Share

Chapter Ten

Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti. 

 "Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita."  

 "Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao. 

 Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga.

 "Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya para i-save sana ang number ni kuya kaso napakakunot noo siya nang walang pangalan na nakalagay, number lang talaga. 'Ano ba 'yun? Hindi man lang nilagay ang name niya.' Anito sa isipan.

 "Ah kuya? Anong name mo? Para ilagay ko dito?" Naiilang na saad niya, winagayway pa niya ang sariling telepono. 'Jeez Eunice, parang sa datingan mo gumagawa ka ng move kay kuya 'e! Aist! Baka anong isipin niya, huhuhu baka akalain niya trip ko siya, nakuuu kuya kasal na ako.'

 "Oh sorry, nakalimutan ko ilagay. Anyway, I'm Jacob Fuentes." Nilahad nito ang kamay. Nakangiting inabot ni Eunice ang kamay nito at nagshake hands sila, "Eunice Dela Cerna." 

 "Oh Dela Cerna, hmmm what coincedence. Kaapelyido mo pa ang kaibigan ko." Ngumiti naman ako.

 "Talaga?"

 "Yeah. Oh siya okay na siguro? Pwede ka na mamili miss. Anong oras na baka gabihin ka." Nanlaki naman ang mata niya. Chineck nito ang oras at oo nga! Nako po.

 "Hala oo nga. Hehe sorry talaga Jacob ah? Text na lang kita pag okay na 'yung damit mo. Bye!" Tumalikod na siya at nagmadaling naglakad. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Kailangan na niya magmadali.

 "Alright Eunice! Hintayin ko ang text mo!" Habol na sigaw ni Jacob. Nilingon niya ang lalaki at kumaway. Nagmadali na siya dahil baka gabihin nga siya. Malalagot siya kay Travis pag hindi siya naabutan sa bahay. 

 Habang si Jacob, pinagmasdan lang si Eunice habang nagmamadali itong maglakad pabalik sa supermarket, "Ibang klaseng babae, nakakatuwa siya. Sana magkita ulit kami.." Nang mawala na sa paningin, napagpasyahan na niyang pumasok sa kotse at umalis. Kanina pa siya hinihintay ng mga barkada niya. 

******

 Hingal na hingal na nilapag ni Eunice ang mga pinamili sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan nito ang oras. 

 "Gosh, 4:55 p.m. na, kailangan ko na mag ready ng dinner namin. Mamaya ko na aayusin ang mga pinamili ko." Mabilis kumilos si Eunice. Kinuha agad niya ang rice cooker para magsaing. Ang lulutuin na lang muna niyang ulam ay adobong manok para mabilis lang. Baka dumating na kasi ang asawa niya. 

 Matapos mailuto ang kanilang dinner, inumpisahan na niyang ayusin ang mga pinamili. Baka maabutan pa ng asawa ang ganoong itsura at magalit na naman ito. 

 Habang nilalabas ang gulay na binili, napatingin siya sa bag at naalala ang damit na lalabhan niya.

 "Oo nga pala 'yung damit ni Jacob lalabhan ko pa pala." Mabilis niyang hinugasan ang mga gulay bago ilagay sa ref. Tinapos na muna niya ang dapat gawin bago bumaling sa bag niya at kinuha ang damit.

 "Sana mawala ang dumi nito para hindi ako mapahiya kay Jacob. Ang lakas pa ng loob kong sabihin na lalabhan ko na lang, tsk!" Pumunta siya sa likod bahay para kunin ang maliit na planggana. Nilagay niya ang damit at bumalik sa kusina, sa lababo na lang niya lalabhan para kung sakaling dumating ang asawa'y maririnig na niya agad.

 "Geez! 'Yung sabon pa pala, ano ba 'yan!" Naiirita siyang bumalik sa likod bahay para kunin ang sabong panlaba, 

 Pagbalik, sinimulan na niya itong labhan.

 "Gosh! Ang hirap matanggal ng dumi! Waaaah makisama ka naman! Uhmm, ibabad ko na muna kaya? Para lumambot 'yung dumi? Ays, ganon ba 'yun? Nakalimutan ko na 'yung tinuro sakin ni manang dati, hays. Ibabad ko na nga muna tapos mamaya ko na lang kusutin ulit." Naghugas na siya ng kamay. Iniwan na lang muna niya sa lababo ang nilalabhan.

 Inayos na niya ang lamesa. Muli niyang tiningnan ang oras. 6:38 na, pauwi na asawa niya. 

 At hindi nga siya nagkamali, ilang minuto lang ang nakalipas narinig na niya ang busina ng kotse nito sa labas. 

 Mabilis siyang lumabas ng bahay para buksan ang malaking gate. 

 Pumasok ang kotse ng asawa. Muli niyang sinara ang gate at nakangiti siyang lumapit sa asawa.

 "Sakto ang dating mo, nakapagluto na ako ng hapunan. Tara kumain na tayo." Tiningnan lang siya saglit ni Travis tapos naglakad na ito papasok sa mansyon. Naiwan siyang mag isa sa labas, nagkibit balikat na lang siya at sumunod sa asawa. Sanay na siya na ganoong reaksyon nito.

 Nakita niyang naupo ito sa may sala habang hinuhubad ang necktie nito, sumunod ay yumuko ito para hubarin ang sapatos. Kumilos naman agad si Eunice para kunin ang tsinelas pambahay ni Travis. 

 Agad siyang lumuhod para tulungan ang asawa.

 "Ako na, isandal mo na lang ang likod mo sa upuan para marelax ka." Hindi na umapela pa si Travis, pagod siya sa trabaho. Wala siyang oras na singhalan o magalit sa babaeng kaharap. Pinagmasdan na lang niya ang ginagawa nito.

 Hinubad ni Eunice ang sapatos ni Travis at ang medyas nito. Bago ibaba, hinilot hilot na muna niya ito. Nakangiti siyang tumingala sa asawa, nakita niyang napapikit ito, mukhang nagugustuhan ang ginagawa niya. 

 Nang matapos hilutin ang paa ng asawa, kinuha niya ang sapatos para itabi. Muli siyang bumalik sa asawa na nakasandal pa rin sa upuan at nakapikit ang mga mata. Kahit nagdadalawang isip, lumapit siya sa likod nito para hilutin ang balikat nito. 

 Napapitlag si Travis nang maramdaman niya ang kamay ng asawa sa balikat niya. Imumulat na sana niya ang mata at pagsasabihan ito na alisin iyon, kaso naramdaman niya ang marahang hilot nito sa balikat niya. Masarap iyon, pinili na lang niya ang manahimik. Ang dami niyang ginawa sa opisina, kailangan niya ang hilot na ganito para marelax. 

 Napapangiti si Eunice habang minamasahe ang balikat ng asawa. Buti na lang hindi ito nagalit, akala niya sisinghalan na naman siya 'e. 

 Makalipas ang ilang minuto, dumilat na si Travis at tumayo. Nagulat naman si Eunice.

 "Kumain na tayo para makapagpahinga na." Naglakad patungo sa kusina si Travis, maghuhugas muna ito ng kamay bago maupo sa hapag kainan. 

 Tumango tango si Eunice kahit hindi nakita ni Travis. Dumiretso na lang siya sa lamesa para icheck kung may kulang pa ba sa mga hinanda niya. Kumpleto naman na lahat. 

Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
jeanne fortus
jan n mg uumpisa madevelope c travis sna nga ng d nman nkakaawa n c Eunice
goodnovel comment avatar
angel fortus
jan n mag uumpisa madevelop c travis kaso my jacob n dumating
goodnovel comment avatar
Jean Compra
what a good wife
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status