"Son hindi si manang ang gumawa ng almusal mo ngayon. Your wife cooked all of that." Nakangiting saad ni Daddy Troy. Napatigil naman sa pagkain si Travis at hindi makapaniwalang
tumingin siya sakin,
"You cooked all of this?" Tinuro niya ang bacon, omelette at toasted bread na nasa harap niya.
"Yes, tinulungan ko sila manang magprepare ng almusal. Maaga kasi ako nagising." Nahihiyang sabi ko. Tumango tango ito.
"Masarap. Buti na lang pala hindi ako pumasok ngayon, natikman ko ang luto mo. Thank you baby." Napatigil ako sa pagkuha ng omelette nang halikan niya ako sa noo, oh gosh! Ang ganda ba ng gising niya kaya siya ganito? Ang sweet at lambing niya sakin ngayon.
"Honey ang ganda nila pagmasdan ano? Napakasweet." Kinikilig na sabi ni Mommy Kim. Nag-init ang pisnge ko dahil lahat sila nanonood samin.
"Nakakatuwa ngang pagmasdan. Ipagpatuloy niyo lang 'yan, masaya kaming makita kayong ganyan pero sa ngayon, kumain na muna tayo. Kanina pa naghihintay ang pagkain."
Nagtanguan naman kami bilang tugon at kumain na.
Nasa kalagitnaan na kami ng pag-kain nang magsalita si Daddy Troy.
"Son, bakit nga pala hindi ka pumasok?" Tumingin ako kay Travis na abala pa rin sa pagkain. Tinigil nito saglit ang pagkain, binaba niya ang kutsara at tinidor. Nagpunas din ito ng bibig bago sinagot ang ama.
"Well, naisip ko dad na mag-pahinga muna. Lalo na't kakakasal pa lang namin ni Aaliyah. Gusto ko muna siya bigyan ng oras bago ako muling bumalik sa trabaho. Siguradong magiging busy na naman ako." Tumingin sakin si Travis at ngumiti. Hinawakan din nito ang kamay ko na nakapatong sa lamesa, tinigil ko kasi ang pagkain.
"Gusto kong makilala ng lubos si Aaliyah, gusto ko siya maka-bonding. Okay ba 'yon sayo baby?" Oh gosh,
"H-Ha? Ano.. oo naman." Bakit nauutal Eunice? Nakakahiya ka!
"That's good. Mas mabuti ngang h'wag ka na muna pumasok at magbonding kayong mag-asawa. Ako na munang bahala sa kumpanya."
"No dad, don't worry si Camille namg bahala sa kumpanya. Gusto ko rin na nandito lang kayo mom and dad. Mag family bonding tayo, sa susunod na araw aalis na kayo. Tama na muna ang trabaho, mag relax muna kayo ni mom. Well, may mga dinownload akong movies kagabi, let's watch it." Ow, ayon ba ang pinagkakaabalahan niya kagabi? Kaya ba siya busy sa laptop niya? Aww ang sweet naman ng asawa ko.
"That's a good idea son. Maganda ngang magrelax muna tayo."
"Napakasweet naman ng anak ko. Well, I'll call Erin. Papapuntahin ko sila dito para makapagrelax din sila. Okay lang ba sayo 'yon anak?" Naeexcite na saad ni Mommy Kim.
"Of course mom."
"Alright! Let's finish our breakfast then!"
Nakakatuwa naman na may ganitong naisip na plano si Travis. Kakain na sana ako ulit nang mapansin ko ang seryosong titig ni Trish sa kuya niya. Napalingon ito sakin nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Umiling iling 'to sakin bago pinagpatuloy ang pagkain. Anong ibig sabihin non? Bakit ang seryoso ng tingin niya sa kuya niya?
Kanina pa siya tahimik? Hindi rin siya nakikisali sa usapan namin. Hindi ata maganda ang gising niya? Hmm, hayaan na nga. Tatapusin ko na muna ang pagkain at naeexcite na ako sa movie marathon namin mamaya!
Naging maganda ang takbo ng maghapon namin. Pangatlong movie na ang pinapanood namin ngayon, sobrang saya ng mga parents namin dahil ngayon na lang daw ulit sila nakanood ng movies. Ang dami rin inorder na pagkain ni Travis para samin. At itong buong maghapon, sobrang sweet niya sakin kaya mas lalong natutuwa at kinikilig ang mga nanay namin.
Hindi na lang ako umiimik dahil sa totoo lang kinikilig ako! Ganito pala ang isang Travis.
Matapos namin ang pangatlong movie, nagyaya na muna si Mommy Kim na kumain.
Hanggang kinagabihan, nagyaya na silang magpahinga. Sobrang saya raw nila at wala silang inisip na trabaho ngayon, para daw silang bumalik sa pagkadalaga at binata. Natatawa na lang ako sa kakulitan ng parents namin.
Naunang umakyat si Trish sa taas. Hindi ako masyado pinansin nito, hindi rin siya lumalapit sakin dahil buong maghapon kaming magkasama at magkausap ni Travis.
Nagpaalam na rin sila mom na uuwi. Humalik ako sa pisngi nila at niyakap sila ni dad. Masaya daw sila para sakin.
Nang makaalis sila mom at dad, nagpaalam na rin samin sila Daddy Troy na aakyat. Magpapahinga na raw sila ni Mommy Kim.
Habang kami ni Travis ang naiwan dito sa sala. Tumayo ako para ayusin ang mga unan na nakakalat. Pero napatigil din nang magsalita si Travis.
"Good job, Aaliyah. Nice act. Paniwalang paniwala natin ang mga magulang natin." Para akong nabato sa kinakatayuan ko. What? Act? Nilingon ko siya. Seryoso na ito ngayon habang nakatingin sakin. Bumalik ang nakakatakot na Travis.
"Hindi ko alam na magaling kang umarte Aaliyah. Bukas dapat ganito ulit, habang nandito ang mga magulang ko dapat sweet tayo sa isa't-isa. Kailangang maniwala silang okay tayo, naiintindihan mo? Ginagawa ko 'to para hindi sila maghinala. Basta sabayan mo lang lahat ng gagawin ko, okay?" Tumayo siya at muli akong tiningnan,
"Mauuna na ako sa taas, magsashower pa ako. Umakyat ka na lang pag tapos ka na sa mga gagawin mo. Aayusin ko na rin ang higaan mo sa lapag. At isa pa, hindi masarap ang niluto mong omelette, masyadong maalat. Sinabi ko lang 'yon kanina para matuwa sila mom and dad.
Sa susunod 'wag mo na ako lulutuan okay? Hayaan mo sila manang ang gumawa ng almusal ko. Umarte ka lang pag nandyan ang parents ko pero pag wala manahimik ka lang. Sige na aakyat na ako, dalian mo dyan, baka saraduhan kita ng pinto pag nagtagal ka pa." Naglakad na ito paakyat sa taas, pinagmasdan ko lang siya. Nang mawala siya sa paningin ko ay napaupo na lang ako at doon naalala ko lahat ng pinag-usapan namin.
Hindi ko alam ang irereact ko, sobrang sikip ng dibdib ko.
Ang tanga tanga mo Eunice! Bakit kinalimutan mong may usapan nga pala kayo? Nadala ka sa mga ngiti at kasweetan niya! Hindi mo naisip na umaarte lang ang asawa mo! Isa ka rin sa naloko, hinayaan mo ang sarili mong mahulog sa kamandag ng asawa mo! Masyado kang marupok!
Akala ko naging okay na siya, akala ko lahat ng pinakita niya totoo! Akala ko tanggap na niya! Pero mali! Umaarte lang siya!
God Eunice, simula ngayon tandaan mo na na kapag nandyan ang magulang niyo dapat sweet kayo sa isa't-isa at kapag wala, para kayong strangers.
Ang sakit, umasa ako sa wala. Ang tanga tanga ko! Nakakainis! Ang saya saya ko pa man din kanina tapos malalaman ko na arte lang pala ang lahat!?
Now, naiintindihan ko na kung bakit tahimik at masama ang tingin ni Trish sa kuya niya dahil alam niyang nagpapanggap ito! Buti pa siya alam niya! Buti pa siya natandaan ang mga nakwento ko sa kanya about sa sinabi sakin ng kapatid niya.
Kaya pala buong maghapon tahimik at walang gana ang itsura niya, kaya pala umiiling iling siya sakin! Bakit hindi ko nagets agad? Ayan! Nasasaktan ako ngayon, umasa! Nagmukhang tanga! Tumulo na naman ang mga luha ko.
Bakit ganito? Simula nang mangyari samin ang ganitong set up lagi na lang akong umiiyak, lagi na lang akong nasasaktan.
Travis sobrang sama mo! Bakit ikaw pa ang minahal ko?
Pero sige, sasabayan ko 'yang arte mo! 'Yang palabas na gusto mo...
Tumayo ako at inayos na ang dapat ayusin.
Simula ngayon Eunice, itatak mo sa makitid mong kukote na lahat ng ipapakita sayo na kasweetan ni Travis ay pagpapanggap lang.. na arte lang..
"D*mn it! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Aaliyah? H'wag na h'wag mong pakikialaman ang gamit ko! Hindi ka ba makaintindi?!" Napapikit na lamang si Eunice nang sigawan na naman siya ng asawa. "Sorry, nakakalat kasi kaya inayos ko na." Salubong ang kilay na binalingan ni Travis ng tingin ang asawa. "Kahit nakakalat pa 'yan o ano, basta pag sinabi kong h'wag mong galawin, h'wag mong galawin! Mahirap bang intindihin 'yon Aaliyah? Hindi ka naman siguro bobo o tanga 'di ba? Nakapag-aral ka naman! Bwiset! Lumabas ka nga ng kwarto! Naiirita ako sa'yo! Baka ano pang magawa ko!" Umiiyak na lumabas ng kwarto si Eunice. Dalawang buwan na ang nakakalipas, araw-araw na ganito ang nangyayari sa kanila. Noong dalawang linggo pa lang silang kasal ni Travis ay malambing pa ito dahil nga nandito pa ang mga parents nila. Kaso nang umalis na ang mga ito dahil kailangan nang bumalik sa ibang bansa, nagi
Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti. "Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita." "Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao. Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga. "Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya p
Iuurong na sana niya ang upuan para maupo nang biglang dumagundong ang nakakatakot na boses ni Travis galing sa kusina. "AALIYAH!" Halos atakihin siya sa puso nang sumigaw ito. Umusbong ang kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang kinagalit ng asawa? Agad siyang nagtungo sa kusina. Naabutan niya ito na nakaharap sa lababo. Nang maramdaman ang presensya niya, dahan dahan itong lumingon sa kanya na salubong na salubong ang kilay, kitang kita na galit ito! Mas lalong kumabog ang dibdib ni Eunice nang makita ang nakakatakot na itsura ng asawa. "Who is the fcking owner of this fcking t-shirt Aaliyah!?" Dinuro duro pa ito ni Travis. Kitang kita ang mga ugat nito sa leeg at noo sa sobrang galit. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Eunice. Bakit niya nakalimutan na may asawa nga pala siyang ganito ang ugali? Bakit nakalimutan ni
Kinabukasan.. Busy si Eunice sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila kaninang umaga. Nakapagluto na rin siya ng lunch niya. Pinupunasan niya ang kutsara nang may bigla na lang may nagsisisigaw galing sa sala. Nabitawan tuloy niya ang kutsarang pinupunasan dahil sa gulat. "Bes! Where are you!? Come here! Besss!" Si Trish ang maingay. Napaisip tuloy si Aaliyah, 'Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito ng ganitong oras? Dapat nasa company ito ah?' Dinampot niya ang kutsarang nahulog at nilagay muli sa lababo. Muli na naman niyang narinig ang matinis na boses nito. "Aaliyah Eunice Mendoza-Dela Cerna! Yuhooooooo," Napailing na lang siya at naglakad na palabas ng kusina. Malakas ang loob nito magsisisigaw dahil wala ang kuya niya dito. Muli na naman sana itong sisigaw nang makita na siyang kakalabas lang
Magsasalita sana siya kaso naunahan siya ni Travis. "Good, buti naka-ayos ka na. Akala ko nasa taas ka pa at nag-aayos kaya bumaba ako ng kotse. Sakto din pala sa'yo ang binili kong gown, bumagay sa'yo.. mukha ka nang tao. Hindi ako mapapahiya sa party." Hayy, akala pa naman niya... wala talaga siyang aasahan sa lalaki. "Let's go, baka matraffic tayo." Tumalikod na ito at naunang maglakad papunta sa kotse. Napanguso na lang siya, hindi man lang talaga maging gentleman kahit ngayon man lang! Tsk. Naunang pumasok ito sa kotse. Napailing na lang siya at sumunod na pumasok sa kotse. Habang nasa biyahe, tahimik lang sila. Siya ay pinili na lang na tumingin sa labas. Maya-maya pa'y tumikhim si Travis. Napalingon siya dito. "Nakalimutan kong sabihin, umayos ka mamaya sa party. Ipapakilala
Patungo silang mag-asawa kay Trish na ngayon ay may kausap na lalaki. Nakatalikod ito sa kanila. Sa hindi malamang dahilan, biglang kinabahan si Eunice. Hindi niya mawari kung para saan ang kabang biglang umusbong. Nang mapansin sila ni Trish, agad kumaway ito. Lumingon naman ang lalaking kausap nito sa gawi nila. Sakto naman ang pagtigil nilang mag-asawa sa harap ng mga ito. At sa pagharap ng lalaki, agad niya itong nakilala. Parang siyang natulos na kandila sa kinatatayuan niya. 'Oh ghad. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makita, bakit siya pa? Bakit ngayon pa na kasama ko si Travis?' "Dude! Sh*t men! Long time no see! Balita ko may asawa ka—" Hindi natuloy ng lalaki ang sinasabi nang mapatingin ito sa babaeng kasama ng kaibigan niya. Namilog ang singkit nitong mga mata, "Eunice!?" Hindi alam n
Lumipas ang isang buwan... Tahimik na kumakain ng almusal sila Eunice. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya. Pinilit lang niyang tumayo para makapaghanda ng almusal para sa asawa at kaibigan. Pasulyap sulyap naman sa kanya ang magkapatid. Maya-maya pa, naramdaman niyang naduduwal siya. Dali dali siyang tumayo at tumakbo papunta sa CR, sumuka siya nang sumuka doon. Nakasunod naman sa kanya si Trish, nag-aalala itong lumapit sa kanya at hinagod ang likod nito. "Are you okay bes? Parang kahapon ka pa ganyan? Sobrang tamlay mo, may sakit ka ba?" Kahapon pa napapansin ni Trish ang kaibigan. Ang tamlay tamlay nito, parang ayaw kumilos. Ang konti din ng kinakain. Matapos niya sumuka, nagmumog ito at nanghihinang sumandal sa sink. "Masama lang pakiramdam
Lumabas na ng mansyon si Trish, kuyom ang mga kamao nito. Habang si Eunice sumandal lang sa sofa. Pinapanalangin na hindi muna siya buntis. Makalipas ang kalahating oras, nakabalik na si Trish. Inabot nito ang apat na PT kay Eunice. "Here, gamitin mo na. Isa ang dalhin mo sa CR at reserba ang iba. Hihintayin kita dito okay?" "Sige bes." Kinuha niya ang PT at pumunta na sa CR. Naupo naman si Trish sa single sofa, kabado ito para sa magiging resulta ng PT. Kabado siya habang kinukuha ang PT at binuksan ang mga ito para ipatak ang ihi niya. Pumikit siya nang matapos mapatakan ang PT, huminga muna siya ng malalim bago dahan dahang minulat ang mata para tingnan ang resulta. Dalawang linya.. Positive...