Naiilang akong ngumiti kay Trish. "What are you talking about Miss Trisha?" Napamaang ako nang ngumisi at umirap ito sakin. Wow! Attitude ang bestfriend ko. "Kanina ko pa kayo pinagmamasdan ng kapatid ko at sa nakikita ko, mukhang meron kayong pinag-uusapan na kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan. Sorry Miss Alice sa sasabihin ko, alam kong model ka namin at malaki ang maitutulong mo. Pero please, stay away to my brother. Ayokong napapalapit siya sa ibang babae." Ano bang sinasabi niya? Tsaka bakit ganito siya sa kuya niya? Pinoprotektahan ba niya si Travis? Bakit? Ganoon na ba talaga sila ka-close? Ang dami na talagang nagbago. "Don't worry Miss Trish, trabaho lang ang pinunta ko dito. At 'yung kanina na nakita at sinasabi mo, meron lang kaming pinag-usapan ng kuya mo. Then wala na." Bumuntong hininga siya. "Good. Mas maganda nang nagkakalinawa
"Anong sinabi mo Trish?" Malamig na saad ni Travis. Napatingin ako sa kamay nitong nakakuyom na ngayon. Sobra sobra yung kaba ko dahil sa kalokohan na ginawa ni Jacob ngayon! Bakit pa kasi nagpakita siya dito! Ayan, na-ungkat tuloy! "K-Kuya let me explain okay?" Kinakabahang sabi ni Trish. "Explain? You fcking knew it! Where is my wife!?" Napatigil ako sa sinabi ni Travis.. Wife? Naguguluhan akong tumingin sa magkapatid. "Kuya, please calm down okay?! I'll explain everything pero hindi dito! Nakita mo bang ang daming tao?! Let's go to your office." Maglalakad na sana si Trish nang magsalita na naman ang kuya niya. "No. Dito tayo mag-uusap, hindi na tayo pupunta sa office ko! Explain now!" Galit na sigaw nito. Lahat ng models at empleyado samin na nakatingin. Jusko naman! "Pre, bago tayo mag-usap, baka pwede mo munang palabasin ang mga mo
Mapakla akong ngumiti. "No. Wala nang dapat ayusin. Gusto ko ng divorce. Tama na ang kahibangan na 'to Travis. Masaya na ako sa buhay ko na meron ako ngayon." "Bes, h'wag naman ganito. Nagbago na si kuya. Sa buong limang taon, hinanap ka niya para bumawi sayo. Ginawa niya ang lahat. Please, mag-usap kayo ng maayos." Sumulyap ako kay Trish na luhaan pa rin, mukhang marami siyang alam. Pero umiling ako. "Huli na ang pagbabago na sinasabi mo Trish, dahil wala na, matagal nang wala si Aaliyah Eunice, dahil ako na ngayon si Alice Mendez." Matigas kong sabi. "Please Aaliyah, let's talk. Alam kong galit na galit ka sakin dahil sa mga ginawa ko sayo. Kaya kong pagbayaran lahat 'yon basta maging okay lang tayo," "Para saan pa Travis? Please, tama na. Pagod na ako. Uuwi na ako." Tuma
Nang makalabas si Alice, seryosong humarap si Travis kay Jacob at Trish. "Let's go to my office. Kailangan kong malaman ang lahat." Tumango naman ang dalawa. Naglakad na palabas si Travis habang nakasunod ang dalawa sa kanya. Kabado si Trish. Alam niyang galit sa kanya ang kaibigan pati na ang kuya niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang bestfriend niya ang sikat na modelo at designer sa bansa. Tinupad nga nito ang pangarap. Nakarating sila sa office ng kuya niya. Pina-lock nito ang pinto at naupo sa mahabang sofa na naroon. Naupo naman sa kabilang sofa ang dalawa. "Now, tell me everything." Agad na sabi nito. "I'm so sorry kuya kung tinago ko si Eunice sayo. Sobra na kasi ang sakit na nararanasan niya sayo noon. Tapos ayun nga, may nangyari sa inyo. Sobrang lasing
KINABUKASAN "Mommy? Where is Tito Jacob? Bakit hindi po siya umuwi?" Nabaling si Eunice sa anak nang bigla itong magsalita. Katatapos lang niya isalansan ang mga platong hinugasan. Nakatingala sa kanya ang anak at malungkot. Napabuntong hininga muna siya bago lumuhod para makapantay ang anak. Hinawakan nito ang malambot na pisngi ng anak bago nagsalita. "Tito Jacob is busy. Hindi siya nakauwi kagabi dahil marami siyang ginawa, but don't worry, uuwi din si tito later." Nakangiti niyang saad sa anak. Umaliwalas naman ang mukha nito dahil sa sinabi niya. "Yey! Akala ko po bumalik na siya ng Cebu 'e. May promise po kasi siya sakin na mag play daw kami tapos manonood ng movies." "Hmm, nag-promise pala ang Tito Jacob mo, so gagawin niya yun. Oh siya, pumunta ka na kay yaya mo. May bisita tayo mamaya. Ipapakilala kita
Bumaling ito sa ama na nakatayo pa din kung nasaan ito habang nakamasid lang sa kanila, hindi pa ito sumunod. Bumitaw sa pagkakahawak ang bata sa tita niya at naglakad patungo sa ama na ngayon ay tutok na tutok sa anak. Nasa harap na ni Travis ang anak. Hindi niya alam ang sasabihin. Gusto niya itong kabigin at yakapin, sabihin na siya ang daddy nito. "Ah, hello po sorry po kung hindi ko po kayo napansin kanina. Ano pong pangalan niyo? Ako po pala si Trishana." Nakangiting sabi ni Trishana sa ama. Hindi alam ni Travis ang nararamdaman. Kinausap siya ng anak niya. Napakaganda nito. Lumuhod siya para mapantayan ang anak at ngumiti. "Hello sweetheart. It's okay, ang importante binalikan mo ako. My name is Travis." Malawak na ngumiti ang bata. At sa hindi inaasahan ng lahat, biglang niyakap ng batang si Trishana si Travis.
Nasa kusina si Aaliyah habang umiinom ng tsaa. Malalim ang iniisip nito. Simula nang pumayag siyang tumira si Travis sa condo niya, kung ano ano na ang naiisip niya. Kinakabahan din siya dahil muli niyang makakasama ang lalaki. Hindi pa niya ito nakakausap hanggang ngayon. Maghapon kasi nitong kasama ang anak. Hindi humihiwalay si Trishana sa ama. Habang malalim ang iniisip ni Aaliyah, hindi niya naramdaman na may tao na pala na nagmamasid sa kanya mula sa pinto ng kusina. Sumandal si Travis sa hamba ng pinto habang taimtim na tinitingnan ang asawa. Hinahayaan niya ang sariling magsawa kakatitig dito. Masaya si Travis dahil pumayag ang asawa niya na tumira sa condo nito. Alam niya sa sarili niyang hindi madaling makuha ang loob nitong muli. Pero gagawin niya ang lahat para bumalik ang da
TRAVIS' pov. Nang makalabas ng kusina si Aaliyah, unti-unting sumilay ang ngiti ko. Nakakatuwa siyang pagmasdan kanina habang sinasabi ang mga kondisyon niya habang nandito ako sa condo niya. Gusto kong mangiti kanina dahil sa kaseryosohan niya, hindi niya alam balewala sakin ang kondisyon na 'yon dahil simula ngayon, gagawin ko lahat para maging okay kami. Tsaka mas lalo akong naging masaya dahil itutuloy niya yung trabaho niya sa kumpanya ko. Akala ko hindi na siya papasok ulit dahil sa nangyari kahapon pero mali ako. Sa akin naman, kung hindi na siya papasok bukas, okay lang. Naiintindihan ko dahil sa nangyari nga kahapon. Balewala sakin ang contract. Ang importante sakin nakita ko siyang muli at makilala ang anak namin. Tumayo na ako. Kailangan ko na rin magpahinga, maaga din ako papasok bukas. Wa