Share

Chapter Four

    Tumigil kami sa isang pinto malapit sa maid quarters. Anong gagawin namin dito? May kinuha ito sa bulsa niya.. Susi? Bigla naman akong kinabahan! Oh no, h'wag niyang sabihin.. oh geez, Eunice ang isip mo na naman! Pero bakit kasi dito? Bakit may kwarto pa? Kahit sabihing ikakasal na kami ayoko pa gawin ang bagay na 'yon!

 Nang mabuksan na niya ang pinto, hinatak na niya ako papasok sa loob at binitiwan.

 Napapikit ako ng mariin dahil sa takot. Geez ano bang gagawin namin dito? 

   “What are you doing? Para kang t*nga.”  Huh? Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, bumungad sa`kin ang mukha niya, Nakakunot noo ito. Pero sandali, anong sabi niya? Ako, t*nga? Bubungangaan ko sana siya kaso mabilis na niya akong tinalikuran, bastos! Pero napanganga ako nang makita ko ang itsura ng loob ng kwarto. 

   “Wow!” Namamangha kong sambit habang nililibot ang tingin sa paligid. Ang daming paintings! ang gaganda lahat. 

 Kanino kaya ang mga 'to? bakit dito nakatago? 

  “Come here, Aaliyah!” Napapitlag ako dahil sa pagsigaw ni Travis. Bakit kailangan sumigaw!? Nag-eenjoy pa ako sa tinitingnan ko! Naiinis akong lumapit sa kanya. 

  “Sit down.” Parang haring utos niya sa akin. Busangot naman akong naupo sa upuan na nasa tapat niya. Bastos talaga. Akala mo kung sinong boss. "Ano bang pag-uusapan natin? Bakit dito mo pa ako dinala?" Walang preno kong tanong. 

 "Dahil pribado ang pag-uusapan natin, para sating dalawa lang 'to, naiintindihan mo?" Kahit nag-aalinlangan ay tumango ako. 

 "Alam mo naman ang dahilan kung bakit tayo ikakasal `di ba?" Tumango ako. 

 "For the sake of the company at sa kagustuhan ng mga magulang natin." Muli akong tumango. Duh, tingin niya sa akin hindi ko alam? Parang hindi kami mag-kasama kanina. 

 "P'wede ‘ba? Diretsuhin mo na ang gusto mo ipunto." Dami pang segwey 'e. Pinapatagal pa niya lalo. 

   “Alright, alam mong hindi kita mahal at si Mayell ang mahal ko. Pag kinasal tayo, magiging maayos na ang takbo ng kompanya. I want you to know that our marriage will last for only one year.”

    Napatigil ako dahil sa mga sinabi niya. Kailangan talagang ipamukha sa`kin na hindi niya ako mahal? Tapos isang taon lang ang itatagal ng kasal namin? Wow! Pinag-isipan niya talaga? Planado na pala niya lahat kaya pala pumayag siya sa kasal na ito.

    Pero sige, isang taon kung isang taon. Sa isang taon na 'yon, kahit hindi mo ako mahal, ipapakita at ipaparamdam ko naman sa`yo kung gaano kita kamahal. 

 "Kung isang taon, paano ang pipirmahan natin na marriage contract? Sila tito at tita? Hindi ba nila malalaman 'yon?" Naguguluhan kong tanong.

 "Don't worry about them at ako nang bahala sa lahat. Tandaan mo ikakasal lang tayo dahil sa kompanya ko, mag-asawa lang tayo sa papel Aaliyah. `wag mong kakalimutan `yon. Isa pa pala, pag kinasal tayo, pag and'yan ang parents natin, we'll pretend to be sweet. Kailangan maisip nila na nag-iimprove ang pagsasama natin pero pag wala sila h'wag na h'wag mo akong lalapitan. Dito tayo titira sa bahay na 'to. Meaning, iisang kwarto lang tayo. Hindi tayo magtatabi, ikaw ang hihiga sa kama at ako sa lapag. H'wag kang mag-alala lagi naman wala ang parents natin kaya malaya nating magagawa ang mga gusto natin gawin dito sa bahay. Pag wala sila, sa guest room ka matutulog pero pag nandito sila, sa kwarto ko. Gusto ko lang magkaliwanagan tayo. Naiintindihan mo ‘ba Aaliyah?"

 Tumango na lamang ako, wala na akong masabi. Planado na niya lahat. At ang sakit lang, balewala lang talaga ako sa kanya. Wala man lang kahit kauting concern. Dahil lang talaga sa kompanya nila kaya ganito.

   Kahit nasasaktan at nahihirapan. Tumayo na ako. Baka hindi ko na kayanin pa kung mag-tatagal pa ako dito. Sobrang bigat na sa dibdib.

 "Ayun lang ba?" Tumango ito, "Alright, h'wag ka mag-alala, tatandaan ko lahat ng sinabi mo. Pwede na ba ako umalis? Baka hinahanap na ako ni Trish." Malamig kong sambit. 

   "Okay." Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa pinto. Hindi ko akalain na ganito ka, Travis. Hindi ko alam bakit ikaw pa 'yung minahal ko ng sobra sobra,  Bakit sa`yo pa tumibok ang puso ko. pero kagaya nga ng sinabi ko kanina, kahit hindi mo ako mahal ipaparamdam at ipapakita ko sa`yo kung gaano kita kamahal.. 

   "Wait Aaliyah," Napatigil ako sa pagbukas ng pinto nang tawagin niya ako. Hindi na ako nag-abala pang lumingon, baka mahalata pa niya na nasasaktan ako. 

  “Tandaan mo, Aaliyah.sikreto lang lahat ng pinag-usapan natin." Seryoso niyang sabi, Tumango na lang ako bilang pag-sang ayon, hindi ko na inabala pang sumagot at basta ko na lang  binuksan ang pinto at lumabas na. 

 At sa paglabas ko.. 

 Doon tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan...

  *******

  “Bes, sigurado ka na ba talaga? Pwede ka pa umatras” Nilingon ko ang kaibigan ko na kanina pa kabado at hindi mapakali. 

  “Trish, pwede ba? Kumalma ka nga.” Natatawa kong sabi. Bumusangot naman nito. 

  “Paano ako kakalma? Naiinis ako sa nang-yayari sa 'yo! Naiipit ka sa problema ng pamilya namin. Yes, masaya ako dahil magiging sister in law kita at alam kong mahal mo si Kuya Travis kaso sa mga sinabi mo sa`kin, pakiramdam ko mahihirapan ka pag pumasok ka sa kasalan na ito."

 Bumuntong hininga ako, mukhang nagkamali akong sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni Travis nung nakaraan. Ilang araw na rin niya akong kinukulit. Siya ang nangangamba para sa `kin. Hindi ko kasi kayang magtago sa kaniya ng sikreto. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa`kin, siya lang ang napagkakatiwalaan ko. Hindi lang bestfriend ang turing ko kay Trish, para ko na rin siyang kapatid. Kaya kahit na sinabi ni Travis na sikreto lang ang mga pinag-usapan namin, hindi ako sumunod. Gusto kong alam din ni Trish 'yon, walang lihiman sa'ming dalawa, open kami sa isa't-isa.

 Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nito. Kanina pa siya balisa, nangangamba para sa`kin. 

 Ngumiti ako ng tipid.

  “Sino ba sating dalawa ang ikakasal bes? Ikaw ang mas kabado sating dalawa 'e.” Nakangiti kong sabi, “Don't worry about me okay? Ilang araw ko na rin pinag-isipan 'to. Handa na ako sa kalalabasan ng naging desisyon ko. Tsaka isang taon lang naman 'to then babalik na ulit sa dati." Bumuntong hininga siya at tipid na rin na ngumiti.

 "Hay, mukhang wala na akong magagawa. Nakapagdesisyon ka na talaga 'e. Basta nandito lang ako, babantayan kita dyan sa magaling kong kuya." 

 Sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. Niluwa si Tita Kim na nakangiti. 

 "Ready na kayo girls? Aalis na tayo." 

 "Yes tita, tapos na po." Nakangiti kong sagot. Lumapit naman siya sa amin ni Trisha. 

 "Napakaganda mo hija, bagay na bagay sa`yo ang simpleng white dress na suot mo. Napakaswerte ng anak ko sa`yo.” Bigla namang uminit ang pisnge ko dahil sa papuri ni tita. 

 “Thank you tita.”  Hinawakan nito ang aking kamay at tipid na ngumiti.

   “From now on, call me mommy alright? Ikakasal na kayo ngayon ni Travis, magiging isang pamilya na tayo." Napangiti ako. Ang sarap pakinggan, nakakagaan ng kalooban. Magiging isang pamilya na kami. 

 Pero hindi ko maiwasan na hindi malungkot. Kung alam lang nila ang pinag-usapan namin ni Travis, hayyy. Ang saya saya pa naman ng mga magulang namin kaso isang taon lang ang bisa ng kasal. Isang taon lang akong magiging parte ng pamilya nila. Isang taon ko lang madadala ang apelyido ng anak nila. 

 "Okay po mommy." 

 "Much better! Let's go girls!" 

 Parehas kaming hinawakan ni Mommy Kim sa kamay at naglakad kami palabas ng kwarto ni Trish. 

 Ngayon ang araw ng kasal namin ni Travis, sa isang judge na kilala nila Tito Troy. Nandoon na sila mommy at daddy pati sila Travis at Tito Troy. Kami na lang ang kulang.

 Eto na Eunice, ikakasal ka na sa taong mahal mo, pero hindi ka naman mahal. Hayy.. 

Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Bingkai Gasra Conuda
huhuhuhuhuhuhuh ... sakit naman neto ......
goodnovel comment avatar
Charity Joy Enas
hay.....pag babae talaga Ang nagmahal bahala na...
goodnovel comment avatar
Vivian AviLa Badil
kapal nang Mukha ni traves nakaka gigil Akala mo kung sino ee! :⁠-⁠(
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status