Kabanata 3
NewsPagdating ko sa bahay ay nakita ko si Mama at Papa nakaupo sa sofa habang nanood ng balita. Hindi gaano kalawak ang bahay namin dahil pagpasok mo sa loob makikita mo agad ang sala at ang kusina nito sa bandang kaliwa. Kulay puti at asul ang nakapintura sa loob. Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong nagmano."Oh, anak, bakit ngayon ka lang?" si Mama.Napabaling na rin si Papa sa akin nang makita ako."Ah, natagalan po natapos ang pinuntahan namin ni Bianca kaya nagabihan po ako."Hindi ko na inamin ang nangyari sa akin kanina dahil ayokong mag-alala pa sila. Tumingin ako kay Papa. Hindi naman galit ang mukha niya. Hindi naman siya strikto kapag alam niyang si Bianca ang kasama ko."Hija, sa susunod i-text mo ako o tawagan man lang kung nasaan kayo para nasusundo ko kayo. Delikado kapag gabi na. Baka ano pa ang mangyari at mapahamak pa kayo. Walang ligtas na lugar ngayon," seryosong sinabi ni Papa.Hindi ko alam pero parang may gusto pa siyang iparating."Opo, Pa."Nang matapos ang commercial sa T.V ay ibinalik ulit nila ang pansin sa panonood ng balita. Aakyat na sana ako sa itaas para magpalit na ng damit nang biglang marinig ko ang pag-uusap nila kaya napahinto ako sa pag-akyat."Hindi pa ba nahuhuli ang mga suspect? Nakakatakot. May mga bago na naman silang nabibiktima," baling ni Mama kay Papa. Ramdam ko pa ang pangamba sa boses niya.Suspect? Bakit? Anong nangyayari? Dahil sa kuryusidad ay napatingin rin tuloy ako sa T.V namin na kasalukuyang may binabalita ang isang reporter ngayon."Isang nakakagulat na balita ang ating matutunghayan kung saan ngayong gabi ay isang bagong krimen na naman ng pagkidnap ang naganap. At hanggang ngayon ay tinutugis pa rin ng mga pulis ang mga salarin upang mailigtas ang mga nabitktima nito. Ngunit may ekspekulasyon ang mga pulis na ang mga suspect na ito ay may kinalaman sa pagpatay sa pamilyang Villafuerte labing apat na taon na ang nakakalipas."Kidnapping? Uso pa rin pala iyan ngayon? Ano ba ang nangyayari sa ibang mga tao ngayon at nagagawa nila ang pagkidnap? Wala ba silang konsensya? Kawawa iyong mga inosenteng taong binibiktima nila. Ano ba ang motibo nila at nagagawa nila ang ganiyang ilegal na gawain? Kahirapan ba? Kawalan ng pera? Jusko! Ang daming paraan! Labag sa batas ang pinagagawa nila!Nang matapos ang balitang iyon ay nakita ko pang napatayo si Papa. May katawagan na rin siya ngayon sa cellphone niya. Pinatay na rin ni Mama ang T.V at napatayo na rin siya nang mapansing pa-paalis na si papa."Sige. Papunta na ako diyan ngayon. Pag-usapan natin iyan pagdating ko."Aalis nga si Papa dahil base sa sinabi niya sa kabilang linya. Bakit kaya? Baka tungkol ito sa binalita kanina ng reporter? Nakita ko pang sinusuot ngayon ni Papa ang leather jacket niya. Parang nagmamadali pa siyang umalis. Importanteng bagay yata ang sinabi sa kaniya na may kinalaman sa kasong hinahawakan nila."Alora, aalis ako ngayon. Bukas pa ako uuwi. Buong gabi ang trabaho ko ngayon. May mahalaga lang kaming aasikasuhin sa station.”"Hindi ba bukas pa ang duty mo? Gabi na Alfredo puweding ipabukas mo nalang iyan."Nasa may hagdan pa rin ako nakatayo kaya rinig ko pa rin ang pag-uusap nila. Hindi aalis si Papa ngayon kung hindi importante ang pinagusapan nila. Naiintindihan ko naman si Mama kung bakit ganito na lamang siya mag-alala kay Papa. Ganoon din naman ako. Hindi ko rin maiwasan mag-alala dahil sa trabaho niya pero naiintindihan ko dahil isang pulis siya. May mga bagay siyang dapat gawin at paglingkuran sa bansa."Hindi puwedeng ipabukas Alora. Kailangan ako sa station ngayon. May nahanap na silang isang matibay na ebidensya upang mapabilis ang paghahanap sa mga suspect."Sa huli ay walang nagawa si Mama kundi hayaan na lamang umalis si Papa. Umakyat na rin ako sa itaas para pumunta sa aking kuwarto pero bago iyon dumaan muna ako sa kuwarto ni Sky. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto niya. Nang makapasok na nga ako sa loob ay nakita kong natutulog na siya ng mahimbing. Napangiti ako pa ako habang pinagmamasdan siya. Inayos ko rin ang kumot niya nang makitang pababa na ito sa parteng dibdib niya."Good night, Sky." Hinalikan ko ang noo niya bago lumabas.Pagdating ko sa aking kuwarto ay nagpalit muna ako ng damit. Hindi na ako nakapag half bath dahil sa pagod ngayong araw. Diritso agad ako sa paghiga sa aking kama. Nakadapa ang posisyon ko ngayon. Ganito ako kapag pagod. At ilang sandali lamang ay walang pasubaling napapikit ang mga mata ko at tuluyan na ngang nakatulog."ANAK, saan ka pupunta?" tanong ni Mama nang makitang nakabihis ako.Nakasuot ako ngayon ng plain brown t-shirt at dark blue jeans pang-ibaba. May bibilhin lang naman ako ngayon na kailangan ko para sa project. "May bibilhin lang ako, Ma."Pansin ko ang pagtango ni Mama habang abala sa kusina."A-Ate MM, sama po ako.”Nang magsalita si Sky ay napabaling ako sa kaniya. Ang apat na taong gulang kong kapatid na ngayon ay hawak-hawak ang isang kamay ko. Gusto yata niyang sumama."No. Dito ka lang Sky. Okay?" Yumuko pa ako at sabay kinurot ang mataba niyang pisngi.Agad naman lumungkot ang kaniyang mukha sa sinabi ko. Kaya napatawa na lamang ako. Ang cute talaga ng kapatid ko kapag nagtatampo."O, sige, ganito nalang. Anong pasalubong ang gusto mo mula kay ate?" Ngumiti pa ako sa harapan niya. Lumiwanag naman kaagad ang mukha niya. Sabi ko na e, pasalubong lang katapat nito."Chuckie! Chuckie!" masigla nga niyang sinabi"Alright. Ate will buy it for you," sabi ko at sabay ginulo pa ang kulot niyang buhok."Yehey!"Kasalukuyag naglalakad ako sa gilid ng kalsada nang biglang napahinto ako nang makitang kuwarenta pesos nalang pala ang laman ng pitaka ko. Medyo malayo na ako sa amin. Bakit hindi ko ito napansin kanina? Saktong pambili ko nalang ito ng Chuckie ni Sky at pamasahe pauwi.Ang malas ko naman ngayon!Ibabalik ko na sana sa bag ang pitaka ko subalit napatigil ako nang may napansin akong isang lalaki tumatakbo papalapit sa akin. Parang may tinatakasan yata siya dahil sa sobrang bilis nito sa pagtakbo. Nagulat lang ako nang huminto ito sa harapan ko. Hinawakan pa nito ang kaliwang braso ko kung kaya’t dumagdag ang kaba sa aking sistema.Sino siya? Anong kailangan niya sa akin?Pilit ko pang inaalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko subalit sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ko ito maalis."Miss, makinig ka." Hingal na hingal pa nga siya habang tumititig sa akin ng seryoso.Halos maramdaman ko na nga ang hininga nito dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla nalang ako kinabahan sa sinabi niya. Napansin ko lang na halos itim lahat ang suot nito mula sa t-shirt, leather jacket, pantalon, sapatos. At nakasuot din ito ng kulay itim na kalo at itim na mouth mask sa bibig.Nang tinatanggal niya nga ang kaniyang mouth mask ay parang nagkaroon pa ng slow motion. Laglag panga pa ako nang mapatingin sa kaniya. Parang umatras bigla ang bibig ko sa pagsasalita nang makita ang kabuuan ng mukha niya. Nakakahipnotismo ang itsura-"May pera ka ba?"P-Pera? Hindi kaya, isa siyang magnanakaw? Naalala ko bigla na ang mga binabalita ngayon ay puro krimen. At ang nangungunang krimen ngayon sa bansa ay kidnapping at magnanakaw.Ito na ba ang sinasabi ni Papa kagabi na walang ligtas na lugar ngayon? At ngayong araw talaga mangyayari ito sa akin? Mas nadagdagan ang paghihinala ko nang hinawakan niya pa ng mahigpit ang isang braso ko bago nagsalita ulit."Miss, may pera ka ba?”Chapter 4Bente PesosAno ba ang nangyayari sa mundo? Kailan ba titigil ang ganitong mga gawain? Kidnapper, magnanakaw, ano pa?! Sa mga oras na ito, iyan lang talaga ang naiisip ko na isa siyang magnanakaw. Akala niya siguro marami akong pera pero nagkakamali siya. Hindi ako anak ng isang mayaman. Huwag kang magpapadala sa itsura Mia. Hindi porket ang guwapo niya, mabuting tao na siya."Magna-" biglang napatigil ako sa pagsigaw nang tinakpan nito ang bibig ko gamit ang isang kamay niya."Miss, mali ang iniisip mo. Hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon."Hindi raw siya masamang tao pero tinatanong niya kung may pera ako? Edi, magnanakaw nga siya! At hawak niya pa rin ang braso ko ng sobrang higpit. Alam niya talagang tatakasan ko siya!"May Bente pesos ka ba sa wallet mo? Kulang kasi ang dala kong pera ngayon." Napatingin pa nga siya sa kamay ko kung saan hawak ko ang aking pitaka. Parang nagmamadali pa siya base sa itsura niya.Napatigil lang ako sa pag-iisip
Chapter 5Sine"Oh my gosh! Nandito na si Gabriel?!" si Bianca nang marinig ang sinabi ng kapatid ko.Isang taon na ang nakakalipas simula noong umalis sila ng kaniyang pamilya. At ngayon, nandito na sila? O, baka si Gabriel lang ang umuwi rito dahil napaaga ang bakasyon nila?"Paano ba iyan, Mia! Mahihirapan ka ng pumili dahil nandito na si Gabriel," natatawa niya pang sinabi at kumanta pa nga siya. "Sino’ng pipiliin mo? Gusto mo o ang soulmate mo?"Napailing na lamang ako. Kinanta niya pa talaga ang sikat na kanta ni KZ Tandingan pero pinalitan niya lang iyong lyrics. Kanina ang tamlay niyang tingnan pero ngayon nang dumating lang si Gabriel ang lakas ng mang-asar. Ang bilis talaga magbago ng mood ang babaeng ito."Ewan ko sa'yo! Tapusin mo na nga 'yan!" singhal ko. Tumawa nga lang siya ng malakas habang nagwawalis pa rin sa sahig at kumanta pa ulit ang bruha. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na nga kami nang matapos sa paglilinis."MM!" si Gab at agad yumakap sa akin nang makit
Kabanata 6BoyfriendDahil sa narinig ay hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sa katabi ko. Nanlaki pa nga ang mga mata ko nang mamukhaan ko kung sino ang nagsalita. "Bente Pesos?!” Napalakas yata ang sigaw ko dahil halos lahat ng mga tao rito sa loob ay napatingin sa gawi ko. Medyo madilim pa dito sa loob pero may nagbibigay ng kaunting liwanag dahil sa laki ng screen kaya makikita't makikita pa rin talaga nila ako. Agad naman napayuko ako dahil sa sobrang pagkahiya. Bakit ba nandito ang Bente Pesos na ito? Sinusundan ba niya ako? Wala ba siyang magawa sa buhay kaya nandito siya para guluhin ako?Inis akong bumaling sa kaniya. Nakatuon ang pansin nito sa panonood at parang nagpipigil pang tumawa habang kagat nito ang pang ibabang labi. Napatingin ako sa screen. Kumunot pa nga ang noo ko sa nakita. Hindi naman nakakatuwa ang eksena ngayon ha? Nasa hospital ang bidang babae ngayon dahil may sakit pala ito kaya anong nakakatuwa roon? "Cute," sambit niya.Cute? Paanong naging cute? Nag-a
Chapter 7Intention"Ch-" hindi naituloy ni Bente Pesos ang sasabihin nang biglang nagsalita si Lola."Naku, hijo! Kailangan ko na palang umalis may ka-date pala ako ngayon. Baka naghihintay na iyon sa akin," nagmamadaling sinabi ni Lola at sabay napatingin nga siya sa kaniyang cellphone. May nag-text siguro. Ang taray naman ni Lola may ka-date pala siya. Well, wala naman iyan sa edad."Ikaw, hija, huwag mong ipagpapalit ang boyfriend mo baka magsisi ka pa sa huli," baling ni Lola sa akin."Opo, Lola. Hindi ko pa siya ipagpapalit," nakangiti ko pang sagot kay Lola. Nang makaalis na nga si Lola sa harapan namin ay ngayon ko lang napansin na hawak niya pala ang isang kamay ko kaya naman siniko ko agad ng malakas ang tagiliran niya at sabay inapakan ang kaliwang paa niya."Ouch!" sigaw nga niya."Bagay lang 'yan sa'yo!" "Nakaalis na si Lola kaya huwag ka ng umarte diyan!" dugtong ko pa.Napaatras pa nga siya sa ginawa ko kaya nabitawan na rin niya ang kamay ko."Hindi ko na alam kung a
Chapter 8Special GuestBIYERNES ngayon at napaaga ang pasok ko sa school. Alas-diyes pa ang unang subject namin pero nandito na agad ako. Napatingin ako sa aking relo, alas-otso palang at may dalawang oras pa ako bago magsimula ang unang klase namin.Malawak ang Hanclifford University at isa ito sa mga sikat na school dito sa lugar namin. Noong una ayoko talaga mag-aral dito dahil private at malaki ang gagastusin. Pero si Papa ay gusto talaga niya na rito ako mag-aral kaya wala akong nagawa. Mabuti nalang naging scholar ako kaya nabawasan ng malaki ang mga bayarin ko. At dahil maaga pa naman ay siguro sa cafeteria lang muna ako tatambay may dalawang oras pa naman ako. "Mia!"Napatigil ako sa paglalakad at napalingon pa nga sa likod nang may tumawag sa pangalan ko."Bianca?" "Nakita kita mula sa gate kaya hinabol agad kita rito!” aniya habang hingal na hingal pa."Tara, cafeteria lang muna tayo!" sabay isinakbit nito ang kamay niya sa braso ko. Himala at napaaga siya ngayon. Ano kay
Chapter 9MansionMAAGA akong umalis ng bahay para pumunta sa supermarket. Ganito minsan ang gawain ko kapag Sabado. Bibili ng mga grocery dahil wala ng stock na pagkain sa bahay. Galing kay Papa ang perang dala ko ngayon."Kulang po ang pera niyo, Lola." Nasa counter ako ngayon pumipila. At kasalukuyang nasa unahan ko ang isang matanda. Dalawa lang kami ni Lola ang nakapila sa counter. Napaaga yata ang pagpunta ko rito. Mabuti na rin ito para makauwi agad ako."Naku, kulang ang aking dalang pera," sambit nga ni Lola sa cashier. Nasa likod ako ni Lola kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila. Pero bakit parang pamilyar ang boses ni Lola? Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin."Ako nalang po magbabayad sa kulang," sabi ko sa cashier. "Bente pesos lang Miss ang kulang." Nang marinig ko ang salitang Bente Pesos ay agad may pumasok na imahe sa isip ko. Ilang araw na pala ang nakalipas simula noong huli naming pagkikita. Mabuti nalang hindi na siya nagpapakita pa sa
Chapter 10Grandson"May asawa na po ba ang apo niyo Lola?"Napatigil si Lola sa paglabas ng mga gulay sa loob ng plastic bag dahil sa naging tanong ko at bahagyang napatawa. "Wala, hija. Sa pagkakaalam ko ay single ang apo ko. Wala pa siyang pinapakilalang nobya." Ibinalik ni Lola ang pansin sa ginagawa niya kanina."Ilang taon ka na ba, hija?""Twenty-one po." "Twenty-one? Matanda pala nang limang taon ang apo ko sa iyo. Pero puwede na rin." Parang may gusto pang idugtong si Lola pero hindi na niya tinuloy.Ibig sabihin ay dalawampu't anim na taon na pala ang edad ng apo ni Lola. "Noong estudyante pa lamang siya ay nagtatrabaho na ang apo ko, hija. Masipag na bata iyon at mabait. Sa dami ng pinagdaanan sa buhay ay nakayanan niya lahat. Hindi naging madali ang nakaraan niya kaya hanga ako sa batang iyon dahil malaki na ang naabot sa buhay niya."Namangha ako sa sinabi ni Lola tungkol sa apo niya. Hindi ko man alam ang buong kuwento pero ramdam ko ang pagiging proud ni Lola sa kaniya
Chapter 11Beat"Tumigil ka nga! Diyan ka lang!" Bingi yata ang lalaking ito dahil lapit nang lapit pa rin sa akin. Hanggang sa wala na akong maatrasan. Naramdaman ko nalang ang matigas na pader ng pintuan sa likod ko. Nagulat pa ako nang ikinulong niya ako sa pagitan ng mga bisig niya."Anong nararamdaman mo?" sambit niya.Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya halos maramdaman ko na ang kaniyang hininga. Naka-aircon naman ang kuwarto niya pero bakit bigla nalang uminit sa loob?"Ha! Akala mo naman ginusto ko ang nangyari? Aksidente nga lang 'yon!""Yeah. It was just an accident. Ang tinutukoy ko..."Ano ba ang tinutukoy niya? Bakit hindi nalang niya ako diritsuhin? Ang dami niya pang sinasabi."Anong nararamdaman mo na ganito tayo?" napapaos pa nga ang boses niya nang hindi binibitawan ang titig sa akin.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na ang sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa. Walang bumibitaw sa pagtitigan namin. Sinusundan niya pa nga ang bawat ga