Iuurong na sana niya ang upuan para maupo nang biglang dumagundong ang nakakatakot na boses ni Travis galing sa kusina.
"AALIYAH!" Halos atakihin siya sa puso nang sumigaw ito. Umusbong ang kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang kinagalit ng asawa? Agad siyang nagtungo sa kusina.
Naabutan niya ito na nakaharap sa lababo. Nang maramdaman ang presensya niya, dahan dahan itong lumingon sa kanya na salubong na salubong ang kilay, kitang kita na galit ito!
Mas lalong kumabog ang dibdib ni Eunice nang makita ang nakakatakot na itsura ng asawa.
"Who is the fcking owner of this fcking t-shirt Aaliyah!?" Dinuro duro pa ito ni Travis. Kitang kita ang mga ugat nito sa leeg at noo sa sobrang galit.
Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Eunice. Bakit niya nakalimutan na may asawa nga pala siyang ganito ang ugali? Bakit nakalimutan niyang iba ang iisipin nito!? Oh ghad!
Akma siyang magsasalita nang kinuha ni Travis ang damit at hinagis papunta sa gawi niya!
"T*ngina Aaliyah! Wala akong ganyan na damit! Ano? Nagdadala ka ng lalaki mo dito?! Habang wala ako, may pinapapunta kang lalaki ha!? At talagang iniwan pa dito ang damit niya!? Nilalabhan mo pa!"
"No, no, mali ang iniisip mo Travis, let me explain first, sasab—"
"B*llsh*t! Ano pa bang ipapaliwanag mo!? Kitang kita ang ebedensya! Ang kapal din naman ng mukha mong magdala ng lalaki dito! Sa mismong pamamahay ko pa! P*ta ka! Habang nasa trabaho pala ako nakikipagkita ka sa lalaki mo! Manloloko ka rin pala!"
Nagulat si Eunice nang mabilis na nakapunta sa gawi niya si Travis. Agad siya nitong hinawakan sa braso. Sobrang higpit ng hawak nito.
"T-Travis nasasaktan ako!" Nagpupumiglas siya dahil sobrang diin ng hawak nito sa braso niya.
"Talagang masasaktan ka sakin pag hindi mo sinabi kung sino ang lalaking pinapunta mo dito!" Napapikit siya. Mas hinigpitan nito ang kapit sa braso, parang mababali ang buto niya.
"W-Wala akong pinapapunta dito Travis! Wala akong lalaki! Makinig ka muna saki—"
*PAK!*
Namilog ang mga mata ni Eunice, hindi makapaniwala na pinagbuhatan siya ng kamay ng asawa.
Pumaling ang mukha niya sa kabilang direksyon sa sobrang lakas ng sampal sa kanya ni Travis. May nalasahan pa siyang dugo sa labi niya.
Kahit si Travis ay nagulat sa nagawa, nabitawan niya si Eunice.
Dahan dahang humarap si Eunice sa asawa habang luhaan.
"You hurt me..." Hindi alam ni Travis ang gagawin. Sa sobrang galit niya kaya nasaktan niya ito.
"Sinaktan mo ako nang hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag ko? I told you, wala akong dinala na lalaki sa bahay na 'to! At 'yang damit na 'yan, sa taong nabangga ko kanina habang papunta ako sa supermarket! Ayaw niya pabayaran sakin pero dahil hindi ko maatim na
hindi bayaran, mas pinili ko na lang labhan. Ako ang may kasalanan kaya natapunan ng frappe ang damit niya. Nag magandang loob lang ako. Hindi ko magagawa 'yang sinasabi mo! Hindi ako magdadala ng lalaki dito. Hindi ko magagawang lokohin ka!" Hindi pa rin naniwala si Travis sa asawa, seryoso niya itong tiningnan at nagsalita.
"From now on Aaliyah, hindi ka na lalabas ng bahay! Naiintindihan mo!? Makakalabas ka lang kapag kasama ako! O si Trisha at mga magulang natin! Manahimik ka dito sa bahay! Ipapautos ko sa ibang katulong ang pag-gro-grocery!" Para namang pinagbaksakan ng langit at lupa si Eunice dahil sa sinabi ng asawa.
"Bakit ganyan ka? Wala naman akong ginagawang masama. Lahat naman ginagawa ko para sa'yo 'e! Tapos ganito 'yung isusukli mo sakin? Ano pa bang gusto mo? Wala na akong ginawang tama para sa'yo Travis! Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito? Ganyan na ba ang galit mo sakin? Kaya kung parusahan mo ako sobra sobra na?" Hindi na napigilan ni Eunice ang hindi sumagot. Masyado na siyang nasasaktan, nahihirapan na siya, Dalawang buwan pa lang silang nagsasama pero ganito na.
"Napakadrama mo Aaliyah. Basta sundin mo ang sinasabi ko! Hindi ka na lalabas ng bahay na 'to, tapos!" Lumabas ng kusina si Travis, iniwan si Eunice na lumuluha.
"Ang sakit sakit na, parang wala lang sa'yo ang lahat ng ginagawa ko Travis. Wala kang puso! Naging bato na "yang puso mo! Nagawa mo akong saktan, na hindi nagawa ng mga magulang ko sakin. Hindi ko alam kung tatagal pa ako sa ganito.. mahal kita Travis pero sobra ka na.." Bulong ni Eunice sa kanyang sarili. Napahagulgol na lamang ito at pinunasan ang labing nagdugo dahil sa pagsampal sa kanya ng asawa.
Kinuha rin niya ang damit na hinagis ni Travis. Mali ba ang ginawa ko? Nag magandang loob lang naman ako, wala naman akong ibang ginawa, hindi ko naman nilandi si jacob. Bakit ang kitid ng utak mo Travis? Naging ganyan ka lang simula noong naghiwalay kayo ni Mayell. Sinaktan mo ako ng walang dahilan.
Napakasakit sobra!
Hanggang kailan ka magiging ganito Travis?
Kailan mo makikita ang halaga ko?
Ang lahat ng ginagawa ko para sayo?
Hindi talaga matatapos ang gabing hindi mo ako nasisigawan o nasesermunan, pero iba ngayon, mas malala ang ginawa mo Travis.
Kanina lang ang saya ko dahil naasikaso kita nang hindi mo ako sinisigawan.
Pero ngayon? Ewan Travis, sobra ka na. Sobra mo na akong nasasaktan....
"Aaliyah! Aaliyah! Open this door!"Dahan dahang tumayo si Eunice sa hinihigaan. Sinilip niya ang oras sa wall clock na malapit sa pinto, 12 a.m. na. Anong kailangan ni Travis ng ganitong oras?
Bumaba siya sa kama, tinungo ang pinto at binuksan ito. Bumungad sa kaniya ang asawa na nakakunot noo.
"Here, wear this tommorow night. May pupuntahan tayong party. Kailangan exact 6 p.m. ready ka na, okay?" Kahit naguguluhan, tinanggap niya ang isang sosyaling large paper bag na dala nito, "Make sure na maayos ang itsura mo bukas, ayokong mapahiya sa mga tao. Sige na, bumalik ka na sa pagtulog mo." Tumango na lang siya at sinarado ang pinto.
Walang gana siyang bumalik sa kama niya at naupo. Nilapag sa tabi ang paper bag na binigay ng asawa. Napabuntong hinga na lamang ito bago humiga, tumitig siya sa kisame.
It's been 8 months...
Simula nang mangyari ang matinding pag-aaway nilang mag-asawa, mas lalong lumayo ito sa kanya. Hindi lang 'yon, lagi rin siyang pinupukulan ng masamang tingin nito pag nagkakasabay sila sa pagkain. Minsan nga kahit hindi pa tapos kumain, tatayo na 'to at inis na iiwan siya sa hapag-kainan. Parang hindi nito masikmura na makita siya o makasabay sa pagkain.
Akala talaga niya ay niloko siya ng asawa, akala niya lahat ng babae lolokohin siya. Bakit hindi siya ibahin nito? Hindi niya magagawang lokohin ito. Mahal na mahal niya si Travis mula noon.
Eight months...
Lagi lang siyang nasa loob ng bahay. Umiikot ang buong araw niya sa loob ng mansyon nila. Halos lahat na ng gawain nagawa niya. Gustong gusto na nga niya lumabas ng bahay kaso mas sinunod niya ang kagustuhan ng asawa. Sinunod niya ang nais nitong manatili siya sa mansyon, hinayaan niya ang sariling maiwan mag-isa kahit parang preso na siya. Kahit wala naman talaga siyang kasalanan ay sinunod pa rin niya ito para walang gulo, para wala na itong isumbat sa kanya.
Nakauwi na rin si Trish. Noong gabing nag-away sila ni Travis, dalawang araw lang ang nakalipas at umuwi ito.
Sobra ang pag-aalala nito para sa kanya. Nakita pa nito ang naging sugat sa gilid ng labi niya dahil sa pagsampal sa kanya.
Galit na galit si Trish no'n, gusto nitong kausapin ang kapatid pero pinigilan niya. Ayaw na niyang lumala pa ang gulo. At simula din no'n, naging busy na si Trish sa sarili nilang company, oh scratch that, sa company ng dalawang pamilya. Nagsimula itong magtrabaho sa kumpanya dahil utos na rin ni Daddy Troy. Kaya araw-araw wala si Trish dito sa bahay. At tuwing gabi kaunting usap lang ang nagagawa nila dahil alam niyang pagod ang kaibigan. Tapos gigising siya ng maaga para mag prepare ng breakfast nila, para bago pumasok ang dalawa'y nakakain ang mga ito.
Sa sobrang dami niyang iniisip, hindi na niya namalayan na hinatak na siya ng antok..
Kinabukasan.. Busy si Eunice sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila kaninang umaga. Nakapagluto na rin siya ng lunch niya. Pinupunasan niya ang kutsara nang may bigla na lang may nagsisisigaw galing sa sala. Nabitawan tuloy niya ang kutsarang pinupunasan dahil sa gulat. "Bes! Where are you!? Come here! Besss!" Si Trish ang maingay. Napaisip tuloy si Aaliyah, 'Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito ng ganitong oras? Dapat nasa company ito ah?' Dinampot niya ang kutsarang nahulog at nilagay muli sa lababo. Muli na naman niyang narinig ang matinis na boses nito. "Aaliyah Eunice Mendoza-Dela Cerna! Yuhooooooo," Napailing na lang siya at naglakad na palabas ng kusina. Malakas ang loob nito magsisisigaw dahil wala ang kuya niya dito. Muli na naman sana itong sisigaw nang makita na siyang kakalabas lang
Magsasalita sana siya kaso naunahan siya ni Travis. "Good, buti naka-ayos ka na. Akala ko nasa taas ka pa at nag-aayos kaya bumaba ako ng kotse. Sakto din pala sa'yo ang binili kong gown, bumagay sa'yo.. mukha ka nang tao. Hindi ako mapapahiya sa party." Hayy, akala pa naman niya... wala talaga siyang aasahan sa lalaki. "Let's go, baka matraffic tayo." Tumalikod na ito at naunang maglakad papunta sa kotse. Napanguso na lang siya, hindi man lang talaga maging gentleman kahit ngayon man lang! Tsk. Naunang pumasok ito sa kotse. Napailing na lang siya at sumunod na pumasok sa kotse. Habang nasa biyahe, tahimik lang sila. Siya ay pinili na lang na tumingin sa labas. Maya-maya pa'y tumikhim si Travis. Napalingon siya dito. "Nakalimutan kong sabihin, umayos ka mamaya sa party. Ipapakilala
Patungo silang mag-asawa kay Trish na ngayon ay may kausap na lalaki. Nakatalikod ito sa kanila. Sa hindi malamang dahilan, biglang kinabahan si Eunice. Hindi niya mawari kung para saan ang kabang biglang umusbong. Nang mapansin sila ni Trish, agad kumaway ito. Lumingon naman ang lalaking kausap nito sa gawi nila. Sakto naman ang pagtigil nilang mag-asawa sa harap ng mga ito. At sa pagharap ng lalaki, agad niya itong nakilala. Parang siyang natulos na kandila sa kinatatayuan niya. 'Oh ghad. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makita, bakit siya pa? Bakit ngayon pa na kasama ko si Travis?' "Dude! Sh*t men! Long time no see! Balita ko may asawa ka—" Hindi natuloy ng lalaki ang sinasabi nang mapatingin ito sa babaeng kasama ng kaibigan niya. Namilog ang singkit nitong mga mata, "Eunice!?" Hindi alam n
Lumipas ang isang buwan... Tahimik na kumakain ng almusal sila Eunice. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya. Pinilit lang niyang tumayo para makapaghanda ng almusal para sa asawa at kaibigan. Pasulyap sulyap naman sa kanya ang magkapatid. Maya-maya pa, naramdaman niyang naduduwal siya. Dali dali siyang tumayo at tumakbo papunta sa CR, sumuka siya nang sumuka doon. Nakasunod naman sa kanya si Trish, nag-aalala itong lumapit sa kanya at hinagod ang likod nito. "Are you okay bes? Parang kahapon ka pa ganyan? Sobrang tamlay mo, may sakit ka ba?" Kahapon pa napapansin ni Trish ang kaibigan. Ang tamlay tamlay nito, parang ayaw kumilos. Ang konti din ng kinakain. Matapos niya sumuka, nagmumog ito at nanghihinang sumandal sa sink. "Masama lang pakiramdam
Lumabas na ng mansyon si Trish, kuyom ang mga kamao nito. Habang si Eunice sumandal lang sa sofa. Pinapanalangin na hindi muna siya buntis. Makalipas ang kalahating oras, nakabalik na si Trish. Inabot nito ang apat na PT kay Eunice. "Here, gamitin mo na. Isa ang dalhin mo sa CR at reserba ang iba. Hihintayin kita dito okay?" "Sige bes." Kinuha niya ang PT at pumunta na sa CR. Naupo naman si Trish sa single sofa, kabado ito para sa magiging resulta ng PT. Kabado siya habang kinukuha ang PT at binuksan ang mga ito para ipatak ang ihi niya. Pumikit siya nang matapos mapatakan ang PT, huminga muna siya ng malalim bago dahan dahang minulat ang mata para tingnan ang resulta. Dalawang linya.. Positive...
Matapos niya mag-impake. Tinext niya si Trish na pumunta sa kwarto niya. Wala pang ilang minuto, kumatok na ito sa kwarto niya. Pagbukas niya ng pinto, nag-aalalang mukha ng kaibigan ang bumungad sa kanya. Agad agad itong pumasok sa loob at nilock ang pinto. "Anong nangyari? Hindi ako lumabas ng kwarto, ayokong makahalata si kuya 'e. Anong sinabi niya nung sinabi mong palalayain mo siya at iiwan?" Naiiyak na umiling iling siya sa kaibigan. "Wala, pinamukha lang niya sakin na si Mayell pa rin talaga ang mahal niya. Wala na talaga bes, mas magandang lumayo na ako. Hindi ko na kaya, suko na ako, pagod na ako.. Tama ang mga sinabi mo sakin kanina, hindi niya deserve ang anak namin. Lalayo ako at magbabagong buhay kasama ang anak ko at katulad ng sinabi mo, itutuloy ko ang pangarap ko. Kakalimutan ko na si Travis," Tuluyang pumatak ang mga l
Inis niyang pinatay ang alarm clock na nasa side table niya. 'D*mn, sobrang sakit ng ulo ko. Kulang na kulang na ako sa tulog. Lately, lagi akong nasa isang VIP bar kung nasaan si Mayell. Lagi ko siyang pinagmamasdan sa malayo, binabantayan. At kanina, madaling araw na naman ako nakauwi dahil sinundan ko pa siya kung safe siyang makaka-uwi sa condo niya.' Naupo siya sa kama at kinuha ang cellphone. Napakunot noo siya nang bumungad sa kaniya ang text ni Aaliyah. Nagtataka niyang binuksan ang mensahe. Hindi naman nagtetext sa kaniya ang asawa kaya kagulat-gulat na nagmessage ito. At kaninang madaling araw, naglabas ito ng sama ng loob sa kanya dahil sa pagtrato niya dito. Binuksan niya ang text para basahin. At sa pagbasa niya nito, para siyang pinagbaksakan ng langit at lupa.. &nbs
Habang nag-uusap usap sila Travis, Kanina pa nakikinig si Trish mula sa may hagdan. Kanina pa ito nakaupo sa baitang ng hagdan nila, pinapakinggan ang mga sinasabi ng kapatid. Pinapanood nito ang kuya niya kung paano i-explain ang sarili, kung bakit nga ba umalis ng mansion si Eunice. Dahil busy silang lahat, hindi nila napapansin ang presensya ng dalaga. Nang hindi na ito nakatiis, tumayo ito at naglakad pababa sa hagdan. Humanda ka sakin kuya, igaganti ko ang kaibigan ko. Kapatid kita pero mas pipiliin ko ang bestfriend kong ginago mo at hindi mo pinahalagahan. "Really kuya? Hindi nga ba talaga nagkaintindihan? O may iba pang rason kaya umalis si Eunice?" Seryosong saad niya habang naglalakad patungo sa kanila. Napalingon sa kanya ang ama at ina, pati na rin ang kapatid niya. "Trish.." Nanghi