Kabanata 18 24/7 "Matatagalan pa bago makalabas ang Papa mo, anak. Bagama't naging matagumpay ang operasyon niya subalit sinabi ng doktor na kinakailangan pa ng malalim na pagsusuri sa kalagayan niya..." napahinto saglit si Mama at naramdaman ko pa ang malalim na hininga niya sa kabilang linya bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Maaring magkaroon siya ng panibagong operasyon iyan ang sinabi ng doktor, anak. H-Hindi ko na alam kung saan pa tayo makakahanap ulit ng malaking pera." Ramdam ko pa ang panginginig sa boses ni Mama. Sumikip bigla ang dibdib ko sa narinig "Huwag po kayong mag-aalala sa pera Ma. Mahahanapan po natin iyan ng solusyon. Gagaling po si Papa." Nang matapos ang tawagan namin ni Mama ay roon ko lamang naramdaman ang mga luhang gustong kumawala kanina pa. "Mia? Matagal ka pa diyan?" Agad kong pinahiran ang magkabilang pisngi ko nang marinig ang boses ni Tita mula sa labas ng aking kuwarto. "Lalabas na po!" Kinuha ko ang aking maliit na back pack na nakasabit
Kabanata 19 Death Threats "Hindi ako puwedeng magreklamo. Pinasukan ko ito kaya paninindigan ko," sambit ko sa sarili habang nakahiga sa maliit na kama. Nandito ako ngayon sa isa sa mga kuwarto ng mga employee ng pamilyang Aldovar dito sa first floor ng mansyon nila. Pero paano ako bibisita kay papa kung 24/7 ang trabaho ko? At dito rin pala ako titira sa mansyon nila habang nagtatrabaho ako. Napabangon lamang ako mula sa pagkakahiga nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa gilid ng kama at sinagot. "Bianca-" "Mia! Okay ka lang?!" Napapikit ako at inilayo pa saglit sa tainga ang cellphone. Mabibingi yata ako nito ng wala sa oras. Kung makasigaw ang babaeng ito parang hindi tinamaan ng lagnat. Siguro dahil na rin sa pag-aalala sa problema niya sa pamilya kaya tinamaan na rin siya ng lagnat. "Ako dapat ang magtanong iyan. Kumusta? Ang sabi ni Gabriel ay nilagnat ka raw. Nilalagnat ka pa ba? Pasensiya na hindi ako nakabisita sa'yo. Marami lang nangyari." "Okay na ako!
Kabanata 20 Blackout Alas-otso ng gabi nang magsimulang kumain ang magpamilya. Mahaba ang kanilang hapagkainan at maraming mga pagkain ang nakahanda kahit tatlo lang naman silang kumakain ngayon. Napaayos lamang ako ng tindig nang biglang bumaling ang ina ni Chadrick sa akin matapos kumain. “Mario, mas mabuti kung sa kuwarto ng anak ko ka na rin matutulog. Aalis kami ni Ricardo ngayong gabi dahil may importante kaming a-asikasuhin. Mapapanatag ang loob ko kung sasamahan mo ang aking anak sa kuwarto niya.” Laglag panga akong napatingin kay Mrs. Aldovar. Dahil sa gulat ay nailipat ang tingin ko kay Chadrick na napatigil din kumain. “May problema ba tayo sa sinabi ko?” si Mrs. Aldovar nang mapansing hindi ako makasagot sa kaniya. “W-Wala, Ma’am. Tama po kayo para nababantayan ko ng maayos ang anak niyo.” Hindi ako puwedeng magreklamo. Pinasok ko itong trabaho kaya dapat kong panindigan at sundin ang ipapapagawa sa akin. Sadyang nagulat lang ako sa naging request ng kaniyang ina. Pu
Kabanata 21 Beach Kinabukasan ay bumyahe kami papunta sa Valencia Beach Resort. Ayon sa manager niya na si Georgia ay doon gaganapin ang photoshoot ni Chadrick para sa pag-e-endorse ng isang product. Siguro hindi aabot ng isang oras ang naging byahe namin dahil nakarating agad kami. Nang dumating kami sa Resort ay halos kita namin sa malayo ang mga naliligo sa dagat at iyong iba naman ay naglalaro pa ng volleyball. Pumasok kami sa hotel. At ang manager ni Chadrick NA mismo ang nakipag-usap sa receptionist. Pansin ko pa ang mga tao sa loob ay napapatingin sa gawi ni Chadrick. Kahit naka-shades ito at nakasuot lamang ng khaki shorts kasabay ng plain white t-shirt pang-itaas ay agaw pansin pa rin ito. Nang mapansin niyang namukhaan siya ng mga tao sa loob ay ngumiti naman siya at kinawayan pa ang mga ito. “Puwede po bang magpapicture? Idol po kasi kita!” sabi ng isang babae nang makalapit ito kay Chadrick. Napaatras pa ako nang pinipilit niyang tumabi kay Chadrick. “Sure,” rining kon
Kabanata 22 Teddy Bear "Alright, actors be ready! We will start in 5 minutes!" sigaw ng direktor nila. Nandito kami ngayon sa isa sa mga sikat na Farm. Ang sarap ng simoy ng hangin at ang gaan sa pakiramdam ang ganitong lugar. Halos kulay berde ang mga nakikita ko dahil sa mga puno't halaman. Nakakapukaw pa ng tingin dahil sa sobrang ganda talaga ng palagid. Hindi maipagkakaila na itong lugar ay isa rin sa mga best tourist spot. Dito pala ginaganap ngayon ang music video ni Chadrick. Sa pagkakaalam ko ay magkakaroon siya ng new single album. "Chadrick, I love you!" Halos sigawan din ang naririnig ko sa paligid dahil nandito rin ang ilang mga fans niya inaabangan ang bawat eksena niya. Hindi pa sila nagsisimula dahil hindi pa bumabalik ang on-screen partner niyang si Honey dahil umalis ito saglit. Hindi ko alam kung anong scene nila ang kukunin ngayon dahil wala naman akong pakialam. Nandito ako para gawing tama ang trabaho ko hindi para abangan ang bawat eksena nila. Ang swe
Kabanata 23 Blood Kumunot ang noo ko nang hindi ko maintindihan ang sinabi niya. "Anong ibig mong-" napahinto lamang ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses ni Chadrick. "Bitiwan mo siya," baling ni Chadrick sa amin. Nasa harapan namin siya ngayon. Tatlong hakbang ang pagitan sa amin. "Umalis ka na rito! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw ko sa kaniya. Pagkakataon niya na ito para makaalis habang nasa akin ang atensyon ng lalaking ito. Kumunot ang noo niya. "Gusto mong umalis ako rito? At iwan ka?" Nagpakawala pa siya ng mga maliliit na tawa. "Oo! Umalis ka na rito!" sigaw ko sa kaniya. Ang kaligtasan niya ang priority ko ngayon. "Ayaw mong iligtas kita sa ugok na iyan?" turo niya sa lalaking nasa likod ko habang hawak pa rin nito ang magkabilang braso ko mula sa likod. "Tang ina! Manahimik kayong dalawa!" Napapikit pa ako ng mariin nang sumigaw nang malakas ang h*******k sa likod ko. "Fine," si Chadrick at mukhang aalis talaga siya. Napalunok ako ng laway nang humakb
Kabanata 24 Past Tulala ako habang pinagmamasdan si Lola na lumalabas ngayon. Parang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin dahil namiss ko na rin siya pero hindi puwede baka mahalata pa ni Lola ang totoong pagkatao ko. Kasalukuyang tatlo nalang kami ang naiwan sa loob. Si Chadrick, Georgia at ako. Napabaling lang ako kay Georgia nang lumapit siya sa akin. Pinagkrus pa nito ang magkabilang braso nang magkaharap kami. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni CD para tanggapin ka bilang bodyguard niya. Hindi ba ito delikado sa'yo? Sa inyong dalawa? Tingnan mo nang dahil sa kapabayaan mo napahamak siya," dismiyado niyang sinabi. "The fact na male bodyguard ang hinahanap namin ay nagpanggap ka pa talaga bilang isang lalaki para lang sa trabahong ito?" dugtong niya at napailing pa. May point si Georgia. Pero sa panahon ngayon ay minsan hindi puwedeng walang kapalit. At isa pa ay wala akong ibang maisip na paraan para makakuha ng malaking halagang pera para sa
Kabanata 25 Missing Napatigil lamang ako sa pag-iisip nang mapansing gumalaw ang isang daliri ni Chadrick. Lumapit ako sa kaniya. "Chadrick… Sir." Dahan-dahan nitong minumulat ang mga mata. Napatingin siya sa gawi ko. Napangiti ako nang makitang gising na rin siya. "Teka, tatawagin ko lang ang doktor." Pahakbang na sana ako ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa pulsuhan ko. Napabaling ako sa kaniya. "Bakit? Masakit pa rin ba ang sugat mo?" Hindi siya kumibo kaya nagsalita ulit ako. "Nagugutom ka-" "Dito ka lang," napapaos niyang sinabi at dahan-dahan siyang umuupo sa higaan. Nang makitang pumipikit-pikit pa siya at parang nahihirapan umupo ay inalalayan ko na siyang makaupo ng maayos. Sa hindi sinasadya ay nahawakan ko pa tuloy ang sugat niya sa tagiliran kaya rinig ko ang pag-aray niya. "Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya!" Dahil sa pagkataranta ay tinaas ko pa ng bahagya ang kaniyang puting t-shirt sa bandang tagiliran niya para silipin kung dumugo ba