Share

Chapter 27

"Sigurado ka? Dito natulog si Dra. Allyson sa kwarto ni Tristan?" tanong muli ni Lucia sa mga guwardiya na animo'y siya ang asawa kung makapag-panic. "Hindi ba't nandito rin si Sir Maxwell kagabi?" tanong niya muli para makasigurado.

Dahil totoo naman, agad na tumango ang mga guwardiya. "Oo, dito po natulog si Mr. Maxwell kagabi. Si Dra. Allyson naman po ay paalis-alis... minsan ay nandito binabantayan si Tristan, minsan ay bumabalik sa kaniyang opisina sa ikalawang palapag. Hinahayaan lang siya ni Mr. Maxwell na lumabas-pasok sa silid ng bata kaya hinahayaan na rin namin."

Napanganga si Lucia sa narinig. So pagkatapos ng ginawang eskandalo ni Dra. Allyson kahapon laban sa kaniya, kahit manakit-nakit na ang anit nito sa sabunutan ng dalawa, wala lang ang lahat ng iyon dahil lang sa pagpapatahan kay Tristan ni Dra. Allyson kahapon? Akala ko ba ang silid na ito ay para protektahan si Tristan mula sa mga tao sa labas katulad ni Dra. Allyson? Tapos ang babaeng 'yan ang isa sa mga madalas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status