Inis niyang pinatay ang alarm clock na nasa side table niya.
'D*mn, sobrang sakit ng ulo ko.
Kulang na kulang na ako sa tulog. Lately, lagi akong nasa isang VIP bar kung nasaan si Mayell. Lagi ko siyang pinagmamasdan sa malayo, binabantayan. At kanina, madaling araw na naman ako nakauwi dahil sinundan ko pa siya kung safe siyang makaka-uwi sa condo niya.'
Naupo siya sa kama at kinuha ang cellphone.
Napakunot noo siya nang bumungad sa kaniya ang text ni Aaliyah. Nagtataka niyang binuksan ang mensahe. Hindi naman nagtetext sa kaniya ang asawa kaya kagulat-gulat na nagmessage ito. At kaninang madaling araw, naglabas ito ng sama ng loob sa kanya dahil sa pagtrato niya dito.
Binuksan niya ang text para basahin.
At sa pagbasa niya nito, para siyang pinagbaksakan ng langit at lupa..
&nbs
Habang nag-uusap usap sila Travis, Kanina pa nakikinig si Trish mula sa may hagdan. Kanina pa ito nakaupo sa baitang ng hagdan nila, pinapakinggan ang mga sinasabi ng kapatid. Pinapanood nito ang kuya niya kung paano i-explain ang sarili, kung bakit nga ba umalis ng mansion si Eunice. Dahil busy silang lahat, hindi nila napapansin ang presensya ng dalaga. Nang hindi na ito nakatiis, tumayo ito at naglakad pababa sa hagdan. Humanda ka sakin kuya, igaganti ko ang kaibigan ko. Kapatid kita pero mas pipiliin ko ang bestfriend kong ginago mo at hindi mo pinahalagahan. "Really kuya? Hindi nga ba talaga nagkaintindihan? O may iba pang rason kaya umalis si Eunice?" Seryosong saad niya habang naglalakad patungo sa kanila. Napalingon sa kanya ang ama at ina, pati na rin ang kapatid niya. "Trish.." Nanghi
"Isang taon lang ang bisa ng kasal nila. 'Yun ang sinabi ni kuya kay Eunice dad, at sa isang taon na 'yon, tuwing nandito kayo dapat magpapanggap silang sweet para hindi niyo mahalata na hindi sila okay, na isipin niyong nag-iimprove ang relasyon nila, dahil ayaw matali ng matagal ni kuya kaya ganoon ang sinabi niya kay Eunice dahil ang mahal pa rin niya ay si Mayell. Gabi gabi niyang pinupuntahan ang babaeng 'yon para lang bantayan, para lang masilayan. Alam 'yon lahat ni Eunice pero inintindi niya si kuya, tiniis niya ang lahat para sa kanya. Ganoon siya kamahal ng kaibigan ko." Nanginginig naman na tumingin sa anak na panganay si Troy, hindi makapaniwala sa nalaman. Masama nitong tiningnan ang anak. "Totoo ba Travis?! Totoo ba lahat ng sinabi ng kapatid mo!? Isang taon lang ang bisa na kasal niyo ni Eunice!? Pinakialaman mo ang marriage contract niyo!?" Galit na sigaw nito. Akma pa itong tatayo pero pin
Inayos ni Travis ang sarili. Tumingin ito sa kapatid. "You!" Napaangat ng isang kilay si Trish dahil sa reaksyon ng kapatid. H'wag niyang sabihin na nagpanggap na naman siya? "What?" Masungit na saad niya. Bigla naman ginulo ng kuya niya ang buhok niya, "What the.. kuya! Ano ba!?" Inis niyang hinawi ang kamay nito, nakita niya ang tunay na ngiti ng kapatid. "Thank you, dahil sa mga salita mo, dahil sa mga sinabi mo, natauhan ako. Masyado na nga talaga akong g*go. Pati si Aaliyah dinamay ko pa sa kag*guhan ko." Tumayo na si Trish at humarap sa kapatid. "Buti naman at natauhan ka na. Kailangan pa palang mangyari 'to para malaman mo ang kamalian mo. Now, ayusin mo na 'yang sarili mo at hanapin ang bestfriend ko. Pero sinasabi ko sa'yo kuya, mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita kaya kailangan mo ng mahabang pasensya. Sa sitwasyon ngayon, dalawang araw nang wala si Eunice pero hirap tayo na mahanap siya kaya habaan mo ang pasensya mo. Gawin mo lahat ng makakaya mo para bumal
"What!? Why? Bakit hindi siya pumayag? Ginawa niyo ba lahat?" Medyo naiiritang saad ni Travis. "Yes kuya, ako pa nga mismo ang pumunta sa company nila para makausap siya kaso ang naka-usap ko lang 'yung secretary niya." Malungkot na saad ni Trish. Excited pa naman siya dahil nakapili na sila ng model para sa event ng company at magiging designer. "D*mmit, bakit hindi niya tinanggap? Bakit hindi siya pumayag na maging model at designer? Malaki naman ang ibabayad natin sa kanya." "Hindi ko rin alam kuya 'e, sabi ng ibang nakausap ko doon wala naman silang ibang project ngayon, maluwag ang gawain nila kaya nagtataka ako. Tapos sabi ko nga sa secretary niya na kung pwede ako ang kumausap kaso ayaw talaga kaya bumalik na lang ako dito sa kumpanya. Paano 'yan kuya? Hahanap na lang ulit tayo ng iba?" Napahilot sa noo si Travis, akala niya magiging maayos na ang lahat kapag nakahanap sila ng model at magiging desi
Hindi makapaniwala si Alice sa sinabi ni Jacob, pero kalaunan ay bumuntong hininga ito. Tama ang sinabi nito, tama siyang hindi na siya ang dating Aaliyah Eunice. Siya na ngayon Si Alice Mendez. Trabaho niya 'to, dapat hindi niya tinatanggihan. Hindi siya pwedeng magtago nang magtago, parehas silang nasa industriyang ito kaya hindi malabo na magtagpo talaga ang landas nila. Hindi naman siya kilala ng mga ito, talagang kailangan lang siya para sa event at kailangan din niya para sa business niya. "Tama ka Ja, kaso ang iniisip ko kapag si Trish ang nakakita sakin. Imposibleng hindi niya ako makilala, o sabihin na natin na baka makaramdam 'yun. Malakas radar ng kaibigan ko na 'yun pagdating sakin. At isa pa... paano ko siya haharapin sa ginawa ko? Umalis ako ng walang paalam, umalis ako na hindi man lang nagsabi sa kanya kung saan ako pupunta, natatakot ako na sobrang sama na pala ng loob niya sakin. Hindi ko man lang pinahalagahan ang ginawa niyang p
Si Trisha naman ay napatigil nang makita si Alice Mendez. May kakaiba siyang nararamdaman sa dalaga. Ang mga mata nitong seryoso, ang awra nito na tila pamilyar sa kanya. "Ms. Trisha." Nabalik lang siya sa wisyo nang tawagin siya ng sekretarya ni Alice. "A-Ah sorry, sorry! This way, naghihintay na si kuya sa loob, I mean si Sir Travis." Nauutal na saad niya, 'Gosh, ano bang nangyayari sa'yo Trish? Nakakahiya kay Ma'am Alice,' Pagkausap nito sa sarili. Lihim naman na napangiti si Alice dahil sa reaksyon ng kaibigan. Hindi pa rin ito nagbabago. Sumunod sila dito at pumasok sa loob ng conference room. At sa pagpasok ni Alice, agad nagtagpo ang mga tingin nila ni Travis. Nakita niyang muli ang lalaking minahal niya dati, pero ano 'tong kirot na nararamdaman niya? Meron pa rin? Limang taon na ang nakakalipas.. Hindi niya malaman ang emosyon na nangingibabaw
Maya maya pa, biglang bumukas ang pinto. Napalingon kami doon, napamaang ako nang makita kong pumasok si Travis. Kung anong kulay ng suot ko, ganoon din ang sa kanya.. kahit ang...kahit ang maskara ginaya din nito! Nagtagpo ang mga tingin namin, naglakad siya patungo sakin. "Ms. Alice.." Nakangiting tawag nito sakin. "Mr. Dela Cerna! Hindi ko akalain na ikaw pala ang makakapareha ko sa shoot na 'to, hindi ako nainform." Bahagya itong tumawa. "Sorry Ms. Alice kung hindi ka nasabihan. Okay lang naman sayo na ako ang kapareha mo?" 'May magagawa pa ba ako kung sabihin kong ayaw kitang kapareha? Tss.' Sabi ko sa isip ko. Ngumiti ako sa kanya. "Of course, it's my pleasure na makasama sa shoot na ito ang CEO ng Dela Cerna Industry." Tumango tango ito. Akma sana siyang magsasalita nang tinawag na kami ng photographer. "Alright! Mr. Dela Cerna, Ms. Alice punta na kayo sa harap." Tumayo ako. Mabilis kumilos si Travis para alalayan ako patungo sa harap. Nang lumapat ang kamay niya
Naiilang akong ngumiti kay Trish. "What are you talking about Miss Trisha?" Napamaang ako nang ngumisi at umirap ito sakin. Wow! Attitude ang bestfriend ko. "Kanina ko pa kayo pinagmamasdan ng kapatid ko at sa nakikita ko, mukhang meron kayong pinag-uusapan na kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan. Sorry Miss Alice sa sasabihin ko, alam kong model ka namin at malaki ang maitutulong mo. Pero please, stay away to my brother. Ayokong napapalapit siya sa ibang babae." Ano bang sinasabi niya? Tsaka bakit ganito siya sa kuya niya? Pinoprotektahan ba niya si Travis? Bakit? Ganoon na ba talaga sila ka-close? Ang dami na talagang nagbago. "Don't worry Miss Trish, trabaho lang ang pinunta ko dito. At 'yung kanina na nakita at sinasabi mo, meron lang kaming pinag-usapan ng kuya mo. Then wala na." Bumuntong hininga siya. "Good. Mas maganda nang nagkakalinawa