"Mama, nasa hospital mo po ako! Bisitahin ko po kayo :)" Iyan ang natanggap na text ni Natalia kaya tila kinabahan ito sa kaniyang nabasa. Bakit nagpunta si Liam sa hospital? Paano kung makita siya ng mga Harrington?Sa harap ng hospital, isang batang nakasuot ng puting t-shirt at tila kagagaling lamang sa eskwela ang nakatayo at tila nilalamig na habang hawak ang isang malaking food box. Kasama nito ang kaniyang Yaya na si Tess na siya namang may hawak ng telepono ng bata.Gwapo ang batang ito kahit ilang taong gulang pa lamang. Dahil na rin siguro sa kaniyang mga berdeng mga mata, mestiso, at matangos na ilong ay kaya naka-a-attract ito ng mga tingin ng mga dumadaan. Ang iba't napatitingin at ngumingiti, ang iba nama'y tila napapakunot ang noo nang makita ang bata. Isa sa mga dumadaan ay ang isang makisig na lalaking naka-asul na tuxedo, prescription glasses, makisig ang pustura, at maskulado ang katawan. Ang salamin na suot nito'y bahagyang makapal, nagsasabing malabo ang kaniyang
"Syempre naman, para sa'yo, Mama." Kahit may hawak pa ring box na tila wala nang laman, niyakap din ni Liam pabalik si Natalia. "Pasensya na kung naging busy si Mama lately, ha? Marami lang talaga akong inaasikaso lalo ngayong kababalik lang natin dito sa Pilipinas." Hinaplos ni Natalia ang buhok ni Liam at saka ito hinalikan sa pisngi. "Ayos lang po 'yon, Mama." Kahit na sinabi nitong ayos lang, kitang-kita pa rin sa mga mata ni Liam ang lungkot na minsan lang makita ang ina. Ngunit kahit na gano'n, naiintindihan pa rin naman niya dahil kahit pitong-taong gulang pa lang ito, bahagyang mature na ang kaniyang pag-iisip. Malungkot nitong tiningnan at itinaas ang walang lamang food box na dala-dala niya kanina. "Dinalhan sana kita ng pagkain, Mama, kaso bigla pong natapon kanina noong nagkagulo eh.""Okay lang ako, Liam.""Pwede naman po akong umuwi para ipaghanda ka ulit ng pagkain, Mama!" Masaya nitong tugon at saka ngumiti. "Tinulungan naman po ako ni Yaya Tess kanina eh. Pagkatapos
Nakakunot ang noo ni Maxwell dahil sa pagtataka sa mga sinasabi ni Aaron na konektado na naman kay Natalia. Paanong nakakita ito ng isang batang kamukha ng anak niyang si Tristan, at ang kakaiba pa roon ay niyakap daw ng bata si Natalia? Tiningnan ni Maxwell si Natalia na animo'y pinagmamasdan nito ang kaniyang buong katawan.Sa pagkakataong ito, kinakabahan ang buong pagkatao ni Natalia at tila huminto na ang tibok ng kaniyang puso. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang telepono habang tinitingnan si Aaron at Maxwell.Muli, sumigaw si Aaron habang inaasikaso ng mga doktor. "Hoy, kausap kita! Nakita mo si Mr. Tristan kanina 'di ba? Nakatayo siya sa entrance nitong hospital tapos may kasamang isang babae! Matalas ang mga mata ko, Doc, at hinding-hindi ako magkakamali!" nag-explain pa ito kay Natalia para kumuha ng simpatya at pagsang-ayon.Tama naman si Aaron, nakita niya talaga ang isang batang kamukha ni Tristan. Ngunit ito ang bagay na dapat hindi malaman ng iba lalong-lalo na
Kung sa tingin ni Natalia ay isang normal na araw lang para sa mga Harrington ang nangyari kay Tristan, nagkakamali ito dahil sa tindi ng galit ni Maxwell sa mga tao sa mansion, lalo na kay Lucia at sa mga katulong doon. Noong gabi kung kailan nahulog si Tristan mula sa kwarto nito, talagang nag-init ang ulo ni Maxwell sa kung sino mang makasalamuha nito.Ni hindi nga naisip ni Maxwell ang muli nilang pagkikita ng dati nitong asawa na si Natalia. Hindi pa ito pumapasok sa kaniyang isipan noong araw na 'yon dahil prayoridad talaga nitong totoo ang anak niyang si Tristan. Pagbalik nito sa mansyon noong kinagabihan ay pinagsisigawan agad nito si Lucia, na siya namang takot na takot at hindi talaga nagsalita.Bukod pa riyan, nagalit din ang nanay ni Maxwell na minsan ay dumadalaw din sa mansyon. Dahil kumalat na rin sa media at mga bali-balita ang nangyaring pagsugod ng mga Harrington sa hospital dahil sa nangyari kay Tristan, hindi rin nagtagal ay narinig ng nanay ni Maxwell ang balita.
Ngunit bago pa ito makapasok, agad siyang hinarang ng mga bodyguard sa labas ng kwarto ng bata. "Huwag nga kayong humarang! Kailangan kong makapasok!" sigaw ni Natalia habang naririnig ang pag-iyak ni Tristan sa loob ng kwarto nito. Hindi gumalaw ang mga bodyguard."Doktor ako ng pasyente niyo. Ngayong hinaharangan mo akong makapasok sa silid ng pasyente ko, ikaw ba ang mananagot kung sakaling may mangyaring masama sa binabantayan niyong bata?"Dahil sa sinabi ni Natalia, nanindig ang balahibo ng mga bodyguard at tila hindi na nakagalaw sa kanilang kinatatayuan. Ginamit ni Natalia ang pagkakataon na 'yon upang tabigin ang mga ito at makapasok sa loob ng kwarto ni Tristan.Pagkapasok nito, naabutan niyang hawak-hawak ni Maxwell ang bata sa magkabilang balikat at tila niyuyugyog niya ito nang marahan. Ngunit sa mga mata ni Natalia, sinasaktan ni Maxwell ang anak nito. Agad na nag-init ang noo ni Natalia at saka inilayo si Maxwell sa bata. "Anong ginagawa mo kay Tristan?!"Nagulat si M
"Baby?"'Yan ang nakita ni Maxwell na lumabas sa telepono ni Natalia nang may tumawag dito. Hindi ito nakapag-isip ng iba pang rason dahil ang dahilan lang na nasa isip niya ay nagkaroon na ng ibang kinakasama si Natalia at 'baby' ang tawag niya rito. Nagkaroon ng kabit si Natalia nitong mga nakaraang taon na nawala siya? Hindi alam ni Maxwell ang nasa isip niya pero bahagyang nag-init ang ulo nito kahit na hindi naman dapat. Sa kanilang dalawa ni Natalia, si Maxwell ang siyang nangaliwa at sa mismong kapatid pa ni Natalia na si Olivia. Pero nang maisip ni Maxwell ang sitwasyon kung saan si Natalia ang nakahanap ng iba, hindi nito maatim na ikuyom ang kaniyang kamao at kimkimin ang galit at sakit.Ngunit nasa isip lang niya ito lahat. Sa tindi ng pagkakahawak nito sa cellphone ni Natalia, ang kaninang basag na telepono ay ngayong nadurog na. Sira na ito kung kaya't tumigil na rin ang tunog ng tawag.Sa kabilang linya, nagtataka si Liam kung bakit hindi na niya matawagan ang ina. Ang
Kahit bahagyang madilim at tanging lampara lang sa kwarto ni Tristan ang nagbibigay ilaw sa loob ng silid, kitang-kita ni Natalia ang pagnanasa na may halong galit sa mga mata ni Maxwell. Hindi niya nagugustuhan ang kaniyang nakikita. Ni hindi rin nito alam kung bakit ganito ang reaksyon nito o kung bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon.Anong meron? Anong nakain ng lalaking ito para iharap ang kaniyang pagmumukha kay Natalia nang ganyang kalapit?Sa isang iglap lang, isang madiing kagat ang nadama ni Natalia sa balikat nito mula sa lalaking nasa harap niya. Ilang segundo niyang ininda ang sakit bago niya maitulak si Maxwell palayo at saka ito sinampal.Ni hindi man lang nayanig ang katawan ni Maxwell sa lakas ng sampal ni Natalia. Ang huli nama'y napahawak na lang sa kaniyang balikat sa sakit habang nagngi-ngitngit ang mga ngipin sa galit dahil kay Maxwell.Hayop talaga 'to! Palibhasa pinanganak sa taon ng mga aso!Kahit sobrang sakit na ng nararamdaman nito, hindi pa rin siya s
"M-Mama?""Good morning, anak."Hinaplos ni Natalia ang buhok ni Tristan at saka ito hinalikan sa noo, bagay na lagi niyang ginagawa kay Liam kapag ito'y gigising na. Hindi nakapag-isip si Natalia na hindi ito ang kaniyang anak. Gano'n din si Tristan na nagulat at nahiya dahil sa ginawa ng doktor na nasa kaniyang harapan.Nang makapag-adjust na ang mga mata nito sa liwanag, nalaman na niyang hindi ang ina nito ang nasa kaniyang harapan kundi ang doktor na nakapag-patulog sa kaniya. Sinubukan niyang ngumiti pero nahihiya pa rin ito. "H-Hindi niyo po ako anak."Bahagyang natawa si Natalia. Totoo namang hindi ito si Liam kaya parehas silang nagulat. Ngumiti si Natalia at saka tinulungan si Tristan na umupo. Hinaplos muli ni Natalia ang buhok at ang likod ni Tristan kaya naman mas lalong nahiya ang huli. Hindi pa siya naaalagaan ng ganito dahil ang nag-aalaga sa kaniyang si Lucia ay wala naman talagang pakialam sa kaniya.Marahan ang paghaplos ni Natalia kaya naman napaisip si Tristan kun