Chapter 10Grandson"May asawa na po ba ang apo niyo Lola?"Napatigil si Lola sa paglabas ng mga gulay sa loob ng plastic bag dahil sa naging tanong ko at bahagyang napatawa. "Wala, hija. Sa pagkakaalam ko ay single ang apo ko. Wala pa siyang pinapakilalang nobya." Ibinalik ni Lola ang pansin sa ginagawa niya kanina."Ilang taon ka na ba, hija?""Twenty-one po." "Twenty-one? Matanda pala nang limang taon ang apo ko sa iyo. Pero puwede na rin." Parang may gusto pang idugtong si Lola pero hindi na niya tinuloy.Ibig sabihin ay dalawampu't anim na taon na pala ang edad ng apo ni Lola. "Noong estudyante pa lamang siya ay nagtatrabaho na ang apo ko, hija. Masipag na bata iyon at mabait. Sa dami ng pinagdaanan sa buhay ay nakayanan niya lahat. Hindi naging madali ang nakaraan niya kaya hanga ako sa batang iyon dahil malaki na ang naabot sa buhay niya."Namangha ako sa sinabi ni Lola tungkol sa apo niya. Hindi ko man alam ang buong kuwento pero ramdam ko ang pagiging proud ni Lola sa kaniya
Chapter 11Beat"Tumigil ka nga! Diyan ka lang!" Bingi yata ang lalaking ito dahil lapit nang lapit pa rin sa akin. Hanggang sa wala na akong maatrasan. Naramdaman ko nalang ang matigas na pader ng pintuan sa likod ko. Nagulat pa ako nang ikinulong niya ako sa pagitan ng mga bisig niya."Anong nararamdaman mo?" sambit niya.Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya halos maramdaman ko na ang kaniyang hininga. Naka-aircon naman ang kuwarto niya pero bakit bigla nalang uminit sa loob?"Ha! Akala mo naman ginusto ko ang nangyari? Aksidente nga lang 'yon!""Yeah. It was just an accident. Ang tinutukoy ko..."Ano ba ang tinutukoy niya? Bakit hindi nalang niya ako diritsuhin? Ang dami niya pang sinasabi."Anong nararamdaman mo na ganito tayo?" napapaos pa nga ang boses niya nang hindi binibitawan ang titig sa akin.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na ang sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa. Walang bumibitaw sa pagtitigan namin. Sinusundan niya pa nga ang bawat ga
Chapter 12Senior Ball"Wow! You look like a princess tonight!" si Bianca nang makita ako pababa sa malaking hagdan nila. Nakabihis na siya at tapos na rin ayusin lahat. Ako nalang ang hinihintay niyang matapos. Ang suot ko ay eclipse gown royal blue. May mga glitters siya na kumikinang pagmasdan at mayroong slit sa left side. Ang simple lang ng pagkadisenyo pero maganda siya para sa akin at kumportable ako sa suot na ito.Hindi sana ako pupunta rito sa bahay nila dahil ang usapan lang namin ay susunduin niya ako sa bahay para sabay na kami pumunta sa hotel. Pero mas gusto niyang sa bahay nila ako mag-ayos dahil may kaibigan daw ang mommy niya na isang professional make-up artist at libre lang lahat. Pumayag na lamang ako dahil alam kong hindi niya ako tatantanan kapag hindi ako pumayag sa gusto niya. At isa pa, libre naman lahat kaya pumayag na rin ako. "Perfect! Fabulous! Bagay talaga sa'yo ang straight hair at kulot sa bandang dulo," rinig kong sinabi ni Bobs ang baklang make-up ar
Chapter 13PisoIsang matangkad na lalaki ang tumigil sa harapan ko kaya kailangan ko pa i-angat ang ulo ko para makita ang mukha niya. "Puwede ba, tumabi ka- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang hinigit pa nito ang isang braso ko. Nagulat ako at sisigaw na sana ngunit agad nitong natakpan ang bibig ko gamit ang isang kamay niya. Napansin ko pang dinala niya ako sa pinakadulo na parte."Nasaan na siya? Nakita ko siyang dumaan dito!""Oo nakita ko rin! Pero ang bilis niyang umalis kaya nawala agad siya sa paningin ko!"Boses mga babae at ramdam kong nasa likod ko lang sila. Kahit hindi ko sila makita alam kong marami sila dahil sunod-sunod ang mga naririnig kong yapak ng mga paa. Lilingon sana ako sa likod ngunit hindi ko nagawa nang biglang nagsalita ang lalaking nasa harapan ko."Stay still."Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan pa rin nito ang bibig ko habang ang isang kamay nito ay nasa likod ng batok ko. Ang
Chapter 14Lila RosasKasalukuyang nasa gitna ng stage ang host hawak ang mic. Lahat kami rito ay sa kaniya lamang nakatingin at naghihintay sa sasabihin. Halos maramdaman ko na ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa sobrang pagka-excited. Hindi na ako makapaghintay ipakilala siya."Maari bang tumayo lahat ng mga single?" panimula ng host.Marami naman ang nagtaka sa naging tanong ng host pero sa huli marami rin ang tumayo."Oh, mga single raw tumayo na kayo," baling ni Bianca sa amin. Palibhasa may boyfriend siya.Akala ko ba ipapakilala na ngayon ang special guest? Ano naman ba ito? Pinapatagal pa nila!"Oh, Mia? Bakit hindi ka pa tumatayo diyan? Hindi ba, NBSB ka?" si Bianca nang mapansing nakaupo pa rin ako. Sa table namin ay may apat na kaklase ko ang nakatayo. Halos maraming mga estudyante nga rito ang mga nakatayo.Ang daming single, ha? Maganda iyan. The more the merrier."E, tinatamad ako," usal ko. Binigyan pansin ko na lamang ang natirang pagkain ko kahit na busog naman ako
Chapter 15Emergency"Alright! Know your limits okay? This is just a mere dare. Don't take this seriously. Just talk, dance and enjoy each others company. The challenge starts now and will ends at midnight!"Narinig ko pa ang mga palakpakan ng mga tao rito sa loob. Nailipat lang ang tingin ko sa table namin nang mapansing nagtutulak-tulakan pa ang mga kaklase ko habang nagsisigawan sa sobrang pagtitilian nila."Gosh, Mia! You're so lucky!" si Olivia. Tinulak pa nga ang katabi niya. At nakita ko pa kung paano niya kami kunan ng litrato gamit ang DSLR niya."Bestfriend ko 'yan!" rinig kong sigaw ni Bianca at ang lalakas pa ng mga palakpak niya."Can I have this dance?" Napabaling lamang ako sa nagsalita. Nakalahad ngayon ang isang kamay niya sa harapan ko. Hindi ko namalayan na kaming dalawa nalang pala ang nakatayo sa gitna. Nasaan na ang host?Halos tumayo na rin ang iba kasama ang official partner nila. "Pasensiya na namura kita kanina. Hindi ko lang talaga ini-expect na ikaw pala s
Kabanata 16 Hired Habang nasa byahe ako ay panay ang pag-iisip ko kung paano ko siya makakausap. Paano kung wala siya roon? Paano kung nakahanap na siya ng bodyguard? Hindi puwede! Pagkarating ko nga sa bahay nila ay sinabi pa ni Lola na nasa isang hotel daw si Chadrick kaya agad nagpunta ako roon. "Manong, bayad po!" Nagbayad agad ako nang huminto ang taxi sa tapat ng hotel. Paglabas ko ay walang pag-aalinlangang pumasok ako sa loob kahit may isang staff na nakabantay sa entrance. Patungo na sana ako sa front desk area nang napahinto ako nang makita ang pamilyar niyang likod. Kahit hindi ko kita ang mukha niya alam kong siya iyon. Kausap niya ngayon ang receptionist. Nang paalis na siya sa roon ay napansin ko pang hindi pa rin bumibitaw ng tingin sa kaniya ang babaeng receptionist. Abot langit ang ngiti nito habang may hawak na papel. Napansin ko pa ang signature ni Bente Pesos sa hawak niyang papel. Siya nga iyon! Nataranta lang ako nang makitang papasok na siya sa elevator. Hal
Kabanata 17 Late "Anak, saan ka nakakuha ng ganoong kalaking pera?" Napabaling ako kay Mama nang magtanong siya. Nakabalik na rin ako sa ospital at tuluyan na ngang nabayaran ang gastusin para sa operasyon ni Papa ngayong araw kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Magkatabi kami ngayon ni Mama sa mahabang upuan dito sa labas ng emergency room dahil ipinagbabawal pa nilang pumasok kami sa loob. Bahagyang hinawakan ko ang dalawang kamay niya nang makitang hindi pa rin siya mapakali. Nag-aalala yata siya kung saan ko nakuha ang ganoong kalaking pera. "Ma, hindi na po iyon mahalaga kung saan ako nakahanap ng ganoong kalaking pera. Ang mahalaga ay natuloy na rin ang operasyon ni Papa. Huwag kayong mag-aalala Ma hindi po galing sa ilegal na pamamaraan 'yong pera," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Hangga't maari ayokong sabihin ang totoo kay Mama kung saan galing ang pera dahil ayokong mag-alala siya sa papasukan kong trabaho. Babaeng magpapanggap bilang lalaki para maging bodyguard ng isan