author-banner
JV Writes
JV Writes
Author

Nobela ni JV Writes

Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins

Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins

Si Natalia Costaleon, na ngayon ay kilala bilang si Allyson Costaleon, ay nagawang manahimik ng pitong taon upang maitago ang kanyang nag-iisang anak mula sa kanyang mapagmataas na dating asawa, si Maxwell Harrington. Ilang taon siyang nagtiis at nagtago sa ibang bansa, pinaghirapan niyang paunlarin ang kanilang buhay ng kanyang anak. "Gaganti ako. Gaganti tayo, anak ko! Hindi pwedeng tayo lang ang magdusa… dapat ang pamilya Harrington din!" Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang mga landas nina Natalia at Maxwell. Si Natalia, na isa nang doktor, at si Maxwell, na isa pa ring bilyonaryo. Ang hindi alam ni Natalia, hindi lang pala isa ang kanyang anak, kundi kambal! Ngayon, maisasagawa kaya ni Natalia ang kanyang balak na paghihiganti? O magugulo ang kanyang mga plano at mahuhulog muli ang kanyang loob sa dating asawa?
Basahin
Chapter: Chapter 81
Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik na lamang nakaupo si Liam sa tabi ni Tristan habang kinakain nito ang huling piraso ng pagkaing iniwan ni Lucia. Napansin ni Liam na kahit kumalma na ang mukha ni Tristan, halatang may natitirang lungkot at takot sa bata. Kaya’t naisip niyang libangin ang kaibigan upang kahit papaano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman nito."Alam mo, Tristan," sinimulan ni Liam habang kumukuha ng laruan mula sa kanyang bulsa, "may dala akong bagong laruan. Gusto mo ba makita?"Napatingin si Tristan at bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha. “Ano yan?” tanong nito, tila nakakalimot sandali sa lungkot.Inilabas ni Liam ang maliit na puzzle cube at ipinakita ito kay Tristan. “Ito, kaya mo bang ayusin? Ang hirap nito nung una, pero kapag nakuha mo na ang diskarte, madali na lang.”Kinuha ni Tristan ang cube at sinubukang ayusin.Habang naglalaro, nagsimulang magkwento si Liam ng kung anu-ano—mga kwento tungkol sa eskuwela, mga bagong laro, at mga kalokohan na ginagaw
Huling Na-update: 2025-01-22
Chapter: Chapter 80
“At isa pa, Tristan, huwag na huwag kang magsusumbong sa kanya, ha? Ayaw kong masaktan ka. Naiintindihan mo ba ako?”Nang tuluyang maisara ni Lucia ang pinto at mawala ang yabag ng kanyang mga sapatos sa pasilyo, muling bumalik ang tahimik na kalungkutan sa silid ni Tristan. Nakayuko siya, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, at ang luha niya ay tahimik na dumadaloy. Walang ibang narinig kundi ang mahihinang hikbi niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya kayang kontrahin ang kanyang tiyahin, lalo na’t sa murang edad niya, naniniwala siyang may punto ito kahit pa masakit ang mga salitang binitiwan sa kanya.Sa kabila ng lahat, tila nakalimutan na ni Tristan na may nagtatago pa sa kabinet—ang kaibigan niyang si Liam. Si Liam naman, na kanina pa pinipigilang huminga ng malakas dahil sa kaba, ay nanatiling nakikiramdam. Sinigurado niyang wala na si Lucia bago siya kumilos. Nang makumpirma niyang ligtas na, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kabinet at luma
Huling Na-update: 2025-01-22
Chapter: Chapter 79
“Alam mo ba, kung wala ako rito, hindi rin magigising ang mama mo!” ani Lucia, ang boses ay puno ng hinanakit. “Ako dapat ang kasama mo, Tristan! Hindi ang hunghang na doktor mo!”Napalunok si Tristan. Alam niyang hindi niya dapat kontrahin si Lucia, ngunit ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang ina ay nagbigay sa kanya ng sakit sa loob. Pilit niyang pinigilan ang sarili na tumutol, ngunit hindi rin niya mapigilan ang mga luha na unti-unting pumatak mula sa kanyang mga mata.“Sorry po, Tita,” mahinang sagot niya habang nakayuko pa rin. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin upang mapatahimik si Lucia.“Sorry? ’Yan na naman ang sorry mo!” sigaw ni Lucia, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. “Pinili mo ang doktor mo kaysa sa akin, Tristan! Ako ang dapat nandito para alagaan ka! Ako ang nag-alaga sa’yo mula pagkabata! At ngayon, ipagpapalit mo ako sa isang estranghero?”Tahimik lang si Tristan. Gusto niyang ipaliwanag ang kanyang sarili, pero natatakot siya na mas magalit pa si Lu
Huling Na-update: 2025-01-22
Chapter: Chapter 78
“Surprise!” ani Liam, ngiting-ngiti habang inilapag ang kanyang bag sa sahig. “Gusto kitang makita. Kamusta ka na?”Napatingin si Tristan, bahagyang nagulat ngunit nanatiling tahimik sandali bago bahagyang ngumiti. “Liam... anong ginagawa mo dito?” tanong niya, mabagal at parang nag-aalangan. Kahit may maputlang itsura, kumislap ang kanyang mga mata, pero parang may bahid ng lungkot sa kanyang tinig.“Miss na miss na kita, eh,” sagot ni Liam, na para bang walang pakialam sa kaba ng kaibigan. Umupo ito sa silyang malapit sa kama ni Tristan, maliksi at masigla. “Hindi mo ba ako namimiss?”“Namimiss kita, syempre,” tugon ni Tristan, ngayon ay may bahagyang ngiti, pero hindi kasing lapad ng kay Liam. Tila pigil ang saya niya, parang laging may bumabagabag. “Pero… paano ka nakapasok dito? Hindi ka ba nahirapan?”Umiling si Liam, walang pag-aalala. “Mabilis lang akong nakapasok. Ang dami-daming tao sa ospital, hindi nila ako napansin,” sagot niya na may maaliwalas na tono, parang isang laro
Huling Na-update: 2025-01-22
Chapter: Chapter 77
Maagang nagising si Liam sa araw na iyon. Ang liwanag ng araw ay sumisilip sa mga siwang ng kurtina, dumampi sa kanyang mukha, at ginising ang kanyang antok na isipan. Bumangon siya mula sa kama at unang napansin ang kanyang maliit na bag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lalagyan ng damit. Bigla siyang kinabahan. Nakalimutan niya pala itong itago kagabi matapos niyang ayusin ang laman nito. Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Mabuti na lang at hindi nakita ni Mama," mahina niyang bulong sa sarili. Naalala niya ang pagbisita ni Natalia sa kanyang kwarto kagabi upang tiyaking mahimbing na siyang natutulog. Swerte siyang hindi nito napansin ang bag, o baka naman inisip lang ng kanyang ina na ordinaryong gamit iyon.Pagkatapos mag-ayos ng kanyang kama, lumabas si Liam ng kanyang kwarto at bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Sa kanyang pagbaba, agad niyang naamoy ang masarap na halimuyak mula sa kusina—ang pabango ng bawang at sibuyas na niluluto, hinaluan ng bahagyan
Huling Na-update: 2025-01-21
Chapter: Chapter 76
Habang abala si Liam sa pag-iisip ng mga susunod niyang hakbang, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad niyang itinago ang calling card, hibla ng buhok, at ang kanyang mga ipon sa ilalim ng kama. Mabilis ang kilos ni Liam, at nang masiguradong maayos na ang kanyang pinagtataguan, binuksan niya ang pinto. Nakangiti si Natalia nang tumambad ito sa kanya, may dalang tambak ng malilinis na damit. “Anak, tutupi tayo ng mga damit mo. Ang dami na pala,” anito, sabay lakad papasok sa kwarto ng bata. Sanay na si Liam na mag-bonding sila ng kanyang mama sa ganitong paraan tuwing may pagkakataon. Bagaman pagod ang ina mula sa ospital, palaging may oras ito para sa kanya. Tumabi si Liam sa maliit na lamesa sa kanyang kwarto habang inilapag ni Natalia ang tambak ng mga damit na katatapos lang labhan ni Yaya Tess.“Ang dami po pala, Mama,” komento ni Liam habang kinukuha ang isang pares ng pajama. “Parang ilang buwan yata akong hindi nagpalit ng damit?”Napatawa si Natalia. “Hay n
Huling Na-update: 2025-01-21
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Basahin
Chapter: Chapter 5
ISANG LINGGO NA RIN ANG NAKALILIPAS, isang karaniwang abalang araw na naman sa ospital ang sinimulan ni Alyssa. Tulad ng dati, nakatutok siya sa kanyang mga pasyente, sinisigurong walang nakakalimutang detalye sa kanilang mga chart. Ngunit sa gitna ng kanyang trabaho, isang balita mula sa mga kasamahan ang gumulantang sa lahat—may nangyaring banggaan sa isang bahagi ng Maynila, at isinugod ang ilang biktima sa ospital.Naging doble ang pagod ni Alyssa sa pag-aasikaso ng kanyang mga pasyente at sa pagko-coordinate sa emergency room para sa mga bagong dating na biktima. Ang tunog ng sirena ng ambulansya ay hindi tumigil, at ramdam niya ang bigat ng tensyon sa paligid. Mabilis niyang binalikan ang mga detalye ng kanyang trabaho habang naghahanda para sa anumang maaaring mangyari.Nasa kanyang opisina siya nang biglang bumukas ang pinto. Halos hinahabol ang hininga, pumasok si Lucas, hawak ang clipboard sa kanyang kamay.“Doc Alyssa, may naghahanap po sa inyo sa emergency room!” mabilis n
Huling Na-update: 2025-01-17
Chapter: Chapter 4
Bumalik ang isip ni Alyssa sa kasalukuyan habang nakaupo siya sa harap ng kanyang lamesa sa opisina. Nakapila ang mga papeles sa harapan niya—mga pasyente niyang kailangang asikasuhin, mga test results na kailangang repasuhin, at ilang reports na dapat niyang isumite bago matapos ang linggo. Ang dami ng trabaho niya ang karaniwang nagbibigay sa kanya ng motibasyong magpatuloy. Ngunit sa pagkakataong ito, tila mas mabigat ang dinadala niya.Kinuha niya ang unang papel mula sa stack. Isang medical record ito ng isang pasyenteng nakatakdang manganak sa susunod na linggo. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat detalye. Sa kabila ng pagsubok niyang ituon ang isip sa trabaho, hindi niya mapigilang bumalik ang usapan nila ni Sam kanina.Bumuntong-hininga siya at inilapag ang papel. Hinawakan niya ang kanyang sintido, pilit nilalabanan ang bigat ng emosyon na tila kumakapit sa kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, dahilan para magulat siya at mapalingon. Pum
Huling Na-update: 2025-01-17
Chapter: Chapter 3
Malalim ang buntong-hininga ni Alyssa habang pinapatay ang makina ng kanyang kotse sa parking lot ng malaking ospital kung saan siya nagtatrabaho. Saglit niyang tinitigan ang malaking signage sa tapat ng gusali: "St. Therese Medical Center". Napakaganda ng ospital, moderno ang arkitektura na may kombinasyon ng salamin at bakal. Ang harapan nito ay may malalaking glass panels na nagbigay ng natural na liwanag sa loob. Ang paligid ay puno ng berdeng halaman, at may fountain sa harap na tila nag-aanyaya ng kapanatagan sa mga pumapasok.Matapos ang ilang segundo, binuksan niya ang pinto ng sasakyan at marahan itong isinara. Naglakad siya patungo sa main entrance, tinatamaan ng malamig na hangin mula sa centralized air conditioning system. Pagpasok niya, bumungad ang malawak na lobby na puno ng mga pasyente at staff na abala sa kani-kanilang gawain. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, at ang dingding ay may malilinis at kulay puti ang pintura. Ang reception desk ay napapalibutan ng mg
Huling Na-update: 2025-01-17
Chapter: Chapter 2
ISANG BUWAN NA ang nakalilipas, pero tila wala naman masyadong usad ang takbo ng relasyon nina Alyssa at Marco. Minsan nga'y hindi na ito masyado iniisip ni Alyssa, pero bilang isang babae na gusto pa rin maayos ang kaniyang pamilya, wala itong ibang magawa kundi isipin at humanap ng paraan upang magkaroon muli sila ng oras mag-asawa. Magkahalong pagod at lungkot ang naramdaman ni Alyssa habang nakahiga siya sa malawak na kama sa kanilang master bedroom. Isang buwan na ang lumipas mula nang pag-usapan nila ni Marco ang posibilidad na magbakasyon, ngunit hanggang ngayon ay nanatili itong plano. Kahit na nagawan niya ng paraan na bawasan ang kanyang oras sa ospital—isang bagay na hindi madali para sa isang abalang obstetrician—tila si Marco naman ang laging wala. Sa kabila ng kanyang mga pagsisikap, napansin niyang lalo pang naging abala si Marco sa trabaho. Hindi maalis kay Alyssa ang mag-isip: Trabaho nga lang ba talaga ang dahilan ng pagiging abala ni Marco? O may kinalaman na rin
Huling Na-update: 2025-01-17
Chapter: Chapter 1
TAHIMIK NA BUMUKAS ang malaking gate ng mansyon habang pumarada ang puting SUV ni Alyssa sa harapan ng bahay. Bilang isang doktor ng OB-Gyne sa isa sa kilalang ospital dito sa Manila, ramdam nito ang pagod mula sa buong araw ng operasyon at konsultasyon na mababanaag naman sa kanyang maamong mukha.Pero bilang isang palabang sa buhay, pilit niyang itinatago ang anumang bakas ng kahinaan.Siya si Alyssa Reyes-Delgado. Tiningnan nito ang kanilang bahay na tila napakagandang tingnan. Ang mansyon ay parang kinuha mula sa isang magazine—modernong disenyo, malalawak na bintanang salamin, at hardin na puno ng maingat na inayos na mga halaman. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, tila ang mansyon ay sumasalamin sa tila malamig at magulong estado ng kanyang personal na buhay. Pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng maaliwalas na ngiti ni Yaya Mila, ang pinakamatagal nang kasambahay ng pamilya Delgado. "Ma’am Alyssa, mabuti’t nakauwi na po kayo. Napagod po ba kayo sa trabaho?" Ngumiti si
Huling Na-update: 2025-01-17
Maaari mong magustuhan
Sweet Revenge (Tagalog)
Sweet Revenge (Tagalog)
Romance · Lovella Novela
2.3K views
Stay Away
Stay Away
Romance · L A D Y M
2.2K views
UNCHAINED MY HEART
UNCHAINED MY HEART
Romance · MIKS DELOSO
2.2K views
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status