Share

Chapter 13

"Kailangan mo pa munang ipahinga ang mga kamay mo, pati ang ibang parte ng iyong katawan, Allyson. Kung pipilitin mo talagang obserbahan ang pasyente mong si Tristan, hahayaan kitang ikaw muna ang mag-alaga sa kaniya hanggang ma-discharge."

'Yan ang mga huling bilin sa kaniya ni Joaquin bago nito iwan sina Natalia, Caroline, at Christian sa clinic noong isang araw. Dahil sobrang haba ng araw noon, nagpahinga na ito pag-uwi hanggang kahapon. Ngayong araw ay magsisimula na ulit siyang bumalik sa pagtatrabaho sa hospital para alagaan si Tristan na nasa intensive care unit (ICU) pa rin.

"Liam, darating mamaya yung homeschool teacher mo ha? Magtatrabaho na si mama." mahinhing sambit ni Natalia at saka hinaplos ang buhok ng anak. Ngumiti si Liam at hinalikan sa pisngi ang ina. "I love you, 'nak."

"I love you too, Mama! Ingat po kayo sa byahe." sambit ni Liam sabay ngiti. Bumalik na rin ito sa pagkukulay ng kaniyang coloring book.

Lumabas na si Natalia sa kwarto kung saan nag-aaral ang anak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status