Chapter 14Lila RosasKasalukuyang nasa gitna ng stage ang host hawak ang mic. Lahat kami rito ay sa kaniya lamang nakatingin at naghihintay sa sasabihin. Halos maramdaman ko na ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa sobrang pagka-excited. Hindi na ako makapaghintay ipakilala siya."Maari bang tumayo lahat ng mga single?" panimula ng host.Marami naman ang nagtaka sa naging tanong ng host pero sa huli marami rin ang tumayo."Oh, mga single raw tumayo na kayo," baling ni Bianca sa amin. Palibhasa may boyfriend siya.Akala ko ba ipapakilala na ngayon ang special guest? Ano naman ba ito? Pinapatagal pa nila!"Oh, Mia? Bakit hindi ka pa tumatayo diyan? Hindi ba, NBSB ka?" si Bianca nang mapansing nakaupo pa rin ako. Sa table namin ay may apat na kaklase ko ang nakatayo. Halos maraming mga estudyante nga rito ang mga nakatayo.Ang daming single, ha? Maganda iyan. The more the merrier."E, tinatamad ako," usal ko. Binigyan pansin ko na lamang ang natirang pagkain ko kahit na busog naman ako
Chapter 15Emergency"Alright! Know your limits okay? This is just a mere dare. Don't take this seriously. Just talk, dance and enjoy each others company. The challenge starts now and will ends at midnight!"Narinig ko pa ang mga palakpakan ng mga tao rito sa loob. Nailipat lang ang tingin ko sa table namin nang mapansing nagtutulak-tulakan pa ang mga kaklase ko habang nagsisigawan sa sobrang pagtitilian nila."Gosh, Mia! You're so lucky!" si Olivia. Tinulak pa nga ang katabi niya. At nakita ko pa kung paano niya kami kunan ng litrato gamit ang DSLR niya."Bestfriend ko 'yan!" rinig kong sigaw ni Bianca at ang lalakas pa ng mga palakpak niya."Can I have this dance?" Napabaling lamang ako sa nagsalita. Nakalahad ngayon ang isang kamay niya sa harapan ko. Hindi ko namalayan na kaming dalawa nalang pala ang nakatayo sa gitna. Nasaan na ang host?Halos tumayo na rin ang iba kasama ang official partner nila. "Pasensiya na namura kita kanina. Hindi ko lang talaga ini-expect na ikaw pala s
Kabanata 16 Hired Habang nasa byahe ako ay panay ang pag-iisip ko kung paano ko siya makakausap. Paano kung wala siya roon? Paano kung nakahanap na siya ng bodyguard? Hindi puwede! Pagkarating ko nga sa bahay nila ay sinabi pa ni Lola na nasa isang hotel daw si Chadrick kaya agad nagpunta ako roon. "Manong, bayad po!" Nagbayad agad ako nang huminto ang taxi sa tapat ng hotel. Paglabas ko ay walang pag-aalinlangang pumasok ako sa loob kahit may isang staff na nakabantay sa entrance. Patungo na sana ako sa front desk area nang napahinto ako nang makita ang pamilyar niyang likod. Kahit hindi ko kita ang mukha niya alam kong siya iyon. Kausap niya ngayon ang receptionist. Nang paalis na siya sa roon ay napansin ko pang hindi pa rin bumibitaw ng tingin sa kaniya ang babaeng receptionist. Abot langit ang ngiti nito habang may hawak na papel. Napansin ko pa ang signature ni Bente Pesos sa hawak niyang papel. Siya nga iyon! Nataranta lang ako nang makitang papasok na siya sa elevator. Hal
Kabanata 17 Late "Anak, saan ka nakakuha ng ganoong kalaking pera?" Napabaling ako kay Mama nang magtanong siya. Nakabalik na rin ako sa ospital at tuluyan na ngang nabayaran ang gastusin para sa operasyon ni Papa ngayong araw kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Magkatabi kami ngayon ni Mama sa mahabang upuan dito sa labas ng emergency room dahil ipinagbabawal pa nilang pumasok kami sa loob. Bahagyang hinawakan ko ang dalawang kamay niya nang makitang hindi pa rin siya mapakali. Nag-aalala yata siya kung saan ko nakuha ang ganoong kalaking pera. "Ma, hindi na po iyon mahalaga kung saan ako nakahanap ng ganoong kalaking pera. Ang mahalaga ay natuloy na rin ang operasyon ni Papa. Huwag kayong mag-aalala Ma hindi po galing sa ilegal na pamamaraan 'yong pera," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Hangga't maari ayokong sabihin ang totoo kay Mama kung saan galing ang pera dahil ayokong mag-alala siya sa papasukan kong trabaho. Babaeng magpapanggap bilang lalaki para maging bodyguard ng isan
Kabanata 18 24/7 "Matatagalan pa bago makalabas ang Papa mo, anak. Bagama't naging matagumpay ang operasyon niya subalit sinabi ng doktor na kinakailangan pa ng malalim na pagsusuri sa kalagayan niya..." napahinto saglit si Mama at naramdaman ko pa ang malalim na hininga niya sa kabilang linya bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Maaring magkaroon siya ng panibagong operasyon iyan ang sinabi ng doktor, anak. H-Hindi ko na alam kung saan pa tayo makakahanap ulit ng malaking pera." Ramdam ko pa ang panginginig sa boses ni Mama. Sumikip bigla ang dibdib ko sa narinig "Huwag po kayong mag-aalala sa pera Ma. Mahahanapan po natin iyan ng solusyon. Gagaling po si Papa." Nang matapos ang tawagan namin ni Mama ay roon ko lamang naramdaman ang mga luhang gustong kumawala kanina pa. "Mia? Matagal ka pa diyan?" Agad kong pinahiran ang magkabilang pisngi ko nang marinig ang boses ni Tita mula sa labas ng aking kuwarto. "Lalabas na po!" Kinuha ko ang aking maliit na back pack na nakasabit
Kabanata 19 Death Threats "Hindi ako puwedeng magreklamo. Pinasukan ko ito kaya paninindigan ko," sambit ko sa sarili habang nakahiga sa maliit na kama. Nandito ako ngayon sa isa sa mga kuwarto ng mga employee ng pamilyang Aldovar dito sa first floor ng mansyon nila. Pero paano ako bibisita kay papa kung 24/7 ang trabaho ko? At dito rin pala ako titira sa mansyon nila habang nagtatrabaho ako. Napabangon lamang ako mula sa pagkakahiga nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa gilid ng kama at sinagot. "Bianca-" "Mia! Okay ka lang?!" Napapikit ako at inilayo pa saglit sa tainga ang cellphone. Mabibingi yata ako nito ng wala sa oras. Kung makasigaw ang babaeng ito parang hindi tinamaan ng lagnat. Siguro dahil na rin sa pag-aalala sa problema niya sa pamilya kaya tinamaan na rin siya ng lagnat. "Ako dapat ang magtanong iyan. Kumusta? Ang sabi ni Gabriel ay nilagnat ka raw. Nilalagnat ka pa ba? Pasensiya na hindi ako nakabisita sa'yo. Marami lang nangyari." "Okay na ako!
Kabanata 20 Blackout Alas-otso ng gabi nang magsimulang kumain ang magpamilya. Mahaba ang kanilang hapagkainan at maraming mga pagkain ang nakahanda kahit tatlo lang naman silang kumakain ngayon. Napaayos lamang ako ng tindig nang biglang bumaling ang ina ni Chadrick sa akin matapos kumain. “Mario, mas mabuti kung sa kuwarto ng anak ko ka na rin matutulog. Aalis kami ni Ricardo ngayong gabi dahil may importante kaming a-asikasuhin. Mapapanatag ang loob ko kung sasamahan mo ang aking anak sa kuwarto niya.” Laglag panga akong napatingin kay Mrs. Aldovar. Dahil sa gulat ay nailipat ang tingin ko kay Chadrick na napatigil din kumain. “May problema ba tayo sa sinabi ko?” si Mrs. Aldovar nang mapansing hindi ako makasagot sa kaniya. “W-Wala, Ma’am. Tama po kayo para nababantayan ko ng maayos ang anak niyo.” Hindi ako puwedeng magreklamo. Pinasok ko itong trabaho kaya dapat kong panindigan at sundin ang ipapapagawa sa akin. Sadyang nagulat lang ako sa naging request ng kaniyang ina. Pu
Kabanata 21 Beach Kinabukasan ay bumyahe kami papunta sa Valencia Beach Resort. Ayon sa manager niya na si Georgia ay doon gaganapin ang photoshoot ni Chadrick para sa pag-e-endorse ng isang product. Siguro hindi aabot ng isang oras ang naging byahe namin dahil nakarating agad kami. Nang dumating kami sa Resort ay halos kita namin sa malayo ang mga naliligo sa dagat at iyong iba naman ay naglalaro pa ng volleyball. Pumasok kami sa hotel. At ang manager ni Chadrick NA mismo ang nakipag-usap sa receptionist. Pansin ko pa ang mga tao sa loob ay napapatingin sa gawi ni Chadrick. Kahit naka-shades ito at nakasuot lamang ng khaki shorts kasabay ng plain white t-shirt pang-itaas ay agaw pansin pa rin ito. Nang mapansin niyang namukhaan siya ng mga tao sa loob ay ngumiti naman siya at kinawayan pa ang mga ito. “Puwede po bang magpapicture? Idol po kasi kita!” sabi ng isang babae nang makalapit ito kay Chadrick. Napaatras pa ako nang pinipilit niyang tumabi kay Chadrick. “Sure,” rining kon
Epilogo"Huwag kang mag-alala, hijo. Ginagawa namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilyang Villafuerte," sabi ni Mr. Rosales, ang pulis na humahawak sa kaso. Tinapik niya pa ang balikat ko. I know him for almost fifteen years."Kung kailangan niyo po ng tulong nandito lang ako," saad ko."Maraming salamat, hijo."Labinlimang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga suspect sa pagpatay sa mag-asawang Villafuerte. Ganoon din ang sinapit sa adopted daughter nilang si Ophelia. Ophelia Villafuerte is a childhood friend of mine. She's like a sister to me. Ngunit hindi ko inaasahan na maaga siyang mawawala. Hindi ko alam na hanggang doon nalang pala ang pagsasama namin. Sabay pa sana namin tutuparin ang mga pangarap namin. At nangako ako sa kaniya na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang nakababatang kapatid niya. Nangako ako sa kaniya kaya tutuparin ko iyon. Darating din ang panahon na iyon. Darating din."Wow! What a gre
Kabanata 34FeelingsNalalapit na rin ang CLE board exam namin kaya abala ako ngayon sa pag-re-review ulit dito sa isang library center. Ilang sandali lamang ay tumunog bigla ang cellphone ko. Ang bumungad sa akin ay text galing kay Bianca. Sabi niya ay puntahan ko raw siya ngayon. Nasa isang coffee shop siya at hihintayin niya raw ako roon. Bakit kaya? May problema ba siya? Nang nasa tapat na ako ng coffee shop na kaniyang tinutukoy ay pumasok na rin ako sa loob. Pagpasok ko ay agad nakita ko siya sa unahan nakaupo sa pandalawahang mesa. Nang makalapit ako sa table niya ay umupo ako sa harapan."M-Mia..." nauutal niyang tawag sa akin.Napatingin ako sa kaniyang mga matang namamaga. "Anong nangyari? May problema ka ba?" pag-aalala ko."Nakita ko si Jayson kahapon may kasamang ibang babae."Nagulat ako sa narinig. Nanlaki pa ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kanya. Hindi ko kailanman naisip na gagawin ito ni Jayson sa kaniya. Alam kong minsan hindi n
Kabanata 33ProbinsiyaHalos isang buwan na ang lumipas pero laman pa rin ito sa mga balita hanggang ngayon. Gulat ang lahat nang malaman na si Mang Gardo pala ang puno’t dulo ng krimen. Siya ay isa palang tauhan ng pamilyang Villafuerte noon. At walang kaalam-alam ang Lola ni Chadrick na isa palang mastermind ng krimen ang pinagkakatiwalaan niya. Nasa kulungan na rin ang mga sangkot sa krimen. Kailangan nilang pagbayaran ang pinagagawa nila na labag sa ating lipunan. At ang pagpaslang nila sa pamilyang Villafuerte. Nailigtas din ang mga batang nabiktima nila. Sa loob ng isang buwan ay marami rin ang nangyari. Graduate na rin ako ngayon sa kursong BSCrim. Matutupad na rin ang pangarap ko na maging isang ganap na pulis. At may isa pa akong gustong gawin.“Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?” tanong ni Bianca sa akin.“Oo, Bianca. Pupunta ako sa probinsiya.”“Gusto mo bang samahan pa kita? Wala naman akong gagawin sa susunod na Linggo kaya-”“Hindi na. Ayos lang, Bianca. Hindi naman ako
Kabanata 32 Handcuff Sa paraan ng pagtitig niya ay parang sinasabi pa niyang huwag akong mag-alala. “Mia, wala na tayong oras-” naputol ang sasabihin niya nang may biglang nagsalita sa itaas. “Tang ina! Tingnan niyo sa ibaba!” “Mia, umalis na kayo.” Nailipat ang tingin ko sa mga bata na ngayon ay takot na takot sa mga nangyayari. Ang ilan ay napapaiyak na nga. Sumikip ang dibdib ko sa nakita. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Hihintayin namin kayo,” iyan ang huling sinabi ko kay Chadrick bago ako tuluyang lumabas kasama ang mga bata. Madilim ng lumabas kami. Ang tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag. Halos napapalibutan kami ng mga malalaking puno. Huni ng mga ibon at yapak ng aming mga paa Lamang ang aking naririnig. Hindi ko alam kung malapit na ba kami sa kalsada dahil iba ang dinaanan namin kung saan walang nagbabantay. “Mga bata mag-iingat kayo sa paglalakad baka matapilok kayo,” sabi ko nang mapansing may muntik ng matapilok. Ngunit mabuti nalang nahawa
Kabanata 31 Danger “P-Paano nangyari ito? Bakit may mga pulis?!” sigaw ng lider nila. Binalingan pa nito ang dalawang kasamahan pero umiling lang ito sa kaniya. Wala ring ideya sa mga nangyayari ngayon. “Paano nangyari? Nalagyan ko ng tracking device sa ilalalim ng sasakyan niyo kaya nandito ang mga pulis,” paliwanag ko sa kanila. At nagkibit-balikat lamang. Pansin ko agad ang pagliyab ng galit sa mukha ng lider nila. “Bakit hindi niyo siya binantayan ng maayos?! Mga bobo ba kayo?! Mga walang kuwenta!” Bago pa magtalo ang tatlo ay mabilis silang hinuli ng mga pulis. At pinusasan pa ang mga kamay. Narecover din ang mga alahas at pera ng pamilyang Villafuerte. This time, babalik ako kasama ang ilang mga pulis sa lumang bodega upang iligtas ang mga bata roon at si Chadrick. “Anak, mag-iingat ka. Susunod kami sa inyo,” iyan ang huling habilin ni Papa bago kami umalis ng tatlong kasamahan kong pulis gamit ang sasakyan ng mga suspect. At ang suot din ng tatlong pulis ay ang suot ng
Kabanata 30 Mission "Sakto ba ang dala niyong pera?" unang tanong ng lalaki. May dalawa pa siyang kasama. May kaniya-kaniya itong hawak na baril. Tumingin ako sa batang babae na sa tingin ko ay anim na taong gulang pa lamang. Hawak pa ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ng bata. "Oo. Walang labis at walang kulang," si Chadrick na mismo ang sumagot. "Pre, tingnan mo kung sakto ba ang dala nilang pera," sambit nito sa isang kasamahan niya. Bago pa siya makalapit ay nagsalita ako. "Sandali! Pakawalan niyo muna ang anak namin," seryoso kong sinabi sa kanila. Napahinto ang lalaki at napalingon sa kasama niya. Tumango ito pero bago pa pakawalan nila ang bata ay nagsalita ito. "Hindi sila ang Mommy at Daddy ko!" Nagulat kaming lahat sa sinigaw ng bata. Agad tinutok sa amin ang mga baril nila. Shit. Babarilin yata kami nito. Ito na yata ang sinasabi ng karamihan na hindi marunong magsinungaling ang bata. Nagkatinginan kami ni Chadrick. Umaayon din ang plano namin. "Hulihin sila!”
Kabanata 29 It's Showtime "Kung ayaw niyo akong tulungan. Aalis ako mag-isa." Sisiraduhin ko na sana ang pinto ng sasakyan nang mapansin ko ang pagbuntonghininga ni Bianca. Nagkatinginan pa sila ni Gabriel bago siya bumaling sa akin. "Sasama kami sa'yo." "Tutulungan ka namin," si Gabriel. Gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko sa narinig mula sa kanila. Agad ko naman pinaandar ang sasakyan nang pumasok sila sa loob. Nakakasigurado akong papunta si Chadrick sa police station ngayon. Kailangan kong alamin kung ano ang pinaplano nila. Baka mabaliw ako sa kakaisip kung mananatili ako rito. Pagkalipas ng ilang oras sa byahe ay nasa tapat na rin kami ng police station. Tinanggal ko ang seatbelt bago lumabas ng sasakyan. Papasok na sana ako sa loob ng biglang hinawakan ni Bianca ang isang braso ko. "Mia, magagalit ang Papa mo kapag nakita ka niyang nandito ka," madiin ang pagkakasabi niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso. "Alam ko. Kaya hinanda ko na ang sarili ko para rito,"
Kabanata 28 Cold "Change your clothes." Napaangat ako ng tingin sa kaniya. May inaabot siyang damit sa akin. Medyo basa pala ang suot ko ngayon dahil maulan kanina. Kinuha ko sa kaniya ang damit. Isang puting longsleeve na polo. Nang lumabas siya ng kuwarto ay nagpalit ako ng damit. Malaki ang polo niya kaya hanggang tuhod ito sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit magkakilala sila ni Papa pero sobrang okupado ang isip ko sa mga nangyayari sa pamilya ko para dagdagan pa. Hanggang sa sumapit ang hatinggabi ay hindi pa rin ako makatulog dito sa loob ng kuwarto. At paano ako makakatulog ng maayos kung nasa piligro ang buhay ng kapatid ko. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong nandito ako sa isang abandonadong bahay na parang nakakulong at walang nagagawa para iligtas si Sky kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Ngunit napabangon lamang ako mula sa pagkakahiga nang may pumasok sa isip ko. Teka, kung hindi alam ng mga pulis ang tungkol sa kayamanan ng pamilyang Villafuerte. Bakit
Kabanata 27 Intention Napansin niyang may hawak akong litrato kaya kinuha niya ito sa kamay ko. Narinig ko pang napamura siya nang mabasa ang nakasulat sa likod ng litrato. "Umalis na tayo rito," usal niya sabay hinawakan ang braso ko para itayo ng maayos. Nasa labas na rin kami at hawak niya ang isang kamay ko ngayon. "Pumunta muna tayo sa ospital kailangan kong makausap ang mga magulang ko," madiin kong sinabi sa kaniya. Hindi siya nagsasalita. Nakita ko pang nagpakawala niya ng malalim na hininga bago hinawakan ang magkabilang braso ko. Nang magkaharap kami ay napansin ko ang pagtitig niya sa akin na parang siya pa ang mas nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon. Pumikit siya ng mariin bago iminulat ang mga mata. "Aalis tayo.” Nasa loob na rin kami ng sasakyan at sabay binuhay niya ang makina. Hindi na ako makapaghintay makausap si Papa. Ngunit habang nasa byahe kami ay napapansin kong ibang daan ang tinatahak namin. Hindi ito ang daan papunta sa osptial! Tumingin ako sa kaniya.