Kabanata 33ProbinsiyaHalos isang buwan na ang lumipas pero laman pa rin ito sa mga balita hanggang ngayon. Gulat ang lahat nang malaman na si Mang Gardo pala ang puno’t dulo ng krimen. Siya ay isa palang tauhan ng pamilyang Villafuerte noon. At walang kaalam-alam ang Lola ni Chadrick na isa palang mastermind ng krimen ang pinagkakatiwalaan niya. Nasa kulungan na rin ang mga sangkot sa krimen. Kailangan nilang pagbayaran ang pinagagawa nila na labag sa ating lipunan. At ang pagpaslang nila sa pamilyang Villafuerte. Nailigtas din ang mga batang nabiktima nila. Sa loob ng isang buwan ay marami rin ang nangyari. Graduate na rin ako ngayon sa kursong BSCrim. Matutupad na rin ang pangarap ko na maging isang ganap na pulis. At may isa pa akong gustong gawin.“Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?” tanong ni Bianca sa akin.“Oo, Bianca. Pupunta ako sa probinsiya.”“Gusto mo bang samahan pa kita? Wala naman akong gagawin sa susunod na Linggo kaya-”“Hindi na. Ayos lang, Bianca. Hindi naman ako
Kabanata 34FeelingsNalalapit na rin ang CLE board exam namin kaya abala ako ngayon sa pag-re-review ulit dito sa isang library center. Ilang sandali lamang ay tumunog bigla ang cellphone ko. Ang bumungad sa akin ay text galing kay Bianca. Sabi niya ay puntahan ko raw siya ngayon. Nasa isang coffee shop siya at hihintayin niya raw ako roon. Bakit kaya? May problema ba siya? Nang nasa tapat na ako ng coffee shop na kaniyang tinutukoy ay pumasok na rin ako sa loob. Pagpasok ko ay agad nakita ko siya sa unahan nakaupo sa pandalawahang mesa. Nang makalapit ako sa table niya ay umupo ako sa harapan."M-Mia..." nauutal niyang tawag sa akin.Napatingin ako sa kaniyang mga matang namamaga. "Anong nangyari? May problema ka ba?" pag-aalala ko."Nakita ko si Jayson kahapon may kasamang ibang babae."Nagulat ako sa narinig. Nanlaki pa ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kanya. Hindi ko kailanman naisip na gagawin ito ni Jayson sa kaniya. Alam kong minsan hindi n
Epilogo"Huwag kang mag-alala, hijo. Ginagawa namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilyang Villafuerte," sabi ni Mr. Rosales, ang pulis na humahawak sa kaso. Tinapik niya pa ang balikat ko. I know him for almost fifteen years."Kung kailangan niyo po ng tulong nandito lang ako," saad ko."Maraming salamat, hijo."Labinlimang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga suspect sa pagpatay sa mag-asawang Villafuerte. Ganoon din ang sinapit sa adopted daughter nilang si Ophelia. Ophelia Villafuerte is a childhood friend of mine. She's like a sister to me. Ngunit hindi ko inaasahan na maaga siyang mawawala. Hindi ko alam na hanggang doon nalang pala ang pagsasama namin. Sabay pa sana namin tutuparin ang mga pangarap namin. At nangako ako sa kaniya na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang nakababatang kapatid niya. Nangako ako sa kaniya kaya tutuparin ko iyon. Darating din ang panahon na iyon. Darating din."Wow! What a gre
Prologue"But I have a challenge for you."Dahil sa sinabi niya ay napakunot-noo ako nang nakatingin sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant. Magkaharap sa pandalawahang mesa. Hindi ko inaasahan na may pa ganito pa siya. Ano ba talagang klaseng trabaho ang ipapagawa niya sa akin? Bakit parang kinakabahan ako? Hindi naman siguro ilegal na trabaho ang ipapagawa niya sa akin?"Challenge?" naguguluhang tanong ko pa sa kaniya. Imbes na sagutin niya ako ay uminom muna ito ng tubig sa kaniyang baso. Napaayos pa nga ako sa pag-upo nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Naramdaman ko lang ang tinding kaba sa aking sistema nang makitang seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Nang marinig ko ang sinasabi niyang challenge ay sobra ang pagkagulat ng aking mukha. Wala sa oras ko pang naibuga ang iniinom kong tubig sa harapan niya. Natalsikan pa tuloy ng tubig ang kaniyang mukha dahil sa matinding pagkagulat ko. Napapikit pa nga siya ng mariin."A-Ano?!" Napatayo pa ako s
Chapter 1Soulmate"I-I'm sorry..." nanginginig ang boses ng dalaga habang paulit-ulit sinasabi iyon.Nagmamamdali pa itong naglalakad sa pasilyo ng ospital kung kaya’t hindi alintana ang mga dumadaan. Nanginginig din ang magkabilang kamay nito dulot ng kaba at takot na nararamdaman. Agad naman siyang lumapit dito nang makita ang kaniyang mga magulang."M-Ma…si Gabriel?" tanong ng dalaga sa napipiyok na boses. Niyakap nga siya ng kaniyang ina nang makita siya. "Faye…" "A-Anong nangyari? Bakit siya nandito? Bakit siya nasa loob ng emergency room?" dagdag pa ng dalaga at sabay kumalas sa pagkakayakap ng kaniyang ina."Ma! Anong nangyari?! Please, sagutin niyo naman ako!" Sunod-sunod na rin naglabasan ang mga luha sa magkabilang pisngi nito na kanina pa gustong kumawala.Lahat sila nasa labas ng emergency room. Hindi mapakali. Nababalot ng pangamba at takot ang nadarama ng lahat. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang ganitong sitwasyon."Na aksidente siya habang nagmamaneho kaninang ma
Chapter 2TicketAng bilis lumipas ang panahon dahil hindi ko namalayang nandito na pala kami ngayon kung saan gaganapin ang big interview ng kaniyang sinasabing isang sikat na singer na isang guest ng show na ito. Tulad nga ng pinangako ko, sinamahan ko nga siya ngayon kahit hindi ako mahilig sa ganitong bagay. Mabuti nalang nahanap agad namin ang aming puwesto kung kaya't nakaupo kami. Isang talk show lang naman ito pero parang nasa isang concert na kami dahil ang daming tao ang narito. Malawak din sa loob at may malaking stage pa sa gitna. "Alam ba ni Jayson na nandito ka ngayon?" tanong ko sa kaniya."Nope. May date nga kami ngayon pero tinakasan ko lang siya." Humalakhak pa siya."Baliw ka talaga." Napailing ako sa kaniya.Iba rin pala ang babaeng ito. Ang lakas ng loob iwanan ang boyfriend para lang dito. Valentines Day pa naman ngayon. At mas importante pa talaga ito sa kaniya kaysa sa date nila ni Jayson. "I-text mo si Jayson na hindi matutuloy ang date niyo dahil nandito ka
Kabanata 3NewsPagdating ko sa bahay ay nakita ko si Mama at Papa nakaupo sa sofa habang nanood ng balita. Hindi gaano kalawak ang bahay namin dahil pagpasok mo sa loob makikita mo agad ang sala at ang kusina nito sa bandang kaliwa. Kulay puti at asul ang nakapintura sa loob. Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong nagmano. "Oh, anak, bakit ngayon ka lang?" si Mama. Napabaling na rin si Papa sa akin nang makita ako."Ah, natagalan po natapos ang pinuntahan namin ni Bianca kaya nagabihan po ako." Hindi ko na inamin ang nangyari sa akin kanina dahil ayokong mag-alala pa sila. Tumingin ako kay Papa. Hindi naman galit ang mukha niya. Hindi naman siya strikto kapag alam niyang si Bianca ang kasama ko. "Hija, sa susunod i-text mo ako o tawagan man lang kung nasaan kayo para nasusundo ko kayo. Delikado kapag gabi na. Baka ano pa ang mangyari at mapahamak pa kayo. Walang ligtas na lugar ngayon," seryosong sinabi ni Papa.Hindi ko alam pero parang may gusto pa siyang iparating. "Opo, P
Chapter 4Bente PesosAno ba ang nangyayari sa mundo? Kailan ba titigil ang ganitong mga gawain? Kidnapper, magnanakaw, ano pa?! Sa mga oras na ito, iyan lang talaga ang naiisip ko na isa siyang magnanakaw. Akala niya siguro marami akong pera pero nagkakamali siya. Hindi ako anak ng isang mayaman. Huwag kang magpapadala sa itsura Mia. Hindi porket ang guwapo niya, mabuting tao na siya."Magna-" biglang napatigil ako sa pagsigaw nang tinakpan nito ang bibig ko gamit ang isang kamay niya."Miss, mali ang iniisip mo. Hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon."Hindi raw siya masamang tao pero tinatanong niya kung may pera ako? Edi, magnanakaw nga siya! At hawak niya pa rin ang braso ko ng sobrang higpit. Alam niya talagang tatakasan ko siya!"May Bente pesos ka ba sa wallet mo? Kulang kasi ang dala kong pera ngayon." Napatingin pa nga siya sa kamay ko kung saan hawak ko ang aking pitaka. Parang nagmamadali pa siya base sa itsura niya.Napatigil lang ako sa pag-iisip