Aaliyah Eunice's pov
"Aah! Ang sarap talaga ng pineapple juice na gawa ni Manang!" Masaya kong sambit habang binababa ang baso na ininuman ko. Sana dinamihan ni manang ang ginawa niyang juice, para na-iakyat ko sa taas mamaya para may naiinom ako habang nag-iisip ng mga design na gagawin ko.
Kinuha ko ang basong pinag-inuman at nilagay sa lababo para hugasan. Nakasanayan ko na ang ganitong routine, hindi ko na inaasa sa mga katulong namin ang kakaunting hugasin, bait ko 'no? Wala 'e, Si manang kasi pinalaki akong marunong sa lahat ng gawaing bahay. Dapat kahit mayaman kami, may alam pa rin ako sa mga gawain, kasi babae raw ako. Maganda raw kasi sa isang babae ang may alam sa mga ganitong klaseng bagay. Lalo na kapag nag-asawa para maasikaso ko raw ang magiging asawa ko.
So, balang araw, ang mahal kong si Travis ang lulutuan ko ng mga paborito niyang pagkain, Dahil siya ang magiging asawa ko! Tapos ako ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin habang siya tinutulungan ako. Magiging mabuting may bahay talaga ako pag naging asawa ko si Travis. Pangako `yan! Pero charr lang! Asa naman ako na pansinin ako ng suplado na `yun.
"My God! Eunice, ayan ka na naman sa imahinasyon mong imposibleng mangyari. Kahit mahal ko 'yong lalaking 'yun, walang pakialam sa mundong ibabaw 'yon dahil ang mahalaga lang doon, ang kompanya nila. Hanggang pangarap ka na lang ako. Ays! Nabubuang na naman ako. Kinakausap ko na naman ang sarili ko! Tsk!"
Matapos kong mahugasan ang ginamit kong baso at iba pa ay nagpunas na ako ng kamay. Babalik na ako sa aking kwarto at itutuloy ang ginagawa ko.
I just came out of the kitchen when I heard a shout, it was coming from outside. My forehead furrowed because the voice sounded familiar.
"Kuya! Come on! She doesn't know anything about it, okay? Don't—Kuya!"
"Kuyaaa!"
Hala! Boses ba 'yun ni Trish? Nagmadali akong pumunta sa pinto para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas. Pag bukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan ang bubungad sa 'kin. Isang hingal na hingal na si Kaden Travis Dela Cerna lang naman. Ang lalaking kanina ay iniisip ko lang.
"Oh God! Kuya! Let's go home, please. H'wag mong galitin lalo sila Daddy!" Nabaling ang tingin ko sa bestfriend kong ngayon ay nasa likod ng kuya niya, hingal na hingal din ito.
Okay? What's going on here?
"Shut up, Trisha." Para naman akong natulos na kandila sa kinatatayuan ko dahil sa nakakatakot na boses ni Travis. Sabayan pa ng titig na ginagawad nito sa 'kin ngayon. Gosh, ano bang nangyayari? Bakit sila nandito sa harap ng bahay namin? Kahit kinakabahan ay naglakas loob akong magtanong.
"U-uhmm.. ano bang meron? Bakit nagsisigawan kayo? At bakit nandito kayo sa harap ng bahay namin?"
"A-Ah kase ano bes, kas—" Hindi natapos ni Trish ang sinasabi dahil nagsalita ang kuya niya.
"Come with me, Aaliyah." Ha? Ano daw?
"Ha? Saan tayo pupunta t—" Napamaang ako nang hawakan niya ang aking kamay at hinila palabas. Sh*t, ano ba talagang nangyayari? Lumingon ako sa likod kung saan nakatayo ang bestfriend ko. Kitang kita ko ang pangamba sa mga mata niya at takot. Umiling-iling pa ito bago sinarado ang pinto ng bahay tapos sumunod sa'min. Anong ibig sabihin no'n?
Aaah! Ano ba talagang meron!? Malalaking hakbang ang ginawa ni Travis habang hila hila ako. Jeez! para na akong tumatakbo sa ginagawa niya.
Ang hahaba ng biyas niya at ako maliit lang, kamusta naman? Just one step of Travis equals, two steps to me. My god!
Nang makapasok kami sa bakuran nila, naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Anong gagawin ko dito sa bahay nila? Bakit niya ako dinala dito? Sumulyap ako sa likuran namin, nakasunod na si Trish pero napansin kong parang naiiyak ito.
Mag kapitbahay lang kami ng bestfriend ko, at hindi ko alam kung bakit hinila ako ng kuya niya dito. Mukhang hindi maganda ang mang-yayari. Dumiretso kami sa garden nila, at doon nakita ko si Tito Troy at si Tita Kim na parehas gulat ang ekspresyon ng mga mukha ng makita akong hila-hila ng kanilang anak.
Tumigil kami sa harap ng magulang niya. Napasinghap ako nang itulak niya ako papunta sa harap. Jeez! Ang bastos niya sa part na 'yon!
“Is she the one you're saying I'm going to marry, Dad ha? This girl?!"
My eyes widened at what I heard. I turned my gaze to him. Anong pakakasalan? Anong pinag-sasabi ng lalaking ito? Ano bang nangyayari talaga dito?
"Son, calm down okay? P'wede natin 'tong pag-usapan ng mahinahon. Don't be rude, anak.” Mahinahong sabi ni Tita, Sabay baling niya sa akin at ngumiti. “Eunice hija, halika dito maupo ka." Mahinahong tawag nito sa akin. Kahit nawiwindang ako sa sinabi ni Travis ay tumango pa rin ako kay Tita Kim at naupo sa katapat nilang upuan. Sumunod din sa 'kin si Trish na kanina pa pala nasa likod ko.
"How can I calm down, Mom? Daddy, didn't let me into the office just because of this useless thing? Ayan! Dinala ko na si Aaliyah Eunice dito para malaman niya ang pinag-uusapan natin, kung aware ba siya na gusto niyo ako ipakasal sa kanya, sa babaeng hindi ko naman mahal!"
Napakagat ako ng ibabang labi dahil sa sinabi niya. Para akong sinaksak ng tatlong beses sa aking puso dahil sa masakit niyang sinabi. Hindi ko man naiintindihan ang ibang nang-yayari pero sigurado ako sa huling narinig ko. Bakit sobrang sakit? Bakit ang sakit marinig sa taong mahal mo ang salitang 'yon? Yes, mahal ko si Travis mula noong mga bata pa kami hanggang ngayon, lihim ko siyang minamahal.
Sabagay, ano pa bang aasahan mo sa kanya, Eunice? Feeling mo mamahalin ka niya? Masyado kang feelingera at ambisyosa.
Pero kahit papaano, kahit katiting umasa ako na baka mapansin niya ako kasi dati naman ng mga bata kami pinapansin pa niya ako, pero nung nagsimula siya mag college hanggang siya na ang humawak ng kompanya nila, naging dedma na. Seryoso na siya simula no'n.
Sakit umasa, sobrang sakit.
"Why, Kaden Travis? Kanino mo gusto makasal? Sa babaeng kinababaliwan mo ngayon? Sa babaeng modelo na si Mikaela Mayell?" Kitang kita namin kung paano nanlaki ang mga mata ni Travis dahil sa sinabi ni tito.
May kinakabaliwan si Travis? Mikaela Mayell? Modelo? Sino b--oh gosh, h'wag niyang sabihin na ang kinababaliwan niyang babae ay si Mikaela Mayell Pielago? Ang sikat na modelo dito sa Pinas!
"Tss! Anong pinakain sa 'yo ng babaeng 'yon para mabaliw ka ng ganyan sa kanya? Hindi ka nararapat sa babaeng 'yon, Travis!" Biglang nag dilim ang awra ni Travis dahil sa sinabi ni tito. Kitang kita na hindi niya nagustuhan ang sinabi ng daddy niya.
"At kanino ako nararapat dad!? Sa babaeng 'yan na kaibigan ni Trisha!? Ipapakasal mo ako sa taong hindi ko gusto? Hindi ko mahal!?"
Ouch! kailangan paulit-ulit Travis? Alam ko nang hindi mo ako mahal, h'wag mo naman ipaulit ulit dahil ang sakit! Napayuko na lamang ako. Lahat ng ini-imagine ko kanina ay naglaho nalang bigla. Masakit talaga umasa. Pero mas masakit na ipa-mukha sa `yo ng taong mahal mo na hindi ka niya mahal.
"Oo! Magpapakasal kayo ni Eunice! Alalahanin mo Travis, mainit ang mata sa 'yo ng ibang board directors dahil bata ka pa! At pinag-usapan na namin 'to ni Ariel! Pag kayong dalawa ang kinasal, hindi na haharangin pa ng board directors ang pagiging CEO mo! Naiintindihan mo naman ang ibig kong sabihin 'di ba? Kaya mamili ka! Magpapakasal ka kay Eunice o mawawala sa 'yo ang lahat!?"
Ano 'to? Bakit hindi ko 'to alam? Ipapakasal nila kami para sa kompanya nila? At alam 'to ni daddy? 'Yung sakit na nararamdaman ko kanina mas dumoble. Feeling ko para akong laruan na p'wedeng pwede ipamigay. Wala akong kaalam alam na may ganito na pala. Si mommy at daddy..Why? Bakit hindi nila sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na ito?
"Uuwi bukas ang Tito Ariel at Tita Erin mo, pag-uusapan na ang kasal niyo ni Eunice." Muling sabi ni tito sa seryoso at final na boses.
"No! Hindi ako magpapakasal! Gagawa ako ng paraan para sa kompanya! Hindi ko sasaktan si Mayell! Siya ang mahal ko at siya lang ang babaeng pakakasalan ko!" Galit na sigaw ni Travis tapos ay tumalikod na at nag lakad, pero hindi pa man siya nakakalayo nang muli siyang tinawag ni tito.
"Travis! Eto ba ang babaeng kinababaliwan mo? Eto ba ang sinasabi mong mahal mo at ayaw mong saktan? Look at this picture and video." May nilabas na mga picture si tito galing sa isang envelop. Nilapag niya ito sa ibabaw ng lamesa. Napatitig ako doon tapos unti-unting nanlaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa nakikita. Parehas kaming nag-katinginan ni Trish.
Bago bumalik ang tingin ko kay Travis na ngayon pabalik na ulit sa table namin. Pinagkukuha niya ang mga pictures na nasa table. kitang kita ko kung paano nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha. Nanginginig ang mga kamay habang isa-isang tinitignan ang mga litrato.
Ang babaeng kinababaliwan niya at sinasabing mahal niya ay may kahalikan na ibang lalaki at hindi lang doon natatapos ang rebelasyon.
Muli kaming napalingon kay tito nang may iplay ito sa kanyang laptop, Isang video. Wow, hindi naman ready si Tito? Kompleto rekado ang binigay niyang ebedensya.
Hinarap niya ito kay Travis. Dahil curious kami ni Trish, sumilip din kami sa laptop ni tito. Nasa gilid ni Trish nakatayo ang kuya niya kaya madali para samin na silipin ito. Nasa isang mamahaling restaurant si Mikaela Mayell at ang lalaking kasama niya sa picture, hawak hawak ng lalaki ang isang kamay ni Mayell. Sobrang sweet ng mga ito. Hindi ko maalis ang tingin sa video.
"God, I miss you love. Ang tagal kong hinintay na makita ka muli."
"I miss you too love. Sorry ngayon lang ako nagkaroon ng oras para makatakas. Busy ako sa photoshoot at laging kong kasama si Travis."
"Tsk! Kailan mo ba iiwan si Dela Cerna? Gusto ko na ipaglandakan sa lahat na ikaw ang girlfriend ko. Ang hirap ng sitwasyon natin, bibihira kita makasama, bibihira kita makausap, ang hirap ng set up natin."
"Sshhh, don't worry love, humahanap lang ako ng tamang pagkakataon para makipaghiwalay. Ikaw ang pipiliin ko, ikaw ang mahal ko."
"Thank you love, I love you too.. hihintayin ko na iwan mo si Dela Cerna at sumama ka na sa 'kin."
"Konting tiis na lang love, magsasama na rin tayo okay? Sa ngayon, i-enjoy na muna natin ang pagkain na inorder mo, ok?"
Dahan dahan akong tumingin kay Travis na ngayon ay sobrang dilim na ng awra. Ramdam mo ang galit na namumuo sa kanya. Kinuyom nito ang kamao kasama ang mga pictures ni Mayell at ng lalaki nito.
"I'll talk to her." Sabay talikod nito. Wala ni-isa sa'min ang nag salita. Hinayaan ni Tito Troy na umalis ang kanyang anak.
*****
Lahat kami nakatingin pa rin sa papalayong si Travis. Kahit na nasaktan ako sa mga sinabi niya kanina, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala para dito. Ako nga na minamahal siya ng patago nasaktan sa mga sinabi niya, paano pa kaya siya na niloko ng girlfriend niya? Mahal na mahal pa man din n'ya. Doble o triple ang sakit no`n. Nabaling ang aming atensyon nang magsalita si tita. "Honey, bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo ba nakitang nasaktan ang anak mo?" "Mas okay na malaman na niya ang katotohanan honey, na niloloko lang siya ng babaeng kinababaliwan niya. Tama lang talaga na ipakasal natin siya kay Eunice, sigurado tayong magiging maayos si Travis. Mabait, maganda, masipag at matalino ang mapapangasawa niya. Darating din ang araw na matututunan nilang mahalin ang isa't-isa lalo na kung mag-kakasama sila sa iisang bahay. Tama ba ako hija?" Napaayos ako ng upo nang bumaling sa`kin si tito. God, totoo ba 'to? Ikakasal talaga kami ni Travis? Parang kanina lang pinap
Eunice's pov. "Bes, you ready? They were waiting downstairs." Bumuntong hininga ako. This is it Eunice, harapin mo na ang naging desisyon mo. Tumayo ako at tipid na ngumiti kay Trish. "I'm ready, let's go." Nandito kami ngayon sa bahay nila Tita Kim, nandito rin sila mom and dad. Pag-uusapan na ang tungkol sa nangyari kahapon at syempre, ang kasal na sinasabi nila. Ngayon malalaman ang desisyon namin ni Travis. Kung parehas kaming pumayag, ikakasal daw agad kami next week. Ayon ang sabi sa`kin ni Trish. Narinig daw niya kasing nag-uusap sila Tito Troy at Tita Kim. Grabe, agad agad ikakasal kami, matatali na ba talaga ako? Hindi ko na ba magagawa ang mga gusto ko? Ang pangarap ko? Magiging maybahay nalang ako? Sana naman kahit ikasal kami magawa ko pa rin ang mga gusto ko gawin, lalo na ang pangarap ko.. Nang makababa kami ni Trish, dumiretso kami sa dinning area kung saan naghihintay ang mga magulang namin. "Oh they are here na. Maupo na kayo. Honey, nasaan na
Tumigil kami sa isang pinto malapit sa maid quarters. Anong gagawin namin dito? May kinuha ito sa bulsa niya.. Susi? Bigla naman akong kinabahan! Oh no, h'wag niyang sabihin.. oh geez, Eunice ang isip mo na naman! Pero bakit kasi dito? Bakit may kwarto pa? Kahit sabihing ikakasal na kami ayoko pa gawin ang bagay na 'yon! Nang mabuksan na niya ang pinto, hinatak na niya ako papasok sa loob at binitiwan. Napapikit ako ng mariin dahil sa takot. Geez ano bang gagawin namin dito? “What are you doing? Para kang t*nga.” Huh? Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, bumungad sa`kin ang mukha niya, Nakakunot noo ito. Pero sandali, anong sabi niya? Ako, t*nga? Bubungangaan ko sana siya kaso mabilis na niya akong tinalikuran, bastos! Pero napanganga ako nang makita ko ang itsura ng loob ng kwarto. “Wow!” Namamangha kong sambit habang nililibot ang tingin sa paligid. Ang daming paintings! ang gaganda lahat. Kanino kaya ang mga 'to? bakit dito nakatago? “Come here, Aaliyah!”
“Do you Travis, take Eunice to be yours? And do you Eunice, take Travis to be yours? Do you both promise your hearts to be with each other? Will you walk hand and hand wherever life's journey takes you? Will you keep living, learning, loving, and growing together for the rest of your lives?” “I do/ I do.” Parehas naming sagot ni Travis. Nakatitig kami sa isa't-isa pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya, parang wala lang talaga sa kaniya ang nangyayari. Sumasakay lang siya sa agos ng seremonyas na ito. “And now for the rings, Travis, please place this ring on Eunice and repeat after me.” Sabi ng judge. Tumango naman si Travis. Muli akong nag-angat ng tingin kay Travis habang kinukuha niya ang singsing at inulit ang sinabi ng judge. “I give you this ring as a symbol of my love and vows, to cherish always and forever.” Dahan dahan niyang sinuot ang singsing sa aking daliri, kumirot ang puso ko dahil habang binibigkas niya ang bawat salita ay wala itong emosyon
Fast forward. Kinagabihan.. Pagod akong bumaba ng kotse ni Travis, hindi ko akalain na aabutin na kami ng gabi. Sila mom at Mommy Kim kasi ang daming pinag-usapan. Tapos sinabayan pa ng pag-inom. Well, kami ni Trish nagwine lang habang ang parents namin at si Travis hard drinks. Tumingin ako sa kabababa lang na si Trish galing sa kabilang kotse. Naglakad ito patungo sakin. "Bes! Congrats ulit. Mauuna na ako ah? Sobra talaga pagod ko 'e. Good night! Love you, mhuaaa!" Matapos makipagbeso beso, naglakad na siya papasok ng bahay. Ang parents ko nandoon na sa bahay. Magpapahinga na raw sila at bukas pupunta sila sa company. Naglakad na rin ako papasok sa loob. Sinilip ko muna si Travis, kausap niya ang parents niya. Kibit-balikat akong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina, nauuhaw a
I woke up with the sun shining brightly on my face. I smiled and got up. Nag-unat ako, ahhhh! Ang sarap ng tulog ko ah? Kahit nasa ibang kwarto ako at kahit na naging pangit ang gabi ko. Oh, naalala ko nilipat ko nga pala dito sa paanan ng kama ang hinihigaan ko. Baka kasi daan daanan ako ng mahal na hari, baka maapakan pa ako. Lumingon agad ako sa kama para tingnan kung nandoon pa ang asawa ko. Nandoon pa ito at masarap na natutulog. Tiningnan ko ang oras at mag-aalasyete na ng umaga. Bakit hindi pa siya gumigising para mag-asikaso pumasok? Alas otso dapat nasa opisina na siya. Gusto ko siya gisingin kaso baka magalit na naman siya, hays. Hayaan na nga, baka pagod at inaantok pa kaya hindi pa gumigising. Tumayo na ako at dumeretso sa CR para maghilamos. Habang nagtotoothbrush ay may biglang pumasok sa isip ko. Alam ko ngayon pa lang nagluluto ng almusal ang mga katulong, tutulun
"Son hindi si manang ang gumawa ng almusal mo ngayon. Your wife cooked all of that." Nakangiting saad ni Daddy Troy. Napatigil naman sa pagkain si Travis at hindi makapaniwalang tumingin siya sakin, "You cooked all of this?" Tinuro niya ang bacon, omelette at toasted bread na nasa harap niya. "Yes, tinulungan ko sila manang magprepare ng almusal. Maaga kasi ako nagising." Nahihiyang sabi ko. Tumango tango ito. "Masarap. Buti na lang pala hindi ako pumasok ngayon, natikman ko ang luto mo. Thank you baby." Napatigil ako sa pagkuha ng omelette nang halikan niya ako sa noo, oh gosh! Ang ganda ba ng gising niya kaya siya ganito? Ang sweet at lambing niya sakin ngayon. "Honey ang ganda nila pagmasdan ano? Napakasweet." Kinikilig na sabi ni Mommy Kim. Nag-init ang pisnge ko dahil lahat sila nanonood samin. "Nakakatuwa ngang pagmasdan
"D*mn it! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Aaliyah? H'wag na h'wag mong pakikialaman ang gamit ko! Hindi ka ba makaintindi?!" Napapikit na lamang si Eunice nang sigawan na naman siya ng asawa. "Sorry, nakakalat kasi kaya inayos ko na." Salubong ang kilay na binalingan ni Travis ng tingin ang asawa. "Kahit nakakalat pa 'yan o ano, basta pag sinabi kong h'wag mong galawin, h'wag mong galawin! Mahirap bang intindihin 'yon Aaliyah? Hindi ka naman siguro bobo o tanga 'di ba? Nakapag-aral ka naman! Bwiset! Lumabas ka nga ng kwarto! Naiirita ako sa'yo! Baka ano pang magawa ko!" Umiiyak na lumabas ng kwarto si Eunice. Dalawang buwan na ang nakakalipas, araw-araw na ganito ang nangyayari sa kanila. Noong dalawang linggo pa lang silang kasal ni Travis ay malambing pa ito dahil nga nandito pa ang mga parents nila. Kaso nang umalis na ang mga ito dahil kailangan nang bumalik sa ibang bansa, nagi
TRAVIS A married life doesn't easy, dahil doon palang papasok sa pagsasama niyo ang mga pag-subok sa inyong buhay. Ang dami naming pinag-daanan ni Aaliyah, simula sa umpisa hanggang sa nagsama na kami at bumuo ng isang pamilya. Akala ko talaga tuluyan na akong iiwan ni Aaliyah, Akala ko masisira na ang pamilyang binuo ko. Salamat dahil may asawa akong maunawain at maintindihin. Nag-papasalamat talaga ako na pinilit ng mga magulang namin na ikasal kami ni Aaliyah, kasi siya pala ang babaeng bubuo sa akin, ang babaeng mamahalin ako sa kung ano ako, Ang babaeng mahal pa rin ako kahit nasaktan kona ng ilang beses, Ang babaeng pinaiyak ko pero tinanggap pa rin ako ng taos puso. Ang babaeng nagparanas sa akin ng totoong pagmamahal at pinaramdam sa akin ang totoong kasiyahan. She’s the right girl for me and to love her is very worth it. I never regret that she is the woman I loved and will be with until my old age. Sobrang proud ako dahil si Aaliyah ang asawa ko at duma
** “Love, the doctor said you were pregnant. We will have a baby, we will have the family we want. Binigyan na tayo ng anghel na ninanais natin. Thank you, Love. Sobrang saya ko.” Emosyonal na sambit ni Jacob, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Samantalang si Bes, naman ay natulala. Hanggang sa unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. At hindi makapaniwalang tumingin sa amin. “T-talaga? Buntis nga ako? Totoo 'yong hinala natin, Bes?" mabilis naman akong tumango habang may ngiti sa labi. At doon, napahagulgol na nga siya ng iyak. Niyakap naman siya ni Jacob. “Oh my gosh..'yung dating pinapangarap ko lang, binigay na ni lord. Magiging isang ganap na kaming pamilya soon." “Yes, love. Matutupad na ang pangarap natin.” Hinayaan muna namin sila saglit sa ganoong tagpo, umiiyak pa rin si Bes, iba talaga ang hormones ng buntis. “That's enough, Bes. Hindi pwede sa buntis ang ganyan, makaka-apekto sa baby. Hanggang maari dapat iwas sa stress okay?” Sunod sunod
Aaliyah Nakarating kami sa hospital at agad na dinala sa ER si Trisha para icheck kung anong lagay nito. Habang kami nag-hihintay lang sa labas. Hindi mapakali si Jacob, palakad lakad ito, pabalik balik. “Hey, Ja. Can you please, sitdown? Nahihilo ako sa'yo. Don't worry too much. Sigurado ok na si Bes.” Sabi ko ng hindi na matiis ang pagpapabalik-balik niya. Nilingon naman niya ako. “How can I calm down, Ali? my wife is inside and I don't know the reason why she fainted, then you still don't want to tell us what really happened.” Halata sa boses nito ang pagkairita, naiintindihan ko naman. Bumuntong hininga ako bago siya tinitigan ng deretso sa mga mata. “I understand that you're worried, but I don't want to say my suspicions right away. Maybe I'm wrong and giving more problems. I want to make sure first and I really want the truth to come from the doctor or Bes. I'm sorry. You will understand me later. I don’t want to rush right now; there’s still no certainty.” Sery
KINABUKASAN Nagising ako dahil may naririnig akong nagsusuka, nakapikit ang isang mata ng kapain ko sa center table ang phone ko para icheck ang oras, 5:18am palang. Ang aga-aga pa. Dahan-dahan akong bumangon at pinakinggan kung tama ba ang naririnig kong may nag-susuka. Nang masigurado kong may tao nga sa banyo ay bumaba ako sa kama at sinilip ang bawat higaan kung sino ang kulang. Nangunot ang noo ko, nang makitang walang katabi si Jacob, Sobrang sarap ng tulog nito na hindi niya alam na wala na siyang katabi. So, means si Trisha ang nasa loob at nag-susuka? Muli kong pinasadahan ng tingin ang higaan, malalalim pa rin ang tulog nila. Mukhang pagod na pagod sa bihaye kahapon at sa pag-langoy tapos sinabayan pa ng uminom kami kagabi. Dalawang beer lang naman ang aking ininom. Sila ay medyo nakarami din pero hindi naman mga lasing o may tama. Sakto lang para pampatulog talaga. Pagkatapos ko pasadahan ng tingin ang lahat ay dahan dahan na akong nag-lakad patungo sa ba
Aaliyah Matapos kumain, nag-pahinga lang kami saglit, bago nagpalit ng damit pang-ligo. Inuna ko munang bihisan si Trisha na excited na excited ng bumaba. Sinunod ko naman si Trevor na tuwang tuwa din sa kanyang salbabida na binili ni Travis sa baba. Nang masiguro kong ok na ang mga bata, ako naman ang sumunod na nag-bihis. Isang bikini na kulay pula ang sinuot ko, tapos ay pinatungan ko iyon ng isang white maxi summer dress with slit. Hinayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok. Nang makuntento sa ayos ng aking suot ay lumabas na ako ng banyo. Saktong ako na lang pala ang hinihintay ng lahat. Napangiti ako ng makita ang ayos ng asawa ko. Parehas kami ng kulay ng damit. Ang sa kanya naman ay isang floral hawaiian summer polo shirt na naka bukas at may panloob na sandong puti tapos ay isang board short na navy blue ang kulay. Napaka-gwapo talaga ng asawa ko. "Okay na ba ang lahat? let's go! saktong sakto ang baba natin." Excited na yaya sa amin ni Trisha. Kinuha nit
Nang mag-park si Travis ay binalingan kona si Trishana at Tracy, para dahan-dahan gisingin. Si Trevor naman ay mabilis lang nagising ni Elsa, Alam na alam na talaga niya kung paano gigisingin ang bata na hindi totoyoin. Kanina habang nasa biyahe ay nasa akin si Trevor nilalaro ko siya at nagbobonding kaming mag-ina kaso ng inantok na ay hinanap pa rin niya si Elsa at doon na nga ito nakatulog sa kandungan ng babae. Wala naman akong nagawa dahil laging si Elsa talaga ang nakasama nito sa nagdaan na buwan at araw. Ang problema lang kapag bagong nanny na ang mag-aalaga dito. Baka ang mangyari ay hindi muna ako makapasok sa kompanya kapag nagkaganon. Baka mahirapan ang bago naming makukuhang nanny, kailangan ko muna siyang alalayan at ituro ang mga dapat gawin. “Girls, gising na. Nandito na tayo.” Malambing ang boses na gising ko sa kanila. Nang marinig nila ang sinabi ko ay agad agad silang umayos ng upo at sumilip sa labas. “Omg! Were here na po talaga!” Masayang turan ni
Aaliyah Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa itsura ngayon ni Trace. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil sa titig na ginagawad sa kanya ni Elsa. “Why didn't you tell me, you already told them?” Masungit na tanong ni Elsa, napakamot naman sa kanyang ulo si Trace. Oo, nga bakit hindi niya kase sinabi? “Sorry, gusto ko kase sabihin sa'yo ng personal kaso naunahan ako ni Aaliyah. Well, iyon lang naman ang hindi ko nasabi sa'yo. Sorry, Baby.” Paliwanag naman nito, inismidan naman siya ni Elsa. “Tss, lagi naman tayo magkatext hindi mo man lang ako inabisuhan. Nakakahiya tuloy na tinawag ko pang Maam, si Aaliyah. Baka naman sinadya mong 'wag sabihin, para maasar mo ako? Tama ba ako Trace Victor?” Napangiwi ito ng sabihin ng girlfriend niya ang buong pangalan niya. Lahat tuloy kami sa kanila na nakabaling ang atensyon, Si Travis, Trisha at Jacob na kanina busy sa pakikipag harutan kay Trevor ay ngayon nakatingin na kay Trace na parang batang pinapagalitan ng ka
Aaliyah Habang nasa biyahe kami ay hindi na ako mapakali, Excited na akong makita ang mga bata. Ngayon lang kasi sila nawalay sa amin ng ganito katagal. Kaya miss na miss kona sila. Hindi naman naging matagal ang biyahe namin dahil hindi kami naabutan ng Traffic, Isa pa maraming alam na shortcut si Trace, Iniwasan nito na madaanan namin, ang daan kung saan heavy Traffic, mukhang alam na nito ang mga pasikot-sikot dito. Isang sasakyan nalang ang ginamit namin dahil sa kagustuhan ni Trace, ang kotse ni Travis ay dinala na ng mga tauhan ng pinsan niya sa bahay nito. Well, Mas ok na rin ang isang kotse lang, Masaya kaya kapag marami kayo sa sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa isang expensive subdivision, Yeah. Expensive dahil sa Forbes Park Makati pala nakatira si Trace. "Wow, hindi ko akalain na ganito kana kayaman ngayon, kuya Trace! Sa Isang Exclusive Subdivision ka nakatira! Shems, Forbes Park, expensive!" Namamanghang sambit ni Trisha sa pinsan habang nakamasi
Tumingin si Travis sa kanyang pinsan bago nagsalita. “Noong nasa batangas ang mga bata ay alam mo na talaga dahil pinapasubaybayan mo kami? May inutusan kang magmanman kay Mayell at nalaman mo ang balak niya? Kaya inunahan mona siya, Tama ba?” Tanong nito na siyang kinatango ni Trace. “Paano mo pala nakumbinsi ang mga bata na sumama sayo? Hindi agad sumasama kung kani-kanino si Trishana. Mukhang panatag na panatag na sila na kasama ka, base sa mga litrato na pinasa mo sa amin. Anong ginawa mo o sinabi sa kanya?” Muling tanong ni Travis. “Well, may isa pa akong sasabihin sa inyo, sorry kung ginawa ko ito. I need to do this for the safety of the kids at para mas lalong mapadali ko silang makukuha incase nga na may gawin si Mayell sa kanila. Si Elsa na yaya ni Trevor ay... Girlfriend ko.” “W-what?!” Sabay na turan nila Aaliyah, Trisha at Travis. Habang hindi makapaniwalang tumingin kay Trace na ngayon ay tipid na nakangiti. “Ano mo nga ulit si Elsa, Trace? Paki-ulit ng