ISANG LINGGO NA RIN ANG NAKALILIPAS, isang karaniwang abalang araw na naman sa ospital ang sinimulan ni Alyssa. Tulad ng dati, nakatutok siya sa kanyang mga pasyente, sinisigurong walang nakakalimutang detalye sa kanilang mga chart. Ngunit sa gitna ng kanyang trabaho, isang balita mula sa mga kasamahan ang gumulantang sa lahat—may nangyaring banggaan sa isang bahagi ng Maynila, at isinugod ang ilang biktima sa ospital.
Naging doble ang pagod ni Alyssa sa pag-aasikaso ng kanyang mga pasyente at sa pagko-coordinate sa emergency room para sa mga bagong dating na biktima. Ang tunog ng sirena ng ambulansya ay hindi tumigil, at ramdam niya ang bigat ng tensyon sa paligid. Mabilis niyang binalikan ang mga detalye ng kanyang trabaho habang naghahanda para sa anumang maaaring mangyari. Nasa kanyang opisina siya nang biglang bumukas ang pinto. Halos hinahabol ang hininga, pumasok si Lucas, hawak ang clipboard sa kanyang kamay. “Doc Alyssa, may naghahanap po sa inyo sa emergency room!” mabilis na sabi nito. Napakunot ang noo ni Alyssa. “Sino daw?” tanong niya, iniisip kung sino sa kanyang mga pasyente ang maaaring nasa ilalim ng emergency care. “Si Ms. Cruz daw po,” sagot ni Lucas, bahagyang nag-aalangan. Hindi na inalam ni Alyssa kung sino si “Ms. Cruz.” Sa halip, agad siyang tumayo at nagmadaling bumaba patungo sa emergency room. Alam niyang ang bawat segundo ay mahalaga sa ganitong sitwasyon. --- Sa emergency room, tumambad kay Alyssa ang masalimuot na eksena. May mga pasyenteng tinutulungan sa iba’t ibang bahagi ng silid, ang ilan ay may mga bali, habang ang iba’y may malalalim na sugat. Napuno ng sigaw, pag-iyak, at tunog ng mga makina ang paligid. Mabilis niyang hinanap ang tinutukoy ni Lucas na si Ms. Cruz. Sa isang sulok ng emergency room, nakita niya ito—si Samantha “Sam” Cruz. Nakahiga ito sa stretcher, duguan ang laylayan ng kanyang damit, at hawak ang kanyang tiyan na waring pinoprotektahan ito. Kahit nanginginig, nanatiling gising si Sam, ngunit bakas sa mukha nito ang sakit at pag-aalala. “Sam?” nanlaki ang mga mata ni Alyssa nang makita ito. “Ano’ng nangyari?” Nagsalubong ang kanilang tingin, at sa kabila ng tensyon, bahagyang tumango si Sam. “Naaksidente kami… tulungan mo ako, Alyssa. Ang anak ko…” Agad tumawag si Alyssa ng tulong mula sa ibang staff at mabilis na nagsuot ng gloves. Pinakiramdaman niya ang pulso ni Sam at sinimulan ang proseso ng pag-stabilize sa kondisyon nito. Hindi pa panahon para manganak si Sam, ngunit ang aksidente ay nagdulot ng komplikasyon—may vaginal bleeding ito na kailangang kontrolin agad. “Prepare an ultrasound,” utos ni Alyssa sa isang nurse. “Check fetal heartbeat.” Habang abala siya sa pagsusuri kay Sam, naramdaman niya ang pangangatal nito. “Sam, kumalma ka. Hindi kita pababayaan,” sabi ni Alyssa, kahit ang puso niya ay tila dinudurog sa bawat salitang binibitawan. “Doc, fetal heartbeat is weak,” sabi ng nurse matapos ang mabilis na pag-scan. Napakagat-labi si Alyssa. Hindi ito magandang senyales, ngunit hindi siya maaaring panghinaan ng loob. “Increase the IV fluids. Monitor her vitals every two minutes. Sam, I need you to stay with me. Makinig ka, okay? Laban tayo.” Habang inaasikaso ang kondisyon ni Sam, narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang yabag ng isa pang doktor na pumasok. Humarap siya, at sa gulat niya, isa sa mga kasamahan niya ang lumapit. “Doc Alyssa,” sabi nito, medyo hinihingal. “Nandito rin si Mr. Delgado.” Natigilan si Alyssa. May hinala na ito kung sino ang tinutukoy ng pumasok na doktor, kaya naman imbes na agad sumugod sa itinuturong pasyente, ang una agad na naitanong ni Alyssa ay “Sinong Delgado?” tanong niya, pilit iniintindi ang sinabi nito. “Yung sikat na CEO at negosyante sa TV!" sagot ng doktor. Parang tumigil ang oras. Napatingin si Alyssa kay Sam, na noon ay patuloy pa rin niyang ginagamot, bago siya bumaling pabalik sa doktor. “Nasaan siya?” “Nasa kabilang cubicle po, duguan din.” Mabilis na tumayo si Alyssa, iniwan si Sam sa mga kamay ng ibang doktor na handang magpatuloy sa pag-aalaga. Sa bawat hakbang papunta sa cubicle na tinutukoy, naramdaman niya ang bigat ng bawat galaw. Ano ang ginagawa ni Marco sa aksidenteng ito? Siya lang naman ang kilalang sikat na negosyante ni Alyssa dahil itong Delgado na ito ay ang kaniyang asawa. Pagkarating niya sa cubicle, nakita niya si Marco na nakahiga sa stretcher, duguan ang kanang bahagi ng kanyang ulo at may sugat sa braso. Gising ito, ngunit halatang may iniindang sakit. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagulat si Alyssa nang marinig ang unang mga salitang binitiwan nito. Mukhang hindi pa nakikita ni Marco kung sinong mga doktor ang lumalapit sa kaniya dahil nakapikit pa rin ito sa sakit na kaniyang nararamdaman. Ngunit ang mga susunod na salita ni Marco ang siya namang nakapagbigay ng sakit sa puso ni Alyssa. “N-Nasaan si Sam? Kumusta ang anak namin?” tanong ni Marco, halatang nababahala. Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Ang mga salitang iyon ay nagbigay-linaw sa lahat ng kanyang kinatatakutan. Sa gitna ng pag-aalala niya para kay Marco, naramdaman niyang parang unti-unting nadurog ang kanyang puso. “Marco…” mahina niyang tawag, ngunit hindi nito napansin ang kanyang emosyon. “Doc,” sabi ng nurse na malapit kay Marco. “We’re stabilizing him. He’s conscious but needs immediate imaging for further assessment.” Hindi na nakapagsalita si Alyssa. Tumayo lamang siya sa gilid ng stretcher, tinititigan ang duguang anyo ni Marco habang ang isip niya ay punong-puno ng tanong at sakit. Nang makita niyang muli itong tumingin sa direksyon ng emergency room kung nasaan si Sam, tila nanlambot ang kanyang tuhod. Hanggang ngayon, hindi pa rin napapansin ni Marco na nandito si Alyssa sa kaniyang paligid. Ang buong atensyon ng kaniyang asawa ay nakatuon sa isang babae bukod sa kaniya. Kay Samantha. Hinawakan niya ang gilid ng stretcher ni Marco, pilit pinatatag ang sarili. Ngunit ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan ay unti-unti nang bumagsak. “Marco,” mahina niyang sabi. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Hindi ito narinig ni Marco. Nakatayo lamang si Alyssa sa gilid habang pinanonood si Marco na nagpupumilit tumayo at saka dali-daling pumunta sa cubicle kung saan nakahiga si Samantha. Tumakbo siya pabalik kay Sam, na noon ay patuloy na ginagamot ng mga kasamahan niya. Ang mga tanong sa kanyang isipan ay tila hindi maipaliwanag ng kahit sinuman. Ngunit isang bagay ang sigurado—ang sitwasyong ito ay magbabago ng lahat.TAHIMIK NA BUMUKAS ang malaking gate ng mansyon habang pumarada ang puting SUV ni Alyssa sa harapan ng bahay. Bilang isang doktor ng OB-Gyne sa isa sa kilalang ospital dito sa Manila, ramdam nito ang pagod mula sa buong araw ng operasyon at konsultasyon na mababanaag naman sa kanyang maamong mukha.Pero bilang isang palabang sa buhay, pilit niyang itinatago ang anumang bakas ng kahinaan.Siya si Alyssa Reyes-Delgado. Tiningnan nito ang kanilang bahay na tila napakagandang tingnan. Ang mansyon ay parang kinuha mula sa isang magazine—modernong disenyo, malalawak na bintanang salamin, at hardin na puno ng maingat na inayos na mga halaman. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, tila ang mansyon ay sumasalamin sa tila malamig at magulong estado ng kanyang personal na buhay. Pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng maaliwalas na ngiti ni Yaya Mila, ang pinakamatagal nang kasambahay ng pamilya Delgado. "Ma’am Alyssa, mabuti’t nakauwi na po kayo. Napagod po ba kayo sa trabaho?" Ngumiti si
ISANG BUWAN NA ang nakalilipas, pero tila wala naman masyadong usad ang takbo ng relasyon nina Alyssa at Marco. Minsan nga'y hindi na ito masyado iniisip ni Alyssa, pero bilang isang babae na gusto pa rin maayos ang kaniyang pamilya, wala itong ibang magawa kundi isipin at humanap ng paraan upang magkaroon muli sila ng oras mag-asawa. Magkahalong pagod at lungkot ang naramdaman ni Alyssa habang nakahiga siya sa malawak na kama sa kanilang master bedroom. Isang buwan na ang lumipas mula nang pag-usapan nila ni Marco ang posibilidad na magbakasyon, ngunit hanggang ngayon ay nanatili itong plano. Kahit na nagawan niya ng paraan na bawasan ang kanyang oras sa ospital—isang bagay na hindi madali para sa isang abalang obstetrician—tila si Marco naman ang laging wala. Sa kabila ng kanyang mga pagsisikap, napansin niyang lalo pang naging abala si Marco sa trabaho. Hindi maalis kay Alyssa ang mag-isip: Trabaho nga lang ba talaga ang dahilan ng pagiging abala ni Marco? O may kinalaman na rin
Malalim ang buntong-hininga ni Alyssa habang pinapatay ang makina ng kanyang kotse sa parking lot ng malaking ospital kung saan siya nagtatrabaho. Saglit niyang tinitigan ang malaking signage sa tapat ng gusali: "St. Therese Medical Center". Napakaganda ng ospital, moderno ang arkitektura na may kombinasyon ng salamin at bakal. Ang harapan nito ay may malalaking glass panels na nagbigay ng natural na liwanag sa loob. Ang paligid ay puno ng berdeng halaman, at may fountain sa harap na tila nag-aanyaya ng kapanatagan sa mga pumapasok.Matapos ang ilang segundo, binuksan niya ang pinto ng sasakyan at marahan itong isinara. Naglakad siya patungo sa main entrance, tinatamaan ng malamig na hangin mula sa centralized air conditioning system. Pagpasok niya, bumungad ang malawak na lobby na puno ng mga pasyente at staff na abala sa kani-kanilang gawain. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, at ang dingding ay may malilinis at kulay puti ang pintura. Ang reception desk ay napapalibutan ng mg
Bumalik ang isip ni Alyssa sa kasalukuyan habang nakaupo siya sa harap ng kanyang lamesa sa opisina. Nakapila ang mga papeles sa harapan niya—mga pasyente niyang kailangang asikasuhin, mga test results na kailangang repasuhin, at ilang reports na dapat niyang isumite bago matapos ang linggo. Ang dami ng trabaho niya ang karaniwang nagbibigay sa kanya ng motibasyong magpatuloy. Ngunit sa pagkakataong ito, tila mas mabigat ang dinadala niya.Kinuha niya ang unang papel mula sa stack. Isang medical record ito ng isang pasyenteng nakatakdang manganak sa susunod na linggo. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat detalye. Sa kabila ng pagsubok niyang ituon ang isip sa trabaho, hindi niya mapigilang bumalik ang usapan nila ni Sam kanina.Bumuntong-hininga siya at inilapag ang papel. Hinawakan niya ang kanyang sintido, pilit nilalabanan ang bigat ng emosyon na tila kumakapit sa kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, dahilan para magulat siya at mapalingon. Pum
ISANG LINGGO NA RIN ANG NAKALILIPAS, isang karaniwang abalang araw na naman sa ospital ang sinimulan ni Alyssa. Tulad ng dati, nakatutok siya sa kanyang mga pasyente, sinisigurong walang nakakalimutang detalye sa kanilang mga chart. Ngunit sa gitna ng kanyang trabaho, isang balita mula sa mga kasamahan ang gumulantang sa lahat—may nangyaring banggaan sa isang bahagi ng Maynila, at isinugod ang ilang biktima sa ospital.Naging doble ang pagod ni Alyssa sa pag-aasikaso ng kanyang mga pasyente at sa pagko-coordinate sa emergency room para sa mga bagong dating na biktima. Ang tunog ng sirena ng ambulansya ay hindi tumigil, at ramdam niya ang bigat ng tensyon sa paligid. Mabilis niyang binalikan ang mga detalye ng kanyang trabaho habang naghahanda para sa anumang maaaring mangyari.Nasa kanyang opisina siya nang biglang bumukas ang pinto. Halos hinahabol ang hininga, pumasok si Lucas, hawak ang clipboard sa kanyang kamay.“Doc Alyssa, may naghahanap po sa inyo sa emergency room!” mabilis n
Bumalik ang isip ni Alyssa sa kasalukuyan habang nakaupo siya sa harap ng kanyang lamesa sa opisina. Nakapila ang mga papeles sa harapan niya—mga pasyente niyang kailangang asikasuhin, mga test results na kailangang repasuhin, at ilang reports na dapat niyang isumite bago matapos ang linggo. Ang dami ng trabaho niya ang karaniwang nagbibigay sa kanya ng motibasyong magpatuloy. Ngunit sa pagkakataong ito, tila mas mabigat ang dinadala niya.Kinuha niya ang unang papel mula sa stack. Isang medical record ito ng isang pasyenteng nakatakdang manganak sa susunod na linggo. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat detalye. Sa kabila ng pagsubok niyang ituon ang isip sa trabaho, hindi niya mapigilang bumalik ang usapan nila ni Sam kanina.Bumuntong-hininga siya at inilapag ang papel. Hinawakan niya ang kanyang sintido, pilit nilalabanan ang bigat ng emosyon na tila kumakapit sa kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, dahilan para magulat siya at mapalingon. Pum
Malalim ang buntong-hininga ni Alyssa habang pinapatay ang makina ng kanyang kotse sa parking lot ng malaking ospital kung saan siya nagtatrabaho. Saglit niyang tinitigan ang malaking signage sa tapat ng gusali: "St. Therese Medical Center". Napakaganda ng ospital, moderno ang arkitektura na may kombinasyon ng salamin at bakal. Ang harapan nito ay may malalaking glass panels na nagbigay ng natural na liwanag sa loob. Ang paligid ay puno ng berdeng halaman, at may fountain sa harap na tila nag-aanyaya ng kapanatagan sa mga pumapasok.Matapos ang ilang segundo, binuksan niya ang pinto ng sasakyan at marahan itong isinara. Naglakad siya patungo sa main entrance, tinatamaan ng malamig na hangin mula sa centralized air conditioning system. Pagpasok niya, bumungad ang malawak na lobby na puno ng mga pasyente at staff na abala sa kani-kanilang gawain. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, at ang dingding ay may malilinis at kulay puti ang pintura. Ang reception desk ay napapalibutan ng mg
ISANG BUWAN NA ang nakalilipas, pero tila wala naman masyadong usad ang takbo ng relasyon nina Alyssa at Marco. Minsan nga'y hindi na ito masyado iniisip ni Alyssa, pero bilang isang babae na gusto pa rin maayos ang kaniyang pamilya, wala itong ibang magawa kundi isipin at humanap ng paraan upang magkaroon muli sila ng oras mag-asawa. Magkahalong pagod at lungkot ang naramdaman ni Alyssa habang nakahiga siya sa malawak na kama sa kanilang master bedroom. Isang buwan na ang lumipas mula nang pag-usapan nila ni Marco ang posibilidad na magbakasyon, ngunit hanggang ngayon ay nanatili itong plano. Kahit na nagawan niya ng paraan na bawasan ang kanyang oras sa ospital—isang bagay na hindi madali para sa isang abalang obstetrician—tila si Marco naman ang laging wala. Sa kabila ng kanyang mga pagsisikap, napansin niyang lalo pang naging abala si Marco sa trabaho. Hindi maalis kay Alyssa ang mag-isip: Trabaho nga lang ba talaga ang dahilan ng pagiging abala ni Marco? O may kinalaman na rin
TAHIMIK NA BUMUKAS ang malaking gate ng mansyon habang pumarada ang puting SUV ni Alyssa sa harapan ng bahay. Bilang isang doktor ng OB-Gyne sa isa sa kilalang ospital dito sa Manila, ramdam nito ang pagod mula sa buong araw ng operasyon at konsultasyon na mababanaag naman sa kanyang maamong mukha.Pero bilang isang palabang sa buhay, pilit niyang itinatago ang anumang bakas ng kahinaan.Siya si Alyssa Reyes-Delgado. Tiningnan nito ang kanilang bahay na tila napakagandang tingnan. Ang mansyon ay parang kinuha mula sa isang magazine—modernong disenyo, malalawak na bintanang salamin, at hardin na puno ng maingat na inayos na mga halaman. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, tila ang mansyon ay sumasalamin sa tila malamig at magulong estado ng kanyang personal na buhay. Pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng maaliwalas na ngiti ni Yaya Mila, ang pinakamatagal nang kasambahay ng pamilya Delgado. "Ma’am Alyssa, mabuti’t nakauwi na po kayo. Napagod po ba kayo sa trabaho?" Ngumiti si