Share

Chapter 29

"Kaya mo bang makipagplastikan kahit ngayon lang?"

Tiningnan siya ni Natalia na animo'y hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Joaquin. Naiintindihan naman ni Natalia kung saan nanggagaling si Joaquin at ang mga solusyon na kaya nitong ibigay bilang chief of staff ng hospital na ito at bilang kaibigan. Malaki rin ang utang na loob niya rito dahil sa pagtulong ni Joaquin sa kaniya nitong mga nakaraang taon.

Ngunit iyon na nga ang problema. Kay Joaquin may utang na loob si Natalia, hindi sa mga Harrington. Kung may luluhuran man siya at hihingian ng patawad, si Joaquin 'yon at hindi ang mga Harrington na umalipusta sa kaniya.

Ngumiti ito pero ang sagot niya ay, "Hindi. Ayokong gawin ang inuutos mo, Joaquin."

"Hindi mo ba kayang gawin ito para sakin, Natalia?" pagmamakaawa ni Joaquin. "Alam ko namang ikaw ang tama... pero kapag lalo mo pang ininis si Ms. Lucia, mawawalan ka talaga ng trabaho at pati ng koneksyon dahil sa kapangyarihan ng mga Harrington. Ikaw na rin ang nagsabi, wala ka nama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status