Share

Chapter 1: Soulmate

Chapter 1

Soulmate

"I-I'm sorry..." nanginginig ang boses ng dalaga habang paulit-ulit sinasabi iyon.

Nagmamamdali pa itong naglalakad sa pasilyo ng ospital kung kaya’t hindi alintana ang mga dumadaan. Nanginginig din ang magkabilang kamay nito dulot ng kaba at takot na nararamdaman. Agad naman siyang lumapit dito nang makita ang kaniyang mga magulang.

"M-Ma…si Gabriel?" tanong ng dalaga sa napipiyok na boses.

Niyakap nga siya ng kaniyang ina nang makita siya. "Faye…"

"A-Anong nangyari? Bakit siya nandito? Bakit siya nasa loob ng emergency room?" dagdag pa ng dalaga at sabay kumalas sa pagkakayakap ng kaniyang ina.

"Ma! Anong nangyari?! Please, sagutin niyo naman ako!" Sunod-sunod na rin naglabasan ang mga luha sa magkabilang pisngi nito na kanina pa gustong kumawala.

Lahat sila nasa labas ng emergency room. Hindi mapakali. Nababalot ng pangamba at takot ang nadarama ng lahat. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang ganitong sitwasyon.

"Na aksidente siya habang nagmamaneho kaninang madaling araw, hija. Ang sabi pa ng mga pulis ay nakainom ito," ang kaniyang ama na mismo ang sumagot.

Napatakip nga ng bibig ang dalaga sa narinig. Walang tigil pa ang pagbuhos ng mga luha niya ngayon. Bigla nalang nanghina ang magkabilang tuhod niya kaya napaupo siya sa sahig. Mabilis naman lumapit ang kaniyang bunsong kapatid upang alalayan siyang makatayo ulit ng maayos.

"A-Ate…"

"H-Hindi… Hindi maari ito. Malapit na ang kasal namin. He will be fine, right?" balisang tanong ng dalaga.

Dahil sa naging huling tanong niya ay nagkatinginan pa ang kaniyang mga magulang bago lumingon ito sa kaniya. "Hindi namin alam anak. Wala pang sinasabi ang doktor tungkol sa kalagayan niya," paliwanag nga ng kaniyang ina.

"N-Nangako siyang papakasalan niya ako. Nangako siya…"

"Tumigil ka nga sa pag-iyak para kang bata."

"It's just a movie Bianca," sabay bigay ko ng tissue sa kanya. Agad naman niya itong kinuha at pinunas sa magkabilang pisngi niya.

Kasalukuyang narito sa amin si Bianca, ang matalik kong kaibigan na adik sa romantic movies. Dito raw siya mag-s-sleep over sa amin ngayong gabi dahil wala naman kaming pasok bukas. Nagtatalo pa nga kami kanina kung anong genre ang pa-panoorin namin. Crime thriller sana ang gusto ko para nakaka-excite at paniguradong ang dami ng plot twists kapag iyon ang genre pero dahil gusto raw niya umiyak ngayong gabi pinagbigyan ko na. May pinagdadaanan yata ang babaeng ito.

"Nakakaiyak naman kasi! Ikaw, tatanungin kita Mia! Kapag ba ang boyfriend mo na aksidente at nag-aagaw buhay hindi ka ba iiyak?!" sigaw niya nang bumaling siya sa akin.

"Itigil mo na nga iyan kadramahan mo. Matulog na tayo mag-a-alas dose na." Pinatay ko na ang TV. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa.

"Nakalimutan ko, wala ka palang jowa," rinig ko pang pang-aasar niya at sarkastikong tumawa pa.

Dahil sa sinabi niya ay napataas ako ng kilay. “Ah, talaga? Huwag kang lalapit sa akin kapag nagbreak kayo ni Jayson,” pagbibiro ko sa kaniya at sabay inihigas ang hawak kong unan sa mukha niya.

PAGDATING ng Lunes ay balik unibersidad kami. Fourth year college na rin ako sa kursong BSCrim. Naalala ko tuloy noon kung paano ko ipinaliwanag kina Mama at Papa na Criminology ang kukunin kong kurso pagcollege.

"Hindi puwede. Hindi ako papayag. Ayokong mapahamak ka tulad sa Papa mo," pagtatanggi ni Mama sa desisyon ko.

Ramdam ko pa ang diin sa boses niya kaya napalunok na lamang ako ng laway. Mahihirapan yata ako nito na mapapayag si Mama. Alam ko naman na ayaw niya talagang magpulis ako tulad kay Papa. Dati pa naman ipinapaala niya sa akin na kahit anong kurso sa kolehiyo basta huwag lang ang pagpupulis.

Napansin kong hininaan ni Papa ang volume ng TV. Nanood sila ngayon ng isang sikat na variety show nang biglang sumingit ako at sinabi sa kanila na ito ang gusto kong kunin na kurso. Malapit na kasi ang pasukan kaya kailangan ko ng magpa-enroll.

Simula bata palang ako gusto ko na talaga maging isang ganap na pulis tulad kay Papa. At dahil na rin sa mga nangyayari dito sa ating bansa na walang katapusang krimen na nagaganap kung kaya’t mas nadagdagan ang kumpiyansa ko sa sarili na ipagpatuloy ang pinapangarap ko na maging isang pulis.

"ABM student ka ng Senior High tapos ngayon sasabihin mo sa amin ng Papa mo na gusto mong kunin ang Criminology? Gusto mo bang ilagay sa kapahamakan ang sarili mo?" napapailing na puna ni Mama.  Mukhang disappointed pa nga siya sa naging desisyon ko. Si Papa naman pansin kong nakikinig lang sa amin.

Tumayo si Mama. "Pagsabihan mo nga iyang anak mo, Alfredo!"

Napayuko na lamang ako nang umalis si Mama. Napaangat lang ako ng tingin nang mapansing tumayo si Papa mula sa pagkakaupo. Nang magkaharap nga kami ay hinawakan pa ni Papa ang magkabilang balikat ko.

"Pasensiya ka na anak ayaw lang talaga ng Mama mo na mapahamak ka. Hindi niya gustong mailagay sa piligro ang buhay mo. Mahirap ang pagpupulis anak dahil palaging buwis buhay ang ginagawa namin. Ayoko rin na mapahamak ka."

Ramdam ko ang sensiridad at pag-aala ni Papa sa sinabi niya. Ngunit buo na ang desisyon ko at pinag-isipan ko talaga ito ng mabuti. Handa ako kung ano man mangyari sa tatahakin kong landas.

"Mag-aaral naman po ako ng mabuti Pa. At sisiguraduhin ko pong walang masamang mangyayari sa akin. Wala po ba kayong tiwala sa akin, Pa?"

"Hindi naman sa ganoon anak pero iyan ba talaga ang gusto mong kunin na kurso?"

"Opo, Pa. Ito talaga ang sinisigaw ng puso't isip ko. Gusto ko rin talagang maging pulis katulad niyo," desididong sinabi ko kay Papa.

Hindi ko masabi kung napapayag ko ba si Papa sa naging desisyon ko dahil nakita kong bumuntong-hininga lamang siya nang marinig ang sinabi ko kaya parang nawalan ako ng pag-asa pero hindi ko inaasahan nang magsalita siya.

"T-Talaga Pa? Pumapayag ho kayo?" Gumihit ng malawak na ngiti sa labi ko. Hindi ko rin mapigilan ang sayang nararamdaman ko nang makita ko pang bahagyang tumango si Papa.

"Hindi dapat hadlang ang mga magulang sa nais gawin ng kanilang mga anak. Nandito kami para gabayin at suportahan kayo," nakangiting tugon ni Papa.

NAIBALIK lamang ako reyalidad nang may lumapit na isang matandang babae sa harapan namin. Nasa labas kami ng unibersidad ni Bianca ngayon at papasok na sana kami sa loob nang biglang sumulpot si Manang. Napansin ko pang may hawak itong mga baraha sa kamay. Napabaling pa nga siya sa akin.

"Hija, gusto mo bang magpahula?"

"Hindi po, Manang," agarang pagtatanggi ko rito.

Kung kikilatisin si Manang ay parang ang ganda niya noong dalaga pa siya. Ang ganda pa rin ng balat niya at hindi pa masyado halata ang mga kulubot sa mukha. At napansin ko lang na may mga alahas pa siyang suot.

"Ano ka ba, Mia! Wala namang masama kung magpapahula ka," si Bianca sabay siko sa akin.

"Magpapahula po siya, Manang!" dagdag pa nga niya at sabay turo pa sa akin.

Aba't dinamay pa talaga ako sa trip ng babaeng ito. Paladesisyon talaga ito sa buhay ko.

"Bakit ako? Ikaw nalang gusto mo naman. Nandadamay ka pa."

"Sige na, Mia! Wala naman mawawala sa'yo kapag pumayag ka. Malalaman din natin kung si Gabriel ba talaga ang soulmate mo. Hindi ba, siya ang gusto mo?" bulong niya sa kaliwang tainga ko at sabay humagikhik pa.

Mas excited pa yata siya malaman kung sino ang soulmate ko kaysa sa akin.

"Manang, gusto niya po malaman kung sino ang soulmate niya!"

Bago pa nga ako maka-angal ay agad ng kinuha ni Manang ang isang kamay ko at inilagay pa ito sa ibabaw ng baraha niya.

"Bumunot ka ng isa, hija."

Dahil sa nahawakan na nga ni Manang ang isang kamay ko ay wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Kumuha na rin ako ng isang baraha at ibinigay ito sa kaniya.

"Nararamdaman ko rito sa baraha na isa siyang lalaki."

"Alam po namin Manang," si Bianca at sabay napakamot pa nga sa ulo niya.

"Huwag kang maingay!" suway ni Manang sa kaniya habang seryosong nakapikit ang dalawang mata.

"Kulay itim lahat ang suot. Hinahabol ng mga tao. Tumatakbo ng sobrang bilis. Hahanap-hanapin kaniya kahit saan ka man magpunta," mabilis na saad ni Manang.

Bawat salitang binigkas ni Manang parang naguluhan ako. Nakaramdam din ako ng takot at pangamba sa buong sistema ko. Totoo ba ang mga sinabi niya? Kulay itim lahat ang suot? Hinahabol ng mga tao? Tumatakbo ng mabilis? Hahanap-hanapin ako? Parang isang holdaper o kidnapper naman ang tinutukoy ni Manang. Kinakabahan tuloy ako para sa lovelife ko.

"Seryoso ho kayo Manang? Parang hindi naman tungkol sa soulmate ng kaibigan ko ang tinutukoy niyo."

Nabasa yata ni Bianca ang nasa isipan ko. Iyan din ang gusto kong itanong kay Manang.

"Hindi po kriminal ang pinapahula namin Manang. Soulmate po, s, o, u, l, m, a, t, e, soulmate," pagtatama ni Bianca kay Manang.

Napailing pa nga ako sa kaniya nang ini-spell pa talaga niya ang salitang soulmate sa harapan ni Manang.

"Alam ko hija. Manghuhula ako kaya alam ko ang ginagawa ko. At totoo ang mga sinabi ko. Nasa inyo nalang kung maniniwala kayo sa akin o hindi."

Agad naman nagkatinginan kami ni Bianca. Parehas pa nga kaming naguguluhan sa naging hula ni Manang sa soulmate ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng sobra. Seryoso ba talaga si Manang? Baka tinatakot niya lang ako? O, baka prank lang ito? At isang vlogger si Manang?

"Bakit po pala hinahabol siya ng mga tao? At hahanap-hanapin ako?" naguguluhang tanong ko. Kung totoo man ang lahat ng naging hula niya gusto kong malaman kung bakit hinahabol siya ng mga tao at hahanap-hanapin ako. Isang masamang tao ba siya? O, gumagawa ng mga ilegal na gawain para habulin ng mga tao?

"Aba, Malay ko, hija! Hindi naman ako ang soulmate mo," pagtataray ni Manang at sabay ibinabalik sa maliit na bag nito ang mga baraha.

"Ang taray naman ni Manang nagtatanong ka lang naman, e," bulong ni Bianca.

"Wala na po ba kayong ibang hint Manang? Iyong makikilala agad namin kung sino? Tulad ng kung saan siya nakatira? Anong f******k account niya? I*******m? Twitter? Iyong mas specific ba Manang para malaman namin kung masamang tao ba siya o hindi."

"Wala na hija. Iyon lang talaga ang mga nasa pangitain ko," sagot ni Manang kay Bianca.

"Bianca, tara na. Kanina pa ako nagugutom,” paghihila ko sa braso niya. Lunch break ngayon at papunta na sana kami sa pinakamalapit na karinderya nang biglang dumating nga si Manang.

"Sige po. Maraming salamat nalang po sa paghula sa soulmate ng kaibigan ko."

"Walang anuman hija. One hundred pesos lang."

Nagkatinginan ulit kami ni Bianca. Siya pa nga ang mas nagulat kaysa sa akin. Nanlaki pa nga ang kaniyang mga mata.

"Akala ko ba libre lang ang mga ganitong bagay," aniya sa maliit na boses.

"Akala mo lang iyon," bulong na sambit ko sa kaniya. Kaya nga ayokong magpahula kanina kasi wala akong pera.

"Hindi po ba iyon libre Manang?"

"Naku, hija, walang libre sa mga panahon ngayon."

Napakamot na nga lang sa ulo si Bianca habang kumukuha ng pera sa kaniyang wallet at sabay ibinigay nga ang isang daan kay Manang.

"Maraming salamat, hija. Makakain na rin ako."

"Sige po, Manang."

Aalis na sana kami ni Bianca ngunit napatigil kami nang magsalita ulit si Manang. "May nakalimutan pala akong sabihin sa iyo, hija," baling ulit ni Manang sa akin.

"Po?"

"Kung sino man ang unang magbigay ng lila rosas sa iyo siya talaga ang soulmate mo."

"Lila rosas? Ano po ba ang ibig sabihin ng lila rosas Manang?" pagtataka ko. Napatingin pa nga ako kay Bianca nang nakakunot-noo. At pansin ko ngang nagkibit-balikat lang siya na parang wala rin siyang ideya.

"Aba, malay ko! I-search niyo sa g****e, hija. Mas suwerte nga kayo ngayon dahil sa henerasyon niyo madali lang ang lahat. Jusko! Sa panahon namin noon ang hirap ng buhay!" napapailing pa na paliwanag ni Manang.

"Ito naman si Manang ayaw pang sabihin," si Bianca at napakamot pa nga sa ulo.

"Hindi ko talaga alam, hija. May pang internet naman kayo kaya i-search niyo nalang," pag-uulit ni Manang at tuluyan na nga siyang umalis sa harapan namin.

"Sa tingin mo ba Mia, totoo ang sinabi ni Manang tungkol sa lila rosas?"

Nagkibit-balikat lang ako.

"Sa pagkakaalam ko, wala pa namang may nagbigay sa akin na kulay lila rosas."

"E, si Gabriel? Dati noong nandito pa siya hindi ka ba binigyan ng lila rosas?"

Umiling ako.

"Kung gano’n may posibilidad na hindi si Gabriel ang soulmate mo? Ang sobrang layo kasi kay Gabriel ang naging hula ni Manang.”

"Hindi ko alam. Hindi pa naman tayo sigurado kung totoo ba ang hula ni Manang."

"Tara na nga! Baka ma-late pa tayo sa unang klase natin," sabay higit ko sa braso niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status