Prologue"But I have a challenge for you."Dahil sa sinabi niya ay napakunot-noo ako nang nakatingin sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant. Magkaharap sa pandalawahang mesa. Hindi ko inaasahan na may pa ganito pa siya. Ano ba talagang klaseng trabaho ang ipapagawa niya sa akin? Bakit parang kinakabahan ako? Hindi naman siguro ilegal na trabaho ang ipapagawa niya sa akin?"Challenge?" naguguluhang tanong ko pa sa kaniya. Imbes na sagutin niya ako ay uminom muna ito ng tubig sa kaniyang baso. Napaayos pa nga ako sa pag-upo nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Naramdaman ko lang ang tinding kaba sa aking sistema nang makitang seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Nang marinig ko ang sinasabi niyang challenge ay sobra ang pagkagulat ng aking mukha. Wala sa oras ko pang naibuga ang iniinom kong tubig sa harapan niya. Natalsikan pa tuloy ng tubig ang kaniyang mukha dahil sa matinding pagkagulat ko. Napapikit pa nga siya ng mariin."A-Ano?!" Napatayo pa ako s
Chapter 1Soulmate"I-I'm sorry..." nanginginig ang boses ng dalaga habang paulit-ulit sinasabi iyon.Nagmamamdali pa itong naglalakad sa pasilyo ng ospital kung kaya’t hindi alintana ang mga dumadaan. Nanginginig din ang magkabilang kamay nito dulot ng kaba at takot na nararamdaman. Agad naman siyang lumapit dito nang makita ang kaniyang mga magulang."M-Ma…si Gabriel?" tanong ng dalaga sa napipiyok na boses. Niyakap nga siya ng kaniyang ina nang makita siya. "Faye…" "A-Anong nangyari? Bakit siya nandito? Bakit siya nasa loob ng emergency room?" dagdag pa ng dalaga at sabay kumalas sa pagkakayakap ng kaniyang ina."Ma! Anong nangyari?! Please, sagutin niyo naman ako!" Sunod-sunod na rin naglabasan ang mga luha sa magkabilang pisngi nito na kanina pa gustong kumawala.Lahat sila nasa labas ng emergency room. Hindi mapakali. Nababalot ng pangamba at takot ang nadarama ng lahat. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang ganitong sitwasyon."Na aksidente siya habang nagmamaneho kaninang ma
Chapter 2TicketAng bilis lumipas ang panahon dahil hindi ko namalayang nandito na pala kami ngayon kung saan gaganapin ang big interview ng kaniyang sinasabing isang sikat na singer na isang guest ng show na ito. Tulad nga ng pinangako ko, sinamahan ko nga siya ngayon kahit hindi ako mahilig sa ganitong bagay. Mabuti nalang nahanap agad namin ang aming puwesto kung kaya't nakaupo kami. Isang talk show lang naman ito pero parang nasa isang concert na kami dahil ang daming tao ang narito. Malawak din sa loob at may malaking stage pa sa gitna. "Alam ba ni Jayson na nandito ka ngayon?" tanong ko sa kaniya."Nope. May date nga kami ngayon pero tinakasan ko lang siya." Humalakhak pa siya."Baliw ka talaga." Napailing ako sa kaniya.Iba rin pala ang babaeng ito. Ang lakas ng loob iwanan ang boyfriend para lang dito. Valentines Day pa naman ngayon. At mas importante pa talaga ito sa kaniya kaysa sa date nila ni Jayson. "I-text mo si Jayson na hindi matutuloy ang date niyo dahil nandito ka
Kabanata 3NewsPagdating ko sa bahay ay nakita ko si Mama at Papa nakaupo sa sofa habang nanood ng balita. Hindi gaano kalawak ang bahay namin dahil pagpasok mo sa loob makikita mo agad ang sala at ang kusina nito sa bandang kaliwa. Kulay puti at asul ang nakapintura sa loob. Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong nagmano. "Oh, anak, bakit ngayon ka lang?" si Mama. Napabaling na rin si Papa sa akin nang makita ako."Ah, natagalan po natapos ang pinuntahan namin ni Bianca kaya nagabihan po ako." Hindi ko na inamin ang nangyari sa akin kanina dahil ayokong mag-alala pa sila. Tumingin ako kay Papa. Hindi naman galit ang mukha niya. Hindi naman siya strikto kapag alam niyang si Bianca ang kasama ko. "Hija, sa susunod i-text mo ako o tawagan man lang kung nasaan kayo para nasusundo ko kayo. Delikado kapag gabi na. Baka ano pa ang mangyari at mapahamak pa kayo. Walang ligtas na lugar ngayon," seryosong sinabi ni Papa.Hindi ko alam pero parang may gusto pa siyang iparating. "Opo, P
Chapter 4Bente PesosAno ba ang nangyayari sa mundo? Kailan ba titigil ang ganitong mga gawain? Kidnapper, magnanakaw, ano pa?! Sa mga oras na ito, iyan lang talaga ang naiisip ko na isa siyang magnanakaw. Akala niya siguro marami akong pera pero nagkakamali siya. Hindi ako anak ng isang mayaman. Huwag kang magpapadala sa itsura Mia. Hindi porket ang guwapo niya, mabuting tao na siya."Magna-" biglang napatigil ako sa pagsigaw nang tinakpan nito ang bibig ko gamit ang isang kamay niya."Miss, mali ang iniisip mo. Hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon."Hindi raw siya masamang tao pero tinatanong niya kung may pera ako? Edi, magnanakaw nga siya! At hawak niya pa rin ang braso ko ng sobrang higpit. Alam niya talagang tatakasan ko siya!"May Bente pesos ka ba sa wallet mo? Kulang kasi ang dala kong pera ngayon." Napatingin pa nga siya sa kamay ko kung saan hawak ko ang aking pitaka. Parang nagmamadali pa siya base sa itsura niya.Napatigil lang ako sa pag-iisip
Chapter 5Sine"Oh my gosh! Nandito na si Gabriel?!" si Bianca nang marinig ang sinabi ng kapatid ko.Isang taon na ang nakakalipas simula noong umalis sila ng kaniyang pamilya. At ngayon, nandito na sila? O, baka si Gabriel lang ang umuwi rito dahil napaaga ang bakasyon nila?"Paano ba iyan, Mia! Mahihirapan ka ng pumili dahil nandito na si Gabriel," natatawa niya pang sinabi at kumanta pa nga siya. "Sino’ng pipiliin mo? Gusto mo o ang soulmate mo?"Napailing na lamang ako. Kinanta niya pa talaga ang sikat na kanta ni KZ Tandingan pero pinalitan niya lang iyong lyrics. Kanina ang tamlay niyang tingnan pero ngayon nang dumating lang si Gabriel ang lakas ng mang-asar. Ang bilis talaga magbago ng mood ang babaeng ito."Ewan ko sa'yo! Tapusin mo na nga 'yan!" singhal ko. Tumawa nga lang siya ng malakas habang nagwawalis pa rin sa sahig at kumanta pa ulit ang bruha. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na nga kami nang matapos sa paglilinis."MM!" si Gab at agad yumakap sa akin nang makit
Kabanata 6BoyfriendDahil sa narinig ay hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sa katabi ko. Nanlaki pa nga ang mga mata ko nang mamukhaan ko kung sino ang nagsalita. "Bente Pesos?!” Napalakas yata ang sigaw ko dahil halos lahat ng mga tao rito sa loob ay napatingin sa gawi ko. Medyo madilim pa dito sa loob pero may nagbibigay ng kaunting liwanag dahil sa laki ng screen kaya makikita't makikita pa rin talaga nila ako. Agad naman napayuko ako dahil sa sobrang pagkahiya. Bakit ba nandito ang Bente Pesos na ito? Sinusundan ba niya ako? Wala ba siyang magawa sa buhay kaya nandito siya para guluhin ako?Inis akong bumaling sa kaniya. Nakatuon ang pansin nito sa panonood at parang nagpipigil pang tumawa habang kagat nito ang pang ibabang labi. Napatingin ako sa screen. Kumunot pa nga ang noo ko sa nakita. Hindi naman nakakatuwa ang eksena ngayon ha? Nasa hospital ang bidang babae ngayon dahil may sakit pala ito kaya anong nakakatuwa roon? "Cute," sambit niya.Cute? Paanong naging cute? Nag-a
Chapter 7Intention"Ch-" hindi naituloy ni Bente Pesos ang sasabihin nang biglang nagsalita si Lola."Naku, hijo! Kailangan ko na palang umalis may ka-date pala ako ngayon. Baka naghihintay na iyon sa akin," nagmamadaling sinabi ni Lola at sabay napatingin nga siya sa kaniyang cellphone. May nag-text siguro. Ang taray naman ni Lola may ka-date pala siya. Well, wala naman iyan sa edad."Ikaw, hija, huwag mong ipagpapalit ang boyfriend mo baka magsisi ka pa sa huli," baling ni Lola sa akin."Opo, Lola. Hindi ko pa siya ipagpapalit," nakangiti ko pang sagot kay Lola. Nang makaalis na nga si Lola sa harapan namin ay ngayon ko lang napansin na hawak niya pala ang isang kamay ko kaya naman siniko ko agad ng malakas ang tagiliran niya at sabay inapakan ang kaliwang paa niya."Ouch!" sigaw nga niya."Bagay lang 'yan sa'yo!" "Nakaalis na si Lola kaya huwag ka ng umarte diyan!" dugtong ko pa.Napaatras pa nga siya sa ginawa ko kaya nabitawan na rin niya ang kamay ko."Hindi ko na alam kung a