Share

Chapter 6: Boyfriend

Kabanata 6

Boyfriend

Dahil sa narinig ay hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sa katabi ko. Nanlaki pa nga ang mga mata ko nang mamukhaan ko kung sino ang nagsalita. "Bente Pesos?!”

Napalakas yata ang sigaw ko dahil halos lahat ng mga tao rito sa loob ay napatingin sa gawi ko. Medyo madilim pa dito sa loob pero may nagbibigay ng kaunting liwanag dahil sa laki ng screen kaya makikita't makikita pa rin talaga nila ako. Agad naman napayuko ako dahil sa sobrang pagkahiya.

Bakit ba nandito ang Bente Pesos na ito? Sinusundan ba niya ako? Wala ba siyang magawa sa buhay kaya nandito siya para guluhin ako?

Inis akong bumaling sa kaniya. Nakatuon ang pansin nito sa panonood at parang nagpipigil pang tumawa habang kagat nito ang pang ibabang labi. Napatingin ako sa screen. Kumunot pa nga ang noo ko sa nakita. Hindi naman nakakatuwa ang eksena ngayon ha? Nasa hospital ang bidang babae ngayon dahil may sakit pala ito kaya anong nakakatuwa roon?

"Cute," sambit niya.

Cute? Paanong naging cute? Nag-aagaw buhay ngayon ang bidang babae sa loob ng emergency room. Kaya paanong naging cute iyon? Naka drugs ba siya? May saltik ba siya sa utak?

Napailing na lamang ako bago ibinalik ulit ang pansin sa panonood.

Nang matapos ang palabas ay sunod-sunod nang naglabasan ang mga tao. Nakalabas na rin kami habang siya ay nasa likod ko nakasunod pa rin. Napatigil lang ako sa paglalakad nang maalala ko ang sinabi niya kanina

Kilala niya ba ako? Bakit alam niya ang palayaw ko?

"Bakit alam mo ang palayaw ko?" tanong ko nang humarap ako sa kaniya.

"Iyan 'di ba ang tawag sa'yo ng lalaking kasama mo kanina?"

Si Gabriel ba ang tinutukoy niya?

"Kung gano'n, kanina mo pa pala ako sinsusundan? Bakit mo ba ako sinusandan? Ha? Wala ka bang magawa sa buhay? Kaya ako ang pinagtitripan mo ngayon?" Kung sana mas gumagawa siya ng paraan ngayon kung paano mababayaran ang mga utang niya. Kaysa sundan niya ako rito na wala naman siyang mapapala sa akin.

Kainis naman! Akala ko hindi ko na makikita ang pagmumukha niya pero heto, kaharap ko na naman siya. Buwisit. Wala na. Sirang-sira na talaga ang araw ko.

Imbes na sagutin niya ako ay tanong din ang ibinalik sa akin. "Nasaan ba ang boyfriend mo? Bakit hindi mo na siya kasama ngayon? Iniwan ka na ba niya?"

"Bakit ko sasabihin sa'yo? Close ba tayo?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Bakit? Hindi pa ba tayo close? Ang lapit ko na nga sa'yo."

Hindi ko namalayan na sobrang lapit na nga namin sa isa't-isa. Oo, tama siya! Sobrang close nga na halos magkadikit na ang mga braso namin!

"Pilosopo!" singhal ko at sabay itinulak ng malakas ang dibdib niya.

Ngumuso lang ito nang maitulak ko siya. Nakita ko pang tumawa siya kaya mas dumagdag ang init ng ulo ko sa kaniya. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na naituloy nang biglang may isang matandang babae ang lumapit sa amin.

"Hija, hindi magandang inaaway ang boyfriend. Ki-guwapo ba naman ng binatang ito."

Base sa suot ni Lola parang bagets lang. Parang isang teenager lang kung manamit. Naka floral dress siya at flat shoes habang sakbit nito sa balikat ang kaniyang maliit na shoulder bag na kulay pink.

"Nagkakamali po kayo Lola. Hindi ko po siya boy-" napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang isang braso ni Bente Pesos sa balikat ko.

"Pasyensiya na po kayo Lola ganito lang po talaga maglambing ang girlfriend ko. Right, Love?" nakangisi nga niyang sinabi at sabay kinurot pa ang pisingi ko.

Parang bigla nalang bumaliktad ang sikmura ko sa huling sinabi niya. Ano raw? L-Love? Dahil sa sobrang pagkainis ko ay pilit kong inaalis ang braso niyang naka-akbay sa balikat ko pero hindi ko ito maalis dahil sadyang mahigpit ang pagkaka-akbay niya kaya mas lalo lang tuloy tumindi ang pagkainis ko. Wagas din kung makangisi ang Bente Pesos na ito. Enjoy na enjoy pa nga sa kalokohan niya. Humanda ka sa akin mamaya!

Love pala ha? Sige. Pagbibigyan kita.

Walang pag-aalinlangang inilagay ko ang aking braso sa likod ng baywang niya. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti ng napakatamis. Bahagyang nagulat pa nga siya sa ginawa ko. Tingnan natin kung sino ang mas magaling umarte sa ating dalawa.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya upang balingan si Lola. "Opo, Lola. Ganito po talaga ako maglambing sa boyfriend ko. Kahit minsan may sira ang pag-iisip nito ay hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sa kaniya. Right, Love?" sabay bumaling ako kay Bente Pesos at mas diniinan ko pa talaga ang salitang love. Gulat pa nga rin ang mukha niya pero ilang segundo lamang ang lumipas ay bumalik ang nakakaloko nitong ngisi.

"Y-Yeah. She's right, Lola,” mahinahong sambit nga niya nang hindi binibitawan ang titig sa akin.

Ayan na naman ang nakakaloko niyang ngisi. Nakakasira ng araw! Mapupunit na yata ang labi ko sa kakangiti. Buwisit!

"Mabuti naman kung ganoon,” si Lola.

Napaniwala yata namin si Lola na may relasyon nga kami ng Bente Pesos na ito. Akala ko aalis na si Lola pero nagkakamali pala ako dahil may pahabol pa siyang sinabi. "Ang guwapo mo talaga, hijo," bakas sa boses pa nito ang pagkamangha habang inaayos ang lumang salamin nito.

Kahit labag sa kalooban ko, oo! Guwapo nga siya! Tama si Lola may itsura nga at matangkad din hanggang balikat nga lang ako sa kaniya.

"Salamat po, Lola," si Bente Pesos na parang sanay na sanay na ngang pagsabihang guwapo.

Napailing na lamang ako. Guwapo nga pero hindi naman kayang bayarin ang mga utang. Tss. Kawawa ang mga inutangan nito.

"Selfie nga tayo, hijo. Sobrang mangha talaga ako sa sobrang kaguwapuhan mo. Halika, rito." Agad kinuha ni Lola ang cellphone niya sa loob ng kaniyang maliit na shoulder bag.

“Hija, ikaw nalang kuha ng picture sa amin,” baling ni Lola sa akin habang ibinibigay ang cellphone sa akin.

“Ah, sige po.” Kinuha ko naman sa kamay ni Lola ang kaniyang cellphone.

Napabitaw nga sa wakas sa pagkaka-akbay sa akin si Bente Pesos nang umatras ako para kunan sila ng picture. Napansin kong isinakbit pa nga ni Lola ang kaniyang kamay sa braso ni Bente Pesos. Nakangiti pa nga silang dalawa. Infairness, ang cute nilang tingnan parang apo lang ni Lola si Bente Pesos.

“Full body shot, hija,” pahabol pa nga ni Lola.

“Sige po.” Umatras pa nga ako ng kaunti para masunod ang sinabi ni Lola. Nang kinukunan ko na sila ng picture ay hindi ko maiwasan mapangiti. Nag-finger heart pa nga silang dalawa sa huling kuha ko. Ang lakas maka-bagets ni Lola. Nakakatuwa.

“Maraming salamat, hija.”

“Walang anuman po.” Ibinalik ko kay Lola ang kaniyang cellphone.

"Pamilyar talaga ang mukha mo sa akin. Ano nga pala ang pangalan mo, hijo?" nakakunot-noo na baling ni Lola kay Bente Pesos.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status