"At anong gagawin mo sa akin, ha?" matapang na sagot ni Natalia. Wala itong pakialam kung nakatingin sa kanila ang mga tao sa paligid. Wala namang nakakakilala sa kaniya dahil palagi siyang naka-facemask at balot ang kaniyang katawan ng mahabang lab gown.Tumingin lang sa kaniya si Maxwell at hindi nagsalita. Pagkatapos ng ilang segundo, bumulong ito sa kaniyang dalawang body guard na lagi nitong kasa-kasama. Ang mga ito'y pinaalis muna ang lahat ng nanonood sa paligid. Dahil malaki naman ang kwarto ni Tristan ay pumasok muna sila sa loob upang mag-usap. Pinakiusapan din sina Lucia at Christian na iwanan sila kahit na labag sa kanilang loob.Ngayon, magkaharapan na lang ngayon sina Maxwell at Natalia. Wala ni isang nagsalita sa kanila kung hindi pa muling sumagot si Maxwell. "Ano bang problema mo?" Kalmado lang ito at tila pagod nang makipag-away pa kay Natalia."Ikaw ang problema ko! Buong pamilya mo ang problema ko at kung paano niyo tinatrato ang anak ko!"Nanatiling kalmado si Max
"Ikaw naman ang tatanungin ko, Tristan, ha? Ano nga bang nangyari kanina noong wala pa ako? May nanakit ba sayo? Sabihin mo ang totoo, anak ko."Bahagyang tumungo si Tristan at animo'y nag-isip nang malalim. "Kumain po kasi ako ng lugaw na ipinapakain ni Dra. Allyson. Tapos nung pagdating po ni Tita Lucia, nagalit po siya...""Iyon lang ba?" pagtatanong pa ni Maxwell. Hindi ito kumbinsido sa sagot ni Tristan dahil masyado namang mababaw ito kung iyon lang ang naging dahilan ng pag-aaway nina Lucia at Natalia. Alam nito ang galit ng magkapatid sa isa't isa kaya inaalam din nito ang tunay na dahilan. Kahit na kilala na ni Maxwell ang dati nitong asawa sa pangalang Dra. Allyson, hindi pa rin nito sinasabi kay Lucia ang totoo dahil wala naman itong pakialam.Habang nakatungo, naalala ni Tristan ang lahat ng mga nangyari sa kaniya noong nahulog siya sa mansion nila. Naalala nito ang nakatatakot na hitsura ni Lucia nang i-lock nito ang pinto matapos siyang saktan. Napapikit ito dahil sa tak
"Mama, nasa hospital mo po ako! Bisitahin ko po kayo :)" Iyan ang natanggap na text ni Natalia kaya tila kinabahan ito sa kaniyang nabasa. Bakit nagpunta si Liam sa hospital? Paano kung makita siya ng mga Harrington?Sa harap ng hospital, isang batang nakasuot ng puting t-shirt at tila kagagaling lamang sa eskwela ang nakatayo at tila nilalamig na habang hawak ang isang malaking food box. Kasama nito ang kaniyang Yaya na si Tess na siya namang may hawak ng telepono ng bata.Gwapo ang batang ito kahit ilang taong gulang pa lamang. Dahil na rin siguro sa kaniyang mga berdeng mga mata, mestiso, at matangos na ilong ay kaya naka-a-attract ito ng mga tingin ng mga dumadaan. Ang iba't napatitingin at ngumingiti, ang iba nama'y tila napapakunot ang noo nang makita ang bata. Isa sa mga dumadaan ay ang isang makisig na lalaking naka-asul na tuxedo, prescription glasses, makisig ang pustura, at maskulado ang katawan. Ang salamin na suot nito'y bahagyang makapal, nagsasabing malabo ang kaniyang
"Syempre naman, para sa'yo, Mama." Kahit may hawak pa ring box na tila wala nang laman, niyakap din ni Liam pabalik si Natalia. "Pasensya na kung naging busy si Mama lately, ha? Marami lang talaga akong inaasikaso lalo ngayong kababalik lang natin dito sa Pilipinas." Hinaplos ni Natalia ang buhok ni Liam at saka ito hinalikan sa pisngi. "Ayos lang po 'yon, Mama." Kahit na sinabi nitong ayos lang, kitang-kita pa rin sa mga mata ni Liam ang lungkot na minsan lang makita ang ina. Ngunit kahit na gano'n, naiintindihan pa rin naman niya dahil kahit pitong-taong gulang pa lang ito, bahagyang mature na ang kaniyang pag-iisip. Malungkot nitong tiningnan at itinaas ang walang lamang food box na dala-dala niya kanina. "Dinalhan sana kita ng pagkain, Mama, kaso bigla pong natapon kanina noong nagkagulo eh.""Okay lang ako, Liam.""Pwede naman po akong umuwi para ipaghanda ka ulit ng pagkain, Mama!" Masaya nitong tugon at saka ngumiti. "Tinulungan naman po ako ni Yaya Tess kanina eh. Pagkatapos
Nakakunot ang noo ni Maxwell dahil sa pagtataka sa mga sinasabi ni Aaron na konektado na naman kay Natalia. Paanong nakakita ito ng isang batang kamukha ng anak niyang si Tristan, at ang kakaiba pa roon ay niyakap daw ng bata si Natalia? Tiningnan ni Maxwell si Natalia na animo'y pinagmamasdan nito ang kaniyang buong katawan.Sa pagkakataong ito, kinakabahan ang buong pagkatao ni Natalia at tila huminto na ang tibok ng kaniyang puso. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang telepono habang tinitingnan si Aaron at Maxwell.Muli, sumigaw si Aaron habang inaasikaso ng mga doktor. "Hoy, kausap kita! Nakita mo si Mr. Tristan kanina 'di ba? Nakatayo siya sa entrance nitong hospital tapos may kasamang isang babae! Matalas ang mga mata ko, Doc, at hinding-hindi ako magkakamali!" nag-explain pa ito kay Natalia para kumuha ng simpatya at pagsang-ayon.Tama naman si Aaron, nakita niya talaga ang isang batang kamukha ni Tristan. Ngunit ito ang bagay na dapat hindi malaman ng iba lalong-lalo na
Kung sa tingin ni Natalia ay isang normal na araw lang para sa mga Harrington ang nangyari kay Tristan, nagkakamali ito dahil sa tindi ng galit ni Maxwell sa mga tao sa mansion, lalo na kay Lucia at sa mga katulong doon. Noong gabi kung kailan nahulog si Tristan mula sa kwarto nito, talagang nag-init ang ulo ni Maxwell sa kung sino mang makasalamuha nito.Ni hindi nga naisip ni Maxwell ang muli nilang pagkikita ng dati nitong asawa na si Natalia. Hindi pa ito pumapasok sa kaniyang isipan noong araw na 'yon dahil prayoridad talaga nitong totoo ang anak niyang si Tristan. Pagbalik nito sa mansyon noong kinagabihan ay pinagsisigawan agad nito si Lucia, na siya namang takot na takot at hindi talaga nagsalita.Bukod pa riyan, nagalit din ang nanay ni Maxwell na minsan ay dumadalaw din sa mansyon. Dahil kumalat na rin sa media at mga bali-balita ang nangyaring pagsugod ng mga Harrington sa hospital dahil sa nangyari kay Tristan, hindi rin nagtagal ay narinig ng nanay ni Maxwell ang balita.
Ngunit bago pa ito makapasok, agad siyang hinarang ng mga bodyguard sa labas ng kwarto ng bata. "Huwag nga kayong humarang! Kailangan kong makapasok!" sigaw ni Natalia habang naririnig ang pag-iyak ni Tristan sa loob ng kwarto nito. Hindi gumalaw ang mga bodyguard."Doktor ako ng pasyente niyo. Ngayong hinaharangan mo akong makapasok sa silid ng pasyente ko, ikaw ba ang mananagot kung sakaling may mangyaring masama sa binabantayan niyong bata?"Dahil sa sinabi ni Natalia, nanindig ang balahibo ng mga bodyguard at tila hindi na nakagalaw sa kanilang kinatatayuan. Ginamit ni Natalia ang pagkakataon na 'yon upang tabigin ang mga ito at makapasok sa loob ng kwarto ni Tristan.Pagkapasok nito, naabutan niyang hawak-hawak ni Maxwell ang bata sa magkabilang balikat at tila niyuyugyog niya ito nang marahan. Ngunit sa mga mata ni Natalia, sinasaktan ni Maxwell ang anak nito. Agad na nag-init ang noo ni Natalia at saka inilayo si Maxwell sa bata. "Anong ginagawa mo kay Tristan?!"Nagulat si M
"Baby?"'Yan ang nakita ni Maxwell na lumabas sa telepono ni Natalia nang may tumawag dito. Hindi ito nakapag-isip ng iba pang rason dahil ang dahilan lang na nasa isip niya ay nagkaroon na ng ibang kinakasama si Natalia at 'baby' ang tawag niya rito. Nagkaroon ng kabit si Natalia nitong mga nakaraang taon na nawala siya? Hindi alam ni Maxwell ang nasa isip niya pero bahagyang nag-init ang ulo nito kahit na hindi naman dapat. Sa kanilang dalawa ni Natalia, si Maxwell ang siyang nangaliwa at sa mismong kapatid pa ni Natalia na si Olivia. Pero nang maisip ni Maxwell ang sitwasyon kung saan si Natalia ang nakahanap ng iba, hindi nito maatim na ikuyom ang kaniyang kamao at kimkimin ang galit at sakit.Ngunit nasa isip lang niya ito lahat. Sa tindi ng pagkakahawak nito sa cellphone ni Natalia, ang kaninang basag na telepono ay ngayong nadurog na. Sira na ito kung kaya't tumigil na rin ang tunog ng tawag.Sa kabilang linya, nagtataka si Liam kung bakit hindi na niya matawagan ang ina. Ang
Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik na lamang nakaupo si Liam sa tabi ni Tristan habang kinakain nito ang huling piraso ng pagkaing iniwan ni Lucia. Napansin ni Liam na kahit kumalma na ang mukha ni Tristan, halatang may natitirang lungkot at takot sa bata. Kaya’t naisip niyang libangin ang kaibigan upang kahit papaano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman nito."Alam mo, Tristan," sinimulan ni Liam habang kumukuha ng laruan mula sa kanyang bulsa, "may dala akong bagong laruan. Gusto mo ba makita?"Napatingin si Tristan at bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha. “Ano yan?” tanong nito, tila nakakalimot sandali sa lungkot.Inilabas ni Liam ang maliit na puzzle cube at ipinakita ito kay Tristan. “Ito, kaya mo bang ayusin? Ang hirap nito nung una, pero kapag nakuha mo na ang diskarte, madali na lang.”Kinuha ni Tristan ang cube at sinubukang ayusin.Habang naglalaro, nagsimulang magkwento si Liam ng kung anu-ano—mga kwento tungkol sa eskuwela, mga bagong laro, at mga kalokohan na ginagaw
“At isa pa, Tristan, huwag na huwag kang magsusumbong sa kanya, ha? Ayaw kong masaktan ka. Naiintindihan mo ba ako?”Nang tuluyang maisara ni Lucia ang pinto at mawala ang yabag ng kanyang mga sapatos sa pasilyo, muling bumalik ang tahimik na kalungkutan sa silid ni Tristan. Nakayuko siya, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, at ang luha niya ay tahimik na dumadaloy. Walang ibang narinig kundi ang mahihinang hikbi niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya kayang kontrahin ang kanyang tiyahin, lalo na’t sa murang edad niya, naniniwala siyang may punto ito kahit pa masakit ang mga salitang binitiwan sa kanya.Sa kabila ng lahat, tila nakalimutan na ni Tristan na may nagtatago pa sa kabinet—ang kaibigan niyang si Liam. Si Liam naman, na kanina pa pinipigilang huminga ng malakas dahil sa kaba, ay nanatiling nakikiramdam. Sinigurado niyang wala na si Lucia bago siya kumilos. Nang makumpirma niyang ligtas na, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kabinet at luma
“Alam mo ba, kung wala ako rito, hindi rin magigising ang mama mo!” ani Lucia, ang boses ay puno ng hinanakit. “Ako dapat ang kasama mo, Tristan! Hindi ang hunghang na doktor mo!”Napalunok si Tristan. Alam niyang hindi niya dapat kontrahin si Lucia, ngunit ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang ina ay nagbigay sa kanya ng sakit sa loob. Pilit niyang pinigilan ang sarili na tumutol, ngunit hindi rin niya mapigilan ang mga luha na unti-unting pumatak mula sa kanyang mga mata.“Sorry po, Tita,” mahinang sagot niya habang nakayuko pa rin. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin upang mapatahimik si Lucia.“Sorry? ’Yan na naman ang sorry mo!” sigaw ni Lucia, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. “Pinili mo ang doktor mo kaysa sa akin, Tristan! Ako ang dapat nandito para alagaan ka! Ako ang nag-alaga sa’yo mula pagkabata! At ngayon, ipagpapalit mo ako sa isang estranghero?”Tahimik lang si Tristan. Gusto niyang ipaliwanag ang kanyang sarili, pero natatakot siya na mas magalit pa si Lu
“Surprise!” ani Liam, ngiting-ngiti habang inilapag ang kanyang bag sa sahig. “Gusto kitang makita. Kamusta ka na?”Napatingin si Tristan, bahagyang nagulat ngunit nanatiling tahimik sandali bago bahagyang ngumiti. “Liam... anong ginagawa mo dito?” tanong niya, mabagal at parang nag-aalangan. Kahit may maputlang itsura, kumislap ang kanyang mga mata, pero parang may bahid ng lungkot sa kanyang tinig.“Miss na miss na kita, eh,” sagot ni Liam, na para bang walang pakialam sa kaba ng kaibigan. Umupo ito sa silyang malapit sa kama ni Tristan, maliksi at masigla. “Hindi mo ba ako namimiss?”“Namimiss kita, syempre,” tugon ni Tristan, ngayon ay may bahagyang ngiti, pero hindi kasing lapad ng kay Liam. Tila pigil ang saya niya, parang laging may bumabagabag. “Pero… paano ka nakapasok dito? Hindi ka ba nahirapan?”Umiling si Liam, walang pag-aalala. “Mabilis lang akong nakapasok. Ang dami-daming tao sa ospital, hindi nila ako napansin,” sagot niya na may maaliwalas na tono, parang isang laro
Maagang nagising si Liam sa araw na iyon. Ang liwanag ng araw ay sumisilip sa mga siwang ng kurtina, dumampi sa kanyang mukha, at ginising ang kanyang antok na isipan. Bumangon siya mula sa kama at unang napansin ang kanyang maliit na bag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lalagyan ng damit. Bigla siyang kinabahan. Nakalimutan niya pala itong itago kagabi matapos niyang ayusin ang laman nito. Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Mabuti na lang at hindi nakita ni Mama," mahina niyang bulong sa sarili. Naalala niya ang pagbisita ni Natalia sa kanyang kwarto kagabi upang tiyaking mahimbing na siyang natutulog. Swerte siyang hindi nito napansin ang bag, o baka naman inisip lang ng kanyang ina na ordinaryong gamit iyon.Pagkatapos mag-ayos ng kanyang kama, lumabas si Liam ng kanyang kwarto at bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Sa kanyang pagbaba, agad niyang naamoy ang masarap na halimuyak mula sa kusina—ang pabango ng bawang at sibuyas na niluluto, hinaluan ng bahagyan
Habang abala si Liam sa pag-iisip ng mga susunod niyang hakbang, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad niyang itinago ang calling card, hibla ng buhok, at ang kanyang mga ipon sa ilalim ng kama. Mabilis ang kilos ni Liam, at nang masiguradong maayos na ang kanyang pinagtataguan, binuksan niya ang pinto. Nakangiti si Natalia nang tumambad ito sa kanya, may dalang tambak ng malilinis na damit. “Anak, tutupi tayo ng mga damit mo. Ang dami na pala,” anito, sabay lakad papasok sa kwarto ng bata. Sanay na si Liam na mag-bonding sila ng kanyang mama sa ganitong paraan tuwing may pagkakataon. Bagaman pagod ang ina mula sa ospital, palaging may oras ito para sa kanya. Tumabi si Liam sa maliit na lamesa sa kanyang kwarto habang inilapag ni Natalia ang tambak ng mga damit na katatapos lang labhan ni Yaya Tess.“Ang dami po pala, Mama,” komento ni Liam habang kinukuha ang isang pares ng pajama. “Parang ilang buwan yata akong hindi nagpalit ng damit?”Napatawa si Natalia. “Hay n
Habang kumakain silang mag-ina, hindi maiwasang mapansin ni Natalia na medyo tahimik si Liam. Hindi siya karaniwang ganito, lalo na’t si Liam ay madalas magtanong, magkwento, at maglaro ng masaya. Ngayon, para bang may mabigat na bagay na nagkukubli sa mata ng bata. Pero hindi rin ito gaanong halata, dahil nakangiti pa rin siya, kahit na may ilang sandali ng pananahimik.“Mama, may tula po akong gustong ipasa sa inyo!” sabi ni Liam, sabay abot ng papel na tinatayang hindi kasing haba ng ibang mga tula na ipinapasa sa kanilang klase. Ngunit kitang-kita kay Liam ang saya at excitement, kaya't tinanggap ito ni Natalia nang may ngiti.“Wow! Anong tula ba yan, baby?” tanong ni Natalia habang binabasa ang papel ng anak.“Siya po ‘yung tula na in-present ko sa online class namin!” sagot ni Liam, medyo nananabik na makita kung magugustuhan ito ng kanyang ina. “Tungkol po ito sa halaman at kung paano sila lumalaki.”Tumawa ng malumanay si Natalia habang binabasa ang tula. “Naku, ang galing mo
Sa ilalim ng malakas na liwanag ng araw, hawak ni Natalia ang manibela habang mahigpit na nakaipit ang cellphone sa kaniyang balikat. Sa bawat ikot ng gulong sa aspalto, tila umiikot din ang kanyang isip sa isang tanong na hindi niya matakasan: bakit muling bumalik si Maxwell sa kanyang buhay, at bakit ganoon na lamang ang lakas ng loob nitong pilitin siyang halikan?Pakiramdam niya, parang nag-iwan iyon ng hindi maalis-alis na bakas sa kaniyang isipan—isang pangyayaring hindi niya gustong balikan ngunit paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang alaala. Kahit anong pilit niyang itaboy ang ideya, parang nakabaon na ito sa kanyang isipan, bumibigat nang bumibigat habang nagpapatuloy ang biyahe."Salamat, ha. Pakisuyo na lang si Tristan. Siguraduhin mong busog siya at maayos ang pakiramdam niya bago kayo bumalik sa kwarto," wika ni Natalia sa kausap niyang nurse sa linya, pilit na pinapakalma ang sariling boses. Alam niyang hindi niya kayang bumalik sa ospital nang hindi buo ang kaniyang isip
Kahit pa gano'n ang nasa isip ni Anton, pinili niyang manahimik. Hindi na ito nag-usisa pa at iningatan ang kanyang mga iniisip. Ayaw niyang makaapekto ito sa kanyang trabaho, lalo pa’t may posisyon siyang pinanghahawakan sa piling ng mga Harrington. Bukod dito, hindi na niya hahayaang magkamali pang muli matapos niyang masangkot sa eskandalo noon. Ang eskandalo ay nagsimula noong nakita niya ang isang bata sa labas ng ospital na inakala niyang si Tristan. Malinaw pa sa kanya ang tagpo—ang bata’y kamukhang-kamukha ni Tristan, ngunit nang subukan niyang lapitan ito, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng mapanirang tsismis. Hindi rin iyon naging madali para kay Anton. Napilitan siyang magbigay ng paliwanag kay Maxwell. Ngunit sa pagkakataong iyon, si Natalia at ang kaniyang assistant na si Caroline ang nakialam. Ginawa nilang mas kapanipaniwala ang sitwasyon, sinabing nagkamali lang si Anton at nagbunga lamang iyon ng labis na pagod at stress sa trabaho. Lumabas ang balita na tila n