"Sigurado ka? Dito natulog si Dra. Allyson sa kwarto ni Tristan?" tanong muli ni Lucia sa mga guwardiya na animo'y siya ang asawa kung makapag-panic. "Hindi ba't nandito rin si Sir Maxwell kagabi?" tanong niya muli para makasigurado.Dahil totoo naman, agad na tumango ang mga guwardiya. "Oo, dito po natulog si Mr. Maxwell kagabi. Si Dra. Allyson naman po ay paalis-alis... minsan ay nandito binabantayan si Tristan, minsan ay bumabalik sa kaniyang opisina sa ikalawang palapag. Hinahayaan lang siya ni Mr. Maxwell na lumabas-pasok sa silid ng bata kaya hinahayaan na rin namin."Napanganga si Lucia sa narinig. So pagkatapos ng ginawang eskandalo ni Dra. Allyson kahapon laban sa kaniya, kahit manakit-nakit na ang anit nito sa sabunutan ng dalawa, wala lang ang lahat ng iyon dahil lang sa pagpapatahan kay Tristan ni Dra. Allyson kahapon? Akala ko ba ang silid na ito ay para protektahan si Tristan mula sa mga tao sa labas katulad ni Dra. Allyson? Tapos ang babaeng 'yan ang isa sa mga madalas
"Anong atin, Ms. Lucia? May kailangan ka ba?""Tanggalin mo sa hospital na ito si Dra. Allyson." sambit ni Lucia nang walang alinlangan. Dahil sa mga litanyang binitawan ni Lucia, litong-lito si Joaquin kung bakit at ganito ang nangyayari. May kinalaman kaya ang naging away nina Lucia at Natalia sa nire-request ngayon ng babaeng ito?Tumikhim si Joaquin at nagsalita. "Hindi ba't naging magaling naman na tagapangalaga't doktor si Dra. Allyson nitong mga nakaraang araw? Tagumpay din ang operasyon nito kay Mr. Tristan Harrington. Kung tungkol pa rin ito sa naging away niyo nitong --!""Hindi." sabat ni Lucia at saka huminga nang malalim. Taas noo nitong kinakausap ang doktor na animo'y siya ang may-ari ng hospital kahit na hindi naman. "Gusto ko lang na tanggalin mo siya rito. Makakahanap naman 'yan ng ibang trabaho sa labas dahil nga sabi mo, magaling na doktor ang babaeng iyan."Matagal nang nagiging sunod-sunuran si Joaquin, ngunit gumagawa talaga ito ng paraan para maresolba ang mga
"Kaya mo bang makipagplastikan kahit ngayon lang?"Tiningnan siya ni Natalia na animo'y hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Joaquin. Naiintindihan naman ni Natalia kung saan nanggagaling si Joaquin at ang mga solusyon na kaya nitong ibigay bilang chief of staff ng hospital na ito at bilang kaibigan. Malaki rin ang utang na loob niya rito dahil sa pagtulong ni Joaquin sa kaniya nitong mga nakaraang taon.Ngunit iyon na nga ang problema. Kay Joaquin may utang na loob si Natalia, hindi sa mga Harrington. Kung may luluhuran man siya at hihingian ng patawad, si Joaquin 'yon at hindi ang mga Harrington na umalipusta sa kaniya.Ngumiti ito pero ang sagot niya ay, "Hindi. Ayokong gawin ang inuutos mo, Joaquin.""Hindi mo ba kayang gawin ito para sakin, Natalia?" pagmamakaawa ni Joaquin. "Alam ko namang ikaw ang tama... pero kapag lalo mo pang ininis si Ms. Lucia, mawawalan ka talaga ng trabaho at pati ng koneksyon dahil sa kapangyarihan ng mga Harrington. Ikaw na rin ang nagsabi, wala ka nama
"C-Costaleon..." pag-uulit ni Lucia sa apelyido ng doktor na pamilyar sa kaniya. "N-Natalia Costaleon?"Hindi makapaniwala si Lucia dahil sa kaniyang nakikita, pero tila wala ito sa tuliro pagkatapos siyang gantihan ni Natalia ng isang napakalakas na sampal. Sa isip-isip ni Natalia, nakilala na rin naman siya ng kaniyang kapatid kaya mas mabuti nang lubos-lubusin na niya ito.Kung magkakaroon man siya ng iba pang pagkakataon para masaktan ito nang pisikal, masyado pa itong matagal. Bakit hindi pa ngayon na nag-aaway na rin naman sila?Nang matanggal ang surgical mask na nakatakip sa mukha ni Natalia, nagulat din si Joaquin dahil hindi dapat makita ni Lucia ang totoong hitsura ni Dra. Allyson. Ngunit wala na itong nagawa, nalunod ang kwarto ng mga sigaw ni Lucia habang sinasabunutan siya ni Natalia."Alisin mo ang mga kamay mo! Huwag mo akong hawakan, babae ka!" sinubukang protektahan ni Lucia ang kaniyang sarili mula kay Natalia, ngunit wala itong nagagawa dahil tila lumakas ng sampun
"Ano at paano mo tinatrato ang anak ko nitong mga nakaraang taon, ha, Lucia?"Hindi naisip ni Lucia na darating ang panahon kung saan mababaliktad ang sitwasyon nila ngayon. Pakiramdam nito, si Natalia na ang nasa itaas dahil sa kung paano siya nito sigaw-sigawan. Bukod pa riyan, pakiramdam niya'y unti-unti nang mabubuking ang mga plano niya para sa kaniyang pamilya.Galit na galit si Natalia, pero wala itong laban sa laki ng katawan ng mga bodyguard kaya ang ginagawa lang niya ay takutin ang mga ito. Natuwa si Natalia nang mapansing may takot pa rin ang mga body guard sa kaniya kahit na matagal na silang naghiwalay ni Maxwell. Kung sabagay, sa pagitan ni Natalia at Lucia ngayon, kahit na sino naman ay mas kakampihan si Natalia kung kilala nila ang babaeng ito.Pagkatapos ng ilang taong paghahantay na makarating sa pwestong ito, sa wakas ay nakaharap na rin ni Lucia ang isang bago at matapang na Natalia sa panahong ito. Kung dati'y walang lakas si Natalia na ipagtanggol ang kaniyang s
"Huwag mong ilihis ang usapan, Natalia. Isusumbong kita kay Maxwell!""Edi isumbong mo!" malakas na balik ni Natalia, hindi natatakot sa mga pagsigaw ni Lucia. "Sa sarili mo ikaw mag-alala, Lucia, dahil kapag hindi mo nasagot ng ayos ang mga susunod na itatanong ko, ikaw ang mas lalong malilintikan sa akin..."Natahimik si Lucia, hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Natalia. "Paano nahulog si Tristan sa building? Imposible ang sinasabi niyong basta na lang siya nahulog at wala kang kinalaman eh..." tanong ni Natalia at tila nag-iimbestiga sa tunay na nangyari. Noong unang araw kasing dinala si Tristan dito, si Lucia agad ang unang nagpaliwanag na baka naglalaro lang sa bintana si Tristan at hindi inaasahan, nagkasya ito at nahulog. Ngunit simula pa naman noon, hindi na naniwala si Natalia.Matalim ang mga tingin ni Natalia at saka muling nagsalita. "May kinalaman ka ba sa nangyari sa kaniya noong araw na iyon?"Dahil basa na rin naman ng tubig si Lucia, hindi halata sa kaniya a
"Si Olivia na ang ina ni Tristan!" sagot pabalik ni Lucia. Hindi pa ito tumigil dahil nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. Hindi man nito masaktan si Natalia ng pisikal, sinisigurado naman ni Lucia na masasaktan niya ang damdamin ni Natalia. "Hindi ko siya pinalaki para lang matalo mo bigla, Natalia. Ako lang ang kilala niya ngayon at natural lang na disiplinahin o alagaan ko siya. Eh ikaw? Sino ka, haha? Ano namang meron ka o anong estado mo sa mga Harrington para magreyna-reynahan ka sa harap ko ngayon? Huwag mong sabihin na sinasaktan ko ang bata dahil kahit naman totoo 'yan, wala kang magagawa para mapigilan ako. Si Olivia na ang ina ni Tristan at ako naman ang kaniyang tiyahin, ang pinakamalapit sa kaniya. Samantalang ikaw ay isa lamang estranghero na dapat ay namatay na pitong-taon ang nakalilipas."Sa maduming paraan, pinaghirapan ni Lucia ang estado niya ngayon sa buhay ng mga Harrington. Nagpaka-plastik ito para makisama. Nagpaka-alila ito para pagsilbihan ang mga Harringto
"Sigurado ka ba talagang kalalabanin mo ang kapatid mong si Lucia? Kilala mo ang katayuan niya sa pamilya Harrington, Natalia. Isa siya sa mga tagapag-alaga ni Tristan kaya maaari niyang gawin ang kahit anong gusto niya sa anak mo, para lang inisin ka."Sasagot pa sanang muli si Natalia ngunit biglang may tumunog sa kaniyang telepono. "Psychiatric Department?" tanong ni Joaquin nang makita niya kung sino ang tumatawag sa cellphone ni Natalia. Hindi maigalaw ni Natalia ang kaniyang kamay dahil hindi nito alam kung bakit tumatawag ang psychiatric department sa kaniya, pero bigla nitong naalala na ipina-test niya pala si Tristan pagkatapos noong pagwawala nito sa kaniyang kwarto. Bago pa man masagot ni Natalia ang tawag, agad na itong namatay kaya naman 'missed call' na ang nakalagay.Tumingin nang seryoso si Natalia kay Joaquin at bahagyang ngumiti. Hindi ito mapang-asar na ngiti ngunit isa itong ngiti na nag-aalala para kay Joaquin at sa kaniyang anak. Alam ni Natalia na nag-aalala l
Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik na lamang nakaupo si Liam sa tabi ni Tristan habang kinakain nito ang huling piraso ng pagkaing iniwan ni Lucia. Napansin ni Liam na kahit kumalma na ang mukha ni Tristan, halatang may natitirang lungkot at takot sa bata. Kaya’t naisip niyang libangin ang kaibigan upang kahit papaano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman nito."Alam mo, Tristan," sinimulan ni Liam habang kumukuha ng laruan mula sa kanyang bulsa, "may dala akong bagong laruan. Gusto mo ba makita?"Napatingin si Tristan at bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha. “Ano yan?” tanong nito, tila nakakalimot sandali sa lungkot.Inilabas ni Liam ang maliit na puzzle cube at ipinakita ito kay Tristan. “Ito, kaya mo bang ayusin? Ang hirap nito nung una, pero kapag nakuha mo na ang diskarte, madali na lang.”Kinuha ni Tristan ang cube at sinubukang ayusin.Habang naglalaro, nagsimulang magkwento si Liam ng kung anu-ano—mga kwento tungkol sa eskuwela, mga bagong laro, at mga kalokohan na ginagaw
“At isa pa, Tristan, huwag na huwag kang magsusumbong sa kanya, ha? Ayaw kong masaktan ka. Naiintindihan mo ba ako?”Nang tuluyang maisara ni Lucia ang pinto at mawala ang yabag ng kanyang mga sapatos sa pasilyo, muling bumalik ang tahimik na kalungkutan sa silid ni Tristan. Nakayuko siya, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, at ang luha niya ay tahimik na dumadaloy. Walang ibang narinig kundi ang mahihinang hikbi niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya kayang kontrahin ang kanyang tiyahin, lalo na’t sa murang edad niya, naniniwala siyang may punto ito kahit pa masakit ang mga salitang binitiwan sa kanya.Sa kabila ng lahat, tila nakalimutan na ni Tristan na may nagtatago pa sa kabinet—ang kaibigan niyang si Liam. Si Liam naman, na kanina pa pinipigilang huminga ng malakas dahil sa kaba, ay nanatiling nakikiramdam. Sinigurado niyang wala na si Lucia bago siya kumilos. Nang makumpirma niyang ligtas na, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kabinet at luma
“Alam mo ba, kung wala ako rito, hindi rin magigising ang mama mo!” ani Lucia, ang boses ay puno ng hinanakit. “Ako dapat ang kasama mo, Tristan! Hindi ang hunghang na doktor mo!”Napalunok si Tristan. Alam niyang hindi niya dapat kontrahin si Lucia, ngunit ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang ina ay nagbigay sa kanya ng sakit sa loob. Pilit niyang pinigilan ang sarili na tumutol, ngunit hindi rin niya mapigilan ang mga luha na unti-unting pumatak mula sa kanyang mga mata.“Sorry po, Tita,” mahinang sagot niya habang nakayuko pa rin. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin upang mapatahimik si Lucia.“Sorry? ’Yan na naman ang sorry mo!” sigaw ni Lucia, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. “Pinili mo ang doktor mo kaysa sa akin, Tristan! Ako ang dapat nandito para alagaan ka! Ako ang nag-alaga sa’yo mula pagkabata! At ngayon, ipagpapalit mo ako sa isang estranghero?”Tahimik lang si Tristan. Gusto niyang ipaliwanag ang kanyang sarili, pero natatakot siya na mas magalit pa si Lu
“Surprise!” ani Liam, ngiting-ngiti habang inilapag ang kanyang bag sa sahig. “Gusto kitang makita. Kamusta ka na?”Napatingin si Tristan, bahagyang nagulat ngunit nanatiling tahimik sandali bago bahagyang ngumiti. “Liam... anong ginagawa mo dito?” tanong niya, mabagal at parang nag-aalangan. Kahit may maputlang itsura, kumislap ang kanyang mga mata, pero parang may bahid ng lungkot sa kanyang tinig.“Miss na miss na kita, eh,” sagot ni Liam, na para bang walang pakialam sa kaba ng kaibigan. Umupo ito sa silyang malapit sa kama ni Tristan, maliksi at masigla. “Hindi mo ba ako namimiss?”“Namimiss kita, syempre,” tugon ni Tristan, ngayon ay may bahagyang ngiti, pero hindi kasing lapad ng kay Liam. Tila pigil ang saya niya, parang laging may bumabagabag. “Pero… paano ka nakapasok dito? Hindi ka ba nahirapan?”Umiling si Liam, walang pag-aalala. “Mabilis lang akong nakapasok. Ang dami-daming tao sa ospital, hindi nila ako napansin,” sagot niya na may maaliwalas na tono, parang isang laro
Maagang nagising si Liam sa araw na iyon. Ang liwanag ng araw ay sumisilip sa mga siwang ng kurtina, dumampi sa kanyang mukha, at ginising ang kanyang antok na isipan. Bumangon siya mula sa kama at unang napansin ang kanyang maliit na bag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lalagyan ng damit. Bigla siyang kinabahan. Nakalimutan niya pala itong itago kagabi matapos niyang ayusin ang laman nito. Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Mabuti na lang at hindi nakita ni Mama," mahina niyang bulong sa sarili. Naalala niya ang pagbisita ni Natalia sa kanyang kwarto kagabi upang tiyaking mahimbing na siyang natutulog. Swerte siyang hindi nito napansin ang bag, o baka naman inisip lang ng kanyang ina na ordinaryong gamit iyon.Pagkatapos mag-ayos ng kanyang kama, lumabas si Liam ng kanyang kwarto at bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Sa kanyang pagbaba, agad niyang naamoy ang masarap na halimuyak mula sa kusina—ang pabango ng bawang at sibuyas na niluluto, hinaluan ng bahagyan
Habang abala si Liam sa pag-iisip ng mga susunod niyang hakbang, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad niyang itinago ang calling card, hibla ng buhok, at ang kanyang mga ipon sa ilalim ng kama. Mabilis ang kilos ni Liam, at nang masiguradong maayos na ang kanyang pinagtataguan, binuksan niya ang pinto. Nakangiti si Natalia nang tumambad ito sa kanya, may dalang tambak ng malilinis na damit. “Anak, tutupi tayo ng mga damit mo. Ang dami na pala,” anito, sabay lakad papasok sa kwarto ng bata. Sanay na si Liam na mag-bonding sila ng kanyang mama sa ganitong paraan tuwing may pagkakataon. Bagaman pagod ang ina mula sa ospital, palaging may oras ito para sa kanya. Tumabi si Liam sa maliit na lamesa sa kanyang kwarto habang inilapag ni Natalia ang tambak ng mga damit na katatapos lang labhan ni Yaya Tess.“Ang dami po pala, Mama,” komento ni Liam habang kinukuha ang isang pares ng pajama. “Parang ilang buwan yata akong hindi nagpalit ng damit?”Napatawa si Natalia. “Hay n
Habang kumakain silang mag-ina, hindi maiwasang mapansin ni Natalia na medyo tahimik si Liam. Hindi siya karaniwang ganito, lalo na’t si Liam ay madalas magtanong, magkwento, at maglaro ng masaya. Ngayon, para bang may mabigat na bagay na nagkukubli sa mata ng bata. Pero hindi rin ito gaanong halata, dahil nakangiti pa rin siya, kahit na may ilang sandali ng pananahimik.“Mama, may tula po akong gustong ipasa sa inyo!” sabi ni Liam, sabay abot ng papel na tinatayang hindi kasing haba ng ibang mga tula na ipinapasa sa kanilang klase. Ngunit kitang-kita kay Liam ang saya at excitement, kaya't tinanggap ito ni Natalia nang may ngiti.“Wow! Anong tula ba yan, baby?” tanong ni Natalia habang binabasa ang papel ng anak.“Siya po ‘yung tula na in-present ko sa online class namin!” sagot ni Liam, medyo nananabik na makita kung magugustuhan ito ng kanyang ina. “Tungkol po ito sa halaman at kung paano sila lumalaki.”Tumawa ng malumanay si Natalia habang binabasa ang tula. “Naku, ang galing mo
Sa ilalim ng malakas na liwanag ng araw, hawak ni Natalia ang manibela habang mahigpit na nakaipit ang cellphone sa kaniyang balikat. Sa bawat ikot ng gulong sa aspalto, tila umiikot din ang kanyang isip sa isang tanong na hindi niya matakasan: bakit muling bumalik si Maxwell sa kanyang buhay, at bakit ganoon na lamang ang lakas ng loob nitong pilitin siyang halikan?Pakiramdam niya, parang nag-iwan iyon ng hindi maalis-alis na bakas sa kaniyang isipan—isang pangyayaring hindi niya gustong balikan ngunit paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang alaala. Kahit anong pilit niyang itaboy ang ideya, parang nakabaon na ito sa kanyang isipan, bumibigat nang bumibigat habang nagpapatuloy ang biyahe."Salamat, ha. Pakisuyo na lang si Tristan. Siguraduhin mong busog siya at maayos ang pakiramdam niya bago kayo bumalik sa kwarto," wika ni Natalia sa kausap niyang nurse sa linya, pilit na pinapakalma ang sariling boses. Alam niyang hindi niya kayang bumalik sa ospital nang hindi buo ang kaniyang isip
Kahit pa gano'n ang nasa isip ni Anton, pinili niyang manahimik. Hindi na ito nag-usisa pa at iningatan ang kanyang mga iniisip. Ayaw niyang makaapekto ito sa kanyang trabaho, lalo pa’t may posisyon siyang pinanghahawakan sa piling ng mga Harrington. Bukod dito, hindi na niya hahayaang magkamali pang muli matapos niyang masangkot sa eskandalo noon. Ang eskandalo ay nagsimula noong nakita niya ang isang bata sa labas ng ospital na inakala niyang si Tristan. Malinaw pa sa kanya ang tagpo—ang bata’y kamukhang-kamukha ni Tristan, ngunit nang subukan niyang lapitan ito, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng mapanirang tsismis. Hindi rin iyon naging madali para kay Anton. Napilitan siyang magbigay ng paliwanag kay Maxwell. Ngunit sa pagkakataong iyon, si Natalia at ang kaniyang assistant na si Caroline ang nakialam. Ginawa nilang mas kapanipaniwala ang sitwasyon, sinabing nagkamali lang si Anton at nagbunga lamang iyon ng labis na pagod at stress sa trabaho. Lumabas ang balita na tila n