Fast forward.
Kinagabihan..
Pagod akong bumaba ng kotse ni Travis, hindi ko akalain na aabutin na kami ng gabi. Sila mom at Mommy Kim kasi ang daming pinag-usapan. Tapos sinabayan pa ng pag-inom. Well, kami ni Trish nagwine lang habang ang parents namin at si Travis hard drinks.
Tumingin ako sa kabababa lang na si Trish galing sa kabilang kotse. Naglakad ito patungo sakin.
"Bes! Congrats ulit. Mauuna na ako ah? Sobra talaga pagod ko 'e. Good night! Love you, mhuaaa!" Matapos makipagbeso beso, naglakad na siya papasok ng bahay. Ang parents ko nandoon na sa bahay. Magpapahinga na raw sila at bukas pupunta sila sa company.
Naglakad na rin ako papasok sa loob. Sinilip ko muna si Travis, kausap niya ang parents niya.
Kibit-balikat akong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina, nauuhaw ako.
Actually kaya ako dumiretso dito sa kusina kasi 'di ko alam kung saan ako dideretso? Hindi ko alam saan ako matutulog. Unang gabi namin na mag-asawa ni Travis, ayoko namang basta na lang pumasok sa kwarto niya. Kaya eto, dito ako sa kusina dumiretso. Hintayin ko na lang siyang matapos kausapin ang parents niya then kung nasa kwarto na siya, edi kakatok ako. Basta ayaw ko mauna sa kwarto niya, baka ano isipin non 'e.
Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref. Kumuha ako ng tubig at sinalinan ang baso ko sabay inom. Matapos akong makainom, hinugasan ko ang basong ginamit ko at nilagay sa lagayan.
Nagpupunas ako ng kamay. Nasa ganoong ayos ako nang may biglang magsalita. Napaigtad ako dahil sa gulat! My God! Mabilis akong lumingon kung nasaan si Travis. Nakapamulsa ito sa tapat ng pinto habang nakatingin sakin.
"What are you doing here? Bakit hindi ka umakyat sa kwarto?" Seryosong tanong nito.
"Uminom lang ako ng tubig, tsaka hinintay kita. Ayoko naman dumeretso sa kwarto mo."
"Tsk! Let's go, inaantok na ako." Napakaseryoso talaga, hays. Sumunod na lang ako sa kanya.
Nang makapasok kami sa kwarto niya, dumiretso si Travis sa closet niya at may kinuha doon. Humarap ito sakin at nagsalita.
"Mag-sha-shower lang ako. Kung gusto mo rin magshower, nandoon ang mga gamit mo sa kabilang closet. May nilagay na si mommy d'yan na gamit mo." Tumango na lang ako. Pumasok na siya sa CR, nagtungo naman ako sa closet na sinasabi niya. Binuksan ko ito at halos malula ako sa dami ng damit.
"Grabe! Kumpletong kumpleto na ang gamit ko dito, lahat pa bago! Si Mommy Kim talaga, kaya pala sabi niya 'wag ko na raw kunin mga damit ko sa bahay." Nangingiti na napapailing na lang ako habang kumukuha ng damit.
Matapos kong maready ang isusuot na pantulog, naupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang buong kwarto ni Travis.
Ang linis ng kwarto niya, gray ang kulay ng kwarto, black ang kulay ng bedsheet at comforter, may malaking TV, may veranda, mga paintings, at small ref? Tumayo ako para tingnan ang ref. Whoa, lagi bang gutom si Travis kaya siya may ref dito? Yumuko ako at binuksan ang ref, OMG! Ang daming chocolates, beer, water and... chuckie!? Seriously? Nainom ng ganito si Travis? Pero omg! omg! This is my favorite! kukuha sana ako.
"Hey!" nagulat ako nang sumigaw si Travis. Napalingon ako sa kanya na nagmamadaling nagtungo sakin, salubong na salubong ang kilay nito. Tinulak niya ako at malakas na sinarado ang ref.
"Sinong may sabi sa’yong mangialam ka ng gamit ko!?" God! galit siya!
"A-Ah s-sorry, sorry! Hindi ko sinasadya. Nacurious lang ako sa laman ng r-ref mo." Nakayuko kong saad, God! nakakatakot siya magalit.
"From now on, don't touch my things! Understand!?"
"Yes, I'm sorry!" Tumalikod na ako at nagmamadaling kinuha ang damit ko. Dumiretso ako sa CR. Pagsara ko ng pinto ay napasandal ako dito dahil sa sobrang kaba at takot. Gosh, ano bang kinakagalit niya? Tiningnan ko lang naman ang laman ng ref niya ah! Fine, from now on hindi ako mangingialam ng gamit niya!
Nagsimula na akong maglinis ng katawan.
Paglabas ko ng CR, nakita kong nakasandal sa headboard ng kama si Travis habang nakaharap sa laptop niya. Sabi niya inaantok na siya? Bakit gising pa rin siya?
Bumaba ang tingin ko sa gilid ng kama, may nakalatag na foam, unan at comforter.
Tumingin saglit sakin si Travis bago binalik ang tingin sa ginagawa.
"Matulog ka na Aaliyah. You sleep on that bed." Sabay turo niya sa gilid ng kama niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, akala ko ba siya sa lapag at ako sa kama? Muli niya akong tinignan, "What?" Iritadong tanong nito.
"Akala ko ba sa kama ako at ikaw sa lapag? 'Di ba ayon ang sabi mo sakin?" Ang ganda ganda ng sabi niya sakin noong nag-usap kami tapos ganito?
Tinigil niya ang ginagawa, tumingin ito sakin.
"Nagbago ang isip ko, bakit ako sa lapag matutulog? Kama ko 'to, Kwarto ko 'to kaya ako dapat ang matulog dito sa kama at ikaw, nakikitulog ka lang naman. Sige na, matulog ka na. Masyado kang istorbo may ginagawa ako." Muli na itong bumalik sa ginagawa, Binalewala na ang presensya ko.
Bumuntong hininga na lang ako at lumapit sa higaan ko. Wala namang problema sakin sa lapag matulog pero sana hindi na niya sinabi na ako ang matulog sa kama at siya sa lapag pag dito ako natulog sa kwarto niya. Akala ko pa naman may kaunting bait siyang natitira sa katawan, nagkamali pala ako.
Nagtalukbong na lang ako. Ganito ba ang magiging buhay ko? Hays, ngayon ang unang gabi na mag-asawa kami pero grabe na ang mga nangyari! Paano pa kaya ang sa mga susunod? Sa isang araw pa aalis sila Mommy Kim papunta sa Paris para sa isang business meeting. Means dito pa rin ako matutulog sa kwarto niya at ganito ang set up namin. Tapos mapapanggap pa akong sweet sa kanya pag nandyan sila Mommy Kim. Sana lang makayanan ko 'yun.
Naaatim niyang matulog ang babae sa lapag, hindi man lang magpaka-gentleman! Nakakainis! Oo alam kong hindi niya gusto ang kasalan na 'to at napilitan lang siya pero sana igalang naman niya ako, pakisamahan ng maayos. Babae pa rin naman ako 'e, may nararamdaman.
Hindi ko namalayan na may tumulong luha na sa pisngi ko.
Nasasaktan na naman ako...
Ganito ba ang naging epekto sa kanya ng paghihiwalay nila ni Mayell? Parang wala na siyang puso. Sobrang cold. Walang pakialam sa nararamdaman ng iba...
Nakakasakit na siya ng damdamin...
I woke up with the sun shining brightly on my face. I smiled and got up. Nag-unat ako, ahhhh! Ang sarap ng tulog ko ah? Kahit nasa ibang kwarto ako at kahit na naging pangit ang gabi ko. Oh, naalala ko nilipat ko nga pala dito sa paanan ng kama ang hinihigaan ko. Baka kasi daan daanan ako ng mahal na hari, baka maapakan pa ako. Lumingon agad ako sa kama para tingnan kung nandoon pa ang asawa ko. Nandoon pa ito at masarap na natutulog. Tiningnan ko ang oras at mag-aalasyete na ng umaga. Bakit hindi pa siya gumigising para mag-asikaso pumasok? Alas otso dapat nasa opisina na siya. Gusto ko siya gisingin kaso baka magalit na naman siya, hays. Hayaan na nga, baka pagod at inaantok pa kaya hindi pa gumigising. Tumayo na ako at dumeretso sa CR para maghilamos. Habang nagtotoothbrush ay may biglang pumasok sa isip ko. Alam ko ngayon pa lang nagluluto ng almusal ang mga katulong, tutulun
"Son hindi si manang ang gumawa ng almusal mo ngayon. Your wife cooked all of that." Nakangiting saad ni Daddy Troy. Napatigil naman sa pagkain si Travis at hindi makapaniwalang tumingin siya sakin, "You cooked all of this?" Tinuro niya ang bacon, omelette at toasted bread na nasa harap niya. "Yes, tinulungan ko sila manang magprepare ng almusal. Maaga kasi ako nagising." Nahihiyang sabi ko. Tumango tango ito. "Masarap. Buti na lang pala hindi ako pumasok ngayon, natikman ko ang luto mo. Thank you baby." Napatigil ako sa pagkuha ng omelette nang halikan niya ako sa noo, oh gosh! Ang ganda ba ng gising niya kaya siya ganito? Ang sweet at lambing niya sakin ngayon. "Honey ang ganda nila pagmasdan ano? Napakasweet." Kinikilig na sabi ni Mommy Kim. Nag-init ang pisnge ko dahil lahat sila nanonood samin. "Nakakatuwa ngang pagmasdan
"D*mn it! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Aaliyah? H'wag na h'wag mong pakikialaman ang gamit ko! Hindi ka ba makaintindi?!" Napapikit na lamang si Eunice nang sigawan na naman siya ng asawa. "Sorry, nakakalat kasi kaya inayos ko na." Salubong ang kilay na binalingan ni Travis ng tingin ang asawa. "Kahit nakakalat pa 'yan o ano, basta pag sinabi kong h'wag mong galawin, h'wag mong galawin! Mahirap bang intindihin 'yon Aaliyah? Hindi ka naman siguro bobo o tanga 'di ba? Nakapag-aral ka naman! Bwiset! Lumabas ka nga ng kwarto! Naiirita ako sa'yo! Baka ano pang magawa ko!" Umiiyak na lumabas ng kwarto si Eunice. Dalawang buwan na ang nakakalipas, araw-araw na ganito ang nangyayari sa kanila. Noong dalawang linggo pa lang silang kasal ni Travis ay malambing pa ito dahil nga nandito pa ang mga parents nila. Kaso nang umalis na ang mga ito dahil kailangan nang bumalik sa ibang bansa, nagi
Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti. "Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita." "Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao. Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga. "Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya p
Iuurong na sana niya ang upuan para maupo nang biglang dumagundong ang nakakatakot na boses ni Travis galing sa kusina. "AALIYAH!" Halos atakihin siya sa puso nang sumigaw ito. Umusbong ang kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang kinagalit ng asawa? Agad siyang nagtungo sa kusina. Naabutan niya ito na nakaharap sa lababo. Nang maramdaman ang presensya niya, dahan dahan itong lumingon sa kanya na salubong na salubong ang kilay, kitang kita na galit ito! Mas lalong kumabog ang dibdib ni Eunice nang makita ang nakakatakot na itsura ng asawa. "Who is the fcking owner of this fcking t-shirt Aaliyah!?" Dinuro duro pa ito ni Travis. Kitang kita ang mga ugat nito sa leeg at noo sa sobrang galit. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Eunice. Bakit niya nakalimutan na may asawa nga pala siyang ganito ang ugali? Bakit nakalimutan ni
Kinabukasan.. Busy si Eunice sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila kaninang umaga. Nakapagluto na rin siya ng lunch niya. Pinupunasan niya ang kutsara nang may bigla na lang may nagsisisigaw galing sa sala. Nabitawan tuloy niya ang kutsarang pinupunasan dahil sa gulat. "Bes! Where are you!? Come here! Besss!" Si Trish ang maingay. Napaisip tuloy si Aaliyah, 'Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito ng ganitong oras? Dapat nasa company ito ah?' Dinampot niya ang kutsarang nahulog at nilagay muli sa lababo. Muli na naman niyang narinig ang matinis na boses nito. "Aaliyah Eunice Mendoza-Dela Cerna! Yuhooooooo," Napailing na lang siya at naglakad na palabas ng kusina. Malakas ang loob nito magsisisigaw dahil wala ang kuya niya dito. Muli na naman sana itong sisigaw nang makita na siyang kakalabas lang
Magsasalita sana siya kaso naunahan siya ni Travis. "Good, buti naka-ayos ka na. Akala ko nasa taas ka pa at nag-aayos kaya bumaba ako ng kotse. Sakto din pala sa'yo ang binili kong gown, bumagay sa'yo.. mukha ka nang tao. Hindi ako mapapahiya sa party." Hayy, akala pa naman niya... wala talaga siyang aasahan sa lalaki. "Let's go, baka matraffic tayo." Tumalikod na ito at naunang maglakad papunta sa kotse. Napanguso na lang siya, hindi man lang talaga maging gentleman kahit ngayon man lang! Tsk. Naunang pumasok ito sa kotse. Napailing na lang siya at sumunod na pumasok sa kotse. Habang nasa biyahe, tahimik lang sila. Siya ay pinili na lang na tumingin sa labas. Maya-maya pa'y tumikhim si Travis. Napalingon siya dito. "Nakalimutan kong sabihin, umayos ka mamaya sa party. Ipapakilala
Patungo silang mag-asawa kay Trish na ngayon ay may kausap na lalaki. Nakatalikod ito sa kanila. Sa hindi malamang dahilan, biglang kinabahan si Eunice. Hindi niya mawari kung para saan ang kabang biglang umusbong. Nang mapansin sila ni Trish, agad kumaway ito. Lumingon naman ang lalaking kausap nito sa gawi nila. Sakto naman ang pagtigil nilang mag-asawa sa harap ng mga ito. At sa pagharap ng lalaki, agad niya itong nakilala. Parang siyang natulos na kandila sa kinatatayuan niya. 'Oh ghad. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makita, bakit siya pa? Bakit ngayon pa na kasama ko si Travis?' "Dude! Sh*t men! Long time no see! Balita ko may asawa ka—" Hindi natuloy ng lalaki ang sinasabi nang mapatingin ito sa babaeng kasama ng kaibigan niya. Namilog ang singkit nitong mga mata, "Eunice!?" Hindi alam n
TRAVIS A married life doesn't easy, dahil doon palang papasok sa pagsasama niyo ang mga pag-subok sa inyong buhay. Ang dami naming pinag-daanan ni Aaliyah, simula sa umpisa hanggang sa nagsama na kami at bumuo ng isang pamilya. Akala ko talaga tuluyan na akong iiwan ni Aaliyah, Akala ko masisira na ang pamilyang binuo ko. Salamat dahil may asawa akong maunawain at maintindihin. Nag-papasalamat talaga ako na pinilit ng mga magulang namin na ikasal kami ni Aaliyah, kasi siya pala ang babaeng bubuo sa akin, ang babaeng mamahalin ako sa kung ano ako, Ang babaeng mahal pa rin ako kahit nasaktan kona ng ilang beses, Ang babaeng pinaiyak ko pero tinanggap pa rin ako ng taos puso. Ang babaeng nagparanas sa akin ng totoong pagmamahal at pinaramdam sa akin ang totoong kasiyahan. She’s the right girl for me and to love her is very worth it. I never regret that she is the woman I loved and will be with until my old age. Sobrang proud ako dahil si Aaliyah ang asawa ko at duma
** “Love, the doctor said you were pregnant. We will have a baby, we will have the family we want. Binigyan na tayo ng anghel na ninanais natin. Thank you, Love. Sobrang saya ko.” Emosyonal na sambit ni Jacob, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Samantalang si Bes, naman ay natulala. Hanggang sa unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. At hindi makapaniwalang tumingin sa amin. “T-talaga? Buntis nga ako? Totoo 'yong hinala natin, Bes?" mabilis naman akong tumango habang may ngiti sa labi. At doon, napahagulgol na nga siya ng iyak. Niyakap naman siya ni Jacob. “Oh my gosh..'yung dating pinapangarap ko lang, binigay na ni lord. Magiging isang ganap na kaming pamilya soon." “Yes, love. Matutupad na ang pangarap natin.” Hinayaan muna namin sila saglit sa ganoong tagpo, umiiyak pa rin si Bes, iba talaga ang hormones ng buntis. “That's enough, Bes. Hindi pwede sa buntis ang ganyan, makaka-apekto sa baby. Hanggang maari dapat iwas sa stress okay?” Sunod sunod
Aaliyah Nakarating kami sa hospital at agad na dinala sa ER si Trisha para icheck kung anong lagay nito. Habang kami nag-hihintay lang sa labas. Hindi mapakali si Jacob, palakad lakad ito, pabalik balik. “Hey, Ja. Can you please, sitdown? Nahihilo ako sa'yo. Don't worry too much. Sigurado ok na si Bes.” Sabi ko ng hindi na matiis ang pagpapabalik-balik niya. Nilingon naman niya ako. “How can I calm down, Ali? my wife is inside and I don't know the reason why she fainted, then you still don't want to tell us what really happened.” Halata sa boses nito ang pagkairita, naiintindihan ko naman. Bumuntong hininga ako bago siya tinitigan ng deretso sa mga mata. “I understand that you're worried, but I don't want to say my suspicions right away. Maybe I'm wrong and giving more problems. I want to make sure first and I really want the truth to come from the doctor or Bes. I'm sorry. You will understand me later. I don’t want to rush right now; there’s still no certainty.” Sery
KINABUKASAN Nagising ako dahil may naririnig akong nagsusuka, nakapikit ang isang mata ng kapain ko sa center table ang phone ko para icheck ang oras, 5:18am palang. Ang aga-aga pa. Dahan-dahan akong bumangon at pinakinggan kung tama ba ang naririnig kong may nag-susuka. Nang masigurado kong may tao nga sa banyo ay bumaba ako sa kama at sinilip ang bawat higaan kung sino ang kulang. Nangunot ang noo ko, nang makitang walang katabi si Jacob, Sobrang sarap ng tulog nito na hindi niya alam na wala na siyang katabi. So, means si Trisha ang nasa loob at nag-susuka? Muli kong pinasadahan ng tingin ang higaan, malalalim pa rin ang tulog nila. Mukhang pagod na pagod sa bihaye kahapon at sa pag-langoy tapos sinabayan pa ng uminom kami kagabi. Dalawang beer lang naman ang aking ininom. Sila ay medyo nakarami din pero hindi naman mga lasing o may tama. Sakto lang para pampatulog talaga. Pagkatapos ko pasadahan ng tingin ang lahat ay dahan dahan na akong nag-lakad patungo sa ba
Aaliyah Matapos kumain, nag-pahinga lang kami saglit, bago nagpalit ng damit pang-ligo. Inuna ko munang bihisan si Trisha na excited na excited ng bumaba. Sinunod ko naman si Trevor na tuwang tuwa din sa kanyang salbabida na binili ni Travis sa baba. Nang masiguro kong ok na ang mga bata, ako naman ang sumunod na nag-bihis. Isang bikini na kulay pula ang sinuot ko, tapos ay pinatungan ko iyon ng isang white maxi summer dress with slit. Hinayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok. Nang makuntento sa ayos ng aking suot ay lumabas na ako ng banyo. Saktong ako na lang pala ang hinihintay ng lahat. Napangiti ako ng makita ang ayos ng asawa ko. Parehas kami ng kulay ng damit. Ang sa kanya naman ay isang floral hawaiian summer polo shirt na naka bukas at may panloob na sandong puti tapos ay isang board short na navy blue ang kulay. Napaka-gwapo talaga ng asawa ko. "Okay na ba ang lahat? let's go! saktong sakto ang baba natin." Excited na yaya sa amin ni Trisha. Kinuha nit
Nang mag-park si Travis ay binalingan kona si Trishana at Tracy, para dahan-dahan gisingin. Si Trevor naman ay mabilis lang nagising ni Elsa, Alam na alam na talaga niya kung paano gigisingin ang bata na hindi totoyoin. Kanina habang nasa biyahe ay nasa akin si Trevor nilalaro ko siya at nagbobonding kaming mag-ina kaso ng inantok na ay hinanap pa rin niya si Elsa at doon na nga ito nakatulog sa kandungan ng babae. Wala naman akong nagawa dahil laging si Elsa talaga ang nakasama nito sa nagdaan na buwan at araw. Ang problema lang kapag bagong nanny na ang mag-aalaga dito. Baka ang mangyari ay hindi muna ako makapasok sa kompanya kapag nagkaganon. Baka mahirapan ang bago naming makukuhang nanny, kailangan ko muna siyang alalayan at ituro ang mga dapat gawin. “Girls, gising na. Nandito na tayo.” Malambing ang boses na gising ko sa kanila. Nang marinig nila ang sinabi ko ay agad agad silang umayos ng upo at sumilip sa labas. “Omg! Were here na po talaga!” Masayang turan ni
Aaliyah Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa itsura ngayon ni Trace. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil sa titig na ginagawad sa kanya ni Elsa. “Why didn't you tell me, you already told them?” Masungit na tanong ni Elsa, napakamot naman sa kanyang ulo si Trace. Oo, nga bakit hindi niya kase sinabi? “Sorry, gusto ko kase sabihin sa'yo ng personal kaso naunahan ako ni Aaliyah. Well, iyon lang naman ang hindi ko nasabi sa'yo. Sorry, Baby.” Paliwanag naman nito, inismidan naman siya ni Elsa. “Tss, lagi naman tayo magkatext hindi mo man lang ako inabisuhan. Nakakahiya tuloy na tinawag ko pang Maam, si Aaliyah. Baka naman sinadya mong 'wag sabihin, para maasar mo ako? Tama ba ako Trace Victor?” Napangiwi ito ng sabihin ng girlfriend niya ang buong pangalan niya. Lahat tuloy kami sa kanila na nakabaling ang atensyon, Si Travis, Trisha at Jacob na kanina busy sa pakikipag harutan kay Trevor ay ngayon nakatingin na kay Trace na parang batang pinapagalitan ng ka
Aaliyah Habang nasa biyahe kami ay hindi na ako mapakali, Excited na akong makita ang mga bata. Ngayon lang kasi sila nawalay sa amin ng ganito katagal. Kaya miss na miss kona sila. Hindi naman naging matagal ang biyahe namin dahil hindi kami naabutan ng Traffic, Isa pa maraming alam na shortcut si Trace, Iniwasan nito na madaanan namin, ang daan kung saan heavy Traffic, mukhang alam na nito ang mga pasikot-sikot dito. Isang sasakyan nalang ang ginamit namin dahil sa kagustuhan ni Trace, ang kotse ni Travis ay dinala na ng mga tauhan ng pinsan niya sa bahay nito. Well, Mas ok na rin ang isang kotse lang, Masaya kaya kapag marami kayo sa sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa isang expensive subdivision, Yeah. Expensive dahil sa Forbes Park Makati pala nakatira si Trace. "Wow, hindi ko akalain na ganito kana kayaman ngayon, kuya Trace! Sa Isang Exclusive Subdivision ka nakatira! Shems, Forbes Park, expensive!" Namamanghang sambit ni Trisha sa pinsan habang nakamasi
Tumingin si Travis sa kanyang pinsan bago nagsalita. “Noong nasa batangas ang mga bata ay alam mo na talaga dahil pinapasubaybayan mo kami? May inutusan kang magmanman kay Mayell at nalaman mo ang balak niya? Kaya inunahan mona siya, Tama ba?” Tanong nito na siyang kinatango ni Trace. “Paano mo pala nakumbinsi ang mga bata na sumama sayo? Hindi agad sumasama kung kani-kanino si Trishana. Mukhang panatag na panatag na sila na kasama ka, base sa mga litrato na pinasa mo sa amin. Anong ginawa mo o sinabi sa kanya?” Muling tanong ni Travis. “Well, may isa pa akong sasabihin sa inyo, sorry kung ginawa ko ito. I need to do this for the safety of the kids at para mas lalong mapadali ko silang makukuha incase nga na may gawin si Mayell sa kanila. Si Elsa na yaya ni Trevor ay... Girlfriend ko.” “W-what?!” Sabay na turan nila Aaliyah, Trisha at Travis. Habang hindi makapaniwalang tumingin kay Trace na ngayon ay tipid na nakangiti. “Ano mo nga ulit si Elsa, Trace? Paki-ulit ng