Share

His Opposite Intention
His Opposite Intention
Author: Sunny

Prologue

Prologue

"But I have a challenge for you."

Dahil sa sinabi niya ay napakunot-noo ako nang nakatingin sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant. Magkaharap sa pandalawahang mesa. Hindi ko inaasahan na may pa ganito pa siya. Ano ba talagang klaseng trabaho ang ipapagawa niya sa akin? Bakit parang kinakabahan ako? Hindi naman siguro ilegal na trabaho ang ipapagawa niya sa akin?

"Challenge?" naguguluhang tanong ko pa sa kaniya.

Imbes na sagutin niya ako ay uminom muna ito ng tubig sa kaniyang baso. Napaayos pa nga ako sa pag-upo nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Naramdaman ko lang ang tinding kaba sa aking sistema nang makitang seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin.

Nang marinig ko ang sinasabi niyang challenge ay sobra ang pagkagulat ng aking mukha. Wala sa oras ko pang naibuga ang iniinom kong tubig sa harapan niya. Natalsikan pa tuloy ng tubig ang kaniyang mukha dahil sa matinding pagkagulat ko. Napapikit pa nga siya ng mariin.

"A-Ano?!" Napatayo pa ako sa sobrang gulat.

Hindi siya nagsalita bagkus ay kumuha siya ng tissue sa gilid ng mesa at walang emosyong pinunasan ang mukha niya. Medyo nahiya pa ako sa ginawa ko pero mas nangingibaw ang pagkagulat ko!

Hindi ko na alam kung tama ba ang pinasukan ko. Anong klaseng challenge ito? Naghahanap lang naman ako ng matinong trabaho tapos may pa ganito pa siyang pakulo? Anong klaseng employer siya? Nababaliw na ba siya?!

"Ano ba itong pakulo mo? Ha? Isa itong diskriminasyon ang pinapagawa mo! Hindi mo ba alam na maraming mga tao ang nahihirapan makahanap ng trabaho ngayon dahil sa diskriminasyon-" napatigil ako bigla sa pagsasalita nang may inabot siyang papel sa akin.

"I think you need to read this."

Inis kong inagaw ang hawak niyang papel. Nakita ko pang pinagkrus niya ang magkabilang braso sa harapan ko nang makita ang iritasyon sa mukha ko. Alam kong hindi dapat ako nag-iinarte ngayon dahil kinakailangan ko ng trabaho pero hindi ko lang talaga maiwasan mainis dahil sa isang tulad niya kaya maraming mga taong naghahanap ng trabaho ang hindi natatanggap dahil sa isang isyung panlipunan na iyan sa ating bansa.

Habang binabasa ko ang nakasulat sa papel na kaniyang ibinigay ay napakunot-noo pa ako nang mabasa ang panghuli. Pakurap-kurap pa nga ako. Namamalikmata lang yata ako pero kahit ilang kurap ang gawin ko nandoon pa rin iyon nakasulat.

"Do you think my manager will accept you? If I still hire you? Look." Huminto muna siya sandali sa pagsasalita at inayos pa ang pag-upo. Ipinatong din nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Tinutulungan kita ngayon para matanggap sa trabahong ito. I know you badly need this job." Madiin niyang itinuro ang nakasulat sa papel.

Gulong-gulo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Puwede mo naman pakiusapan ang manager mo baka-"

"Kung hindi mo kaya ang pinapagawa ko sa'yo ay mas mabuting maghanap ka nalang ng ibang trabaho," putol nito sa sinabi ko.

Parang hindi big deal sa kaniya ang pinapagawa niya sa akin. Parang wala lang sa kaniya. Nakakainis!

"So what's your final decision?"

Napalunok ako ng laway nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko habang ako heto nakatayo pa rin sa harapan niyang gulong-gulo ang isipan kung papayag ba ako o hindi sa buwisit niyang challenge!

"Don't worry I will double your salary."

Bahagyang nagulat ako sa offer niya.

"Pero baka puwede-"

"I will triple your salary. This is my last offer for you, MM."

Kung kanina ay bahagyang nagulat ako. Ngayon naman ay laglag panga pa ako sa offer niya. Ang laking sahod na ito. Sobra-sobra pa nga! Isang malaking sahod na ito para matulungan ko ang aking pamilya!

"I will give you ten seconds to think."

T-Ten seconds?! Baliw ba siya?!

Nakita ko pang pinupunasan niya ngayon ang kaniyang labi gamit ang table napkin. Nagsisimula na rin siyang magbilang pababa.

Teka lang!

Makakaya ko ba ang pinapagawa niya? Sinabi ko naman hindi ba dati sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko? Nakasalalay dito ang buhay ng pamilya ko. Buhay ni Papa kaya itataya ko ang aking sarili rito kahit ano man ang ipapagawa sa akin.

"Five..."

Nasa kalagitnaan palang siya nang pagbibilang ay nagsalita na ako. "Pumapayag ako. Gagawin ko ang gusto mo," may panindigan sa boses ko at sabay bumalik sa pag-upo.

"Then, you're hired."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status