"Kailangan mo pa munang ipahinga ang mga kamay mo, pati ang ibang parte ng iyong katawan, Allyson. Kung pipilitin mo talagang obserbahan ang pasyente mong si Tristan, hahayaan kitang ikaw muna ang mag-alaga sa kaniya hanggang ma-discharge."'Yan ang mga huling bilin sa kaniya ni Joaquin bago nito iwan sina Natalia, Caroline, at Christian sa clinic noong isang araw. Dahil sobrang haba ng araw noon, nagpahinga na ito pag-uwi hanggang kahapon. Ngayong araw ay magsisimula na ulit siyang bumalik sa pagtatrabaho sa hospital para alagaan si Tristan na nasa intensive care unit (ICU) pa rin. "Liam, darating mamaya yung homeschool teacher mo ha? Magtatrabaho na si mama." mahinhing sambit ni Natalia at saka hinaplos ang buhok ng anak. Ngumiti si Liam at hinalikan sa pisngi ang ina. "I love you, 'nak.""I love you too, Mama! Ingat po kayo sa byahe." sambit ni Liam sabay ngiti. Bumalik na rin ito sa pagkukulay ng kaniyang coloring book.Lumabas na si Natalia sa kwarto kung saan nag-aaral ang anak
"Bakit mo pinapakain ang alaga ko?!"Si Lucia na naman, sambit ni Natalia sa kaniyang paghinga. Mabuti na lang talaga't naka-facemask at damit pang-doktor pa rin si Natalia dahilan para hindi siya makilala ni Lucia. Kung nakaraan ay hindi ito nakilala ni Lucia, kampante si Natalia na hindi rin siya makikilala ngayon."Tita, kumain lang po ako ng lugaw. H-Huwag po kayong magalit sa kaniya." takot na sambit ni Tristan. Sinubukan nitong gumalaw ngunit masakit talaga ang kaniyang katawan.Naningkit ang mga mata ni Lucia hindi kay Tristan, kundi kay Natalia dahil tila nakikilala niya ito. Bahagyang pinagpawisan si Natalia dahil ang akala nito'y nakilala na siya, ngunit hindi pala nang bigla muling magsalita si Lucia. "Tama! Ikaw yung doktor na matabil ang dila na nag-inarte pang operahan ang isang Harrington 'di ba?"Walang naisagot si Natalia. Bahagya lang itong natawa."H'wag na h'wag mong susubuan ng kahit ano ang alaga ko ha. Paano kung may lason 'yan? Paano kung may ibang mangyari kay
"Sino sa tingin mo ang malalagot sa ating dalawa?''Yan ang mga huling katagang binitawan ni Lucia bago ngumisi't asarin si Natalia. Walang nagawa ang huli kundi panoorin na lang si Lucia lasapin ang kaniyang huling halakhak. Kilala ng lahat sa Manila, maging sa ibang kalapit na probinsya, ang pamilya Harrington, maging ang babaeng ito na si Lucia kahit na isa siyang Costaleon. Dahil na rin siguro kapatid si Lucia ng asawa ni Maxwell na si Olivia.At ang kagulat-gulat pa roon, alam ng lahat na napaka-bait nitong si Lucia. Maraming charity works, mga donations, at iba pa. Kilala rin itong mahilig sa bata na animo'y itinuturing na sariling anak si Tristan sa publiko.Ngunit sa nakikita ngayon ni Natalia, katawa-tawa na lang ang balita. Kung totoong gano'n nga ang naging ugali ni Lucia gaya ng ikinukwento ng iba, hindi dapat nito makikita ang nakita niya ngayon. Itinulak nito si Tristan. Kitang-kita ng mga mata ni Natalia ang takot sa mga mata ni Tristan, na ibig-sabihin ay madalas siyan
"Anong kaguluhan 'yan?!"Natahimik ang lahat ng naroroon sa kanilang kinatatayuan nang marinig ang boses ng isang Maxwell Harrington sa 'di kalayuan. Dahil patakbo si Christian upang pakalmahin si Natalia, una itong nakarating sa pwesto ni Natalia na siyang magulo na ang buhok. Nanggigigil at gusto pa ring kumawala ni Natalia ngunit hawak na siya ni Christian sa kaniyang mga braso. "Kumalma ka, Allyson...""Bakit ako kakalma eh wala naman akong kasalanan!" sigaw ni Natalia pabalik kay Christian.Kung ang sitwasyong ito ay katulad noong isang araw na wala namang ginawang masama si Natalia, maiintindihan pa ni Christian. Ngunit sa mga mata nito ngayon, maging ang lahat ng taong nakakikita na kilala ang pamilya Harrington, na kay Natalia ang tunay na sisi. Kilala ng lahat na ang isang hamak na doktor na nagngangalang Dra. Allyson ay sinaktan ang isang Lucia Costaleon na parte ng pamilya Harrington."Umalis na tayo rito bago pa lumala ang lahat!""Walang aalis!" malakas na sigaw ni Lucia
"At anong gagawin mo sa akin, ha?" matapang na sagot ni Natalia. Wala itong pakialam kung nakatingin sa kanila ang mga tao sa paligid. Wala namang nakakakilala sa kaniya dahil palagi siyang naka-facemask at balot ang kaniyang katawan ng mahabang lab gown.Tumingin lang sa kaniya si Maxwell at hindi nagsalita. Pagkatapos ng ilang segundo, bumulong ito sa kaniyang dalawang body guard na lagi nitong kasa-kasama. Ang mga ito'y pinaalis muna ang lahat ng nanonood sa paligid. Dahil malaki naman ang kwarto ni Tristan ay pumasok muna sila sa loob upang mag-usap. Pinakiusapan din sina Lucia at Christian na iwanan sila kahit na labag sa kanilang loob.Ngayon, magkaharapan na lang ngayon sina Maxwell at Natalia. Wala ni isang nagsalita sa kanila kung hindi pa muling sumagot si Maxwell. "Ano bang problema mo?" Kalmado lang ito at tila pagod nang makipag-away pa kay Natalia."Ikaw ang problema ko! Buong pamilya mo ang problema ko at kung paano niyo tinatrato ang anak ko!"Nanatiling kalmado si Max
"Ikaw naman ang tatanungin ko, Tristan, ha? Ano nga bang nangyari kanina noong wala pa ako? May nanakit ba sayo? Sabihin mo ang totoo, anak ko."Bahagyang tumungo si Tristan at animo'y nag-isip nang malalim. "Kumain po kasi ako ng lugaw na ipinapakain ni Dra. Allyson. Tapos nung pagdating po ni Tita Lucia, nagalit po siya...""Iyon lang ba?" pagtatanong pa ni Maxwell. Hindi ito kumbinsido sa sagot ni Tristan dahil masyado namang mababaw ito kung iyon lang ang naging dahilan ng pag-aaway nina Lucia at Natalia. Alam nito ang galit ng magkapatid sa isa't isa kaya inaalam din nito ang tunay na dahilan. Kahit na kilala na ni Maxwell ang dati nitong asawa sa pangalang Dra. Allyson, hindi pa rin nito sinasabi kay Lucia ang totoo dahil wala naman itong pakialam.Habang nakatungo, naalala ni Tristan ang lahat ng mga nangyari sa kaniya noong nahulog siya sa mansion nila. Naalala nito ang nakatatakot na hitsura ni Lucia nang i-lock nito ang pinto matapos siyang saktan. Napapikit ito dahil sa tak
"Mama, nasa hospital mo po ako! Bisitahin ko po kayo :)" Iyan ang natanggap na text ni Natalia kaya tila kinabahan ito sa kaniyang nabasa. Bakit nagpunta si Liam sa hospital? Paano kung makita siya ng mga Harrington?Sa harap ng hospital, isang batang nakasuot ng puting t-shirt at tila kagagaling lamang sa eskwela ang nakatayo at tila nilalamig na habang hawak ang isang malaking food box. Kasama nito ang kaniyang Yaya na si Tess na siya namang may hawak ng telepono ng bata.Gwapo ang batang ito kahit ilang taong gulang pa lamang. Dahil na rin siguro sa kaniyang mga berdeng mga mata, mestiso, at matangos na ilong ay kaya naka-a-attract ito ng mga tingin ng mga dumadaan. Ang iba't napatitingin at ngumingiti, ang iba nama'y tila napapakunot ang noo nang makita ang bata. Isa sa mga dumadaan ay ang isang makisig na lalaking naka-asul na tuxedo, prescription glasses, makisig ang pustura, at maskulado ang katawan. Ang salamin na suot nito'y bahagyang makapal, nagsasabing malabo ang kaniyang
"Syempre naman, para sa'yo, Mama." Kahit may hawak pa ring box na tila wala nang laman, niyakap din ni Liam pabalik si Natalia. "Pasensya na kung naging busy si Mama lately, ha? Marami lang talaga akong inaasikaso lalo ngayong kababalik lang natin dito sa Pilipinas." Hinaplos ni Natalia ang buhok ni Liam at saka ito hinalikan sa pisngi. "Ayos lang po 'yon, Mama." Kahit na sinabi nitong ayos lang, kitang-kita pa rin sa mga mata ni Liam ang lungkot na minsan lang makita ang ina. Ngunit kahit na gano'n, naiintindihan pa rin naman niya dahil kahit pitong-taong gulang pa lang ito, bahagyang mature na ang kaniyang pag-iisip. Malungkot nitong tiningnan at itinaas ang walang lamang food box na dala-dala niya kanina. "Dinalhan sana kita ng pagkain, Mama, kaso bigla pong natapon kanina noong nagkagulo eh.""Okay lang ako, Liam.""Pwede naman po akong umuwi para ipaghanda ka ulit ng pagkain, Mama!" Masaya nitong tugon at saka ngumiti. "Tinulungan naman po ako ni Yaya Tess kanina eh. Pagkatapos