Chapter 5
Sine"Oh my gosh! Nandito na si Gabriel?!" si Bianca nang marinig ang sinabi ng kapatid ko.Isang taon na ang nakakalipas simula noong umalis sila ng kaniyang pamilya. At ngayon, nandito na sila? O, baka si Gabriel lang ang umuwi rito dahil napaaga ang bakasyon nila?"Paano ba iyan, Mia! Mahihirapan ka ng pumili dahil nandito na si Gabriel," natatawa niya pang sinabi at kumanta pa nga siya. "Sino’ng pipiliin mo? Gusto mo o ang soulmate mo?"Napailing na lamang ako. Kinanta niya pa talaga ang sikat na kanta ni KZ Tandingan pero pinalitan niya lang iyong lyrics. Kanina ang tamlay niyang tingnan pero ngayon nang dumating lang si Gabriel ang lakas ng mang-asar. Ang bilis talaga magbago ng mood ang babaeng ito."Ewan ko sa'yo! Tapusin mo na nga 'yan!" singhal ko. Tumawa nga lang siya ng malakas habang nagwawalis pa rin sa sahig at kumanta pa ulit ang bruha. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na nga kami nang matapos sa paglilinis."MM!" si Gab at agad yumakap sa akin nang makita ako.Napangiti ako. Masaya akong nandito na ulit siya."I missed you a lot."Naramdaman ko pa bigla ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakayakap siya sa akin kaya hindi ko agad mahanapan ang tamang salita. Pero sa huli, sinuklian ko rin siya ng isang mahigpit na yakap. "Gano’n din ako. Mabuti at nandito ka na ulit, Gab.""Kasama mo rin ba sila Tita?" tanong ko nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin."Yup. Mabuti nalang napa-aga ang bakasyon namin kaya naka-sabay ako pag-uwi rito."Napatango ako."Hay, naku, Gabriel! Dumating ka lang dito hindi mo na ako pinapansin? Si Mia lang ba ang na-miss mo?"Napabaling ako sa katabi ko na si Bianca. Nakasimangot ang mukha nito ngayon. At pinagkrus pa nga nito ang magkabilang braso nang nakatingin kay Gabriel."Syempre, na-miss din kita, Langka!" si Gabriel at sabay pinisil ang magkabilang pisngi ni Bianca.Napatawa na lamang ako habang pinapanood silang dalawa."Aray!" napasigaw pa nga si Bianca. At napahawak pa nga rin siya sa pisngi kung saan banda pinisil ni Gabriel."Bianca ang pangalan ko Gabriel hindi Langka! Nakakainis ka!" reklamo ni Bianca. Bakas din ang pagkabasungot nito sa mukha."E, iyan naman 'di ba ang palayaw mo? Langka? Hindi ba Langka?" pang-aasar ulit ni Gabriel.Mas lalo lang tuloy bumusangot ang mukha ni Bianca dahil sa iritasyon.Napailing na nga lang ako habang pinagmamasdan sila. Para silang mga bata pa rin kung umasta. Hindi na ako magtataka kung magbabardagulan na naman itong dalawa dahil ganito sila palagi parang aso't pusa. Ganyan ang love language nila walang oras na hindi nagbabangayan."I hate you, Gabriel!" singhal nga niya kay Gabriel.“I love you, Langka!” At nag-finger heart pa nga.“Ito sa‘yo,” si Bianca at itinaas pa nga nito ang middle finger bago nag-walk out.Nang makaalis nga si Bianca ay walang tigil pa rin sa pagtawa ng malakas si Gabriel."Kababalik mo lang inaasar mo na agad si Bianca?" Napailing pa ako sa harapan niya.“Hindi ko siya inaasar MM. Sadyang mabilis lang talaga siyang mapikon.”"Nga pala, may gagawin ka ba bukas?" pag-iiba niya ng usapan nang kumalma na nga siya sa kakatawa."Wala naman. Bakit?"Wala akong gagawin bukas dahil natapos ko na ang mga gawain sa school."Great! Magpapasama ako sa'yo sa bukas.”“Magpapasa? Saan?” Hindi ko tuloy maiwasan maging excited.“Sa Mall may bibilhin ako.”B-bibilhin? May bibilhin lang siya?Bagsak balikat nga akong napabaling sa kaniya. “S-Sige, sasamahan kita.”Ano ba, Mia! Huwag ka nang assuming diyan na yayain ka niya sa isang date! Magkaibigan lang kayo! Magkaibigan! Hindi magka-ibigan!Para na nga akong tangang nakikipagtalo sa isip ko.KINABUKASAN ay maaga nga akong nagising at naligo. Masaya pa rin naman ako kahit nagpapasama lang si Gabriel. At least, siya ang kasama ko ngayong araw. Nakasuot ako ngayon ng black sleeveless turtleneck at pinarisan ko ng denim jacket dahil medyo maulan ngayon. Dark blue faded jeans naman ang pinares ko sa pang-ibaba. Mas kumportable kasi ako kapag ganitong mga outfit ang sinusuot ko. Nang dumating na nga si Gabriel sa bahay ay agad na kaming nagpaalam kina Mama’t Papa. Umalis na rin kami at nagtungo sa Mall."Anong bibilhin mo pala?" tanong ko sa kaniya nang dumating na nga rin kami sa Mall."Kuwintas," aniya.Kuwintas? Para saan? At kanino niya ibibigay? May girlfriend na ba siya?"May girlfriend ka na?" gulat na tanong ko sa kaniya."Wala," mahinahong sagot niya.Kung ganoon, may pag-asa pa Mia!"Kung wala pala e, bakit ka bumibili ng kuwintas?" tanong ko ulit sa kaniya dulot ng pagtataka."She's my friend, MM. At malapit na ang birthday niya kaya naisipan kong regaluhin siya ng kuwintas."Bahagyang napatango ako. Ang suwerte naman ng kaibigan niyang iyon para regaluhin siya ng kuwintas ni Gab. Nasa loob na nga rin kami ng isang jewerly shop dito sa Mall. Nasa tabi niya lang ako habang siya naman ay tumitingin sa mga kuwintas na naka-display sa ilalim ng mahabang salamin."Ano sa tingin mo ang maganda rito, MM?" baling niya sa akin.Hindi ko alam pero parang nawalan nalang ako bigla ng gana ngayon. Hindi pa rin umaalis sa isipan ko kung sino bang kaibigan ang tinutukoy niya. Hindi naman ako ang tinutukoy niyang kiabigan dahil tapos na ang birthday ko last month pa. Ang saklap. Kaya walang ganang ibinaba ko ang aking tingin sa mga kuwintas na nasa ilalim ng salamin. Naagaw lang ng pansin ko ang isang simpleng kuwintas na may pendant na half moon, na kulay pilak."Ito. Simple lang pero maganda," sabay turo ko rito."Alright. Iyan ang bibilhin ko," agad niyang tugon. Parang hindi siya nagdalawang isip bilhin ang napili ko."Gusto mo ba siya?" Hindi ako makatingin ng diritso sa mga mata niya habang tinatanong iyon. Parang alam ko na ang isasagot niya kaya parang ayokong marinig."Yes."Aray naman. Parang wala na talagang pag-asa dahil sa bibig pa niya mismo lumabas na may nagugustuhan na siya at ang masakit pa roon ay hindi ako ang tinutukoy niya. Isang malaking sampal ba ito sa akin para sumuko na sa nararamdaman ko sa kaniya?Ilang sandali lamang ay binili na rin niya ang kuwintas. At pagkatapos ay kumain na rin kami sa isang fast food dahil tanghali na rin."Gusto mo ba manood tayo ng sine?" biglaang tanong niya.Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. Parang nagliwanag pa ang mukha ko dahil sa naging tanong niya. "Oo naman!" masiglang tugon ko nga rito.Pumayag agad ako kahit hindi ako mahilig manood ng mga pelikula. Si Gabriel nangyaya manood? Tatanggi pa ba ako? Kapag siya rin naman ang mangyaya, I can make an exception."Alright. Dahil sinamahan mo ako ngayon dito kaya manonood tayo sa sinehan,” nakangiti pa nga niyang sinabi.Nang matapos nga kaming kumain ay nakabili na rin siya ng dalawang ticket at mamaya pa naman ng alas-dos ipapalabas ang pa-panoorin namin kaya naghintay pa kami ng isang oras. Inabala na lang muna na namin ang pag-uusap habang nakaupo kami sa mahabang upuan dito sa gilid. Napatigil nga lang kami sa pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone niya."Hello? Ma? Nandiyan na si Lola? Ngayon? Sige. Papunta na ako diyan."Nang matapos nga ang pag-uusap nila ng Mama niya ay napabaling siya sa akin. "MM, pasensiya na kailangan ko na pala umuwi sa amin ngayon. Dumating na pala si Lola sa bahay at hinahanap daw niya ako," paliwanag niya."Naku! Ayos lang, Gab. Umuwi ka na sa inyo baka na-miss ka na ng Lola mo." Ngumiti pa ako sa harapan niya upang ipakita sa kaniya na ayos lang talaga."Ihahatid na muna-""Huwag na! Ayos lang, Gab. Sayang naman iyong binili mong ticket kung hindi ko pa-panoorin," putol ko sa sasabihin niya."Are you sure?"Tumango ako sa kaniya nang nakangiti pa rin. "Uuwi naman ako kaagad sa bahay kapag natapos ko panoorin ang pelikula."Napapayag ko naman siya kaya nauna na siyang umalis. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago pumasok sa sinehan. Nang pumasok na nga ako sa loob ay sa bandang gilid na ako umupo. Mabuti nalang ka-kasimula palang. Napansin ko pang hindi gaano karami ang mga tao rito sa loob kahit malaki ang sinehan na ito.Kasalukuyang nakatuon ang pansin ko sa panonood nang biglang may naramdaman akong umupo sa tabi ng upuan ko. Nagtaka pa ako kung bakit sa tabi ko pa siya umupo. E, ang dami pa kayang bakanteng upuan pero hindi ko nalang ito pinansin bagkus ibinalik ko na lamang ang pansin sa panonood. Mas tumitindi na nga ang eksena ngayon dahil nasa kalagitnaan na kami at malapit ng matapos."Dapat naghintay siya kung mahal niya talaga."Napaayos pa nga ako sa pag-upo nang biglang nagsalita ang katabi ko. Boses lalaki. Nadala yata siya sa eksena."Kung mahal niya talaga ang girlfriend niya dapat hindi niya ginawa iyon. Hindi dapat siya nagloko," dagdag pa nga nito. Parang disappointed nga siya sa ginawa ng lalaki. Dalang-dalaWell, ako rin naman disappointed sa ginawa ng lalaki. At nalulungkot ako para sa babaeng OFW dahil hindi siya hinintay nito bagkus ay naghanap nga ito ng iba at nakabuntis pa ng ibang babae ang boyfriend niya.Hay, pati tuloy ako naapektuhan kahit isang pelikula lang naman ito!"Fuck that asshole. He just wasted eleven years."Nagsalita na nga ulit ang katabi ko. Bakit ba ang ingay niya? Hindi tuloy ako makapag focus sa eksena! Puwede bang manood nalang siya ng tahimik? Pero teka, bakit pamilyar sa akin ang boses niya?"Am I right, MM?"Kabanata 6BoyfriendDahil sa narinig ay hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sa katabi ko. Nanlaki pa nga ang mga mata ko nang mamukhaan ko kung sino ang nagsalita. "Bente Pesos?!” Napalakas yata ang sigaw ko dahil halos lahat ng mga tao rito sa loob ay napatingin sa gawi ko. Medyo madilim pa dito sa loob pero may nagbibigay ng kaunting liwanag dahil sa laki ng screen kaya makikita't makikita pa rin talaga nila ako. Agad naman napayuko ako dahil sa sobrang pagkahiya. Bakit ba nandito ang Bente Pesos na ito? Sinusundan ba niya ako? Wala ba siyang magawa sa buhay kaya nandito siya para guluhin ako?Inis akong bumaling sa kaniya. Nakatuon ang pansin nito sa panonood at parang nagpipigil pang tumawa habang kagat nito ang pang ibabang labi. Napatingin ako sa screen. Kumunot pa nga ang noo ko sa nakita. Hindi naman nakakatuwa ang eksena ngayon ha? Nasa hospital ang bidang babae ngayon dahil may sakit pala ito kaya anong nakakatuwa roon? "Cute," sambit niya.Cute? Paanong naging cute? Nag-a
Chapter 7Intention"Ch-" hindi naituloy ni Bente Pesos ang sasabihin nang biglang nagsalita si Lola."Naku, hijo! Kailangan ko na palang umalis may ka-date pala ako ngayon. Baka naghihintay na iyon sa akin," nagmamadaling sinabi ni Lola at sabay napatingin nga siya sa kaniyang cellphone. May nag-text siguro. Ang taray naman ni Lola may ka-date pala siya. Well, wala naman iyan sa edad."Ikaw, hija, huwag mong ipagpapalit ang boyfriend mo baka magsisi ka pa sa huli," baling ni Lola sa akin."Opo, Lola. Hindi ko pa siya ipagpapalit," nakangiti ko pang sagot kay Lola. Nang makaalis na nga si Lola sa harapan namin ay ngayon ko lang napansin na hawak niya pala ang isang kamay ko kaya naman siniko ko agad ng malakas ang tagiliran niya at sabay inapakan ang kaliwang paa niya."Ouch!" sigaw nga niya."Bagay lang 'yan sa'yo!" "Nakaalis na si Lola kaya huwag ka ng umarte diyan!" dugtong ko pa.Napaatras pa nga siya sa ginawa ko kaya nabitawan na rin niya ang kamay ko."Hindi ko na alam kung a
Chapter 8Special GuestBIYERNES ngayon at napaaga ang pasok ko sa school. Alas-diyes pa ang unang subject namin pero nandito na agad ako. Napatingin ako sa aking relo, alas-otso palang at may dalawang oras pa ako bago magsimula ang unang klase namin.Malawak ang Hanclifford University at isa ito sa mga sikat na school dito sa lugar namin. Noong una ayoko talaga mag-aral dito dahil private at malaki ang gagastusin. Pero si Papa ay gusto talaga niya na rito ako mag-aral kaya wala akong nagawa. Mabuti nalang naging scholar ako kaya nabawasan ng malaki ang mga bayarin ko. At dahil maaga pa naman ay siguro sa cafeteria lang muna ako tatambay may dalawang oras pa naman ako. "Mia!"Napatigil ako sa paglalakad at napalingon pa nga sa likod nang may tumawag sa pangalan ko."Bianca?" "Nakita kita mula sa gate kaya hinabol agad kita rito!” aniya habang hingal na hingal pa."Tara, cafeteria lang muna tayo!" sabay isinakbit nito ang kamay niya sa braso ko. Himala at napaaga siya ngayon. Ano kay
Chapter 9MansionMAAGA akong umalis ng bahay para pumunta sa supermarket. Ganito minsan ang gawain ko kapag Sabado. Bibili ng mga grocery dahil wala ng stock na pagkain sa bahay. Galing kay Papa ang perang dala ko ngayon."Kulang po ang pera niyo, Lola." Nasa counter ako ngayon pumipila. At kasalukuyang nasa unahan ko ang isang matanda. Dalawa lang kami ni Lola ang nakapila sa counter. Napaaga yata ang pagpunta ko rito. Mabuti na rin ito para makauwi agad ako."Naku, kulang ang aking dalang pera," sambit nga ni Lola sa cashier. Nasa likod ako ni Lola kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila. Pero bakit parang pamilyar ang boses ni Lola? Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin."Ako nalang po magbabayad sa kulang," sabi ko sa cashier. "Bente pesos lang Miss ang kulang." Nang marinig ko ang salitang Bente Pesos ay agad may pumasok na imahe sa isip ko. Ilang araw na pala ang nakalipas simula noong huli naming pagkikita. Mabuti nalang hindi na siya nagpapakita pa sa
Chapter 10Grandson"May asawa na po ba ang apo niyo Lola?"Napatigil si Lola sa paglabas ng mga gulay sa loob ng plastic bag dahil sa naging tanong ko at bahagyang napatawa. "Wala, hija. Sa pagkakaalam ko ay single ang apo ko. Wala pa siyang pinapakilalang nobya." Ibinalik ni Lola ang pansin sa ginagawa niya kanina."Ilang taon ka na ba, hija?""Twenty-one po." "Twenty-one? Matanda pala nang limang taon ang apo ko sa iyo. Pero puwede na rin." Parang may gusto pang idugtong si Lola pero hindi na niya tinuloy.Ibig sabihin ay dalawampu't anim na taon na pala ang edad ng apo ni Lola. "Noong estudyante pa lamang siya ay nagtatrabaho na ang apo ko, hija. Masipag na bata iyon at mabait. Sa dami ng pinagdaanan sa buhay ay nakayanan niya lahat. Hindi naging madali ang nakaraan niya kaya hanga ako sa batang iyon dahil malaki na ang naabot sa buhay niya."Namangha ako sa sinabi ni Lola tungkol sa apo niya. Hindi ko man alam ang buong kuwento pero ramdam ko ang pagiging proud ni Lola sa kaniya
Chapter 11Beat"Tumigil ka nga! Diyan ka lang!" Bingi yata ang lalaking ito dahil lapit nang lapit pa rin sa akin. Hanggang sa wala na akong maatrasan. Naramdaman ko nalang ang matigas na pader ng pintuan sa likod ko. Nagulat pa ako nang ikinulong niya ako sa pagitan ng mga bisig niya."Anong nararamdaman mo?" sambit niya.Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya halos maramdaman ko na ang kaniyang hininga. Naka-aircon naman ang kuwarto niya pero bakit bigla nalang uminit sa loob?"Ha! Akala mo naman ginusto ko ang nangyari? Aksidente nga lang 'yon!""Yeah. It was just an accident. Ang tinutukoy ko..."Ano ba ang tinutukoy niya? Bakit hindi nalang niya ako diritsuhin? Ang dami niya pang sinasabi."Anong nararamdaman mo na ganito tayo?" napapaos pa nga ang boses niya nang hindi binibitawan ang titig sa akin.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na ang sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa. Walang bumibitaw sa pagtitigan namin. Sinusundan niya pa nga ang bawat ga
Chapter 12Senior Ball"Wow! You look like a princess tonight!" si Bianca nang makita ako pababa sa malaking hagdan nila. Nakabihis na siya at tapos na rin ayusin lahat. Ako nalang ang hinihintay niyang matapos. Ang suot ko ay eclipse gown royal blue. May mga glitters siya na kumikinang pagmasdan at mayroong slit sa left side. Ang simple lang ng pagkadisenyo pero maganda siya para sa akin at kumportable ako sa suot na ito.Hindi sana ako pupunta rito sa bahay nila dahil ang usapan lang namin ay susunduin niya ako sa bahay para sabay na kami pumunta sa hotel. Pero mas gusto niyang sa bahay nila ako mag-ayos dahil may kaibigan daw ang mommy niya na isang professional make-up artist at libre lang lahat. Pumayag na lamang ako dahil alam kong hindi niya ako tatantanan kapag hindi ako pumayag sa gusto niya. At isa pa, libre naman lahat kaya pumayag na rin ako. "Perfect! Fabulous! Bagay talaga sa'yo ang straight hair at kulot sa bandang dulo," rinig kong sinabi ni Bobs ang baklang make-up ar
Chapter 13PisoIsang matangkad na lalaki ang tumigil sa harapan ko kaya kailangan ko pa i-angat ang ulo ko para makita ang mukha niya. "Puwede ba, tumabi ka- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang hinigit pa nito ang isang braso ko. Nagulat ako at sisigaw na sana ngunit agad nitong natakpan ang bibig ko gamit ang isang kamay niya. Napansin ko pang dinala niya ako sa pinakadulo na parte."Nasaan na siya? Nakita ko siyang dumaan dito!""Oo nakita ko rin! Pero ang bilis niyang umalis kaya nawala agad siya sa paningin ko!"Boses mga babae at ramdam kong nasa likod ko lang sila. Kahit hindi ko sila makita alam kong marami sila dahil sunod-sunod ang mga naririnig kong yapak ng mga paa. Lilingon sana ako sa likod ngunit hindi ko nagawa nang biglang nagsalita ang lalaking nasa harapan ko."Stay still."Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa dahil tinatakpan pa rin nito ang bibig ko habang ang isang kamay nito ay nasa likod ng batok ko. Ang
Epilogo"Huwag kang mag-alala, hijo. Ginagawa namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilyang Villafuerte," sabi ni Mr. Rosales, ang pulis na humahawak sa kaso. Tinapik niya pa ang balikat ko. I know him for almost fifteen years."Kung kailangan niyo po ng tulong nandito lang ako," saad ko."Maraming salamat, hijo."Labinlimang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga suspect sa pagpatay sa mag-asawang Villafuerte. Ganoon din ang sinapit sa adopted daughter nilang si Ophelia. Ophelia Villafuerte is a childhood friend of mine. She's like a sister to me. Ngunit hindi ko inaasahan na maaga siyang mawawala. Hindi ko alam na hanggang doon nalang pala ang pagsasama namin. Sabay pa sana namin tutuparin ang mga pangarap namin. At nangako ako sa kaniya na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang nakababatang kapatid niya. Nangako ako sa kaniya kaya tutuparin ko iyon. Darating din ang panahon na iyon. Darating din."Wow! What a gre
Kabanata 34FeelingsNalalapit na rin ang CLE board exam namin kaya abala ako ngayon sa pag-re-review ulit dito sa isang library center. Ilang sandali lamang ay tumunog bigla ang cellphone ko. Ang bumungad sa akin ay text galing kay Bianca. Sabi niya ay puntahan ko raw siya ngayon. Nasa isang coffee shop siya at hihintayin niya raw ako roon. Bakit kaya? May problema ba siya? Nang nasa tapat na ako ng coffee shop na kaniyang tinutukoy ay pumasok na rin ako sa loob. Pagpasok ko ay agad nakita ko siya sa unahan nakaupo sa pandalawahang mesa. Nang makalapit ako sa table niya ay umupo ako sa harapan."M-Mia..." nauutal niyang tawag sa akin.Napatingin ako sa kaniyang mga matang namamaga. "Anong nangyari? May problema ka ba?" pag-aalala ko."Nakita ko si Jayson kahapon may kasamang ibang babae."Nagulat ako sa narinig. Nanlaki pa ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kanya. Hindi ko kailanman naisip na gagawin ito ni Jayson sa kaniya. Alam kong minsan hindi n
Kabanata 33ProbinsiyaHalos isang buwan na ang lumipas pero laman pa rin ito sa mga balita hanggang ngayon. Gulat ang lahat nang malaman na si Mang Gardo pala ang puno’t dulo ng krimen. Siya ay isa palang tauhan ng pamilyang Villafuerte noon. At walang kaalam-alam ang Lola ni Chadrick na isa palang mastermind ng krimen ang pinagkakatiwalaan niya. Nasa kulungan na rin ang mga sangkot sa krimen. Kailangan nilang pagbayaran ang pinagagawa nila na labag sa ating lipunan. At ang pagpaslang nila sa pamilyang Villafuerte. Nailigtas din ang mga batang nabiktima nila. Sa loob ng isang buwan ay marami rin ang nangyari. Graduate na rin ako ngayon sa kursong BSCrim. Matutupad na rin ang pangarap ko na maging isang ganap na pulis. At may isa pa akong gustong gawin.“Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?” tanong ni Bianca sa akin.“Oo, Bianca. Pupunta ako sa probinsiya.”“Gusto mo bang samahan pa kita? Wala naman akong gagawin sa susunod na Linggo kaya-”“Hindi na. Ayos lang, Bianca. Hindi naman ako
Kabanata 32 Handcuff Sa paraan ng pagtitig niya ay parang sinasabi pa niyang huwag akong mag-alala. “Mia, wala na tayong oras-” naputol ang sasabihin niya nang may biglang nagsalita sa itaas. “Tang ina! Tingnan niyo sa ibaba!” “Mia, umalis na kayo.” Nailipat ang tingin ko sa mga bata na ngayon ay takot na takot sa mga nangyayari. Ang ilan ay napapaiyak na nga. Sumikip ang dibdib ko sa nakita. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Hihintayin namin kayo,” iyan ang huling sinabi ko kay Chadrick bago ako tuluyang lumabas kasama ang mga bata. Madilim ng lumabas kami. Ang tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag. Halos napapalibutan kami ng mga malalaking puno. Huni ng mga ibon at yapak ng aming mga paa Lamang ang aking naririnig. Hindi ko alam kung malapit na ba kami sa kalsada dahil iba ang dinaanan namin kung saan walang nagbabantay. “Mga bata mag-iingat kayo sa paglalakad baka matapilok kayo,” sabi ko nang mapansing may muntik ng matapilok. Ngunit mabuti nalang nahawa
Kabanata 31 Danger “P-Paano nangyari ito? Bakit may mga pulis?!” sigaw ng lider nila. Binalingan pa nito ang dalawang kasamahan pero umiling lang ito sa kaniya. Wala ring ideya sa mga nangyayari ngayon. “Paano nangyari? Nalagyan ko ng tracking device sa ilalalim ng sasakyan niyo kaya nandito ang mga pulis,” paliwanag ko sa kanila. At nagkibit-balikat lamang. Pansin ko agad ang pagliyab ng galit sa mukha ng lider nila. “Bakit hindi niyo siya binantayan ng maayos?! Mga bobo ba kayo?! Mga walang kuwenta!” Bago pa magtalo ang tatlo ay mabilis silang hinuli ng mga pulis. At pinusasan pa ang mga kamay. Narecover din ang mga alahas at pera ng pamilyang Villafuerte. This time, babalik ako kasama ang ilang mga pulis sa lumang bodega upang iligtas ang mga bata roon at si Chadrick. “Anak, mag-iingat ka. Susunod kami sa inyo,” iyan ang huling habilin ni Papa bago kami umalis ng tatlong kasamahan kong pulis gamit ang sasakyan ng mga suspect. At ang suot din ng tatlong pulis ay ang suot ng
Kabanata 30 Mission "Sakto ba ang dala niyong pera?" unang tanong ng lalaki. May dalawa pa siyang kasama. May kaniya-kaniya itong hawak na baril. Tumingin ako sa batang babae na sa tingin ko ay anim na taong gulang pa lamang. Hawak pa ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ng bata. "Oo. Walang labis at walang kulang," si Chadrick na mismo ang sumagot. "Pre, tingnan mo kung sakto ba ang dala nilang pera," sambit nito sa isang kasamahan niya. Bago pa siya makalapit ay nagsalita ako. "Sandali! Pakawalan niyo muna ang anak namin," seryoso kong sinabi sa kanila. Napahinto ang lalaki at napalingon sa kasama niya. Tumango ito pero bago pa pakawalan nila ang bata ay nagsalita ito. "Hindi sila ang Mommy at Daddy ko!" Nagulat kaming lahat sa sinigaw ng bata. Agad tinutok sa amin ang mga baril nila. Shit. Babarilin yata kami nito. Ito na yata ang sinasabi ng karamihan na hindi marunong magsinungaling ang bata. Nagkatinginan kami ni Chadrick. Umaayon din ang plano namin. "Hulihin sila!”
Kabanata 29 It's Showtime "Kung ayaw niyo akong tulungan. Aalis ako mag-isa." Sisiraduhin ko na sana ang pinto ng sasakyan nang mapansin ko ang pagbuntonghininga ni Bianca. Nagkatinginan pa sila ni Gabriel bago siya bumaling sa akin. "Sasama kami sa'yo." "Tutulungan ka namin," si Gabriel. Gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko sa narinig mula sa kanila. Agad ko naman pinaandar ang sasakyan nang pumasok sila sa loob. Nakakasigurado akong papunta si Chadrick sa police station ngayon. Kailangan kong alamin kung ano ang pinaplano nila. Baka mabaliw ako sa kakaisip kung mananatili ako rito. Pagkalipas ng ilang oras sa byahe ay nasa tapat na rin kami ng police station. Tinanggal ko ang seatbelt bago lumabas ng sasakyan. Papasok na sana ako sa loob ng biglang hinawakan ni Bianca ang isang braso ko. "Mia, magagalit ang Papa mo kapag nakita ka niyang nandito ka," madiin ang pagkakasabi niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso. "Alam ko. Kaya hinanda ko na ang sarili ko para rito,"
Kabanata 28 Cold "Change your clothes." Napaangat ako ng tingin sa kaniya. May inaabot siyang damit sa akin. Medyo basa pala ang suot ko ngayon dahil maulan kanina. Kinuha ko sa kaniya ang damit. Isang puting longsleeve na polo. Nang lumabas siya ng kuwarto ay nagpalit ako ng damit. Malaki ang polo niya kaya hanggang tuhod ito sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit magkakilala sila ni Papa pero sobrang okupado ang isip ko sa mga nangyayari sa pamilya ko para dagdagan pa. Hanggang sa sumapit ang hatinggabi ay hindi pa rin ako makatulog dito sa loob ng kuwarto. At paano ako makakatulog ng maayos kung nasa piligro ang buhay ng kapatid ko. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong nandito ako sa isang abandonadong bahay na parang nakakulong at walang nagagawa para iligtas si Sky kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Ngunit napabangon lamang ako mula sa pagkakahiga nang may pumasok sa isip ko. Teka, kung hindi alam ng mga pulis ang tungkol sa kayamanan ng pamilyang Villafuerte. Bakit
Kabanata 27 Intention Napansin niyang may hawak akong litrato kaya kinuha niya ito sa kamay ko. Narinig ko pang napamura siya nang mabasa ang nakasulat sa likod ng litrato. "Umalis na tayo rito," usal niya sabay hinawakan ang braso ko para itayo ng maayos. Nasa labas na rin kami at hawak niya ang isang kamay ko ngayon. "Pumunta muna tayo sa ospital kailangan kong makausap ang mga magulang ko," madiin kong sinabi sa kaniya. Hindi siya nagsasalita. Nakita ko pang nagpakawala niya ng malalim na hininga bago hinawakan ang magkabilang braso ko. Nang magkaharap kami ay napansin ko ang pagtitig niya sa akin na parang siya pa ang mas nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon. Pumikit siya ng mariin bago iminulat ang mga mata. "Aalis tayo.” Nasa loob na rin kami ng sasakyan at sabay binuhay niya ang makina. Hindi na ako makapaghintay makausap si Papa. Ngunit habang nasa byahe kami ay napapansin kong ibang daan ang tinatahak namin. Hindi ito ang daan papunta sa osptial! Tumingin ako sa kaniya.