Pagpasok ni Lucia sa kwarto, nakita niya ang inaakala niyang si Tristan na nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot mula ulo hanggang paa. Mataas ang kanyang kilay, at bakas sa mukha niya ang iritasyon. Inilapag niya ang dalang bag sa maliit na mesa malapit sa kama at marahang lumapit. Tumigil siya sa gilid ng kama at tinitigan ang kumot na mahigpit na nakabalot sa bata."Tristan," tawag niya nang mababa ngunit matalim ang tono, "alam kong gising ka. Tumigil ka na sa drama mo."Walang reaksyon mula sa ilalim ng kumot. Tumikhim si Lucia, pilit pinipigil ang iritasyon, at lumapit pa nang bahagya. Tinapik niya ang bata sa balikat, maingat ngunit may bahid ng paninita."Hoy, Tristan. Huwag mo akong lokohin. Alam kong hindi ka tulog," dagdag niya habang pinipilit ang sarili na maging kalmado. Ngunit kahit ano pa ang sabihin niya, nanatili si Liam sa ilalim ng kumot, pilit pinapakalma ang sariling tumitibok nang mabilis ang puso.Napangiwi si Lucia, nawawalan na ng pasensya. "Talaga, ha? G
Hindi makapaniwala si Lucia sa kanyang naririnig at nakikita. Ang batang nasa harap niya—si "Tristan" na tahimik at masunurin sa lahat ng pagkakataon—ngayon ay sigaw nang sigaw, umiiyak, at gumagawa ng eksenang hindi niya kailanman naisip na mangyayari. Napatitig siya sa sahig kung saan humandusay ang bata, nakakunot ang noo habang sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari."Tristan, ano bang ginagawa mo? Tumigil ka nga diyan!" galit ngunit halatang nagtatakang tanong ni Lucia habang inilalapit ang sarili sa bata, pilit na iniintindi ang sitwasyon.Ngunit si Liam, na sa isip niya’y kailangang maituloy ang pagpapanggap upang tuluyang mapaniwala ang lahat, ay mas lalong nagpakababa ng boses, nanginginig at tila nawawala sa katinuan. "Tama na po! Tama na po! Ayoko na po! Maawa kayo!" "Tristan, anong sinasabi mo?! Hindi kita sinaktan! Tumigil ka nga sa kalokohan mo!" sigaw ni Lucia, tila naubusan na ng pasensya ngunit hindi pa rin makapaniwala na ang bata ay nagpapakita ng ganitong
Tahimik ang buong silid. Ang malamig na ihip ng aircon ang tanging naririnig sa pagitan nilang mag-ina. Si Liam, nakaupo sa gilid ng kama, nakatungo ang ulo at halatang hindi mapakali. Ang mga paa niya ay bahagyang nakalambitin sa sahig, na tila hindi alam kung saan dapat ilagay.Samantalang si Natalia, nakatayo pa rin malapit sa pintuan, nakasandal sa dingding na parang kailangan niyang suportahan ang sarili mula sa bigat ng emosyon na nararamdaman niya. Ang tingin ni Natalia ay nakatuon kay Liam, pero ang isip niya ay naglalakbay sa kung saan. Pilit niyang inuunawang mabuti ang sitwasyon habang pinipigilan ang nagbabadyang pagsabog ng kanyang galit at kaba. Ang lahat ng itinayo niyang pader para protektahan si Liam, ang mga sikreto at sakripisyong ginawa niya, parang nagkaroon ng malaking butas na hindi niya maayos sa isang iglap.Hindi siya makapaniwalang nandito ngayon ang kanyang anak sa ospital, ang lugar na pinilit niyang iwasan nito sa takot na matuklasan ng mga Harrington an
“TULONGGG!” isang malakas na sigaw ni Natalia pagpasok nito sa pinakamalapit na hospital sa kanilang lugar. Hindi nito alam ang kaniyang gagawin. Ang alam lang nito’y kailangan niyang mailigtas ang kaniyang anak na dala-dala nito sa sinapupunan. Bahagyang bumigay ang tuhod nito ngunit agad naman siyang nasalo ng isang doktor na inalalayan siya.“Ano pong nangyari, Ma’am?” tanong ng doktor.“M-Manganganak na po ako!” nanginginig nitong sambit kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. “Ano hong pangalan nila?”“N-Natalia…” mahinang sambit nito. “Natalia Harring—! Mali… Natalia Castaleon ang pangalan ko.”Kahit alas-diyes na ng gabi ay tila maingay at maliwanag pa rin dahil sa rumaragasang bagyo sa kanilang lugar. Kasabay ng pagdagungdong ng kalangitan ay ang pag-sigaw ni Natalia upang humugot ng lakas para sa kaniyang panganganak.Mahirap. Masakit. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala ngunit pinilit pa rin niyang maging malakas para sa kaniyang anak. Halos kalahating oras na
7 YEARS LATER… Mahangin, maaliwalas ang kalangitan. Kagagaling lang sa mahingang pag-ulan kaya ang hangin ay presko pa. Binuksan ni Tristan ang bintana sa kaniyang silid upang lumanghap ng sariwang hangin. Hindi nito maipaliwanag kung bakit magaan ang kaniyang pakiramdam kapag naulan na animo’y hinehele siya nito.Kung gaano kagaan ang pakiramdam niya tuwing naulan, gano’n naman kabigat ang dinaraing niya sa pamamahay kung nasaan siya ngayon. Tristan Harrington, limang taong gulang na anak ni Maxwell Harrington at ang ikinasal lamang anim na taon ang nakalilipas na si Olivia Harrington. Nang makarinig ito ng mahinang pagkaluskos sa labas ng kaniyang kwarto ay agad nitong isinara ang bintana at nagtalukbong ng kumot.Dahan-dahan niyang inilapat ang kumot sa kaniyang mukha dahil ito’y bahagyang masakit pa. Kung titingnang maigi, kitang-kita ang kapulahan sa pisngi nito dala ng isang malakas na sampal.Na sa tingin niya’y kilala naman ng lahat kung sino ang may gawa. “Tristan, buksan
BOOM!Isang malakas na tunog sa labas ng mansion ang narinig. Sina Lucia at yaya na malapit sa hardin ay agad na narinig ang pagbagsak sa kanilang kinatatayuan. Hindi pa sila nakararating sa pinanggalingan ng tunog ay may nauna na pala sa kanila.Ang guard ng mansion ay tila nanginginig na nakatingin sa isang halaman, direkta sa ibaba ng bintana ng kwarto ni Tristan. “Masama ito! Nahulog si Tristan galing sa kwarto niya!”Galing sa ikalimang palapag?!Dali-daling tumakbo si Lucia at ang kasama nitong katulong patungo sa kinatatayuan ng guard. Sinalo ng isang mabulaklak na mga halaman si Tristan, pero duguan ito’t walang malay. Tumingin din sa taas si Lucia at nakita ang mga nagpakataling kumot na ginamit ata ni Tristan upang makatakas sa kwarto. Umabot ang tali hanggang ikalawang palapag at doon na yata nagtangkang tumalon si Tristan.“Tumawag kayo ng ambulansya!” sigaw ni Lucia habang nagpa-panic na inaalalayan si Tristan. Mabilis na tumakbo ang katulong at ang guard papasok ng mans
“Di ba sinabi ko na sayo, Joaquin, h’wag mo na ako tatawagin sa pangalang ‘yan?” Mariing sambit ni Natalia habang nakangiti sa doktor na ngayo’y nasa harap na niya. Kahit sino mang nakakakilala kay Natalia rito sa Pilipinas, siguradong lahat sila’y magtataka kung bakit bigla itong sumulpot pagkatapos ng pitong-taon na halos wala itong paramdam. Siguro ang mas tamang tanong ay… “Buhay pa pala ang isang Natalia Costaleon?”Walang nakakaalam ng pinagdaanan nito noong nakaraang mga taon. Pa-sikreto itong umalis ng bansa sa tulong ni Joaquin, na siyang naging kaibigan niya simula noong insidente sa ospital sa probinsya pitong-taon ang nakalilipas. Ngayong nasa Maynila na sila, magkasama pa rin ito sa iisang ospital ngayong naging doktor na rin si Natalia Costaleon.Ngunit kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa ngayon dahil busy magpalit ng damit si Natalia para mag-opera sa mga pasyente nito, bahagyang namamawis ang noo ni Joaquin dahil sa matagal na panahon ay muli silang nagkita ni
“Anong sabi mo?!” sigaw ni Maxwell na animo’y rinig na rinig sa buong ospital.Gustong mamagitan ni Joaquin sa tensyong nagaganap sa pagitan ni Natalia at Maxwell ngunit wala rin itong magawa dahil nakaharang ang dalawang bodyguard upang walang makalapit sa kanila. Kitang-kita nito na kalmado lamang si Natalia na taas-noong nakatingin kay Maxwell at hindi iniisip kung gaano kataas na tao ang nasa harap nito ngayon.Well, para kay Natalia ay isang mababang-uring nilalang lang itong nasa kaniyang harapan. Isang Harrington na wala namang pinagmalaki kundi puro kayabangan, pambababae, at pang-aalipusta lamang. Kahit pa itong si Maxwell ay matangkad, mestizo, matangos ang ilong, at maganda ang kulay-berde nitong mga mata ay wala siyang pakialam.Para kay Natalia, isa lamang siyang walang-kwentang asawa na pinilipi siyang lokohin gamit ang sarili pa niyang kapatid. Huminga ito nang malalim at sinagot muli ang tanong ni Maxwell.“Ang sabi ko, hindi ko gagawin ang operasyon kahit patayin mo p
Tahimik ang buong silid. Ang malamig na ihip ng aircon ang tanging naririnig sa pagitan nilang mag-ina. Si Liam, nakaupo sa gilid ng kama, nakatungo ang ulo at halatang hindi mapakali. Ang mga paa niya ay bahagyang nakalambitin sa sahig, na tila hindi alam kung saan dapat ilagay.Samantalang si Natalia, nakatayo pa rin malapit sa pintuan, nakasandal sa dingding na parang kailangan niyang suportahan ang sarili mula sa bigat ng emosyon na nararamdaman niya. Ang tingin ni Natalia ay nakatuon kay Liam, pero ang isip niya ay naglalakbay sa kung saan. Pilit niyang inuunawang mabuti ang sitwasyon habang pinipigilan ang nagbabadyang pagsabog ng kanyang galit at kaba. Ang lahat ng itinayo niyang pader para protektahan si Liam, ang mga sikreto at sakripisyong ginawa niya, parang nagkaroon ng malaking butas na hindi niya maayos sa isang iglap.Hindi siya makapaniwalang nandito ngayon ang kanyang anak sa ospital, ang lugar na pinilit niyang iwasan nito sa takot na matuklasan ng mga Harrington an
Hindi makapaniwala si Lucia sa kanyang naririnig at nakikita. Ang batang nasa harap niya—si "Tristan" na tahimik at masunurin sa lahat ng pagkakataon—ngayon ay sigaw nang sigaw, umiiyak, at gumagawa ng eksenang hindi niya kailanman naisip na mangyayari. Napatitig siya sa sahig kung saan humandusay ang bata, nakakunot ang noo habang sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari."Tristan, ano bang ginagawa mo? Tumigil ka nga diyan!" galit ngunit halatang nagtatakang tanong ni Lucia habang inilalapit ang sarili sa bata, pilit na iniintindi ang sitwasyon.Ngunit si Liam, na sa isip niya’y kailangang maituloy ang pagpapanggap upang tuluyang mapaniwala ang lahat, ay mas lalong nagpakababa ng boses, nanginginig at tila nawawala sa katinuan. "Tama na po! Tama na po! Ayoko na po! Maawa kayo!" "Tristan, anong sinasabi mo?! Hindi kita sinaktan! Tumigil ka nga sa kalokohan mo!" sigaw ni Lucia, tila naubusan na ng pasensya ngunit hindi pa rin makapaniwala na ang bata ay nagpapakita ng ganitong
Pagpasok ni Lucia sa kwarto, nakita niya ang inaakala niyang si Tristan na nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot mula ulo hanggang paa. Mataas ang kanyang kilay, at bakas sa mukha niya ang iritasyon. Inilapag niya ang dalang bag sa maliit na mesa malapit sa kama at marahang lumapit. Tumigil siya sa gilid ng kama at tinitigan ang kumot na mahigpit na nakabalot sa bata."Tristan," tawag niya nang mababa ngunit matalim ang tono, "alam kong gising ka. Tumigil ka na sa drama mo."Walang reaksyon mula sa ilalim ng kumot. Tumikhim si Lucia, pilit pinipigil ang iritasyon, at lumapit pa nang bahagya. Tinapik niya ang bata sa balikat, maingat ngunit may bahid ng paninita."Hoy, Tristan. Huwag mo akong lokohin. Alam kong hindi ka tulog," dagdag niya habang pinipilit ang sarili na maging kalmado. Ngunit kahit ano pa ang sabihin niya, nanatili si Liam sa ilalim ng kumot, pilit pinapakalma ang sariling tumitibok nang mabilis ang puso.Napangiwi si Lucia, nawawalan na ng pasensya. "Talaga, ha? G
Lumabas na sina Natalia at Tristan mula sa VIP ward kung saan sila pansamantalang nananatili. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa air-conditioning ay tila bumalot sa kanilang katawan habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital. Sa labas ng kwarto, may mga nars na abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga pasyente. Ang ilan ay nagmamadaling may dala-dalang mga clipboard, habang ang iba naman ay marahang tinutulak ang mga wheelchair ng mga nakangiting pasyente. Ang tunog ng rubber shoes na dumudulas sa makintab na tiles ng ospital ay naging background noise sa tila tahimik na umaga.Kahit tila abala ang lahat sa ospital, nananatili pa ring kalmado ang kapaligiran. Ang bawat hakbang nila Natalia at Tristan ay tila sinasalubong ng malamlam na liwanag mula sa mga fluorescent lights sa kisame. Hinawakan ni Natalia ang kamay ni Tristan, bahagyang iniakay ang bata habang maingat silang naglalakad patungo sa psych department.“Okay ka lang ba, Tristan?” tanong ni Natalia, bahagyang tumigil
Mataas na ang araw nang magising si Maxwell. Ramdam niya ang init ng sinag ng araw na sumisilip sa manipis na puting kurtina, dahan-dahang pinupuno ang kwarto ng banayad na liwanag. Parang nagbibigay ito ng bagong simula, isang pagkakataon upang makapagpahinga mula sa mga problema ng kahapon. Ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ay bumabalot sa buong silid, nagbibigay ng komportableng temperatura na tila sumasalungat sa init ng araw. Malinis at tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng banayad na hilik ni Tristan ang maririnig.Umupo si Maxwell sa gilid ng kama, hinihilot ang sariling batok at marahang umikot ang balikat upang alisin ang tensyon mula sa pagtulog sa hindi komportableng posisyon. Ang kanyang mga mata ay tumingin sa anak niyang mahimbing pang natutulog. Payapa ang mukha ni Tristan, tila wala itong anumang alalahanin. Ngunit para kay Maxwell, ang tahimik na sandaling ito ay puno ng pag-aalala. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga nangyari sa bata nitong mg
Paglabas ni Natalia mula sa banyo, dama ang malamig na hangin na sumalubong sa kanyang balat. Nakadamit na siya, suot ang isang simpleng ngunit elegante na cotton dress na hanggang tuhod ang haba. Ang kulay nitong mapusyaw na peach ay bumagay sa kanyang makinis na kutis, habang ang bahagyang v-neckline nito ay nagpakita ng kanyang collarbone nang walang labis na pagpapakita.Ang damit ay niyakap ang balingkinitang hubog ng kanyang katawan nang perpekto, sapat upang ipakita ang kanyang natural na ganda ngunit nanatiling disente. Ang kanyang buhok ay basa pa mula sa paliligo, at ang mga hibla nito ay kumikinang habang tumutulo ang tubig sa dulo. Nakayapak siya habang marahang naglakad palabas.Pagtingin niya sa kama, nakita niya si Maxwell na nakahiga nang komportable, ang ulo’y nakasandal sa unan habang may bahagyang ngisi sa kanyang labi. Nakasuot ito ng itim na sando, ang malalapad nitong balikat at ang defined na muscles sa braso ay litaw na litaw. Nakatingin ito kay Natalia, tila s
Naririnig ang patak ng tubig mula sa shower habang nakapikit si Natalia, dinadama ang bawat agos ng maligamgam na tubig na dumadaloy sa makinis niyang balat. Kakaibang ginhawa ang hatid nito matapos ang mahabang araw.Sa loob ng banyo, ang marmol na dingding ay nagre-reflect ng ilaw mula sa soft-lit vanity lamp sa ibabaw ng salamin. Malinis ang paligid, tahimik maliban sa tunog ng tubig, na parang nag-iimbita ng pagkakataong magpahinga.Inabot ni Natalia ang bote ng lavender-scented shampoo at dahan-dahang nilagyan ang buhok. Habang hinahagod niya ito, napansin niya ang kanyang sariling repleksyon sa malapad na salamin sa harapan. Ang mahabang araw na pag-aalaga kay Tristan at ang dami ng emosyon na naramdaman niya ay tila nakaukit sa bawat linya ng kanyang mukha. Ngunit sa kabila nito, nandoon pa rin ang kakaibang tikas at alindog.Bilang isang doktor, alam niyang mahalaga ang pag-aalaga sa sarili, at makikita ito sa bawat aspeto ng kanyang anyo. Ang kanyang balat ay makinis at banay
Tahimik ang gabi sa VIP ward kung saan naka-check-in si Tristan. Ang iilang tunog ng aircon at ang mahina't marahang paghinga ng bata ang tanging naririnig. Kakapatulog lang ni Natalia kay Tristan matapos itong magreklamo ng kaunting pananakit sa tiyan. Maingat niyang inayos ang kumot nito, sinisiguradong hindi maipit ang galaw ng bata habang natutulog. Sinilip pa niya ang noo nito upang tiyaking hindi na ito nilalagnat. Nang masiguradong maayos na ang lagay ni Tristan, bahagya siyang napabuntong-hininga.Ngunit kahit tapos na ang mga gawaing kailangan niyang asikasuhin para kay Tristan, tila hindi siya makaramdam ng ginhawa. Kahit pa malamig ang silid at wala namang ibang ingay bukod sa mahinang tunog ng aircon, ramdam niya ang bigat sa kaniyang dibdib. Siguro’y dahil na rin sa presensya ni Maxwell, na abala sa lamesa malapit sa kama ng bata. Hindi niya maiwasang mapansin ang tahimik ngunit mabuway na tensyon sa pagitan nilang dalawa, kahit wala silang direktang pag-uusap. Nakaupo s
"Anong sinasabi ng iba tungkol sa atin?"IYAN ANG tanong ni Maxwell, nakakunot ang noo habang nakatitig kay Natalia. Kita sa kaniyang mukha ang seryosong pag-aalala at bahagyang pagkabigla.Tumingin si Natalia sa pinto, tila nag-aalangan kung dapat ba niyang sabihin ang totoo. Ngunit alam niyang hindi na niya maiiwasan ang tanong na iyon. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Maxwell, palaging may mga mata at tainga dito sa ospital. May mga usap-usapan na... na baka may higit pa sa pagitan natin kaysa sa dapat. Alam mo naman kung gaano kabilis kumalat ang mga gano'ng bagay."Saglit na natahimik si Maxwell, ang tingin nito ay tila malayo. "Hindi ko inaasahan 'yan," aniya, halos pabulong. "Akala ko ayos lang ang lahat. Hindi ko alam na ganito na pala ang tingin nila sa'yo."Napabuntong-hininga si Natalia, pilit na pinipigilan ang sarili na maging emosyonal. "Hindi ko sinasabi 'to para sa'yo, Maxwell. Sinabi ko 'to dahil kailangan kong protektahan ang sarili ko... at si Tristan. Ayo