Tahimik na nakatayo si Alyssa sa tabi ng kama ni Samantha, pinagmamasdan ang payapang mukha nito. Hindi pa ito nagigising mula sa operasyon. Dahil sa matinding trauma sa ulo na natamo nito sa aksidente, kinailangan siyang i-cesarean upang mailigtas ang bata. Mabuti na lamang at maayos ang lagay nilang dalawa. Ang sanggol ay kasalukuyang nasa infirmary room, inaalagaan ng mga neonatal nurses.
Napabuntong-hininga si Alyssa. Sa mga nagdaang buwan, hindi niya naisip na hahantong sila ni Marco sa ganitong sitwasyon. Kahit anong pilit niyang isalba ang kanilang pagsasama, heto siya ngayon—nakatingin sa babae na minsang naging bahagi ng buhay ng kanyang asawa, ngayon ay may anak na rin mula rito. Hindi niya alam kung paano pa maibabalik ang kanilang relasyon. Hindi na.
Hindi na sila magiging ayos ni Marco.
Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na nilalabanan ang bigat sa kanyang dibdib. Ayaw na niyang mag-isip, ayaw na niyang magtanong. Alam na niya ang sagot.
Dahil sa pagod, lumabas na siya ng kwarto. Habang naglalakad sa pasilyo, alam niyang hindi na dapat siya mag-alala pa tungkol kay Marco. Hindi siya trauma doctor, hindi siya ang attending physician nito, pero sa kabila ng lahat… hindi niya mapigilang pumunta sa kwarto nito.
Pagpasok niya, nakita niyang gising na si Marco, nakaupo sa kama. May benda sa noo at balikat nito, at halatang nahihirapan itong gumalaw. Sa kabila ng kanyang galit at sakit, hindi maitatangging nakaramdam pa rin siya ng kaunting awa sa lalaking minsang minahal niya.
Mahal niya pa rin naman si Marco. Hindi na nga nito alam kung martyr pa ba siya o tanga-tangahan na lang.
Tahimik na lumapit si Alyssa at marahang naupo sa gilid ng kama ni Marco. Ang tunog ng kanyang mga hakbang ay tila lumulunod sa katahimikan ng kwarto, at kahit may pag-aalinlangan sa kanyang dibdib, sinubukan niyang ipakita ang matibay at propesyonal na panlabas na anyo.
Tinitigan niya si Marco. Kahit may mga benda sa ulo at balikat nito, hindi maikakailang gwapo pa rin ito. Ang matatalim nitong mata, na dati'y puno ng init at sigasig sa tuwing nakikita siya, ay ngayon malamlam at tila wala sa sarili. May bahagyang pamumutla sa kanyang mukha, at halatang hindi pa ito ganap na nakaka-recover mula sa aksidente. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya maiwasang maalala kung paanong dati, kahit sa pinaka-stressful nilang mga araw, nagagawa pa rin nitong ngumiti sa kanya.
Subalit ngayon, ibang Marco ang nasa harapan niya. Hindi niya maipaliwanag kung anong eksaktong pakiramdam ang lumulukob sa kanya—galit ba? Lungkot? Pagod? O simpleng kawalan ng emosyon na dulot ng paulit-ulit na pagkabigo?
Huminga siya nang malalim bago nagsalita, sinisikap gawing kalmado ang kanyang boses. "Kumusta ka?"
Wala siyang inaasahang mainit na sagot mula rito, pero kahit paano, nais niyang marinig kung ano ang nararamdaman nito.
Ngunit hindi siya sinagot ni Marco. Imbes na tingnan siya, luminga-linga ito sa paligid, para bang may hinahanap. Mula sa kama, bahagyang lumipat ang tingin nito sa pintuan, sa bintana, at sa paligid ng kwarto, na tila hindi siya nakikita.
Nagtaka si Alyssa. Parang may bumigat sa loob niya, ngunit pinili niyang huwag bigyan ng masamang kahulugan ang kilos nito. Baka naman naghahanap lang ito ng tubig o nurse, naisip niya.
Ngunit nang sa wakas ay bumaling si Marco sa kanya, ang tanong nito ay hindi niya inaasahan.
"Kumusta si Sam? Nasaan ang anak namin?"
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Alyssa.
Tila may kung anong sumakal sa kanyang lalamunan, isang matinding bigat na bumalot sa kanyang buong katawan. Sandaling tumigil ang kanyang paghinga. Sa dami ng maaaring itanong ni Marco, ito pa talaga ang nauna? Hindi niya siya tinanong kung ano ang nangyari sa kanya, kung paano siya napunta rito, kung ano ang lagay niya matapos ang lahat ng gulong dinanas nila. Wala man lang pagkabahala sa kanya, ni isang maliit na pag-aalala. Ang iniisip lang nito ay sina Sam at ang anak nila.
Napakagat-labi siya.
Alam niyang wala na siyang karapatang umasa, pero hindi niya inasahan na masakit pa rin pala. Ang totoo, matagal na niyang alam ang sagot. Paulit-ulit na niya itong naramdaman sa mga nagdaang buwan, ngunit iba pa rin pala kapag direkta mong naririnig mula sa taong dapat ay kasama mo sa laban.
Sinubukan niyang kontrolin ang boses niya. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap nito. Hindi siya pwedeng umiyak.
"Maayos na si Samantha," sagot niya, malamig at kontrolado ang tono.
Hindi niya alam kung paano niya nagawang panatilihin ang kanyang panlabas na kalmado, pero ang totoo, sa loob niya ay bumubulong na ang isang tinig na nagsasabing tama na, Alyssa. Tama na ang pagpapaasa sa sarili.
"Na-cesarean siya dahil hinimatay siya habang nanganganak," dugtong niya, pilit na hindi ipinapakita ang bigat sa kanyang dibdib. "Ang anak ninyo, nasa infirmary room, stable na rin."
Bahagyang nagbaba siya ng tingin. Hindi niya kayang makita ang magiging reaksyon ni Marco.
Pero hindi niya iyon kailangang makita.
Ramdam niya ito.
Halos lumiwanag ang mukha ni Marco sa narinig. Halatang gumaan ang loob nito, tila ba nabunutan ng tinik. Nakita niyang bumuntong-hininga ito, hindi dahil sa sakit ng katawan nito kundi sa tila ba pangamba na ngayon ay tuluyan nang nawala.
"Salamat sa Diyos," bulong nito, puno ng pag-asa at saya.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang tingin, at doon niya nakita ang ngiti sa labi ni Marco. Isang ngiting matagal na niyang hindi nakikita—isang tunay, masayang ngiti, isang ekspresyong puno ng pananabik at ligaya.
Pero hindi ito para sa kanya.
Hindi ito dahil sa kanya.
Hindi siya ang dahilan ng kasiyahan nito.
Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay isang estranghero na siya sa buhay ng lalaking minsang tinawag niyang asawa.
Wala siyang nasabi. Wala siyang nagawa.
Nanatili lang siyang nakaupo sa gilid ng kama, nanatili siyang nakatingin kay Marco habang unti-unting bumibigat ang kanyang dibdib, at ang tanging nagawa niya ay hayaan ang tahimik na kirot na bumalot sa kanya.
Hindi niya napansin ang pag-iba ng timpla ni Alyssa.
Kahit pilit niyang nilulunok ang sakit na nararamdaman, hindi niya napigilang magtanong, "Anong gusto mong maging anak? Babae o lalaki?"
Nagliwanag lalo ang mga mata ni Marco. "Nakita mo na ba? Alam mo na kung anong kasarian ng anak namin?" tanong nito, puno ng excitement. "Huwag mo munang sabihin, gusto kong masurpresa."
Ngumiti ito, hindi maipinta ang tuwa sa kanyang mukha. "Pero kung ako ang tatanungin mo… gusto ko sana ng babae. A daughter. Isang maliit na prinsesa na may ngiti tulad ng kay Sam, may mga mata niya… pero kahit ano pa 'yan, basta sa akin, okay lang. Basta anak namin."
"Pero kung ako ang tatanungin mo… gusto ko sana ng babae. A daughter. Isang maliit na prinsesa na may ngiti tulad ng kay Sam, may mga mata niya… pero kahit ano pa 'yan, basta sa akin, okay lang. Basta anak namin." Para bang binagsakan ng mabigat na bagay si Alyssa dahil sa kaniyang narinig sa sarili pa mismo nitong asawa. Kung makapagsalita si Marco sa kaniyang harapan ngayon, ang asta nito ay tila normal na doktor lang si Alyssa at hindi asawa niya. Wala itong preno. Hindi nga alam ni Alyssa kung sadyang dahil lang sa pagkabagok ni Marco kaya ganyan siya mag-isip, o sadyang wala na talagang pakialam si Marco sa kaniyang nararamdaman.Tila huminto ang kanyang mundo habang pinapanood ang kasiyahan sa mukha ng kanyang asawa. Isang kasiyahang na hindi niya kailanman makikita dahil sa ngayon, wala nang balak si Alyssa na ipaalam pa ang sarili nitong pagbubuntis. Malamang ay itatago niya ang katotohanan na ito. Sa istilo pa lang ng kaniyang asawa ngayon, tila wala na talagang puwang si A
Maayos ang lagay ni Alyssa. Mahigpit ang kapit ng kaniyang anak pero dahil na rin sensitibo ang pagbubuntis ni Alyssa dahil maaga pa lamang, kailangan niyang magpahinga. Oo, alam na ng doktor na nagcheck sa kaniyang lagay ang kaniyang pagkabuntis. Pero sigurado naman si Alyssa na hindi ito ilalabas ng doktor dahil na rin confidential ang impormasyon na ito.Paglabas ni Alyssa mula sa kwarto ng clinic, sinalubong siya ng malamig na simoy ng aircon na bumalot sa kanyang balat. Mahina niyang hinilot ang sentido, pinipilit na labanan ang hilo na nagsisimula na namang lumukob sa kanya. Masyado pang sariwa ang mga sinabi ng doktor tungkol sa kanyang kondisyon, pero wala siyang panahon para iproseso ang lahat ng iyon ngayon. Kailangan niyang magpatuloy.Sa labas ng clinic, agad niyang napansin ang pamilyar na pigura ni Lucas na nakatayo malapit sa pinto, hawak-hawak ang isang nakahandang wheelchair. Hindi ito nagsalita, ngunit sapat na ang tingin nito para ipaalam sa kanya na alam nitong hin
Nanginginig ang mga kamay ni Alyssa habang marahang pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi. Hindi niya inakalang aabot sa ganitong punto ang kanilang relasyon. Mula sa isang relasyong hindi sinadya ngunit pilit pinagtibay, ngayon ay unti-unting nawawasak ang lahat.Tumitig siya kay Marco, pinagmasdan ang lalaking minsang sinamahan niya sa sakit, sa pagbangon, at sa pagbuo ng isang buhay na akala niya’y magiging matibay. Ngayon, muli itong nakaratay sa kama—gaya ng tatlong taon na ang nakalipas. Parehong may mga sugat, parehong mahina, ngunit may isang malaking kaibahan. Noon, siya ang unang tinawag ni Marco. Noon, siya ang nasa isip nito.Bumalik sa kaniyang alaala ang panahong nag-ugat ang lahat.Tatlong taon na ang nakakalipas, isa siyang nurse sa parehong ospital kung saan siya naroroon ngayon. Hindi pa siya doktor noon, ngunit isa siya sa mga pinaka-maaasahang staff sa buong ward. Isang gabi, dinala sa emergency room si Marco matapos ang isang matinding aksidente sa sasakyan. Basag
TAHIMIK NA BUMUKAS ang malaking gate ng mansyon habang pumarada ang puting SUV ni Alyssa sa harapan ng bahay. Bilang isang doktor ng OB-Gyne sa isa sa kilalang ospital dito sa Manila, ramdam nito ang pagod mula sa buong araw ng operasyon at konsultasyon na mababanaag naman sa kanyang maamong mukha.Pero bilang isang palabang sa buhay, pilit niyang itinatago ang anumang bakas ng kahinaan.Siya si Alyssa Reyes-Delgado. Tiningnan nito ang kanilang bahay na tila napakagandang tingnan. Ang mansyon ay parang kinuha mula sa isang magazine—modernong disenyo, malalawak na bintanang salamin, at hardin na puno ng maingat na inayos na mga halaman. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, tila ang mansyon ay sumasalamin sa tila malamig at magulong estado ng kanyang personal na buhay. Pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng maaliwalas na ngiti ni Yaya Mila, ang pinakamatagal nang kasambahay ng pamilya Delgado. "Ma’am Alyssa, mabuti’t nakauwi na po kayo. Napagod po ba kayo sa trabaho?" Ngumiti si
ISANG BUWAN NA ang nakalilipas, pero tila wala naman masyadong usad ang takbo ng relasyon nina Alyssa at Marco. Minsan nga'y hindi na ito masyado iniisip ni Alyssa, pero bilang isang babae na gusto pa rin maayos ang kaniyang pamilya, wala itong ibang magawa kundi isipin at humanap ng paraan upang magkaroon muli sila ng oras mag-asawa. Magkahalong pagod at lungkot ang naramdaman ni Alyssa habang nakahiga siya sa malawak na kama sa kanilang master bedroom. Isang buwan na ang lumipas mula nang pag-usapan nila ni Marco ang posibilidad na magbakasyon, ngunit hanggang ngayon ay nanatili itong plano. Kahit na nagawan niya ng paraan na bawasan ang kanyang oras sa ospital—isang bagay na hindi madali para sa isang abalang obstetrician—tila si Marco naman ang laging wala. Sa kabila ng kanyang mga pagsisikap, napansin niyang lalo pang naging abala si Marco sa trabaho. Hindi maalis kay Alyssa ang mag-isip: Trabaho nga lang ba talaga ang dahilan ng pagiging abala ni Marco? O may kinalaman na rin
Malalim ang buntong-hininga ni Alyssa habang pinapatay ang makina ng kanyang kotse sa parking lot ng malaking ospital kung saan siya nagtatrabaho. Saglit niyang tinitigan ang malaking signage sa tapat ng gusali: "St. Therese Medical Center". Napakaganda ng ospital, moderno ang arkitektura na may kombinasyon ng salamin at bakal. Ang harapan nito ay may malalaking glass panels na nagbigay ng natural na liwanag sa loob. Ang paligid ay puno ng berdeng halaman, at may fountain sa harap na tila nag-aanyaya ng kapanatagan sa mga pumapasok.Matapos ang ilang segundo, binuksan niya ang pinto ng sasakyan at marahan itong isinara. Naglakad siya patungo sa main entrance, tinatamaan ng malamig na hangin mula sa centralized air conditioning system. Pagpasok niya, bumungad ang malawak na lobby na puno ng mga pasyente at staff na abala sa kani-kanilang gawain. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, at ang dingding ay may malilinis at kulay puti ang pintura. Ang reception desk ay napapalibutan ng mg
Bumalik ang isip ni Alyssa sa kasalukuyan habang nakaupo siya sa harap ng kanyang lamesa sa opisina. Nakapila ang mga papeles sa harapan niya—mga pasyente niyang kailangang asikasuhin, mga test results na kailangang repasuhin, at ilang reports na dapat niyang isumite bago matapos ang linggo. Ang dami ng trabaho niya ang karaniwang nagbibigay sa kanya ng motibasyong magpatuloy. Ngunit sa pagkakataong ito, tila mas mabigat ang dinadala niya.Kinuha niya ang unang papel mula sa stack. Isang medical record ito ng isang pasyenteng nakatakdang manganak sa susunod na linggo. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat detalye. Sa kabila ng pagsubok niyang ituon ang isip sa trabaho, hindi niya mapigilang bumalik ang usapan nila ni Sam kanina.Bumuntong-hininga siya at inilapag ang papel. Hinawakan niya ang kanyang sintido, pilit nilalabanan ang bigat ng emosyon na tila kumakapit sa kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, dahilan para magulat siya at mapalingon. Pum
ISANG LINGGO NA RIN ANG NAKALILIPAS, isang karaniwang abalang araw na naman sa ospital ang sinimulan ni Alyssa. Tulad ng dati, nakatutok siya sa kanyang mga pasyente, sinisigurong walang nakakalimutang detalye sa kanilang mga chart. Ngunit sa gitna ng kanyang trabaho, isang balita mula sa mga kasamahan ang gumulantang sa lahat—may nangyaring banggaan sa isang bahagi ng Maynila, at isinugod ang ilang biktima sa ospital.Naging doble ang pagod ni Alyssa sa pag-aasikaso ng kanyang mga pasyente at sa pagko-coordinate sa emergency room para sa mga bagong dating na biktima. Ang tunog ng sirena ng ambulansya ay hindi tumigil, at ramdam niya ang bigat ng tensyon sa paligid. Mabilis niyang binalikan ang mga detalye ng kanyang trabaho habang naghahanda para sa anumang maaaring mangyari.Nasa kanyang opisina siya nang biglang bumukas ang pinto. Halos hinahabol ang hininga, pumasok si Lucas, hawak ang clipboard sa kanyang kamay.“Doc Alyssa, may naghahanap po sa inyo sa emergency room!” mabilis n

Tahimik na nakatayo si Alyssa sa tabi ng kama ni Samantha, pinagmamasdan ang payapang mukha nito. Hindi pa ito nagigising mula sa operasyon. Dahil sa matinding trauma sa ulo na natamo nito sa aksidente, kinailangan siyang i-cesarean upang mailigtas ang bata. Mabuti na lamang at maayos ang lagay nilang dalawa. Ang sanggol ay kasalukuyang nasa infirmary room, inaalagaan ng mga neonatal nurses. Napabuntong-hininga si Alyssa. Sa mga nagdaang buwan, hindi niya naisip na hahantong sila ni Marco sa ganitong sitwasyon. Kahit anong pilit niyang isalba ang kanilang pagsasama, heto siya ngayon—nakatingin sa babae na minsang naging bahagi ng buhay ng kanyang asawa, ngayon ay may anak na rin mula rito. Hindi niya alam kung paano pa maibabalik ang kanilang relasyon. Hindi na. Hindi na sila magiging ayos ni Marco.Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na nilalabanan ang bigat sa kanyang dibdib. Ayaw na niyang mag-isip, ayaw na niyang magtanong. Alam na niya ang sagot. Dahil sa pagod, lumaba