Nang makalabas si Alice, seryosong humarap si Travis kay Jacob at Trish.
"Let's go to my office. Kailangan kong malaman ang lahat." Tumango naman ang dalawa. Naglakad na palabas si Travis habang nakasunod ang dalawa sa kanya.
Kabado si Trish. Alam niyang galit sa kanya ang kaibigan pati na ang kuya niya.
Hindi pa rin siya makapaniwala na ang bestfriend niya ang sikat na modelo at designer sa bansa. Tinupad nga nito ang pangarap.
Nakarating sila sa office ng kuya niya. Pina-lock nito ang pinto at naupo sa mahabang sofa na naroon. Naupo naman sa kabilang sofa ang dalawa.
"Now, tell me everything." Agad na sabi nito.
"I'm so sorry kuya kung tinago ko si Eunice sayo. Sobra na kasi ang sakit na nararanasan niya sayo noon. Tapos ayun nga, may nangyari sa inyo. Sobrang lasing
KINABUKASAN "Mommy? Where is Tito Jacob? Bakit hindi po siya umuwi?" Nabaling si Eunice sa anak nang bigla itong magsalita. Katatapos lang niya isalansan ang mga platong hinugasan. Nakatingala sa kanya ang anak at malungkot. Napabuntong hininga muna siya bago lumuhod para makapantay ang anak. Hinawakan nito ang malambot na pisngi ng anak bago nagsalita. "Tito Jacob is busy. Hindi siya nakauwi kagabi dahil marami siyang ginawa, but don't worry, uuwi din si tito later." Nakangiti niyang saad sa anak. Umaliwalas naman ang mukha nito dahil sa sinabi niya. "Yey! Akala ko po bumalik na siya ng Cebu 'e. May promise po kasi siya sakin na mag play daw kami tapos manonood ng movies." "Hmm, nag-promise pala ang Tito Jacob mo, so gagawin niya yun. Oh siya, pumunta ka na kay yaya mo. May bisita tayo mamaya. Ipapakilala kita
Bumaling ito sa ama na nakatayo pa din kung nasaan ito habang nakamasid lang sa kanila, hindi pa ito sumunod. Bumitaw sa pagkakahawak ang bata sa tita niya at naglakad patungo sa ama na ngayon ay tutok na tutok sa anak. Nasa harap na ni Travis ang anak. Hindi niya alam ang sasabihin. Gusto niya itong kabigin at yakapin, sabihin na siya ang daddy nito. "Ah, hello po sorry po kung hindi ko po kayo napansin kanina. Ano pong pangalan niyo? Ako po pala si Trishana." Nakangiting sabi ni Trishana sa ama. Hindi alam ni Travis ang nararamdaman. Kinausap siya ng anak niya. Napakaganda nito. Lumuhod siya para mapantayan ang anak at ngumiti. "Hello sweetheart. It's okay, ang importante binalikan mo ako. My name is Travis." Malawak na ngumiti ang bata. At sa hindi inaasahan ng lahat, biglang niyakap ng batang si Trishana si Travis.
Nasa kusina si Aaliyah habang umiinom ng tsaa. Malalim ang iniisip nito. Simula nang pumayag siyang tumira si Travis sa condo niya, kung ano ano na ang naiisip niya. Kinakabahan din siya dahil muli niyang makakasama ang lalaki. Hindi pa niya ito nakakausap hanggang ngayon. Maghapon kasi nitong kasama ang anak. Hindi humihiwalay si Trishana sa ama. Habang malalim ang iniisip ni Aaliyah, hindi niya naramdaman na may tao na pala na nagmamasid sa kanya mula sa pinto ng kusina. Sumandal si Travis sa hamba ng pinto habang taimtim na tinitingnan ang asawa. Hinahayaan niya ang sariling magsawa kakatitig dito. Masaya si Travis dahil pumayag ang asawa niya na tumira sa condo nito. Alam niya sa sarili niyang hindi madaling makuha ang loob nitong muli. Pero gagawin niya ang lahat para bumalik ang da
TRAVIS' pov. Nang makalabas ng kusina si Aaliyah, unti-unting sumilay ang ngiti ko. Nakakatuwa siyang pagmasdan kanina habang sinasabi ang mga kondisyon niya habang nandito ako sa condo niya. Gusto kong mangiti kanina dahil sa kaseryosohan niya, hindi niya alam balewala sakin ang kondisyon na 'yon dahil simula ngayon, gagawin ko lahat para maging okay kami. Tsaka mas lalo akong naging masaya dahil itutuloy niya yung trabaho niya sa kumpanya ko. Akala ko hindi na siya papasok ulit dahil sa nangyari kahapon pero mali ako. Sa akin naman, kung hindi na siya papasok bukas, okay lang. Naiintindihan ko dahil sa nangyari nga kahapon. Balewala sakin ang contract. Ang importante sakin nakita ko siyang muli at makilala ang anak namin. Tumayo na ako. Kailangan ko na rin magpahinga, maaga din ako papasok bukas. Wa
Tahimik na pumasok sa loob ng kotse ni Travis si Aaliyah. Naiinis ito sa lalaki. Nang makapasok si Travis sa kotse, agad niya itong pinaandar. "Saan pala yung sinasabi mong dadaanan mo?" Tanong ni Travis sa asawa. Mas lalong kumunot ang noo ni Aaliyah. "Wala, nagbago na isip ko. Sa kumpanya mo na tayo dumeretso. Baka malate ako sa practice." Seryosong sabi nito kay Travis. Dapat talaga pupunta siya sa office niya para icheck kung ilan na ang costumer nila. Kung sino sino ang nagpapagawa ng gowns, at para na rin tingnan kung okay na yung mga gowns at dresses na pinagawa nila Trisha para sa models sa company. Kaso dahil epal ang tatay ng anak niya, nasira ang plano niya. "Are you sure? Pwede ko naman sabihin kay Melvin na may dinaanan tayo kaya ka na-late. Mukhang importante ang dadaanan mo." Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Aaliyah. Sobra na talaga ang inis niya s
"Anong meron?" Mahinang tanong ni Aaliyah sa sarili niya na narinig naman ng asawa. Akmang maglalakad ang mga ito nang biglang lumitaw si Trish na hindi maipinta ang mukha. Nakatingin ito sa kapatid. "What's happening here Trish? Is there a problem?" Seryosong tanong ni Travis sa kapatid. Pinagmasdan naman ni Aaliyah ang kaibigan. Sa itsura ni Trish, halatang naiinis ito. Kabisado niya ang dalaga. "Yes! May malaking problema talaga kuya! God! Buti na lang talaga dumating na ika—" Tumigil saglit si Trish at lumingon sa kaibigan na nasa tabi ng kuya niya. Nakatingin din ito sa kanya, "Sabay kayo dumating?" Wala sa sarili nitong tanong sa dalawa. "Sabay kaming pumasok Trish. So ano ba ang problemang sinasabi mo?" Sagot sa kanya ng kuya niya. Lihim naman siyang napangiti dahil doon. "Kasi kuya nandito yung e—" "Travis!" Hindi natapos ni
Sa kabilang banda.. Wala pa ring imik si Aaliyah habang nakasunod lang kay Travis. Hanggang sa tumigil sila kung saan naka-assign ang mag-aayos kay Aaliyah. "Sir! Ah ano pong ginagawa niyo dito? Tsaka sino po itong kasama niyo? Napaka ganda! Ay sandali po, sir dumating na po ba si Ms. Mendez?" Mahabang lintaya ng make up artist na kaharap nila Travis at Aaliyah. Hinila ni Travis sa harap niya si Aaliyah. "Jane, from now on, ikaw na ang laging mag-aayos sa kanya. Naiintindihan mo? Siya lang ang aasikasuhin mo sa buong set." "Sir? Pero po si Ms. Mendez po talaga ang hawak ko. Kaso lang po ayaw po niya dahil gusto niya po siya lang ang mag-aayos sa sarili niya." Dahil sa sinabi nito, umayos ng tayo si Aaliyah at ngumiti sa babaeng nasa harap. "Hi, sorry kung hindi
Pipigilan naman sana ni Aaliyah ang paglabas ni Jane kaso humarang sa harap niya si Travis na seryosong seryoso pa rin. Magkatitigan silang dalawa hanggang sa inilapit ni Travis ang mukha niya sa mukha ni Aaliyah. Kaunting agwat na lang ay mahahalikan na ni Travis ang asawa. Para namang nabato sa kinatatayuan si Aaliyah dahil sa ginawa ni Travis. Pinipigilan niya ang paghinga. 'Ano bang problema ng lalaking 'to? Bakit biglang nilalapit ang mukha niya?' Tanong ni Aaliyah sa kanyang isip. Ngumisi si Travis bago mahinang nagsalita. "So hindi ka pala na-aatract sakin wife?" Namilog ang mga mata ni Aaliyah dahil sa sinabi ni Travis. 'Narinig niya! Narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Jane, oh gosh.' sabi nito sa kanyang isipan. Para na siyang mahihimatay sa bilis ng tibok ng puso niya. Bakit ganito ang epekto sa kanya ng lalaki? Umiwas n