Ang akala ni Tristan, aalis na si Liam pagkatapos nitong makipag-kamay sa kaniya. Nabanggit din naman kasi ni Tristan na baka dumating na si Tita Lucia niya at baka magalit pa kay Liam. Ngunit ito namang huli, biglang may napansing pagkakatulad nilang dalawa ni Tristan."Pansin mo ba? Parang magkamukha tayo 'no?" Hinawakan pa ni Liam ang pisngi ni Tristan para titigan. Kung alam lang sana ni Liam na may kambal pala siyang kapatid, iisipin niyang kapatid niya itong batang nasa kaniyang harapan na si Tristan. Pero dahil hindi, wala naman siyang inisip na kakaiba.Dahil sa nabanggit ni Liam, tinitigan din ni Tristan si Liam. Nang unti-unti niyang ma-realize na totoo nga ang sinasabi ng bata, agad lumaki ang kaniyang mga mata at tila hindi makapaniwala. "Oo nga no! Bakit magkamukha tayo?"Umiling si Liam at binitawan ang pagkakahawak sa pisngi ni Tristan. "Hindi ko rin alam.""Ako rin eh. May sarili naman akong mommmy." sagot naman ni Tristan.Nang marinig muli ni Liam ang tungkol sa nan
Pagkalabas ni Liam ng pinto, wala na itong ibang nasa isip kung hindi hanapin ang kaniyang ina. Alam nitong nag-aalala na ang mommy niya kaya kinakabahan itong tumakbo sa corridor para pumunta sa pinaka-malapit na elevator. May naiwang gamit si Liam sa taas. Balak niya muna itong kuhanin bago pa man makita ng kaniyang ina. Hangga't maaari, ayaw magpahuli ni Tristan pagkatapos tumakas. Habang humahaba ang oras ng paghahanap at paglilibot nito sa hospital, hindi rin niya mapigilang kabahan. Alam nito kung paano magalit ang kaniyang ina lalo na't nagsisinungaling si Tristan ngayon at nagawa pang tumakas. Namumuo na ang mga pawis sa kaniyang noo nang biglang may sumigaw ng pangalan niya sa likod."Liam!" sigaw ng isang babae mula sa malayong corridor. Nasa tapat na sana ng elevator si Liam ngunit wala itong nagawa kung hindi mapatigil at dahan-dahang humarap sa direksyon kung saan may tumawag sa kaniya. Kinakabahan ang bata. Kilala nito ang boses ng kaniyang ina. "Liam, ikaw ba 'yan?"Da
Mabilis na nag-ayos ng gamit si Natalia para dalhin pa ang iilang mga gamit ni Liam na nasa kaniyang kwarto. Nandito rin sa loob ng kwarto si Joaquin, tinutulungan silang magligpit at para mabantayan na rin nga si Liam. Tumawag din ang sekretarya ni Natalia na si Caroline at nagpresentang bantayan ang opisina ni Natalia na nasa labas ng kaniyang kwarto, upang wala nang makapanggulo pa sa kanila."Mama, ano po ba talagang nangyayari?" Hindi na rin maintindihan ni Liam ang ikinikilos ng mga matatandang nasa kaniyang paligid. "Dahil po ba 'to sa pagtakas ko kanina? Hindi na po mauulit, Mama."Sinubukang ngumiti ni Natalia sa kaniyang anak at saka lumapit para haplusin ang buhok nito. Alam ni Natalia na nag-aalala ang kaniyang anak, ngunit hindi naman gusto ni Natalia na pati si Liam ay mamroblema rin sa problema nito. "Huwag kang mag-alala, anak. Magiging ayos din ang lahat."Noong paalis na sila ng ospital, hindi mapigilan ni Natalia ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Nakaramdam
SA KUSINA, abala si Yaya Tess sa paghahanda ng pagkain nina Natalia, Joaquin, at ang alaga nitong si Liam. Kinuha nito ang lutong-ulam na nilagay niya sa ref kanina upang initin. Nagluto rin siya ng mga gulay na mabilis lang lutuin para makakain na agad ang kaniyang mga amo.Dahil ayaw naman magkulong ni Liam sa kaniyang sariling kwarto, sumunod na lang ito sa kusina kung nasaan si Yaya Tess. Dala-dala nito ang kwento mula sa ospital. "Saan ka na naman nagsusuot, bata ka?" malumanay na tanong ni Tess, sabay ngiting pang-asar kay Liam na nakangisi lang sa upuan malapit sa kusina. Ang huli'y tila pinanonood lang si Tess sa kaniyang mga ginagawa."Alam niyo po ba, Yaya, may nakita po akong bata kanina sa ospital na kamukhang-kamukha ko,” bungad ng bata habang sumasandal sa kaniyang upuan.Napatigil si Yaya Tess sa paghihiwa ng gulay at tumingin kay Liam, halatang nagtataka. Sandali siyang natigilan bago binitiwan ang kutsilyo at hinarap ang bata nang maayos. "Ano? Kamukha mo?" tanong ni
“Manong, sa Maxwell Corporation po,” wika ni Liam sa driver ng taxi habang mahigpit na hawak ang kanyang backpack. Sa murang edad, hindi niya lubos na nauunawaan ang bigat ng kanyang gagawin, pero kitang-kita sa mga mata niya ang matibay na determinasyon."Maxwell Corporation?" tanong ng taxi driver. Sinilip nito ang bata sa rearview mirror at tila nagtaka. "Wala ka bang kasamang matanda, iho?""Wala po, Kuya. Pero ito po oh," Iniabot nito sa driver ang hawak niyang calling card. "Dito po ako pupunta."Nang kuhanin ng taxi driver ang calling card na hawak ni Liam, nakita nito kung saan nga pupunta ang bata. Hindi nito alam kung saan ang Maxwell Corporation hanggang sa makita nito ang totoong nakasulat. "Ahh, sa Harrington Stockholdings pala." sambit nito, habang binabasa ang tunay na pangalan ng building.Maaaring nalito lang si Liam dahil Mr. Maxwell Harrington ang owner ng calling card at hindi naman si Tristan. May maliit na salitang 'corporation' din na nakasulat sa ilalim ng pang
"Tristan?" tawag sa kaniya ng isang babae.“Tristan? Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang pamilyar na boses ng babae mula sa kanyang likod. Agad na napalingon si Liam. Isang babaeng naka-blazer ang nakatayo sa pintuan, may hawak na folder na puno ng mga papeles. Mukhang kagagaling lamang nito sa isang meeting. Ngumiti ito sa kanya, ngunit hindi maikakaila ang bahid ng pagtataka sa kanyang mga mata. “Uh… nandito lang po ako para magpahinga,” mabilis na sagot ni Liam, pilit na ipinapakita ang ngiti na tila walang bahid ng kaba. Sa kabila ng kanyang mahinang boses, sinubukan niyang magmukhang kaswal at hindi kahina-hinala. Tumango ang babae, bagama’t halatang nag-iisip ito ng malalim. “Dapat nasa ospital ka pa, di ba? Pero mukhang maayos na maayos ka na, Tristan. Mabuti naman kung ganoon,” wika nito habang nilalapag ang mga papeles sa lamesa. Tumikhim si Liam, hinuhulaan ang susunod na tanong ng babae. Alam niyang kaunting maling sagot lang, maaari siyang mabisto. Ngunit sa n
“Salamat po,” tugon ni Liam, naupo sa sahig at kunwaring naging abala sa pagbuo ng mga piraso ng laruan.Habang naglalaro siya, lihim niyang pinagmamasdan ang bawat kilos ng sekretarya. Umaasa siyang aalis muli ito para makakilos siya nang malaya. Ngunit tila abala ang babae sa pag-aayos ng mga papeles sa mesa ni Maxwell. Sinubukan niyang magtanong para magmukhang hindi alanganin.“Kumusta po pala si Papa?” tanong ni Liam, iniangat ang tingin mula sa building blocks.Napatingin ang babae sa kanya at bahagyang nag-isip bago sumagot. Bahagya itong nagtaka dahil hindi naman 'Papa' ang tawag ni Tristan kay Maxwell, kundi 'Daddy.' Ngunit sa isip nito, baka naisipan lang talaga ni Tristan na iyon ang itawag sa kaniyang ama.“Mabuti naman. Busy lang talaga si Sir. Madalas siyang nasa meeting. Pero sayang, Tristan, hindi kita inaasahan dito. Akala ko ba ay nagpapagaling ka pa?”Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Liam. Kailangan niyang maging maingat sa sagot. “Oo nga po, pero mas gusto kong
“Sino yung tinitingnan mo diyan?” 'Yan ang mga katagang huling narinig ni Liam sa mga taong kalalabas lang ng opisina na narinig nito bago siya makasakay sa loob ng elevator. Handa na siyang umalis, kaya naman hindi na ito tumigil o lumingon pa kung saan siya nakita ng sekretarya ni Maxwell. Hindi na ito nag-atubiling maghintay pa kaya pagkababa niya ng elevator, agad din nitong hinanap ang daan palabas ng building. Hindi na rin niya gugustuhing magtanong pa sa mga empleyadong nandito dahil kung matyempuhan, baka tumawag pa kay Maxwell na siyang iniiwasan nitong makita.Dedma na sa mga camera o CCTV na nakakalat sa building na ito. Kahit naman makita siyang pagala-gala ng mga camera na ito, ito na rin ang huling beses na makikita ni Liam ang mga taong ito. Sa ikinikilos ng kaniyang ina na si Natalia, iniisip nitong ito na ang huling beses na makakakilos siyang mag-isa sa labas ng kaniyang bahay. Tila may kailangan silang taguan at walang ideya si Liam kung sino o ano ito. Hindi na rin
Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik na lamang nakaupo si Liam sa tabi ni Tristan habang kinakain nito ang huling piraso ng pagkaing iniwan ni Lucia. Napansin ni Liam na kahit kumalma na ang mukha ni Tristan, halatang may natitirang lungkot at takot sa bata. Kaya’t naisip niyang libangin ang kaibigan upang kahit papaano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman nito."Alam mo, Tristan," sinimulan ni Liam habang kumukuha ng laruan mula sa kanyang bulsa, "may dala akong bagong laruan. Gusto mo ba makita?"Napatingin si Tristan at bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha. “Ano yan?” tanong nito, tila nakakalimot sandali sa lungkot.Inilabas ni Liam ang maliit na puzzle cube at ipinakita ito kay Tristan. “Ito, kaya mo bang ayusin? Ang hirap nito nung una, pero kapag nakuha mo na ang diskarte, madali na lang.”Kinuha ni Tristan ang cube at sinubukang ayusin.Habang naglalaro, nagsimulang magkwento si Liam ng kung anu-ano—mga kwento tungkol sa eskuwela, mga bagong laro, at mga kalokohan na ginagaw
“At isa pa, Tristan, huwag na huwag kang magsusumbong sa kanya, ha? Ayaw kong masaktan ka. Naiintindihan mo ba ako?”Nang tuluyang maisara ni Lucia ang pinto at mawala ang yabag ng kanyang mga sapatos sa pasilyo, muling bumalik ang tahimik na kalungkutan sa silid ni Tristan. Nakayuko siya, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, at ang luha niya ay tahimik na dumadaloy. Walang ibang narinig kundi ang mahihinang hikbi niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya kayang kontrahin ang kanyang tiyahin, lalo na’t sa murang edad niya, naniniwala siyang may punto ito kahit pa masakit ang mga salitang binitiwan sa kanya.Sa kabila ng lahat, tila nakalimutan na ni Tristan na may nagtatago pa sa kabinet—ang kaibigan niyang si Liam. Si Liam naman, na kanina pa pinipigilang huminga ng malakas dahil sa kaba, ay nanatiling nakikiramdam. Sinigurado niyang wala na si Lucia bago siya kumilos. Nang makumpirma niyang ligtas na, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kabinet at luma
“Alam mo ba, kung wala ako rito, hindi rin magigising ang mama mo!” ani Lucia, ang boses ay puno ng hinanakit. “Ako dapat ang kasama mo, Tristan! Hindi ang hunghang na doktor mo!”Napalunok si Tristan. Alam niyang hindi niya dapat kontrahin si Lucia, ngunit ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang ina ay nagbigay sa kanya ng sakit sa loob. Pilit niyang pinigilan ang sarili na tumutol, ngunit hindi rin niya mapigilan ang mga luha na unti-unting pumatak mula sa kanyang mga mata.“Sorry po, Tita,” mahinang sagot niya habang nakayuko pa rin. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin upang mapatahimik si Lucia.“Sorry? ’Yan na naman ang sorry mo!” sigaw ni Lucia, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. “Pinili mo ang doktor mo kaysa sa akin, Tristan! Ako ang dapat nandito para alagaan ka! Ako ang nag-alaga sa’yo mula pagkabata! At ngayon, ipagpapalit mo ako sa isang estranghero?”Tahimik lang si Tristan. Gusto niyang ipaliwanag ang kanyang sarili, pero natatakot siya na mas magalit pa si Lu
“Surprise!” ani Liam, ngiting-ngiti habang inilapag ang kanyang bag sa sahig. “Gusto kitang makita. Kamusta ka na?”Napatingin si Tristan, bahagyang nagulat ngunit nanatiling tahimik sandali bago bahagyang ngumiti. “Liam... anong ginagawa mo dito?” tanong niya, mabagal at parang nag-aalangan. Kahit may maputlang itsura, kumislap ang kanyang mga mata, pero parang may bahid ng lungkot sa kanyang tinig.“Miss na miss na kita, eh,” sagot ni Liam, na para bang walang pakialam sa kaba ng kaibigan. Umupo ito sa silyang malapit sa kama ni Tristan, maliksi at masigla. “Hindi mo ba ako namimiss?”“Namimiss kita, syempre,” tugon ni Tristan, ngayon ay may bahagyang ngiti, pero hindi kasing lapad ng kay Liam. Tila pigil ang saya niya, parang laging may bumabagabag. “Pero… paano ka nakapasok dito? Hindi ka ba nahirapan?”Umiling si Liam, walang pag-aalala. “Mabilis lang akong nakapasok. Ang dami-daming tao sa ospital, hindi nila ako napansin,” sagot niya na may maaliwalas na tono, parang isang laro
Maagang nagising si Liam sa araw na iyon. Ang liwanag ng araw ay sumisilip sa mga siwang ng kurtina, dumampi sa kanyang mukha, at ginising ang kanyang antok na isipan. Bumangon siya mula sa kama at unang napansin ang kanyang maliit na bag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lalagyan ng damit. Bigla siyang kinabahan. Nakalimutan niya pala itong itago kagabi matapos niyang ayusin ang laman nito. Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Mabuti na lang at hindi nakita ni Mama," mahina niyang bulong sa sarili. Naalala niya ang pagbisita ni Natalia sa kanyang kwarto kagabi upang tiyaking mahimbing na siyang natutulog. Swerte siyang hindi nito napansin ang bag, o baka naman inisip lang ng kanyang ina na ordinaryong gamit iyon.Pagkatapos mag-ayos ng kanyang kama, lumabas si Liam ng kanyang kwarto at bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Sa kanyang pagbaba, agad niyang naamoy ang masarap na halimuyak mula sa kusina—ang pabango ng bawang at sibuyas na niluluto, hinaluan ng bahagyan
Habang abala si Liam sa pag-iisip ng mga susunod niyang hakbang, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad niyang itinago ang calling card, hibla ng buhok, at ang kanyang mga ipon sa ilalim ng kama. Mabilis ang kilos ni Liam, at nang masiguradong maayos na ang kanyang pinagtataguan, binuksan niya ang pinto. Nakangiti si Natalia nang tumambad ito sa kanya, may dalang tambak ng malilinis na damit. “Anak, tutupi tayo ng mga damit mo. Ang dami na pala,” anito, sabay lakad papasok sa kwarto ng bata. Sanay na si Liam na mag-bonding sila ng kanyang mama sa ganitong paraan tuwing may pagkakataon. Bagaman pagod ang ina mula sa ospital, palaging may oras ito para sa kanya. Tumabi si Liam sa maliit na lamesa sa kanyang kwarto habang inilapag ni Natalia ang tambak ng mga damit na katatapos lang labhan ni Yaya Tess.“Ang dami po pala, Mama,” komento ni Liam habang kinukuha ang isang pares ng pajama. “Parang ilang buwan yata akong hindi nagpalit ng damit?”Napatawa si Natalia. “Hay n
Habang kumakain silang mag-ina, hindi maiwasang mapansin ni Natalia na medyo tahimik si Liam. Hindi siya karaniwang ganito, lalo na’t si Liam ay madalas magtanong, magkwento, at maglaro ng masaya. Ngayon, para bang may mabigat na bagay na nagkukubli sa mata ng bata. Pero hindi rin ito gaanong halata, dahil nakangiti pa rin siya, kahit na may ilang sandali ng pananahimik.“Mama, may tula po akong gustong ipasa sa inyo!” sabi ni Liam, sabay abot ng papel na tinatayang hindi kasing haba ng ibang mga tula na ipinapasa sa kanilang klase. Ngunit kitang-kita kay Liam ang saya at excitement, kaya't tinanggap ito ni Natalia nang may ngiti.“Wow! Anong tula ba yan, baby?” tanong ni Natalia habang binabasa ang papel ng anak.“Siya po ‘yung tula na in-present ko sa online class namin!” sagot ni Liam, medyo nananabik na makita kung magugustuhan ito ng kanyang ina. “Tungkol po ito sa halaman at kung paano sila lumalaki.”Tumawa ng malumanay si Natalia habang binabasa ang tula. “Naku, ang galing mo
Sa ilalim ng malakas na liwanag ng araw, hawak ni Natalia ang manibela habang mahigpit na nakaipit ang cellphone sa kaniyang balikat. Sa bawat ikot ng gulong sa aspalto, tila umiikot din ang kanyang isip sa isang tanong na hindi niya matakasan: bakit muling bumalik si Maxwell sa kanyang buhay, at bakit ganoon na lamang ang lakas ng loob nitong pilitin siyang halikan?Pakiramdam niya, parang nag-iwan iyon ng hindi maalis-alis na bakas sa kaniyang isipan—isang pangyayaring hindi niya gustong balikan ngunit paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang alaala. Kahit anong pilit niyang itaboy ang ideya, parang nakabaon na ito sa kanyang isipan, bumibigat nang bumibigat habang nagpapatuloy ang biyahe."Salamat, ha. Pakisuyo na lang si Tristan. Siguraduhin mong busog siya at maayos ang pakiramdam niya bago kayo bumalik sa kwarto," wika ni Natalia sa kausap niyang nurse sa linya, pilit na pinapakalma ang sariling boses. Alam niyang hindi niya kayang bumalik sa ospital nang hindi buo ang kaniyang isip
Kahit pa gano'n ang nasa isip ni Anton, pinili niyang manahimik. Hindi na ito nag-usisa pa at iningatan ang kanyang mga iniisip. Ayaw niyang makaapekto ito sa kanyang trabaho, lalo pa’t may posisyon siyang pinanghahawakan sa piling ng mga Harrington. Bukod dito, hindi na niya hahayaang magkamali pang muli matapos niyang masangkot sa eskandalo noon. Ang eskandalo ay nagsimula noong nakita niya ang isang bata sa labas ng ospital na inakala niyang si Tristan. Malinaw pa sa kanya ang tagpo—ang bata’y kamukhang-kamukha ni Tristan, ngunit nang subukan niyang lapitan ito, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng mapanirang tsismis. Hindi rin iyon naging madali para kay Anton. Napilitan siyang magbigay ng paliwanag kay Maxwell. Ngunit sa pagkakataong iyon, si Natalia at ang kaniyang assistant na si Caroline ang nakialam. Ginawa nilang mas kapanipaniwala ang sitwasyon, sinabing nagkamali lang si Anton at nagbunga lamang iyon ng labis na pagod at stress sa trabaho. Lumabas ang balita na tila n