Share

Chapter 22

Kung sa tingin ni Natalia ay isang normal na araw lang para sa mga Harrington ang nangyari kay Tristan, nagkakamali ito dahil sa tindi ng galit ni Maxwell sa mga tao sa mansion, lalo na kay Lucia at sa mga katulong doon. Noong gabi kung kailan nahulog si Tristan mula sa kwarto nito, talagang nag-init ang ulo ni Maxwell sa kung sino mang makasalamuha nito.

Ni hindi nga naisip ni Maxwell ang muli nilang pagkikita ng dati nitong asawa na si Natalia. Hindi pa ito pumapasok sa kaniyang isipan noong araw na 'yon dahil prayoridad talaga nitong totoo ang anak niyang si Tristan. Pagbalik nito sa mansyon noong kinagabihan ay pinagsisigawan agad nito si Lucia, na siya namang takot na takot at hindi talaga nagsalita.

Bukod pa riyan, nagalit din ang nanay ni Maxwell na minsan ay dumadalaw din sa mansyon. Dahil kumalat na rin sa media at mga bali-balita ang nangyaring pagsugod ng mga Harrington sa hospital dahil sa nangyari kay Tristan, hindi rin nagtagal ay narinig ng nanay ni Maxwell ang balita.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status