Mapakla akong ngumiti.
"No. Wala nang dapat ayusin. Gusto ko ng divorce. Tama na ang kahibangan na 'to Travis. Masaya na ako sa buhay ko na meron ako ngayon."
"Bes, h'wag naman ganito. Nagbago na si kuya. Sa buong limang taon, hinanap ka niya para bumawi sayo. Ginawa niya ang lahat. Please, mag-usap kayo ng maayos." Sumulyap ako kay Trish na luhaan pa rin, mukhang marami siyang alam. Pero umiling ako.
"Huli na ang pagbabago na sinasabi mo Trish, dahil wala na, matagal nang wala si Aaliyah Eunice, dahil ako na ngayon si Alice Mendez." Matigas kong sabi.
"Please Aaliyah, let's talk. Alam kong galit na galit ka sakin dahil sa mga ginawa ko sayo. Kaya kong pagbayaran lahat 'yon basta maging okay lang tayo,"
"Para saan pa Travis? Please, tama na. Pagod na ako. Uuwi na ako."
Tuma
Nang makalabas si Alice, seryosong humarap si Travis kay Jacob at Trish. "Let's go to my office. Kailangan kong malaman ang lahat." Tumango naman ang dalawa. Naglakad na palabas si Travis habang nakasunod ang dalawa sa kanya. Kabado si Trish. Alam niyang galit sa kanya ang kaibigan pati na ang kuya niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang bestfriend niya ang sikat na modelo at designer sa bansa. Tinupad nga nito ang pangarap. Nakarating sila sa office ng kuya niya. Pina-lock nito ang pinto at naupo sa mahabang sofa na naroon. Naupo naman sa kabilang sofa ang dalawa. "Now, tell me everything." Agad na sabi nito. "I'm so sorry kuya kung tinago ko si Eunice sayo. Sobra na kasi ang sakit na nararanasan niya sayo noon. Tapos ayun nga, may nangyari sa inyo. Sobrang lasing
KINABUKASAN "Mommy? Where is Tito Jacob? Bakit hindi po siya umuwi?" Nabaling si Eunice sa anak nang bigla itong magsalita. Katatapos lang niya isalansan ang mga platong hinugasan. Nakatingala sa kanya ang anak at malungkot. Napabuntong hininga muna siya bago lumuhod para makapantay ang anak. Hinawakan nito ang malambot na pisngi ng anak bago nagsalita. "Tito Jacob is busy. Hindi siya nakauwi kagabi dahil marami siyang ginawa, but don't worry, uuwi din si tito later." Nakangiti niyang saad sa anak. Umaliwalas naman ang mukha nito dahil sa sinabi niya. "Yey! Akala ko po bumalik na siya ng Cebu 'e. May promise po kasi siya sakin na mag play daw kami tapos manonood ng movies." "Hmm, nag-promise pala ang Tito Jacob mo, so gagawin niya yun. Oh siya, pumunta ka na kay yaya mo. May bisita tayo mamaya. Ipapakilala kita
Bumaling ito sa ama na nakatayo pa din kung nasaan ito habang nakamasid lang sa kanila, hindi pa ito sumunod. Bumitaw sa pagkakahawak ang bata sa tita niya at naglakad patungo sa ama na ngayon ay tutok na tutok sa anak. Nasa harap na ni Travis ang anak. Hindi niya alam ang sasabihin. Gusto niya itong kabigin at yakapin, sabihin na siya ang daddy nito. "Ah, hello po sorry po kung hindi ko po kayo napansin kanina. Ano pong pangalan niyo? Ako po pala si Trishana." Nakangiting sabi ni Trishana sa ama. Hindi alam ni Travis ang nararamdaman. Kinausap siya ng anak niya. Napakaganda nito. Lumuhod siya para mapantayan ang anak at ngumiti. "Hello sweetheart. It's okay, ang importante binalikan mo ako. My name is Travis." Malawak na ngumiti ang bata. At sa hindi inaasahan ng lahat, biglang niyakap ng batang si Trishana si Travis.
Nasa kusina si Aaliyah habang umiinom ng tsaa. Malalim ang iniisip nito. Simula nang pumayag siyang tumira si Travis sa condo niya, kung ano ano na ang naiisip niya. Kinakabahan din siya dahil muli niyang makakasama ang lalaki. Hindi pa niya ito nakakausap hanggang ngayon. Maghapon kasi nitong kasama ang anak. Hindi humihiwalay si Trishana sa ama. Habang malalim ang iniisip ni Aaliyah, hindi niya naramdaman na may tao na pala na nagmamasid sa kanya mula sa pinto ng kusina. Sumandal si Travis sa hamba ng pinto habang taimtim na tinitingnan ang asawa. Hinahayaan niya ang sariling magsawa kakatitig dito. Masaya si Travis dahil pumayag ang asawa niya na tumira sa condo nito. Alam niya sa sarili niyang hindi madaling makuha ang loob nitong muli. Pero gagawin niya ang lahat para bumalik ang da
TRAVIS' pov. Nang makalabas ng kusina si Aaliyah, unti-unting sumilay ang ngiti ko. Nakakatuwa siyang pagmasdan kanina habang sinasabi ang mga kondisyon niya habang nandito ako sa condo niya. Gusto kong mangiti kanina dahil sa kaseryosohan niya, hindi niya alam balewala sakin ang kondisyon na 'yon dahil simula ngayon, gagawin ko lahat para maging okay kami. Tsaka mas lalo akong naging masaya dahil itutuloy niya yung trabaho niya sa kumpanya ko. Akala ko hindi na siya papasok ulit dahil sa nangyari kahapon pero mali ako. Sa akin naman, kung hindi na siya papasok bukas, okay lang. Naiintindihan ko dahil sa nangyari nga kahapon. Balewala sakin ang contract. Ang importante sakin nakita ko siyang muli at makilala ang anak namin. Tumayo na ako. Kailangan ko na rin magpahinga, maaga din ako papasok bukas. Wa
Tahimik na pumasok sa loob ng kotse ni Travis si Aaliyah. Naiinis ito sa lalaki. Nang makapasok si Travis sa kotse, agad niya itong pinaandar. "Saan pala yung sinasabi mong dadaanan mo?" Tanong ni Travis sa asawa. Mas lalong kumunot ang noo ni Aaliyah. "Wala, nagbago na isip ko. Sa kumpanya mo na tayo dumeretso. Baka malate ako sa practice." Seryosong sabi nito kay Travis. Dapat talaga pupunta siya sa office niya para icheck kung ilan na ang costumer nila. Kung sino sino ang nagpapagawa ng gowns, at para na rin tingnan kung okay na yung mga gowns at dresses na pinagawa nila Trisha para sa models sa company. Kaso dahil epal ang tatay ng anak niya, nasira ang plano niya. "Are you sure? Pwede ko naman sabihin kay Melvin na may dinaanan tayo kaya ka na-late. Mukhang importante ang dadaanan mo." Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Aaliyah. Sobra na talaga ang inis niya s
"Anong meron?" Mahinang tanong ni Aaliyah sa sarili niya na narinig naman ng asawa. Akmang maglalakad ang mga ito nang biglang lumitaw si Trish na hindi maipinta ang mukha. Nakatingin ito sa kapatid. "What's happening here Trish? Is there a problem?" Seryosong tanong ni Travis sa kapatid. Pinagmasdan naman ni Aaliyah ang kaibigan. Sa itsura ni Trish, halatang naiinis ito. Kabisado niya ang dalaga. "Yes! May malaking problema talaga kuya! God! Buti na lang talaga dumating na ika—" Tumigil saglit si Trish at lumingon sa kaibigan na nasa tabi ng kuya niya. Nakatingin din ito sa kanya, "Sabay kayo dumating?" Wala sa sarili nitong tanong sa dalawa. "Sabay kaming pumasok Trish. So ano ba ang problemang sinasabi mo?" Sagot sa kanya ng kuya niya. Lihim naman siyang napangiti dahil doon. "Kasi kuya nandito yung e—" "Travis!" Hindi natapos ni
Sa kabilang banda.. Wala pa ring imik si Aaliyah habang nakasunod lang kay Travis. Hanggang sa tumigil sila kung saan naka-assign ang mag-aayos kay Aaliyah. "Sir! Ah ano pong ginagawa niyo dito? Tsaka sino po itong kasama niyo? Napaka ganda! Ay sandali po, sir dumating na po ba si Ms. Mendez?" Mahabang lintaya ng make up artist na kaharap nila Travis at Aaliyah. Hinila ni Travis sa harap niya si Aaliyah. "Jane, from now on, ikaw na ang laging mag-aayos sa kanya. Naiintindihan mo? Siya lang ang aasikasuhin mo sa buong set." "Sir? Pero po si Ms. Mendez po talaga ang hawak ko. Kaso lang po ayaw po niya dahil gusto niya po siya lang ang mag-aayos sa sarili niya." Dahil sa sinabi nito, umayos ng tayo si Aaliyah at ngumiti sa babaeng nasa harap. "Hi, sorry kung hindi
TRAVIS A married life doesn't easy, dahil doon palang papasok sa pagsasama niyo ang mga pag-subok sa inyong buhay. Ang dami naming pinag-daanan ni Aaliyah, simula sa umpisa hanggang sa nagsama na kami at bumuo ng isang pamilya. Akala ko talaga tuluyan na akong iiwan ni Aaliyah, Akala ko masisira na ang pamilyang binuo ko. Salamat dahil may asawa akong maunawain at maintindihin. Nag-papasalamat talaga ako na pinilit ng mga magulang namin na ikasal kami ni Aaliyah, kasi siya pala ang babaeng bubuo sa akin, ang babaeng mamahalin ako sa kung ano ako, Ang babaeng mahal pa rin ako kahit nasaktan kona ng ilang beses, Ang babaeng pinaiyak ko pero tinanggap pa rin ako ng taos puso. Ang babaeng nagparanas sa akin ng totoong pagmamahal at pinaramdam sa akin ang totoong kasiyahan. She’s the right girl for me and to love her is very worth it. I never regret that she is the woman I loved and will be with until my old age. Sobrang proud ako dahil si Aaliyah ang asawa ko at duma
** “Love, the doctor said you were pregnant. We will have a baby, we will have the family we want. Binigyan na tayo ng anghel na ninanais natin. Thank you, Love. Sobrang saya ko.” Emosyonal na sambit ni Jacob, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa. Samantalang si Bes, naman ay natulala. Hanggang sa unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. At hindi makapaniwalang tumingin sa amin. “T-talaga? Buntis nga ako? Totoo 'yong hinala natin, Bes?" mabilis naman akong tumango habang may ngiti sa labi. At doon, napahagulgol na nga siya ng iyak. Niyakap naman siya ni Jacob. “Oh my gosh..'yung dating pinapangarap ko lang, binigay na ni lord. Magiging isang ganap na kaming pamilya soon." “Yes, love. Matutupad na ang pangarap natin.” Hinayaan muna namin sila saglit sa ganoong tagpo, umiiyak pa rin si Bes, iba talaga ang hormones ng buntis. “That's enough, Bes. Hindi pwede sa buntis ang ganyan, makaka-apekto sa baby. Hanggang maari dapat iwas sa stress okay?” Sunod sunod
Aaliyah Nakarating kami sa hospital at agad na dinala sa ER si Trisha para icheck kung anong lagay nito. Habang kami nag-hihintay lang sa labas. Hindi mapakali si Jacob, palakad lakad ito, pabalik balik. “Hey, Ja. Can you please, sitdown? Nahihilo ako sa'yo. Don't worry too much. Sigurado ok na si Bes.” Sabi ko ng hindi na matiis ang pagpapabalik-balik niya. Nilingon naman niya ako. “How can I calm down, Ali? my wife is inside and I don't know the reason why she fainted, then you still don't want to tell us what really happened.” Halata sa boses nito ang pagkairita, naiintindihan ko naman. Bumuntong hininga ako bago siya tinitigan ng deretso sa mga mata. “I understand that you're worried, but I don't want to say my suspicions right away. Maybe I'm wrong and giving more problems. I want to make sure first and I really want the truth to come from the doctor or Bes. I'm sorry. You will understand me later. I don’t want to rush right now; there’s still no certainty.” Sery
KINABUKASAN Nagising ako dahil may naririnig akong nagsusuka, nakapikit ang isang mata ng kapain ko sa center table ang phone ko para icheck ang oras, 5:18am palang. Ang aga-aga pa. Dahan-dahan akong bumangon at pinakinggan kung tama ba ang naririnig kong may nag-susuka. Nang masigurado kong may tao nga sa banyo ay bumaba ako sa kama at sinilip ang bawat higaan kung sino ang kulang. Nangunot ang noo ko, nang makitang walang katabi si Jacob, Sobrang sarap ng tulog nito na hindi niya alam na wala na siyang katabi. So, means si Trisha ang nasa loob at nag-susuka? Muli kong pinasadahan ng tingin ang higaan, malalalim pa rin ang tulog nila. Mukhang pagod na pagod sa bihaye kahapon at sa pag-langoy tapos sinabayan pa ng uminom kami kagabi. Dalawang beer lang naman ang aking ininom. Sila ay medyo nakarami din pero hindi naman mga lasing o may tama. Sakto lang para pampatulog talaga. Pagkatapos ko pasadahan ng tingin ang lahat ay dahan dahan na akong nag-lakad patungo sa ba
Aaliyah Matapos kumain, nag-pahinga lang kami saglit, bago nagpalit ng damit pang-ligo. Inuna ko munang bihisan si Trisha na excited na excited ng bumaba. Sinunod ko naman si Trevor na tuwang tuwa din sa kanyang salbabida na binili ni Travis sa baba. Nang masiguro kong ok na ang mga bata, ako naman ang sumunod na nag-bihis. Isang bikini na kulay pula ang sinuot ko, tapos ay pinatungan ko iyon ng isang white maxi summer dress with slit. Hinayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok. Nang makuntento sa ayos ng aking suot ay lumabas na ako ng banyo. Saktong ako na lang pala ang hinihintay ng lahat. Napangiti ako ng makita ang ayos ng asawa ko. Parehas kami ng kulay ng damit. Ang sa kanya naman ay isang floral hawaiian summer polo shirt na naka bukas at may panloob na sandong puti tapos ay isang board short na navy blue ang kulay. Napaka-gwapo talaga ng asawa ko. "Okay na ba ang lahat? let's go! saktong sakto ang baba natin." Excited na yaya sa amin ni Trisha. Kinuha nit
Nang mag-park si Travis ay binalingan kona si Trishana at Tracy, para dahan-dahan gisingin. Si Trevor naman ay mabilis lang nagising ni Elsa, Alam na alam na talaga niya kung paano gigisingin ang bata na hindi totoyoin. Kanina habang nasa biyahe ay nasa akin si Trevor nilalaro ko siya at nagbobonding kaming mag-ina kaso ng inantok na ay hinanap pa rin niya si Elsa at doon na nga ito nakatulog sa kandungan ng babae. Wala naman akong nagawa dahil laging si Elsa talaga ang nakasama nito sa nagdaan na buwan at araw. Ang problema lang kapag bagong nanny na ang mag-aalaga dito. Baka ang mangyari ay hindi muna ako makapasok sa kompanya kapag nagkaganon. Baka mahirapan ang bago naming makukuhang nanny, kailangan ko muna siyang alalayan at ituro ang mga dapat gawin. “Girls, gising na. Nandito na tayo.” Malambing ang boses na gising ko sa kanila. Nang marinig nila ang sinabi ko ay agad agad silang umayos ng upo at sumilip sa labas. “Omg! Were here na po talaga!” Masayang turan ni
Aaliyah Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa itsura ngayon ni Trace. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil sa titig na ginagawad sa kanya ni Elsa. “Why didn't you tell me, you already told them?” Masungit na tanong ni Elsa, napakamot naman sa kanyang ulo si Trace. Oo, nga bakit hindi niya kase sinabi? “Sorry, gusto ko kase sabihin sa'yo ng personal kaso naunahan ako ni Aaliyah. Well, iyon lang naman ang hindi ko nasabi sa'yo. Sorry, Baby.” Paliwanag naman nito, inismidan naman siya ni Elsa. “Tss, lagi naman tayo magkatext hindi mo man lang ako inabisuhan. Nakakahiya tuloy na tinawag ko pang Maam, si Aaliyah. Baka naman sinadya mong 'wag sabihin, para maasar mo ako? Tama ba ako Trace Victor?” Napangiwi ito ng sabihin ng girlfriend niya ang buong pangalan niya. Lahat tuloy kami sa kanila na nakabaling ang atensyon, Si Travis, Trisha at Jacob na kanina busy sa pakikipag harutan kay Trevor ay ngayon nakatingin na kay Trace na parang batang pinapagalitan ng ka
Aaliyah Habang nasa biyahe kami ay hindi na ako mapakali, Excited na akong makita ang mga bata. Ngayon lang kasi sila nawalay sa amin ng ganito katagal. Kaya miss na miss kona sila. Hindi naman naging matagal ang biyahe namin dahil hindi kami naabutan ng Traffic, Isa pa maraming alam na shortcut si Trace, Iniwasan nito na madaanan namin, ang daan kung saan heavy Traffic, mukhang alam na nito ang mga pasikot-sikot dito. Isang sasakyan nalang ang ginamit namin dahil sa kagustuhan ni Trace, ang kotse ni Travis ay dinala na ng mga tauhan ng pinsan niya sa bahay nito. Well, Mas ok na rin ang isang kotse lang, Masaya kaya kapag marami kayo sa sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa isang expensive subdivision, Yeah. Expensive dahil sa Forbes Park Makati pala nakatira si Trace. "Wow, hindi ko akalain na ganito kana kayaman ngayon, kuya Trace! Sa Isang Exclusive Subdivision ka nakatira! Shems, Forbes Park, expensive!" Namamanghang sambit ni Trisha sa pinsan habang nakamasi
Tumingin si Travis sa kanyang pinsan bago nagsalita. “Noong nasa batangas ang mga bata ay alam mo na talaga dahil pinapasubaybayan mo kami? May inutusan kang magmanman kay Mayell at nalaman mo ang balak niya? Kaya inunahan mona siya, Tama ba?” Tanong nito na siyang kinatango ni Trace. “Paano mo pala nakumbinsi ang mga bata na sumama sayo? Hindi agad sumasama kung kani-kanino si Trishana. Mukhang panatag na panatag na sila na kasama ka, base sa mga litrato na pinasa mo sa amin. Anong ginawa mo o sinabi sa kanya?” Muling tanong ni Travis. “Well, may isa pa akong sasabihin sa inyo, sorry kung ginawa ko ito. I need to do this for the safety of the kids at para mas lalong mapadali ko silang makukuha incase nga na may gawin si Mayell sa kanila. Si Elsa na yaya ni Trevor ay... Girlfriend ko.” “W-what?!” Sabay na turan nila Aaliyah, Trisha at Travis. Habang hindi makapaniwalang tumingin kay Trace na ngayon ay tipid na nakangiti. “Ano mo nga ulit si Elsa, Trace? Paki-ulit ng