Share

Chapter 2: Ticket

Chapter 2

Ticket

Ang bilis lumipas ang panahon dahil hindi ko namalayang nandito na pala kami ngayon kung saan gaganapin ang big interview ng kaniyang sinasabing isang sikat na singer na isang guest ng show na ito.

Tulad nga ng pinangako ko, sinamahan ko nga siya ngayon kahit hindi ako mahilig sa ganitong bagay. Mabuti nalang nahanap agad namin ang aming puwesto kung kaya't nakaupo kami. Isang talk show lang naman ito pero parang nasa isang concert na kami dahil ang daming tao ang narito. Malawak din sa loob at may malaking stage pa sa gitna.

"Alam ba ni Jayson na nandito ka ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"Nope. May date nga kami ngayon pero tinakasan ko lang siya." Humalakhak pa siya.

"Baliw ka talaga." Napailing ako sa kaniya.

Iba rin pala ang babaeng ito. Ang lakas ng loob iwanan ang boyfriend para lang dito. Valentines Day pa naman ngayon. At mas importante pa talaga ito sa kaniya kaysa sa date nila ni Jayson.

"I-text mo si Jayson na hindi matutuloy ang date niyo dahil nandito ka. Kawawa naman iyong tao Bianca sa kakahintay sa wala."

"Charot lang! Ito naman hindi mabiro. Syempre tuloy pa rin ang date namin after this," aniya at kumindat pa nga.

Hindi ko napansin na kanina pa pala nagsisimula ang interview. Nalibang kasi ako sa paglalaro ng candy crush sa cellphone ko kaya hindi ko namalayan. Bahagyang napalingon ako sa aking katabi na si Bianca dahil halos lamunin na nga ito ngayon sa sobrang pagtitili.

Ilang sandali ay lumipat naman ang tingin ko sa stage na kung saan nakaupo ngayon ang kinababaliwan nila dito sa loob. Kaharap nito ang isang host at pinapaulanan siya nito ng mga tanong. Hindi ko masyado makita ang mukha ng lalaki dahil nasa may pinakadulo kami nakaupo kaya likod lang niya ang nakikita ko.

"Huling tanong, ikaw ba ay may girlfriend na? Kasi for sure maraming mga fans mo na nandito ngayon ang may gustong malaman tungkol sa lovelife mo," tanong ng babeng host sa kaniya.

Agad naman naghiyawan ang mga tao rito sa loob. Ako lang yata ang walang pakialam sa mga nangyayari sa loob. Nakakainip. Anong klaseng singer ba siya para kahumalingan ng mga babae rito sa loob? Sobrang sikat ba niya?

"No, I don't have a girlfriend."

Pagkasabi niya iyon ay agad nagdulot ito ng nakakabinging hiyawan sa loob. Napa-aray pa nga ako nang yinugyog pa ni Bianca ang braso ko ng malakas. Dinamay pa ba naman ang nanahimik kong braso.

"Ngayon nalaman na ng lahat na wala kang girlfriend. We have a dare for you. This will be the last part of this show," excited na sinabi ng host.

Mabuti naman at malapit na palang matapos ang show na ito. Makakauwi na rin kami sa wakas. Nakakapagod kayang nakaupo ka lang ng matagal at isa pa nababagot na rin ako rito. Gusto ko ng umuwi at hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga kaya ngayon parang nakakaramdam ako ng kunting pagkakahilo.

"Narito ang isang box. Nasa loob nito ang mga pirasong papel na may mga nakasulat. Bubunot ka ng isa at pagkatapos ay gagawin mo kung ano ang nakasulat. Ganoon lang kadali ang dare namin sa'yo," paliwanag ng host sa kaniya habang may hawak itong isang maliit na box.

Napansin kong bumunot na nga ng isang pirasong papel sa maliit na box ang guest at ibinigay naman ito sa host. Nang mabasa ng host ang nakasulat ay nanlaki pa ang mga mata nito ngunit agad naman napalitan ng kilig ang mukha.

Hindi na ako makatingin ng maayos sa harapan dahil pakiramdam ko umiikot na ang paningin ko. Iniling-iling ko pa ang aking ulo para bumalik sa tamang wisyo.

"Ano kaya ang nakasulat? Ano sa tingin mo, Mia?" rinig kong tanong ni Bianca.

Hindi ako makasagot dahil sa pagkakahilo ng ulo ko pero rinig ko pa rin naman ang mga nangyayari sa loob. Kaya ko pa.

"Saktong-sakto ang nabunot mo dahil Valentines day ngayon! Ang nakasulat dito ay pipili ka ng isang fan na nandito ngayon sa loob para maging ka-date mo!"

"Puweding ako nalang?"

"Ay! Huwag nalang pala baka makipagdivorce pa sa akin ang asawa ko ng wala sa oras. Just kidding," pahabol na biro ng host.

Nagtawanan naman ang lahat.

"So, are you excited girls na malaman kung sino ang pipiliin niya para maging ka-date niya ngayong araw?"

Naghiyawan ulit ang lahat. Hindi ba sila napapagod kakahiyaw? Dumadagdag tuloy ang pagkakahilo ko dahil sa hiyawan nila.

"Sino kaya ang pipiliin niya? Ang suwerte naman ang mabibigyan niya ng lila rosas!" si Bianca habang nakikisabay na rin sa hiyawan.

Napahawak na nga ako ngayon sa ulo ko. Shit. Hindi ko na talaga kaya ang mga sigawan nila rito sa loob. Dagdagan pa ang init sa loob dahil sa dami ng mga tao kahit may aircon naman sa loob. Napapapikit pa ako ng mariin. Kung magtatagal pa ako rito sa loob baka himatayin na ako. Ramdam ko na talaga ang sobrang pagkakahilo ng ulo ko.

Napatigil lang ako sa pag-alis nang magsiksikan bigla ang mga tao sa puwesto namin kaya nawalan ng daan. Lumakas pa ang sigawan nila at ramdam ko pa nga ang pagtutulak ni Bianca sa kanang braso ko. Unti-unting lumalabo na ang paningin ko kaya hindi ko na makita ng maayos ang nangyayari.

"Oh my gosh, Mia."

Kahit hilong-hilo na ako ay nakayanan ko pang tumingin kay Bianca. Napansin ko pang may itinuturo ito sa harapan ko kaya unti-unting bumabaling ako sa harapan.

"Can you be my date?"

Kahit unti-unting lumalabo ang aking paningin ay pansin ko pa rin ang lila rosas sa harapan ko. Hindi ko kita ang itsura kung sino ang nagbibigay at isa pa matangkad ito. Hindi na rin ako makapag-isip ng maayos dahil umiikot na talaga ang paningin ko.

"No response? I'll take that as a yes."

Nanghina na nga ang katawan ko kaya biglang nawalan ako ng balanse sa pagtayo. Akala ko matutumba na ako sa sahig ngunit agad naramdaman ko ang magkabilang braso sa pagsalo sa baywang ko. Gusto kong mag-angat ng tingin ngunit hindi ko magawa hanggang sa dumilim na ang aking paningin.

"DON'T worry, Mr. Aldovar she's fine now. Nalimpasan lang siya ng gutom kaya nawalan siya ng malay."

"Call me if anything happens to her."

"Bag niya pala naiwan sa loob ng kotse."

"Oh my gosh, thank you, Chadrick!

"CD, let's go."

Nakarining ako ng mga boses kaya unti-unti kong naimulat ko ang aking mga mata.

"Mia!"

Napabaling ako sa nagsalita. "Bianca? B-Bakit nandito tayo?" tanong ko nang mapagtantong nasa loob kami ng isang room.

"Nahimatay ka kanina kaya dinala ka namin agad sa ospital! Pinag-alala mo ako!"

Pansin ko nga ang pag-alala niya dahil pinalo pa nga nito ang kaliwang braso ko kaya napa-aray pa ako ng wala sa oras.

"Sino ang nagdala sa akin dito?" Dahan-dahan akong umuupo mula sa pagkakahiga.

"Edi, sino pa ba? Ang pinkasikat na singer! Si Chadrick Aldovar!" sigaw pa nga niya.

Kumunot ang noo ko at ilang sandali lamang ay pinalo pa nga ulit ng babaeng katabi ko ang aking braso nang mapansing hindi ako naniniwala sa kaniya.

"Baliw! Totoo ang sinasabi ko!"

A-Ano? Hindi siya nagsisinungaling? Ang sikat na singer ang nagdala sa akin dito? Paano iyong talk show niya?

"At alam mo ba, Mia. Kanina nang nahimatay ka siya ang nagbuhat sa'yo palabas ng venue papunta sa parking lot. Sinakay ka agad namin sa magarang sasakyan nila para dalhin sa pinaka malapit na ospital," kuwento pa nga niya.

Nahiya ako bigla sa sarili dahil sa kuwento niya. Nang dahil sa akin naabala ko pa siya. At siya pa talaga ang nagdala sa akin dito sa ospital. Ngunit naalala ko may hawak siyang lila rosas kanina at ibinibigay niya iyon sa akin. "Naalala mo ba nang nagpahula tayo sa soulmate ko?" tanong ko kay Bianca.

"Oo, naalala ko. Bakit?"

"Binigyan niya ako ng lila rosas. B-Baka siya ang soulmate ko, Bianca..." hindi pa ako makapaniwala sa sinabi ko.

Napansin ko agad ang pagkagulat ni Bianca dahil sa sinabi ko. "A-Ano?!" tumaas pa ang boses niya pero ilang sandali lamang ay napansin ko pa na parang nagpipigil pa siyang tumawa. "Seryoso ka Mia? So, sinasabi mong si Chadrick Aldovar ang soulmate mo? Ang isa sa mga sikat na celebrity ngayong henerasyon?" natatawang tanong ni Bianca.

"Kulay itim lahat ang suot. Hinahabol ng mga tao. Tumatakbo ng sobrang bilis. Hahanap-hanapin kaniya kahit saan ka man magpunta. Iyan ang hula ni Manang sa soulmate mo tapos sasabihin mo sa akin ngayon na isang artista ang soulmate mo? Sa deskripsyon pa nga lang ni Manang sa hula niya ay para ng isang miyembro ng sindikato ang soulmate mo, e." Napailing pa nga siya.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa mahabang paliwanag ni Bianca. Kahit pa-paano ay may point siya. Hindi ko na alam totoo ba talaga ang hula ni Manang. "I-Iyong talk show niya?" pag-iiba ko ng usapan.

"Syempre, pina-cancel niya agad!"

Nagulat ako.

Pina-cancel niya nang dahil lang sa akin? Puwede naman hindi na siya sumama pa rito at itinuloy nalang ang talk show niya.

"Nasaan siya?" Umalis ako sa higaan.

"Umalis na. Nandito siya kanina sa loob kasama ang kaniyang Manager."

Napasapo ako sa aking noo. Sayang na-late ako ng gising. Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa kaniya at magpasalamat na rin. Napabaling naman bigla ang tingin ko sa maliit na mesa nang makitang may mga pagkain doon at iba't-ibang klase pa ng mga prutas.

"Kanino galing 'yan? Binili mo?" Turo ko roon.

"Ah, 'yan! Inutusan ni Chadrick ang kaniyang personal assistant para bilhin ang mga pagkain na 'yan para sa'yo."

"Ang bait at sweet ng Chadrick ko 'no? nakangiting sinabi niya pa at sabay siniko ang braso ko.

Hindi ko kayang sumalungat sa sinabi niya dahil kitang-kita naman. Isa itong malaking utang na loob ko sa kaniya.

"Umuwi na tayo," sabi ko. Mas mabuting umuwi na kami dahil marami pa akong gagawin. May Thesis pa akong hindi natatapos i-revise. Deadline bukas kaya dapat matapos ko na mamayang gabi.

"Miss, magkano po lahat ang babayaran ko?" tanong ko. Nasa counter kami ngayon ni Bianca para magbayad.

"What's your surname, ma'am?"

"Rosales po."

"Alright, Ma'am. One moment po, I'll just check the system," sagot nito at agad ibinalik ang tingin sa monitor.

Kinuha ko naman ang aking pitaka sa bag. Bubuksan ko na sana nang biglang nagsalita ang babae.

"P-Paid na po pala Ma'am. It's under the name of Mr. Chadrick Aldovar," gulat pa nitong sinabi.

Nagulat nga rin kami ni Bianca.

Hanggang sa nasa labas na nga kami ng ospital ay tulala pa rin ako. Hindi matanggal sa isip ko kung paano ko siya mababayaran. At gusto ko rin masuklian lahat ng kabutihang ginawa niya sa akin kahit pa-paano.

"May alam ka ba na paraan para makita ko siya?" tanong ko kay Bianca.

"Ah, may concert siya next week sa pagkakaalam ko at syempre pupunta ako!"

Hindi ko puwedeng palampasin ang pagkakataon na ito.

"Sasama ako sa'yo. Magkano ba ang ticket?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status