Patungo silang mag-asawa kay Trish na ngayon ay may kausap na lalaki. Nakatalikod ito sa kanila.
Sa hindi malamang dahilan, biglang kinabahan si Eunice. Hindi niya mawari kung para saan ang kabang biglang umusbong.
Nang mapansin sila ni Trish, agad kumaway ito. Lumingon naman ang lalaking kausap nito sa gawi nila. Sakto naman ang pagtigil nilang mag-asawa sa harap ng mga ito.
At sa pagharap ng lalaki, agad niya itong nakilala. Parang siyang natulos na kandila sa kinatatayuan niya.
'Oh ghad. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makita, bakit siya pa? Bakit ngayon pa na kasama ko si Travis?'
"Dude! Sh*t men! Long time no see! Balita ko may asawa ka—" Hindi natuloy ng lalaki ang sinasabi nang mapatingin ito sa babaeng kasama ng kaibigan niya. Namilog ang singkit nitong mga mata, "Eunice!?" Hindi alam n
Lumipas ang isang buwan... Tahimik na kumakain ng almusal sila Eunice. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya. Pinilit lang niyang tumayo para makapaghanda ng almusal para sa asawa at kaibigan. Pasulyap sulyap naman sa kanya ang magkapatid. Maya-maya pa, naramdaman niyang naduduwal siya. Dali dali siyang tumayo at tumakbo papunta sa CR, sumuka siya nang sumuka doon. Nakasunod naman sa kanya si Trish, nag-aalala itong lumapit sa kanya at hinagod ang likod nito. "Are you okay bes? Parang kahapon ka pa ganyan? Sobrang tamlay mo, may sakit ka ba?" Kahapon pa napapansin ni Trish ang kaibigan. Ang tamlay tamlay nito, parang ayaw kumilos. Ang konti din ng kinakain. Matapos niya sumuka, nagmumog ito at nanghihinang sumandal sa sink. "Masama lang pakiramdam
Lumabas na ng mansyon si Trish, kuyom ang mga kamao nito. Habang si Eunice sumandal lang sa sofa. Pinapanalangin na hindi muna siya buntis. Makalipas ang kalahating oras, nakabalik na si Trish. Inabot nito ang apat na PT kay Eunice. "Here, gamitin mo na. Isa ang dalhin mo sa CR at reserba ang iba. Hihintayin kita dito okay?" "Sige bes." Kinuha niya ang PT at pumunta na sa CR. Naupo naman si Trish sa single sofa, kabado ito para sa magiging resulta ng PT. Kabado siya habang kinukuha ang PT at binuksan ang mga ito para ipatak ang ihi niya. Pumikit siya nang matapos mapatakan ang PT, huminga muna siya ng malalim bago dahan dahang minulat ang mata para tingnan ang resulta. Dalawang linya.. Positive...
Matapos niya mag-impake. Tinext niya si Trish na pumunta sa kwarto niya. Wala pang ilang minuto, kumatok na ito sa kwarto niya. Pagbukas niya ng pinto, nag-aalalang mukha ng kaibigan ang bumungad sa kanya. Agad agad itong pumasok sa loob at nilock ang pinto. "Anong nangyari? Hindi ako lumabas ng kwarto, ayokong makahalata si kuya 'e. Anong sinabi niya nung sinabi mong palalayain mo siya at iiwan?" Naiiyak na umiling iling siya sa kaibigan. "Wala, pinamukha lang niya sakin na si Mayell pa rin talaga ang mahal niya. Wala na talaga bes, mas magandang lumayo na ako. Hindi ko na kaya, suko na ako, pagod na ako.. Tama ang mga sinabi mo sakin kanina, hindi niya deserve ang anak namin. Lalayo ako at magbabagong buhay kasama ang anak ko at katulad ng sinabi mo, itutuloy ko ang pangarap ko. Kakalimutan ko na si Travis," Tuluyang pumatak ang mga l
Inis niyang pinatay ang alarm clock na nasa side table niya. 'D*mn, sobrang sakit ng ulo ko. Kulang na kulang na ako sa tulog. Lately, lagi akong nasa isang VIP bar kung nasaan si Mayell. Lagi ko siyang pinagmamasdan sa malayo, binabantayan. At kanina, madaling araw na naman ako nakauwi dahil sinundan ko pa siya kung safe siyang makaka-uwi sa condo niya.' Naupo siya sa kama at kinuha ang cellphone. Napakunot noo siya nang bumungad sa kaniya ang text ni Aaliyah. Nagtataka niyang binuksan ang mensahe. Hindi naman nagtetext sa kaniya ang asawa kaya kagulat-gulat na nagmessage ito. At kaninang madaling araw, naglabas ito ng sama ng loob sa kanya dahil sa pagtrato niya dito. Binuksan niya ang text para basahin. At sa pagbasa niya nito, para siyang pinagbaksakan ng langit at lupa.. &nbs
Habang nag-uusap usap sila Travis, Kanina pa nakikinig si Trish mula sa may hagdan. Kanina pa ito nakaupo sa baitang ng hagdan nila, pinapakinggan ang mga sinasabi ng kapatid. Pinapanood nito ang kuya niya kung paano i-explain ang sarili, kung bakit nga ba umalis ng mansion si Eunice. Dahil busy silang lahat, hindi nila napapansin ang presensya ng dalaga. Nang hindi na ito nakatiis, tumayo ito at naglakad pababa sa hagdan. Humanda ka sakin kuya, igaganti ko ang kaibigan ko. Kapatid kita pero mas pipiliin ko ang bestfriend kong ginago mo at hindi mo pinahalagahan. "Really kuya? Hindi nga ba talaga nagkaintindihan? O may iba pang rason kaya umalis si Eunice?" Seryosong saad niya habang naglalakad patungo sa kanila. Napalingon sa kanya ang ama at ina, pati na rin ang kapatid niya. "Trish.." Nanghi
"Isang taon lang ang bisa ng kasal nila. 'Yun ang sinabi ni kuya kay Eunice dad, at sa isang taon na 'yon, tuwing nandito kayo dapat magpapanggap silang sweet para hindi niyo mahalata na hindi sila okay, na isipin niyong nag-iimprove ang relasyon nila, dahil ayaw matali ng matagal ni kuya kaya ganoon ang sinabi niya kay Eunice dahil ang mahal pa rin niya ay si Mayell. Gabi gabi niyang pinupuntahan ang babaeng 'yon para lang bantayan, para lang masilayan. Alam 'yon lahat ni Eunice pero inintindi niya si kuya, tiniis niya ang lahat para sa kanya. Ganoon siya kamahal ng kaibigan ko." Nanginginig naman na tumingin sa anak na panganay si Troy, hindi makapaniwala sa nalaman. Masama nitong tiningnan ang anak. "Totoo ba Travis?! Totoo ba lahat ng sinabi ng kapatid mo!? Isang taon lang ang bisa na kasal niyo ni Eunice!? Pinakialaman mo ang marriage contract niyo!?" Galit na sigaw nito. Akma pa itong tatayo pero pin
Inayos ni Travis ang sarili. Tumingin ito sa kapatid. "You!" Napaangat ng isang kilay si Trish dahil sa reaksyon ng kapatid. H'wag niyang sabihin na nagpanggap na naman siya? "What?" Masungit na saad niya. Bigla naman ginulo ng kuya niya ang buhok niya, "What the.. kuya! Ano ba!?" Inis niyang hinawi ang kamay nito, nakita niya ang tunay na ngiti ng kapatid. "Thank you, dahil sa mga salita mo, dahil sa mga sinabi mo, natauhan ako. Masyado na nga talaga akong g*go. Pati si Aaliyah dinamay ko pa sa kag*guhan ko." Tumayo na si Trish at humarap sa kapatid. "Buti naman at natauhan ka na. Kailangan pa palang mangyari 'to para malaman mo ang kamalian mo. Now, ayusin mo na 'yang sarili mo at hanapin ang bestfriend ko. Pero sinasabi ko sa'yo kuya, mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita kaya kailangan mo ng mahabang pasensya. Sa sitwasyon ngayon, dalawang araw nang wala si Eunice pero hirap tayo na mahanap siya kaya habaan mo ang pasensya mo. Gawin mo lahat ng makakaya mo para bumal
"What!? Why? Bakit hindi siya pumayag? Ginawa niyo ba lahat?" Medyo naiiritang saad ni Travis. "Yes kuya, ako pa nga mismo ang pumunta sa company nila para makausap siya kaso ang naka-usap ko lang 'yung secretary niya." Malungkot na saad ni Trish. Excited pa naman siya dahil nakapili na sila ng model para sa event ng company at magiging designer. "D*mmit, bakit hindi niya tinanggap? Bakit hindi siya pumayag na maging model at designer? Malaki naman ang ibabayad natin sa kanya." "Hindi ko rin alam kuya 'e, sabi ng ibang nakausap ko doon wala naman silang ibang project ngayon, maluwag ang gawain nila kaya nagtataka ako. Tapos sabi ko nga sa secretary niya na kung pwede ako ang kumausap kaso ayaw talaga kaya bumalik na lang ako dito sa kumpanya. Paano 'yan kuya? Hahanap na lang ulit tayo ng iba?" Napahilot sa noo si Travis, akala niya magiging maayos na ang lahat kapag nakahanap sila ng model at magiging desi