka naman! Bwiset! Lumabas ka nga ng kwarto! Naiirita ako sa'yo! Baka ano pang magawa ko!" Umiiyak na lumabas ng kwarto si Eunice. Dalawang buwan na ang nakakalipas, araw-araw na ganito ang nangyayari sa kanila.
Noong dalawang linggo pa lang silang kasal ni Travis ay malambing pa ito dahil nga nandito pa ang mga parents nila. Kaso nang umalis na ang mga ito dahil kailangan nang bumalik sa ibang bansa, naging masalamuot na ang naging buhay niya.
Araw-araw mainit ang ulo sa kanya ni Travis. Para sa lalaki, wala siyang nagagawang tama. Lumabas ang totoong kulay nito.
Ang bestfriend niyang si Trish ay sinama ng mga magulang nito para daw walang istorbo sa mag-asawa. Dalawang buwan nang nagtitiis si Eunice. Kahit ganito ang pakikitungo sa kanya ng asawa, ginagawa pa rin niya ang responsibilidad niya bilang asawa dito.
Simula nang silang dalawa na lang ang tao sa mansyon, laging bukambibig ni Travis si Mayell. Lagi itong nakaharap sa phone at kinikontak ang babae. Wala siyang pakialam kung nakaharap man si Eunice sa kanya. Minsan pag mainit ang ulo, pag napansin niyang nakatingin si Eunice sa kanya ay bubulyawan niya ito.
Sobrang nasasaktan na si Eunice. Minsan pag hindi na niya kaya ang sakit nagkukulong siya sa guest room at doon umiiyak. Hindi niya akalain na ganito pala kasama si Travis, at hindi pa rin nito matanggap na may iba na si Mayell. Kahit na may boyfriend na ito, kinokontak pa rin niya ang babae. Minsan uuwing lasing at napagkakamalang siya si Mayell.
Hindi naisip ni Travis ang hirap at pag-iintindi sa kanya ni Eunice. Hindi niya nakikita ang effort ng babae. Para sa kanya, pinakasalan lang niya ito para sa kumpanya nila at sa kagustuhan ng magulang.
Pumunta si Eunice sa guest room at nagkulong. Mamaya na lang siya lalabas kapag naka-alis na ang asawa.
Habang pinupunasan ang luha, napatingin siya sa phone niya nang mag-vibrate ito. Biglang kuminang ang mata niya nang makita kung sino ang tumatawag.
Si Trish!
Mabilis na sinagot ni Eunice ang tawag.
"T-Trish!" Hindi niya mapigilan na maiyak na naman. Sa kaibigan niya lang nasasabi ang lahat. Kahit nasa malayo ang kaibigan, kinukwento pa rin niya ang nangyayari sa kanila ni Travis. Alam din naman kasi talaga ni Trish ang totoo kaya hindi siya pwedeng maglihim dito.
"Oh gosh! Are you crying again bes? What happened? Ano na naman ginawa ni kuya sa'yo?!" Nag-aalalang tugon ng kaibigan. "Mainit na naman ang ulo ng kuya mo, sinigawan na naman niya ako dahil lang niligpit ko ang mga nakakalat niyang damit. Ang babaw niya bes! Sobrang babaw niya!" Humahagulgol na ng iyak si Eunice. Sobrang nasasaktan na talaga siya pero ano bang magagawa niya? Pumasok siya sa ganitong sitwasyon 'e, pumayag siya sa gusto ng mga magulang nila.
"Ghad! Ano bang nangyayari kay kuya? Nababaliw na ba siya!? Bakit hindi ka man lang niya pakitaan ng maganda? Hindi naman siya ganyan dati!" Gigil na saad ni Trish. Kung pwede lang niya liparin ang America papunta sa Pilipinas ay ginawa na niya para lang makarating sa kaibigan. Awang-awa na ito sa ginagawa ng kapatid niya.
"Hindi ko alam Trish. Lahat naman ginagawa ko para sa kanya, nagtitiis ako dahil mahal ko siya. Iniintindi ko lahat pati ang kabaliwan niya kay Mayell kahit sobrang sakit para sakin. Alam ko naman kasing hindi niya ako mahal 'e. Pero sana naman wag 'yung ganito, tratuhin naman niya ako ng tama dahil ako, ginagawa ko lahat ng obligasyon ko sa kanya bilang asawa na minsan minamasama pa niya! Hindi ko alam kung saan ako lulugar 'e." Hindi alam ni Trish kung anong ang gagawin niya. Gusto niyang tawagan ang kapatid kaso baka saktan naman si Eunice at sabihin na nagsusumbong ito sa kanya.
"Ssshh, h'wag ka na umiyak. Uuwi na ako bes, uuwi na ako. Sasabihin ko kila mommy na kailangan ko nang makauwi. Kailangan may kasama ka na d'yan! Kailangan mabantayan kita. Sorry bes kung nangyayari sa'yo 'to. Isang malaking g*go ang kapatid ko e. Nasa tamang tao na siya pero mas pinipili pa rin niya 'yung manloloko." Mas humagulgol ng iyak si Eunice. Si Trish lang talaga ang kakampi niya. f
"Hihintayin kita bes. Sige na, ibababa ko na 'to. Baka biglang kumatok ang kuya mo e."
"Okay bes, kung pwede ko lang sabihin kila mommy 'to e, kaso wala baka mas lumala pa. Hays, sige bes bye! h'wag ka na umiyak okay? Uuwi ako d'yan. Love you bes!" Tipid na napangiti si Eunice.
"Love you too. Baba ko na ah?"
"Sige bye!"
Malungkot na binaba ni Eunice ang phone niya at sumilip sa bintana para icheck kung nandoon pa ang asawa. Saktong kalalabas lang nito ng bahay, sumakay sa kotse at pinaharurot ito.
Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na ito. Siya na naman ang tao sa mansyon. Wala sila manang dahil nilipat ni Travis ang mga ito sa kabilang mansyon.
Hindi alam ni Eunice kung bakit ganoon makitungo sa kanya si Travis. Wala naman siyang nagawang mali pero laging bugnot o galit ito sa kanya.
Naisipan na lang niyang maglinis ng sala at magluto, tapos mag-grocery dahil wala na silang stock sa ref.
******
Naglalakad patungong supermarket si Eunice. Abala ito sa pagkalikot ng bag niya. Hinahanap nito ang listahan na ginawa niya kanina. Dahil busy at nakafocus ito sa bag, may nakabangga ito.
"Ay! Sorry! Sorry po kuya!" Natatarantang saad niya. May iniinom itong frappe nang mabangga niya. Tumapon ito sa damit nung lalaki.
"It's okay miss." Mahinahong sabi ng lalaki habang pinupunasan nito ang kamay na natapunan din. Sa itsura pa lang ng damit nito ay kitang mamahalin na.
"Nako kuya, nadumihan na 'yung damit mo! Sorry talaga, ano papalitan ko na lang." Nahihiyang saad niya sa lalaki, ngumiti naman ito sa kanya. Napatulala naman si Eunice dahil sa pagngiti nito, halos mawala na ang mata nito nung ngumiti, sobrang singkit! "Hindi na, meron naman akong t-shirt sa kotse ko. Kukunin ko na lang." Dahil guilty at nahihiya pa rin si Eunice ay nagpumilit pa rin siya.
"Ah kahit na kuya, ibibili na lang kita. Saan mo ba nabili 'tong T-shirt mo? Bibilhan na lang kita ng bago." Natawa ng bahagya ang lalaki, "Sa Paris ko pa binili 'to miss, walang ganito sa Pinas. H'wag ka na mag-alala, okay lang naman," Nahiya lalo si Eunice. 'Sa Paris pa nabibili. Bakit kasi hindi ka natingin sa dinadaanan mo Eunice? Ayan may nakabangga ka tuloy! Nadumihan mo pa ang damit! Mukhang mahal pa naman!' Sermon nito sa sarili.
"Eh kasi ano 'e, hindi ko maatim na hindi bayaran o palitan 'yan, lalo na at mukhang mahal pa dahil sa Paris mo binili tapos natapunan ko lang ng frappe?"
"Hahaha okay lang talaga miss, tsaka..." Pinagmasdan siya ng lalaking kaharap at tiningnan ang katapat nilang super market, "Mukhang may bibilhin ka pa. Sige na, okay lang 'yon, 'wag ka nang mag-alala." Nakangiting untag ng lalaki. Dahil ayaw niyang magpatalo, biglang may naisip si Eunice. Malawak itong ngumiti sa lalaking kaharap at nagsalita.
"Alam ko na! Sabi mo kanina may damit ka sa kotse mo 'di ba? Magpapalit ka na lang? Akin na yang nadumihan kong damit mo, lalabhan ko na lang sa bahay." Natawa ng mahina ang lalaki at nailing, "Hindi ka talaga nagpatalo miss, ibang klase ka rin. Oh siya, para matapos na 'to at makapamili ka na rin, tara sa parking lot. Do'n ko ibibigay ang damit ko." Ngiting tagumpay naman si Eunice. Nahihiya talaga siya sa ginawa niya sa lalaki, hindi kasi siya nakatingin kanina 'e, kasalanan talaga niya. Tsaka mukhang hindi naman masama ang lalaking 'to, ang gaan nga ng pakiramdam niya dito 'e.
Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti. "Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita." "Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao. Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga. "Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya p
Iuurong na sana niya ang upuan para maupo nang biglang dumagundong ang nakakatakot na boses ni Travis galing sa kusina. "AALIYAH!" Halos atakihin siya sa puso nang sumigaw ito. Umusbong ang kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang kinagalit ng asawa? Agad siyang nagtungo sa kusina. Naabutan niya ito na nakaharap sa lababo. Nang maramdaman ang presensya niya, dahan dahan itong lumingon sa kanya na salubong na salubong ang kilay, kitang kita na galit ito! Mas lalong kumabog ang dibdib ni Eunice nang makita ang nakakatakot na itsura ng asawa. "Who is the fcking owner of this fcking t-shirt Aaliyah!?" Dinuro duro pa ito ni Travis. Kitang kita ang mga ugat nito sa leeg at noo sa sobrang galit. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Eunice. Bakit niya nakalimutan na may asawa nga pala siyang ganito ang ugali? Bakit nakalimutan ni
Kinabukasan.. Busy si Eunice sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila kaninang umaga. Nakapagluto na rin siya ng lunch niya. Pinupunasan niya ang kutsara nang may bigla na lang may nagsisisigaw galing sa sala. Nabitawan tuloy niya ang kutsarang pinupunasan dahil sa gulat. "Bes! Where are you!? Come here! Besss!" Si Trish ang maingay. Napaisip tuloy si Aaliyah, 'Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito ng ganitong oras? Dapat nasa company ito ah?' Dinampot niya ang kutsarang nahulog at nilagay muli sa lababo. Muli na naman niyang narinig ang matinis na boses nito. "Aaliyah Eunice Mendoza-Dela Cerna! Yuhooooooo," Napailing na lang siya at naglakad na palabas ng kusina. Malakas ang loob nito magsisisigaw dahil wala ang kuya niya dito. Muli na naman sana itong sisigaw nang makita na siyang kakalabas lang
Magsasalita sana siya kaso naunahan siya ni Travis. "Good, buti naka-ayos ka na. Akala ko nasa taas ka pa at nag-aayos kaya bumaba ako ng kotse. Sakto din pala sa'yo ang binili kong gown, bumagay sa'yo.. mukha ka nang tao. Hindi ako mapapahiya sa party." Hayy, akala pa naman niya... wala talaga siyang aasahan sa lalaki. "Let's go, baka matraffic tayo." Tumalikod na ito at naunang maglakad papunta sa kotse. Napanguso na lang siya, hindi man lang talaga maging gentleman kahit ngayon man lang! Tsk. Naunang pumasok ito sa kotse. Napailing na lang siya at sumunod na pumasok sa kotse. Habang nasa biyahe, tahimik lang sila. Siya ay pinili na lang na tumingin sa labas. Maya-maya pa'y tumikhim si Travis. Napalingon siya dito. "Nakalimutan kong sabihin, umayos ka mamaya sa party. Ipapakilala
Patungo silang mag-asawa kay Trish na ngayon ay may kausap na lalaki. Nakatalikod ito sa kanila. Sa hindi malamang dahilan, biglang kinabahan si Eunice. Hindi niya mawari kung para saan ang kabang biglang umusbong. Nang mapansin sila ni Trish, agad kumaway ito. Lumingon naman ang lalaking kausap nito sa gawi nila. Sakto naman ang pagtigil nilang mag-asawa sa harap ng mga ito. At sa pagharap ng lalaki, agad niya itong nakilala. Parang siyang natulos na kandila sa kinatatayuan niya. 'Oh ghad. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makita, bakit siya pa? Bakit ngayon pa na kasama ko si Travis?' "Dude! Sh*t men! Long time no see! Balita ko may asawa ka—" Hindi natuloy ng lalaki ang sinasabi nang mapatingin ito sa babaeng kasama ng kaibigan niya. Namilog ang singkit nitong mga mata, "Eunice!?" Hindi alam n
Lumipas ang isang buwan... Tahimik na kumakain ng almusal sila Eunice. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya. Pinilit lang niyang tumayo para makapaghanda ng almusal para sa asawa at kaibigan. Pasulyap sulyap naman sa kanya ang magkapatid. Maya-maya pa, naramdaman niyang naduduwal siya. Dali dali siyang tumayo at tumakbo papunta sa CR, sumuka siya nang sumuka doon. Nakasunod naman sa kanya si Trish, nag-aalala itong lumapit sa kanya at hinagod ang likod nito. "Are you okay bes? Parang kahapon ka pa ganyan? Sobrang tamlay mo, may sakit ka ba?" Kahapon pa napapansin ni Trish ang kaibigan. Ang tamlay tamlay nito, parang ayaw kumilos. Ang konti din ng kinakain. Matapos niya sumuka, nagmumog ito at nanghihinang sumandal sa sink. "Masama lang pakiramdam
Lumabas na ng mansyon si Trish, kuyom ang mga kamao nito. Habang si Eunice sumandal lang sa sofa. Pinapanalangin na hindi muna siya buntis. Makalipas ang kalahating oras, nakabalik na si Trish. Inabot nito ang apat na PT kay Eunice. "Here, gamitin mo na. Isa ang dalhin mo sa CR at reserba ang iba. Hihintayin kita dito okay?" "Sige bes." Kinuha niya ang PT at pumunta na sa CR. Naupo naman si Trish sa single sofa, kabado ito para sa magiging resulta ng PT. Kabado siya habang kinukuha ang PT at binuksan ang mga ito para ipatak ang ihi niya. Pumikit siya nang matapos mapatakan ang PT, huminga muna siya ng malalim bago dahan dahang minulat ang mata para tingnan ang resulta. Dalawang linya.. Positive...
Matapos niya mag-impake. Tinext niya si Trish na pumunta sa kwarto niya. Wala pang ilang minuto, kumatok na ito sa kwarto niya. Pagbukas niya ng pinto, nag-aalalang mukha ng kaibigan ang bumungad sa kanya. Agad agad itong pumasok sa loob at nilock ang pinto. "Anong nangyari? Hindi ako lumabas ng kwarto, ayokong makahalata si kuya 'e. Anong sinabi niya nung sinabi mong palalayain mo siya at iiwan?" Naiiyak na umiling iling siya sa kaibigan. "Wala, pinamukha lang niya sakin na si Mayell pa rin talaga ang mahal niya. Wala na talaga bes, mas magandang lumayo na ako. Hindi ko na kaya, suko na ako, pagod na ako.. Tama ang mga sinabi mo sakin kanina, hindi niya deserve ang anak namin. Lalayo ako at magbabagong buhay kasama ang anak ko at katulad ng sinabi mo, itutuloy ko ang pangarap ko. Kakalimutan ko na si Travis," Tuluyang pumatak ang mga l