Share

Chapter 4

“Di ba sinabi ko na sayo, Joaquin, h’wag mo na ako tatawagin sa pangalang ‘yan?” Mariing sambit ni Natalia habang nakangiti sa doktor na ngayo’y nasa harap na niya. 

Kahit sino mang nakakakilala kay Natalia rito sa Pilipinas, siguradong lahat sila’y magtataka kung bakit bigla itong sumulpot pagkatapos ng pitong-taon na halos wala itong paramdam. Siguro ang mas tamang tanong ay… “Buhay pa pala ang isang Natalia Costaleon?”

Walang nakakaalam ng pinagdaanan nito noong nakaraang mga taon. Pa-sikreto itong umalis ng bansa sa tulong ni Joaquin, na siyang naging kaibigan niya simula noong insidente sa ospital sa probinsya pitong-taon ang nakalilipas. Ngayong nasa Maynila na sila, magkasama pa rin ito sa iisang ospital ngayong naging doktor na rin si Natalia Costaleon.

Ngunit kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa ngayon dahil busy magpalit ng damit si Natalia para mag-opera sa mga pasyente nito, bahagyang namamawis ang noo ni Joaquin dahil sa matagal na panahon ay muli silang nagkita ni Natalia.

Hindi pa nito nasasabi nang buo ang nangyari 7 years ago. Kahit alam nito na walang naaalala si Natalia sa trahedyang naganap noon, wala pa rin siyang lakas na sabihin ito nang harapan. Ni hindi nagawang magtanong ni Joaquin kung sino ang mga nag-alipusta kay Natalia noon.

Ang alam lang nito, kailangan niyang mapanatili ang kapayapaan sa isip ni Natalia. 

Nang mapansin nito ang kaniyang sarili na nakatulala na sa babaeng nasa harap nito, mariin niyang inayos ang kaniyang tindig. “Sorry naman, Dra. Allyson Costaleon.” sambit nito gamit ang ipinalit na pangalan ni Natalia.

Sa ibang tao, Allyson ang pangalan nito. Costaleon pa rin naman ang kaniyang apelyido dahil hindi na niya ito nagawang papalitan sa ibang bansa.

“Anyway, nabanggit ko na sayo kung sino ang pasyente mo, tama? Pitong-taong gulang, nag-iisang anak ni Mr. Harrington. Kailangan mong maging maingat sa operasyon dahil malaking pera ang itinulong sa ospital na ito ng pamilya nila.” paalala ni Joaquin.

Nagsusuot na ng damit pang-opera si Natalia at pagkatapos ay itinali ang kaniyang buhok. “Pantay-pantay ang trato ko sa mga pasyente ko kaya walang dahilan para ipaalala mo sa akin ‘yan. Parang hindi mo naman ako kilala, Joaquin. Gagalingan ko rin sa operasyong ito… teka, sinong Harrington?”

“Mr. Maxwell Harrington? Yung kilalang negosyante.”

H-Harrington? 

Napatigil si Natalia sa pag-aayos ng kaniyang buhok at bahagyang umupo sa lamesa ng opisina ni Joaquin. Kahit naka-face mask na siya ngayon ay kitang-kita pa rin sa kaniyang mga mata ang pagka-bagabag sa mga narinig.

Hindi nito akalain na pagkatapos ng mahabang panahon, magtatagpo pa rin ang kanilang mga landas. Tulad ng ginawa ni Joaquin para kay Natalia, maging si Natalia mismo ay hindi nagsalita patungkol sa dati nitong asawa para tuluyan na niya itong makalimutan. 

Nanatili itong tahimik kaya’t nagtanong muli si Joaquin. Dahil nga hindi nagsabi si Natalia at hindi rin nagtanong si Joaquin tungkol sa nangyari noon, hindi nito alam ang ugnayan ni Natalia at Maxwell. 

“May anak si Maxwell?” gulat na gulat na tanong ni Natalia.

“Oo, isang lalaki na pitong-taong gulang na. Nabanggit ko naman sayo kanina ‘di ba?”

Hindi makapag-isip nang matino si Natalia. Ang alam nito, may isang anak siya kay Maxwell na ngayon ay itinatago niya malayo sa ama. Kung magkakaroon naman ito ng anak sa ex-wife nito bago pa man ang relasyon nila, dapat 9 years old na ito. 

Kung mayroong anak si Maxwell na pitong-taong gulang, kasabayan ito ng pagbubuntis ni Natalia sa anak nito. “S-Sinong ina? Kilala mo?”

“Si Olivia Harrington ang ina.”

Nagpantig ang tainga ni Olivia at saka pinigilan ang mga mata na maluha. So gano’n pala ang mga nangyari. Tama nga naman. Kahit noon ay alam naman ni Natalia kung sino ang kabit ng asawa niyang si Maxwell.

Si Olivia Costaleon, panganay nitong kapatid. Mukhang Olivia Harrington na ang pangalan nito pagkatapos mag-asawa muli ni Maxwell.

Matamlay na binitawan ni Natalia ang kaniyang buhok at saka nagsalita. “Joaquin, sorry, pero mukhang hindi ko kayang ituloy ang operasyon na ito.”

Napakunot ang noo ni Joaquin at saka umupo sa tabi ni Natalia. “Bakit? Hindi ba’t pumayag ka na rin naman noong i-send ko sayo ang impormasyon tungkol kay Tristan?”

“B-Basta… masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa jetlag. Kahapon mo lang ako pinauwi galing abroad, ‘di ba?”

“Pinauwi kita para gawin ang operasyong ito… tapos ngayon ay bigla kang tatanggi?”

Hindi na nagsalitang muli si Natalia at lumabas na lang ng opisina ni Joaquin. Agad din siyang hinabol ni Joaquin dahil walang ibang doktor ang makasisiguradong magiging successful ang operasyon kundi si Natalia lamang. 

“Dra. Allyson, kailangan mong gawin ito!” tawag ni Joaquin habang hinahabol si Natalia. Sinigurado nitong ‘Allyson’ na ipinalit na pangalan ni Natalia ang itatawag nito kapag sila’y nasa labas at may ibang tao. 

Sa ‘di kalayuang lugar, narinig ni Maxwell na gustong iwan ng doktor ang operasyon ng kaniyang anak kaya nag-init ang ulo nito. Nakahanda na ang operating room pero wala pa ring doktor hanggang ngayon? Tiningnan nito ang dalawang bodyguard niya at sa isang segundo, tila alam na ng mga ito ang gagawin. 

Hinabol ng dalawang bodyguard si Joaquin at ang doktor na hinahabol nito. Sa isang iglap, hawak na nila ang isang babaeng naka-puting damit at tila ni isa sa kanila ang nagsalita.

Sa lugar kung nasaan sila ngayon, kaunti lang ang tao. Hindi pa man nakakalingon si Natalia ngunit alam na niya kung sino ang mga ito.

Maxwell Harrington. 

Iniayos ni Natalia ang kaniyang tindig at kalmadong humarap sa dalawang maskuladong lalaki na pumigil sa kaniya. Sa likuran ng dalawang ito, papalakad ang dati niyang asawa na tila galit na galit sa kaniya. 

Hindi napigilan ni Natalia na i-kuyom ang kaniyang kamao dahil sa galit kay Maxwell. Hindi maitatago ng face mask ang galit sa kaniyang mga nanlilisik na mata hanggang sa makalapit ang lalaking kinaiinisan niya. 

“Mr. Harrington, biglang sumama ang aking pakiramdam kaya hindi ko magagawa ang operasyon ng inyong anak. H’wag kayong mag-alala dahil may iba pa namang magagaling na doktor sa ospital na ito. Pupuntahan ko na sila ngayon.” mariing sambit ni Natalia habang sinusubukang maging kalmado.

Ngunit walang pakialam si Maxwell sa kaniyang narinig. Kung para sa kaniyang anak, gagawin niya ang lahat. Kahit pa kaladkarin itong doktor na nasa kaniyang harap ngayon, gagawin niya pa rin para lang maisalba sa panganib si Tristan. 

“Paano kung kaladkarin kita papunta sa operating room at gawin ang surgery, anong gagawin mo?”

Napangisi si Natalia ngunit hindi naman ito nakita ng iba dahil sa face mask niya. Sa isip-isip nito, hindi pa siya nakikilala ni Maxwell dahil na rin sa nakaharang sa kaniyang mukha. Kahit naiinis, sinubukan niyang kumalma at inisip na hindi na siya si ‘Natalia’ na tinapak-tapakan nila noong nakaraang pitong-pitong taon.

Sa harap ni Maxwell, Dra. Allyson Costaleon na ang pangalan nito. Inayos ni Natalia ang kaniyang tindig at saka nagsalitang muli.

“Kahit patayin mo pa ko ngayon, hindi ko gagawin ang operasyon na ito.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status