I woke up with the sun shining brightly on my face. I smiled and got up. Nag-unat ako, ahhhh! Ang sarap ng tulog ko ah? Kahit nasa ibang kwarto ako at kahit na naging pangit ang gabi ko.
Oh, naalala ko nilipat ko nga pala dito sa paanan ng kama ang hinihigaan ko. Baka kasi daan daanan ako ng mahal na hari, baka maapakan pa ako. Lumingon agad ako sa kama para tingnan kung nandoon pa ang asawa ko. Nandoon pa ito at masarap na natutulog. Tiningnan ko ang oras at mag-aalasyete na ng umaga. Bakit hindi pa siya gumigising para mag-asikaso pumasok? Alas otso dapat nasa opisina na siya.
Gusto ko siya gisingin kaso baka magalit na naman siya, hays. Hayaan na nga, baka pagod at inaantok pa kaya hindi pa gumigising. Tumayo na ako at dumeretso sa CR para maghilamos.
Habang nagtotoothbrush ay may biglang pumasok sa isip ko. Alam ko ngayon pa lang nagluluto ng almusal ang mga katulong, tutulungan ko silang mag-prepare! Oo tama! Mabilis akong nag-asikaso at lumabas ng kwarto ni Travis.
Paglabas ko, sobrang tahimik. Mukhang tulog pa sila Tito Troy, pati si Trish.
Pagbaba ko, dumiretso agad ako sa kusina. Naabutan ko sila Manang Linda na nag-aasikaso na ng almusal.
"Good morning po!" Masaya kong bati sa kanila. Sabay-sabay silang napalingon sakin.
"Good morning po ma'am,"
"Good morning hija,"
"Oh hija, ang aga mong magising. Nagluluto pa lang kami ng almusal." Ngumiti ako kay Manang Linda habang lumalapit sa kanila.
"Okay lang po manang, Gusto ko po kayo tulungan mag prepare ng breakfast."
"Nako ma'am, 'wag na po, kaya na po namin." Sabi ni Issa, ang pinaka batang katulong ng mga Dela Cerna. Apo siya ni Manang Linda.
"Okay lang Issa, sanay naman ako. Kahit sa bahay tumutulong ako magluto ng almusal o tanghalian. Sanay ako sa gawaing bahay, don't worry."
"Ang swerte po pala sa inyo ni Sir Travis kung ganoon, kasi maganda na po kayo, mabait at marunong sa gawaing bahay." Nakangiting sabi ni Issa. Nahiya naman ako dahil sa sinabi niya. Nako Issa, kung alam mo lang ang set up namin ng Sir Travis mo.
"Nako, hindi naman Issa,"
"Mukhang gusto mong ipagluto ang asawa mo, oh siya halika dito hija." Mabilis akong sumunod kay Manang Linda. Tama, gusto kong ipagluto ng almusal si Travis. Bilang asawa niya aasikasuhin ko siya kahit na ganito ang set up namin.
"Ah manang?"
"Hmmm?"
"Di 'ba po maaga nagigising si Travis? Lalo na po kapag may pasok sa opisina?"
"Oo, alasais pa lang gising na ang batang 'yon para magjogging saglit tapos pagbalik magkakape lang, aakyat sa taas para mag-asikaso tapos papasok na sa opisina. Ganoon lagi ang routine niya tuwing umaga, kahit nandito ang mga magulang niya. Kaso ngayon nagtataka nga ako, dapat ganitong oras nakaalis na siya ng bahay. Tulog pa ba siya?" Mahabang lintaya ni manang.
"Opo manang, hindi ko na po ginising kasi baka magalit at nagtataka nga rin po ako bakit tulog pa rin siya."
"Hmm. Baka pagod?" Sabay tingin sakin ng makahulugan. May sumilay din na mapaglarong ngiti sa mga labi niya, "Baka napagod kagabi," Ay inulit pa talaga ni manang. Nako kung alam niyo lang manang ang nangyari kagabi. Pagod 'yon sa kakalaptop niya at pagsusungit sakin kagabi. Never namin magagawa ang nasa isip niyo manang.
"Nako si manang, iba ang nasa isip. Baka po napuyat kagabi, bago po kasi ako natulog kagabi naka harap pa po siya sa laptop niya. Baka madaling araw na natapos." Nakangiti pa rin si manang bago umiling iling.
"Oh siya, ito ikaw nang bahala sa omelette. 'Yan ang gustong almusal ng asawa mo, tsaka itong bacon at tinapay tapos black coffee. Kami nang bahala sa ibang almusal, diyan ka mag-focus sa pagkain ng asawa mo." Tumango tango ako. Omelette pala ang gustong almusal ni Travis? Ngayon ko lang nalaman ah? Sabagay, pag nagpupunta ako dito sa kanila tanghali na. Hindi ko na sila naabutan mag-almusal, kung maabutan ko man wala na si Travis.
Sinimulan ko nang gawin ang almusal ng asawa ko. Sana magustuhan niya 'to kahit ito man lang.
Matapos ko malagay sa plato ang omelette at bacon, kinuha ko naman ang isang mug para lagyan ng coffee. Mamaya ko na siya lagyan ng mainit na tubig para sure na mainit pa pag ininom niya.
"Ayan! Sakto natapos na," Masaya kong sabi.
"Tapos ka na hija? Halika na, ilagay na natin ang mga niluto natin sa lamesa. Maya maya bababa na sila Sir Troy,"
"Okay po manang." Binuhat ko ang dalawang plato na pinaglagyan ko ng niluto ko. Dinamihan ko ang bacon at yung omelete, feel ko rin kumain 'e.
Habang inaayos ang lamesa, sabay pumasok sila Mommy Kim at Trish. Kitang kita ang gulat sa kanilang lahat nang makita akong naghahain. Ngumiti ako ng matamis at binati sila.
"Good morning mommy, daddy. Good morning Trish."
"Oh my gosh hija anak, ang aga mo nagising at.." Pinagsadahan ako ng tingin ni Mommy Kim sabay baling sa inaayos kong bacon, "Nagluto ka?" Tumango ako.
"Yes mommy, maaga po kasi akong nagising kaya tumulong po ako kila manang." Naupo na si Daddy Troy. Nakatingin ito sa omelete na niluto ko. Bumaling ito sakin at tipid na ngumiti,
"Alam mo ang paborito ng asawa mong almusal hija ah? Mukhang ikaw ang nagluto nito pero sandali, nandyan pa si Travis?"
"Ah opo daddy, nung lumabas po ako ng kwarto tulog pa po siya e."
Tumango tango si daddy, "Hindi ata papasok sa opisina ang batang 'yon, dapat kanina pa siya nakaalis."
"Oh, that's why nagluto si Eunice dahil nandyan ang asawa niya."
Ngumiti na lang ako kila mommy at daddy habang tinatanggal ko ang apron na suot suot ko pa pala. Napansin kong nakatingin sakin si Trish, may nakakalokong ngiti ito. Umiling iling pa ito sabay kuha ng tinapay.
"Excuse me po mommy, daddy. Gawin ko lang po yung kape ni Travis, hindi ko pa po kasi nilagyan ng tubig baka po kasi lumamig agad."
"Oww, okay hija, napaka sweet mo naman. Napakaswerte sayo ng anak namin. Sakto 'yan maya maya bababa na 'yon dito." Nakangiting saad ni Mommy Kim.
"Kayo po, gusto niyo din po ba ng coffee?"
"Ay sige hija, gusto ko rin mag kape ngayon," Lumingon ako kay Daddy Troy na nakangiti lang samin.
"Kayo po mommy?"
"Yes please." Nakangiti akong tumango at iniwan muna sila.
Buti nalang hindi ko pa nalalagyan ng tubig na mainit ang kape ni Travis. Kaya ngayon, sabay sabay ko ginawa ang kape nila Mommy Kim.
Kumuha ako ng tray at nilagay ang tatlong kapeng ginawa ko. Maingat ko 'tong binuhat at naglakad palabas ng kusina.
Paglabas ko, lahat sila nakatingin lang sa isang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan nila at namilog ang mga mata ko. Hala, gising na siya! At.. at kumakain na!
Madali akong naglakad, natataranta pa ako dahil kumakain na si Travis!
Lahat sila nabaling sakin. Tipid akong ngumiti. Nilapag ko ang kape sa gilid ni mommy at daddy at kinuha ang isa para ibigay kay Travis.
"Here, sabi sakin ni manang black coffee ang gusto mo. Eto ginawan kita." Kinakabahan ako habang nilalagay ang coffee sa gilid ng plato niya. Tumingin siya sakin at ngumiti. Napamaang ako dahil ngayon lang siya ngumiti sakin ng ganito.
"Thanks baby." Namula naman ako dahil sa sinabi niya, Geez! Anong meron? Baby? Kinikilig ba ako? Hala, anong nangyayari? May sakit ba si Travis?
"Maupo ka na at kumain." Malambing nitong sabi. Tumango ako at mauupo na sana sa tabi ni Trish nang hawakan nito ang kamay ko,
"Where are you going?" Nakakunot noong saad nito.
"Ah, mauupo sa tabi ni Trish?" Nag-aalinlangan kong sabi. Napatayo ako ng tuwid nang tumayo ito. Sinundan ko siya ng tingin. Inurong nito ang upuan sa harap ko,
"From now on, dito ka na mauupo sa tabi ko okay? Maupo ka na." Okay? Bakit ang bait niya? At ang sweet? Nahihiyang naupo ako habang ang mga kasama namin ay pinagmamasdan lang kami. Gosh. Bumalik na ulit sa pagkakaupo si Travis at kumain. Napangiti ako nang dalawang omelette agad ang nasa plato niya, wow! Favorite niya talaga ang omelette?
"Hmm, ang sarap ng omelette na gawa ni manang ngayon. What did she put in it? This is more delicious than the first ones she made." Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil nagustuhan niya ang gawa kong omelette.
"Son hindi si manang ang gumawa ng almusal mo ngayon. Your wife cooked all of that." Nakangiting saad ni Daddy Troy. Napatigil naman sa pagkain si Travis at hindi makapaniwalang tumingin siya sakin, "You cooked all of this?" Tinuro niya ang bacon, omelette at toasted bread na nasa harap niya. "Yes, tinulungan ko sila manang magprepare ng almusal. Maaga kasi ako nagising." Nahihiyang sabi ko. Tumango tango ito. "Masarap. Buti na lang pala hindi ako pumasok ngayon, natikman ko ang luto mo. Thank you baby." Napatigil ako sa pagkuha ng omelette nang halikan niya ako sa noo, oh gosh! Ang ganda ba ng gising niya kaya siya ganito? Ang sweet at lambing niya sakin ngayon. "Honey ang ganda nila pagmasdan ano? Napakasweet." Kinikilig na sabi ni Mommy Kim. Nag-init ang pisnge ko dahil lahat sila nanonood samin. "Nakakatuwa ngang pagmasdan
"D*mn it! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Aaliyah? H'wag na h'wag mong pakikialaman ang gamit ko! Hindi ka ba makaintindi?!" Napapikit na lamang si Eunice nang sigawan na naman siya ng asawa. "Sorry, nakakalat kasi kaya inayos ko na." Salubong ang kilay na binalingan ni Travis ng tingin ang asawa. "Kahit nakakalat pa 'yan o ano, basta pag sinabi kong h'wag mong galawin, h'wag mong galawin! Mahirap bang intindihin 'yon Aaliyah? Hindi ka naman siguro bobo o tanga 'di ba? Nakapag-aral ka naman! Bwiset! Lumabas ka nga ng kwarto! Naiirita ako sa'yo! Baka ano pang magawa ko!" Umiiyak na lumabas ng kwarto si Eunice. Dalawang buwan na ang nakakalipas, araw-araw na ganito ang nangyayari sa kanila. Noong dalawang linggo pa lang silang kasal ni Travis ay malambing pa ito dahil nga nandito pa ang mga parents nila. Kaso nang umalis na ang mga ito dahil kailangan nang bumalik sa ibang bansa, nagi
Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti. "Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita." "Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao. Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga. "Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya p
Iuurong na sana niya ang upuan para maupo nang biglang dumagundong ang nakakatakot na boses ni Travis galing sa kusina. "AALIYAH!" Halos atakihin siya sa puso nang sumigaw ito. Umusbong ang kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang kinagalit ng asawa? Agad siyang nagtungo sa kusina. Naabutan niya ito na nakaharap sa lababo. Nang maramdaman ang presensya niya, dahan dahan itong lumingon sa kanya na salubong na salubong ang kilay, kitang kita na galit ito! Mas lalong kumabog ang dibdib ni Eunice nang makita ang nakakatakot na itsura ng asawa. "Who is the fcking owner of this fcking t-shirt Aaliyah!?" Dinuro duro pa ito ni Travis. Kitang kita ang mga ugat nito sa leeg at noo sa sobrang galit. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Eunice. Bakit niya nakalimutan na may asawa nga pala siyang ganito ang ugali? Bakit nakalimutan ni
Kinabukasan.. Busy si Eunice sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila kaninang umaga. Nakapagluto na rin siya ng lunch niya. Pinupunasan niya ang kutsara nang may bigla na lang may nagsisisigaw galing sa sala. Nabitawan tuloy niya ang kutsarang pinupunasan dahil sa gulat. "Bes! Where are you!? Come here! Besss!" Si Trish ang maingay. Napaisip tuloy si Aaliyah, 'Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito ng ganitong oras? Dapat nasa company ito ah?' Dinampot niya ang kutsarang nahulog at nilagay muli sa lababo. Muli na naman niyang narinig ang matinis na boses nito. "Aaliyah Eunice Mendoza-Dela Cerna! Yuhooooooo," Napailing na lang siya at naglakad na palabas ng kusina. Malakas ang loob nito magsisisigaw dahil wala ang kuya niya dito. Muli na naman sana itong sisigaw nang makita na siyang kakalabas lang
Magsasalita sana siya kaso naunahan siya ni Travis. "Good, buti naka-ayos ka na. Akala ko nasa taas ka pa at nag-aayos kaya bumaba ako ng kotse. Sakto din pala sa'yo ang binili kong gown, bumagay sa'yo.. mukha ka nang tao. Hindi ako mapapahiya sa party." Hayy, akala pa naman niya... wala talaga siyang aasahan sa lalaki. "Let's go, baka matraffic tayo." Tumalikod na ito at naunang maglakad papunta sa kotse. Napanguso na lang siya, hindi man lang talaga maging gentleman kahit ngayon man lang! Tsk. Naunang pumasok ito sa kotse. Napailing na lang siya at sumunod na pumasok sa kotse. Habang nasa biyahe, tahimik lang sila. Siya ay pinili na lang na tumingin sa labas. Maya-maya pa'y tumikhim si Travis. Napalingon siya dito. "Nakalimutan kong sabihin, umayos ka mamaya sa party. Ipapakilala
Patungo silang mag-asawa kay Trish na ngayon ay may kausap na lalaki. Nakatalikod ito sa kanila. Sa hindi malamang dahilan, biglang kinabahan si Eunice. Hindi niya mawari kung para saan ang kabang biglang umusbong. Nang mapansin sila ni Trish, agad kumaway ito. Lumingon naman ang lalaking kausap nito sa gawi nila. Sakto naman ang pagtigil nilang mag-asawa sa harap ng mga ito. At sa pagharap ng lalaki, agad niya itong nakilala. Parang siyang natulos na kandila sa kinatatayuan niya. 'Oh ghad. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makita, bakit siya pa? Bakit ngayon pa na kasama ko si Travis?' "Dude! Sh*t men! Long time no see! Balita ko may asawa ka—" Hindi natuloy ng lalaki ang sinasabi nang mapatingin ito sa babaeng kasama ng kaibigan niya. Namilog ang singkit nitong mga mata, "Eunice!?" Hindi alam n
Lumipas ang isang buwan... Tahimik na kumakain ng almusal sila Eunice. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya. Pinilit lang niyang tumayo para makapaghanda ng almusal para sa asawa at kaibigan. Pasulyap sulyap naman sa kanya ang magkapatid. Maya-maya pa, naramdaman niyang naduduwal siya. Dali dali siyang tumayo at tumakbo papunta sa CR, sumuka siya nang sumuka doon. Nakasunod naman sa kanya si Trish, nag-aalala itong lumapit sa kanya at hinagod ang likod nito. "Are you okay bes? Parang kahapon ka pa ganyan? Sobrang tamlay mo, may sakit ka ba?" Kahapon pa napapansin ni Trish ang kaibigan. Ang tamlay tamlay nito, parang ayaw kumilos. Ang konti din ng kinakain. Matapos niya sumuka, nagmumog ito at nanghihinang sumandal sa sink. "Masama lang pakiramdam