Kabanata 30 Mission "Sakto ba ang dala niyong pera?" unang tanong ng lalaki. May dalawa pa siyang kasama. May kaniya-kaniya itong hawak na baril. Tumingin ako sa batang babae na sa tingin ko ay anim na taong gulang pa lamang. Hawak pa ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ng bata. "Oo. Walang labis at walang kulang," si Chadrick na mismo ang sumagot. "Pre, tingnan mo kung sakto ba ang dala nilang pera," sambit nito sa isang kasamahan niya. Bago pa siya makalapit ay nagsalita ako. "Sandali! Pakawalan niyo muna ang anak namin," seryoso kong sinabi sa kanila. Napahinto ang lalaki at napalingon sa kasama niya. Tumango ito pero bago pa pakawalan nila ang bata ay nagsalita ito. "Hindi sila ang Mommy at Daddy ko!" Nagulat kaming lahat sa sinigaw ng bata. Agad tinutok sa amin ang mga baril nila. Shit. Babarilin yata kami nito. Ito na yata ang sinasabi ng karamihan na hindi marunong magsinungaling ang bata. Nagkatinginan kami ni Chadrick. Umaayon din ang plano namin. "Hulihin sila!”
Kabanata 31 Danger “P-Paano nangyari ito? Bakit may mga pulis?!” sigaw ng lider nila. Binalingan pa nito ang dalawang kasamahan pero umiling lang ito sa kaniya. Wala ring ideya sa mga nangyayari ngayon. “Paano nangyari? Nalagyan ko ng tracking device sa ilalalim ng sasakyan niyo kaya nandito ang mga pulis,” paliwanag ko sa kanila. At nagkibit-balikat lamang. Pansin ko agad ang pagliyab ng galit sa mukha ng lider nila. “Bakit hindi niyo siya binantayan ng maayos?! Mga bobo ba kayo?! Mga walang kuwenta!” Bago pa magtalo ang tatlo ay mabilis silang hinuli ng mga pulis. At pinusasan pa ang mga kamay. Narecover din ang mga alahas at pera ng pamilyang Villafuerte. This time, babalik ako kasama ang ilang mga pulis sa lumang bodega upang iligtas ang mga bata roon at si Chadrick. “Anak, mag-iingat ka. Susunod kami sa inyo,” iyan ang huling habilin ni Papa bago kami umalis ng tatlong kasamahan kong pulis gamit ang sasakyan ng mga suspect. At ang suot din ng tatlong pulis ay ang suot ng
Kabanata 32 Handcuff Sa paraan ng pagtitig niya ay parang sinasabi pa niyang huwag akong mag-alala. “Mia, wala na tayong oras-” naputol ang sasabihin niya nang may biglang nagsalita sa itaas. “Tang ina! Tingnan niyo sa ibaba!” “Mia, umalis na kayo.” Nailipat ang tingin ko sa mga bata na ngayon ay takot na takot sa mga nangyayari. Ang ilan ay napapaiyak na nga. Sumikip ang dibdib ko sa nakita. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Hihintayin namin kayo,” iyan ang huling sinabi ko kay Chadrick bago ako tuluyang lumabas kasama ang mga bata. Madilim ng lumabas kami. Ang tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag. Halos napapalibutan kami ng mga malalaking puno. Huni ng mga ibon at yapak ng aming mga paa Lamang ang aking naririnig. Hindi ko alam kung malapit na ba kami sa kalsada dahil iba ang dinaanan namin kung saan walang nagbabantay. “Mga bata mag-iingat kayo sa paglalakad baka matapilok kayo,” sabi ko nang mapansing may muntik ng matapilok. Ngunit mabuti nalang nahawa
Kabanata 33ProbinsiyaHalos isang buwan na ang lumipas pero laman pa rin ito sa mga balita hanggang ngayon. Gulat ang lahat nang malaman na si Mang Gardo pala ang puno’t dulo ng krimen. Siya ay isa palang tauhan ng pamilyang Villafuerte noon. At walang kaalam-alam ang Lola ni Chadrick na isa palang mastermind ng krimen ang pinagkakatiwalaan niya. Nasa kulungan na rin ang mga sangkot sa krimen. Kailangan nilang pagbayaran ang pinagagawa nila na labag sa ating lipunan. At ang pagpaslang nila sa pamilyang Villafuerte. Nailigtas din ang mga batang nabiktima nila. Sa loob ng isang buwan ay marami rin ang nangyari. Graduate na rin ako ngayon sa kursong BSCrim. Matutupad na rin ang pangarap ko na maging isang ganap na pulis. At may isa pa akong gustong gawin.“Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?” tanong ni Bianca sa akin.“Oo, Bianca. Pupunta ako sa probinsiya.”“Gusto mo bang samahan pa kita? Wala naman akong gagawin sa susunod na Linggo kaya-”“Hindi na. Ayos lang, Bianca. Hindi naman ako
Kabanata 34FeelingsNalalapit na rin ang CLE board exam namin kaya abala ako ngayon sa pag-re-review ulit dito sa isang library center. Ilang sandali lamang ay tumunog bigla ang cellphone ko. Ang bumungad sa akin ay text galing kay Bianca. Sabi niya ay puntahan ko raw siya ngayon. Nasa isang coffee shop siya at hihintayin niya raw ako roon. Bakit kaya? May problema ba siya? Nang nasa tapat na ako ng coffee shop na kaniyang tinutukoy ay pumasok na rin ako sa loob. Pagpasok ko ay agad nakita ko siya sa unahan nakaupo sa pandalawahang mesa. Nang makalapit ako sa table niya ay umupo ako sa harapan."M-Mia..." nauutal niyang tawag sa akin.Napatingin ako sa kaniyang mga matang namamaga. "Anong nangyari? May problema ka ba?" pag-aalala ko."Nakita ko si Jayson kahapon may kasamang ibang babae."Nagulat ako sa narinig. Nanlaki pa ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kanya. Hindi ko kailanman naisip na gagawin ito ni Jayson sa kaniya. Alam kong minsan hindi n
Epilogo"Huwag kang mag-alala, hijo. Ginagawa namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilyang Villafuerte," sabi ni Mr. Rosales, ang pulis na humahawak sa kaso. Tinapik niya pa ang balikat ko. I know him for almost fifteen years."Kung kailangan niyo po ng tulong nandito lang ako," saad ko."Maraming salamat, hijo."Labinlimang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga suspect sa pagpatay sa mag-asawang Villafuerte. Ganoon din ang sinapit sa adopted daughter nilang si Ophelia. Ophelia Villafuerte is a childhood friend of mine. She's like a sister to me. Ngunit hindi ko inaasahan na maaga siyang mawawala. Hindi ko alam na hanggang doon nalang pala ang pagsasama namin. Sabay pa sana namin tutuparin ang mga pangarap namin. At nangako ako sa kaniya na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang nakababatang kapatid niya. Nangako ako sa kaniya kaya tutuparin ko iyon. Darating din ang panahon na iyon. Darating din."Wow! What a gre
Prologue"But I have a challenge for you."Dahil sa sinabi niya ay napakunot-noo ako nang nakatingin sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant. Magkaharap sa pandalawahang mesa. Hindi ko inaasahan na may pa ganito pa siya. Ano ba talagang klaseng trabaho ang ipapagawa niya sa akin? Bakit parang kinakabahan ako? Hindi naman siguro ilegal na trabaho ang ipapagawa niya sa akin?"Challenge?" naguguluhang tanong ko pa sa kaniya. Imbes na sagutin niya ako ay uminom muna ito ng tubig sa kaniyang baso. Napaayos pa nga ako sa pag-upo nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Naramdaman ko lang ang tinding kaba sa aking sistema nang makitang seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Nang marinig ko ang sinasabi niyang challenge ay sobra ang pagkagulat ng aking mukha. Wala sa oras ko pang naibuga ang iniinom kong tubig sa harapan niya. Natalsikan pa tuloy ng tubig ang kaniyang mukha dahil sa matinding pagkagulat ko. Napapikit pa nga siya ng mariin."A-Ano?!" Napatayo pa ako s
Chapter 1Soulmate"I-I'm sorry..." nanginginig ang boses ng dalaga habang paulit-ulit sinasabi iyon.Nagmamamdali pa itong naglalakad sa pasilyo ng ospital kung kaya’t hindi alintana ang mga dumadaan. Nanginginig din ang magkabilang kamay nito dulot ng kaba at takot na nararamdaman. Agad naman siyang lumapit dito nang makita ang kaniyang mga magulang."M-Ma…si Gabriel?" tanong ng dalaga sa napipiyok na boses. Niyakap nga siya ng kaniyang ina nang makita siya. "Faye…" "A-Anong nangyari? Bakit siya nandito? Bakit siya nasa loob ng emergency room?" dagdag pa ng dalaga at sabay kumalas sa pagkakayakap ng kaniyang ina."Ma! Anong nangyari?! Please, sagutin niyo naman ako!" Sunod-sunod na rin naglabasan ang mga luha sa magkabilang pisngi nito na kanina pa gustong kumawala.Lahat sila nasa labas ng emergency room. Hindi mapakali. Nababalot ng pangamba at takot ang nadarama ng lahat. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang ganitong sitwasyon."Na aksidente siya habang nagmamaneho kaninang ma