Share

Chapter 30: Mission

Kabanata 30

Mission

"Sakto ba ang dala niyong pera?" unang tanong ng lalaki. May dalawa pa siyang kasama. May kaniya-kaniya itong hawak na baril. Tumingin ako sa batang babae na sa tingin ko ay anim na taong gulang pa lamang. Hawak pa ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ng bata.

"Oo. Walang labis at walang kulang," si Chadrick na mismo ang sumagot.

"Pre, tingnan mo kung sakto ba ang dala nilang pera," sambit nito sa isang kasamahan niya.

Bago pa siya makalapit ay nagsalita ako. "Sandali! Pakawalan niyo muna ang anak namin," seryoso kong sinabi sa kanila. Napahinto ang lalaki at napalingon sa kasama niya. Tumango ito pero bago pa pakawalan nila ang bata ay nagsalita ito.

"Hindi sila ang Mommy at Daddy ko!"

Nagulat kaming lahat sa sinigaw ng bata. Agad tinutok sa amin ang mga baril nila. Shit. Babarilin yata kami nito. Ito na yata ang sinasabi ng karamihan na hindi marunong magsinungaling ang bata. Nagkatinginan kami ni Chadrick. Umaayon din ang plano namin.

"Hulihin sila!”
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status