** “Love, the doctor said you were pregnant. We will have a baby, we will have the family we want. Binigyan na tayo ng anghel na ninanais natin. Thank you, Love. Sobrang saya ko.” Emosyonal na sambit ni Jacob, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Samantalang si Bes, naman ay natulala. Hanggang sa unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. At hindi makapaniwalang tumingin sa amin. “T-talaga? Buntis nga ako? Totoo 'yong hinala natin, Bes?" mabilis naman akong tumango habang may ngiti sa labi. At doon, napahagulgol na nga siya ng iyak. Niyakap naman siya ni Jacob. “Oh my gosh..'yung dating pinapangarap ko lang, binigay na ni lord. Magiging isang ganap na kaming pamilya soon." “Yes, love. Matutupad na ang pangarap natin.” Hinayaan muna namin sila saglit sa ganoong tagpo, umiiyak pa rin si Bes, iba talaga ang hormones ng buntis. “That's enough, Bes. Hindi pwede sa buntis ang ganyan, makaka-apekto sa baby. Hanggang maari dapat iwas sa stress okay?” Sunod sunod
TRAVIS A married life doesn't easy, dahil doon palang papasok sa pagsasama niyo ang mga pag-subok sa inyong buhay. Ang dami naming pinag-daanan ni Aaliyah, simula sa umpisa hanggang sa nagsama na kami at bumuo ng isang pamilya. Akala ko talaga tuluyan na akong iiwan ni Aaliyah, Akala ko masisira na ang pamilyang binuo ko. Salamat dahil may asawa akong maunawain at maintindihin. Nag-papasalamat talaga ako na pinilit ng mga magulang namin na ikasal kami ni Aaliyah, kasi siya pala ang babaeng bubuo sa akin, ang babaeng mamahalin ako sa kung ano ako, Ang babaeng mahal pa rin ako kahit nasaktan kona ng ilang beses, Ang babaeng pinaiyak ko pero tinanggap pa rin ako ng taos puso. Ang babaeng nagparanas sa akin ng totoong pagmamahal at pinaramdam sa akin ang totoong kasiyahan. She’s the right girl for me and to love her is very worth it. I never regret that she is the woman I loved and will be with until my old age. Sobrang proud ako dahil si Aaliyah ang asawa ko at duma
Aaliyah Eunice (Present) "Bes, anong resulta, positive ba?" Tanong ni Trisha habang nakatingin sa ’kin, nanginginig na inilahad ko sa kanya ang pregnancy test, mabilis naman niyang kinuha sa kamay ko ang PT at tinignan iyon. Napasinghap ito ng makita ang resulta. "Oh my god!" Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng bestfriend ko. Napapikit na lamang ako at napahawak sa aking mukha. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako, paano ko sasabihin kay Travis 'to? "Trish, anong gagawin ko? Natatakot akong sabihin sa kuya mo ang pag bubuntis ko, baka hindi niya ako paniwalaan! Alam mo naman ang sitwasyon namin ‘di ba? Alam mong pinakasalan lang ako ng kuya mo para sa kompanya n’ya. At hindi naman ako ang tunay niyang mahal. Wala lang ako sa kuya mo. kaya paano 'to?." Hindi ko maiwasan na hindi ma-iyak, naramdaman ko naman ang pag-yakap niya sa akin. "Shhhh..stop crying Bes, mag-iisip tayo ng paraan ok? Magiging ok din ang lahat." Pang-aalo niya sa akin. Tumigil naman ako
Aaliyah Eunice's pov "Aah! Ang sarap talaga ng pineapple juice na gawa ni Manang!" Masaya kong sambit habang binababa ang baso na ininuman ko. Sana dinamihan ni manang ang ginawa niyang juice, para na-iakyat ko sa taas mamaya para may naiinom ako habang nag-iisip ng mga design na gagawin ko. Kinuha ko ang basong pinag-inuman at nilagay sa lababo para hugasan. Nakasanayan ko na ang ganitong routine, hindi ko na inaasa sa mga katulong namin ang kakaunting hugasin, bait ko 'no? Wala 'e, Si manang kasi pinalaki akong marunong sa lahat ng gawaing bahay. Dapat kahit mayaman kami, may alam pa rin ako sa mga gawain, kasi babae raw ako. Maganda raw kasi sa isang babae ang may alam sa mga ganitong klaseng bagay. Lalo na kapag nag-asawa para maasikaso ko raw ang magiging asawa ko. So, balang araw, ang mahal kong si Travis ang lulutuan ko ng mga paborito niyang pagkain, Dahil siya ang magiging asawa ko! Tapos ako ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin habang siya tinutulungan ako. Magigi
Lahat kami nakatingin pa rin sa papalayong si Travis. Kahit na nasaktan ako sa mga sinabi niya kanina, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala para dito. Ako nga na minamahal siya ng patago nasaktan sa mga sinabi niya, paano pa kaya siya na niloko ng girlfriend niya? Mahal na mahal pa man din n'ya. Doble o triple ang sakit no`n. Nabaling ang aming atensyon nang magsalita si tita. "Honey, bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo ba nakitang nasaktan ang anak mo?" "Mas okay na malaman na niya ang katotohanan honey, na niloloko lang siya ng babaeng kinababaliwan niya. Tama lang talaga na ipakasal natin siya kay Eunice, sigurado tayong magiging maayos si Travis. Mabait, maganda, masipag at matalino ang mapapangasawa niya. Darating din ang araw na matututunan nilang mahalin ang isa't-isa lalo na kung mag-kakasama sila sa iisang bahay. Tama ba ako hija?" Napaayos ako ng upo nang bumaling sa`kin si tito. God, totoo ba 'to? Ikakasal talaga kami ni Travis? Parang kanina lang pinap
Eunice's pov. "Bes, you ready? They were waiting downstairs." Bumuntong hininga ako. This is it Eunice, harapin mo na ang naging desisyon mo. Tumayo ako at tipid na ngumiti kay Trish. "I'm ready, let's go." Nandito kami ngayon sa bahay nila Tita Kim, nandito rin sila mom and dad. Pag-uusapan na ang tungkol sa nangyari kahapon at syempre, ang kasal na sinasabi nila. Ngayon malalaman ang desisyon namin ni Travis. Kung parehas kaming pumayag, ikakasal daw agad kami next week. Ayon ang sabi sa`kin ni Trish. Narinig daw niya kasing nag-uusap sila Tito Troy at Tita Kim. Grabe, agad agad ikakasal kami, matatali na ba talaga ako? Hindi ko na ba magagawa ang mga gusto ko? Ang pangarap ko? Magiging maybahay nalang ako? Sana naman kahit ikasal kami magawa ko pa rin ang mga gusto ko gawin, lalo na ang pangarap ko.. Nang makababa kami ni Trish, dumiretso kami sa dinning area kung saan naghihintay ang mga magulang namin. "Oh they are here na. Maupo na kayo. Honey, nasaan na
Tumigil kami sa isang pinto malapit sa maid quarters. Anong gagawin namin dito? May kinuha ito sa bulsa niya.. Susi? Bigla naman akong kinabahan! Oh no, h'wag niyang sabihin.. oh geez, Eunice ang isip mo na naman! Pero bakit kasi dito? Bakit may kwarto pa? Kahit sabihing ikakasal na kami ayoko pa gawin ang bagay na 'yon! Nang mabuksan na niya ang pinto, hinatak na niya ako papasok sa loob at binitiwan. Napapikit ako ng mariin dahil sa takot. Geez ano bang gagawin namin dito? “What are you doing? Para kang t*nga.” Huh? Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, bumungad sa`kin ang mukha niya, Nakakunot noo ito. Pero sandali, anong sabi niya? Ako, t*nga? Bubungangaan ko sana siya kaso mabilis na niya akong tinalikuran, bastos! Pero napanganga ako nang makita ko ang itsura ng loob ng kwarto. “Wow!” Namamangha kong sambit habang nililibot ang tingin sa paligid. Ang daming paintings! ang gaganda lahat. Kanino kaya ang mga 'to? bakit dito nakatago? “Come here, Aaliyah!”
“Do you Travis, take Eunice to be yours? And do you Eunice, take Travis to be yours? Do you both promise your hearts to be with each other? Will you walk hand and hand wherever life's journey takes you? Will you keep living, learning, loving, and growing together for the rest of your lives?” “I do/ I do.” Parehas naming sagot ni Travis. Nakatitig kami sa isa't-isa pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya, parang wala lang talaga sa kaniya ang nangyayari. Sumasakay lang siya sa agos ng seremonyas na ito. “And now for the rings, Travis, please place this ring on Eunice and repeat after me.” Sabi ng judge. Tumango naman si Travis. Muli akong nag-angat ng tingin kay Travis habang kinukuha niya ang singsing at inulit ang sinabi ng judge. “I give you this ring as a symbol of my love and vows, to cherish always and forever.” Dahan dahan niyang sinuot ang singsing sa aking daliri, kumirot ang puso ko dahil habang binibigkas niya ang bawat salita ay wala itong emosyon