“TULONGGG!” isang malakas na sigaw ni Natalia pagpasok nito sa pinakamalapit na hospital sa kanilang lugar. Hindi nito alam ang kaniyang gagawin. Ang alam lang nito’y kailangan niyang mailigtas ang kaniyang anak na dala-dala nito sa sinapupunan. Bahagyang bumigay ang tuhod nito ngunit agad naman siyang nasalo ng isang doktor na inalalayan siya.“Ano pong nangyari, Ma’am?” tanong ng doktor.“M-Manganganak na po ako!” nanginginig nitong sambit kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. “Ano hong pangalan nila?”“N-Natalia…” mahinang sambit nito. “Natalia Harring—! Mali… Natalia Castaleon ang pangalan ko.”Kahit alas-diyes na ng gabi ay tila maingay at maliwanag pa rin dahil sa rumaragasang bagyo sa kanilang lugar. Kasabay ng pagdagungdong ng kalangitan ay ang pag-sigaw ni Natalia upang humugot ng lakas para sa kaniyang panganganak.Mahirap. Masakit. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala ngunit pinilit pa rin niyang maging malakas para sa kaniyang anak. Halos kalahating oras na
7 YEARS LATER… Mahangin, maaliwalas ang kalangitan. Kagagaling lang sa mahingang pag-ulan kaya ang hangin ay presko pa. Binuksan ni Tristan ang bintana sa kaniyang silid upang lumanghap ng sariwang hangin. Hindi nito maipaliwanag kung bakit magaan ang kaniyang pakiramdam kapag naulan na animo’y hinehele siya nito.Kung gaano kagaan ang pakiramdam niya tuwing naulan, gano’n naman kabigat ang dinaraing niya sa pamamahay kung nasaan siya ngayon. Tristan Harrington, limang taong gulang na anak ni Maxwell Harrington at ang ikinasal lamang anim na taon ang nakalilipas na si Olivia Harrington. Nang makarinig ito ng mahinang pagkaluskos sa labas ng kaniyang kwarto ay agad nitong isinara ang bintana at nagtalukbong ng kumot.Dahan-dahan niyang inilapat ang kumot sa kaniyang mukha dahil ito’y bahagyang masakit pa. Kung titingnang maigi, kitang-kita ang kapulahan sa pisngi nito dala ng isang malakas na sampal.Na sa tingin niya’y kilala naman ng lahat kung sino ang may gawa. “Tristan, buksan
BOOM!Isang malakas na tunog sa labas ng mansion ang narinig. Sina Lucia at yaya na malapit sa hardin ay agad na narinig ang pagbagsak sa kanilang kinatatayuan. Hindi pa sila nakararating sa pinanggalingan ng tunog ay may nauna na pala sa kanila.Ang guard ng mansion ay tila nanginginig na nakatingin sa isang halaman, direkta sa ibaba ng bintana ng kwarto ni Tristan. “Masama ito! Nahulog si Tristan galing sa kwarto niya!”Galing sa ikalimang palapag?!Dali-daling tumakbo si Lucia at ang kasama nitong katulong patungo sa kinatatayuan ng guard. Sinalo ng isang mabulaklak na mga halaman si Tristan, pero duguan ito’t walang malay. Tumingin din sa taas si Lucia at nakita ang mga nagpakataling kumot na ginamit ata ni Tristan upang makatakas sa kwarto. Umabot ang tali hanggang ikalawang palapag at doon na yata nagtangkang tumalon si Tristan.“Tumawag kayo ng ambulansya!” sigaw ni Lucia habang nagpa-panic na inaalalayan si Tristan. Mabilis na tumakbo ang katulong at ang guard papasok ng mans
“Di ba sinabi ko na sayo, Joaquin, h’wag mo na ako tatawagin sa pangalang ‘yan?” Mariing sambit ni Natalia habang nakangiti sa doktor na ngayo’y nasa harap na niya. Kahit sino mang nakakakilala kay Natalia rito sa Pilipinas, siguradong lahat sila’y magtataka kung bakit bigla itong sumulpot pagkatapos ng pitong-taon na halos wala itong paramdam. Siguro ang mas tamang tanong ay… “Buhay pa pala ang isang Natalia Costaleon?”Walang nakakaalam ng pinagdaanan nito noong nakaraang mga taon. Pa-sikreto itong umalis ng bansa sa tulong ni Joaquin, na siyang naging kaibigan niya simula noong insidente sa ospital sa probinsya pitong-taon ang nakalilipas. Ngayong nasa Maynila na sila, magkasama pa rin ito sa iisang ospital ngayong naging doktor na rin si Natalia Costaleon.Ngunit kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa ngayon dahil busy magpalit ng damit si Natalia para mag-opera sa mga pasyente nito, bahagyang namamawis ang noo ni Joaquin dahil sa matagal na panahon ay muli silang nagkita ni
“Anong sabi mo?!” sigaw ni Maxwell na animo’y rinig na rinig sa buong ospital.Gustong mamagitan ni Joaquin sa tensyong nagaganap sa pagitan ni Natalia at Maxwell ngunit wala rin itong magawa dahil nakaharang ang dalawang bodyguard upang walang makalapit sa kanila. Kitang-kita nito na kalmado lamang si Natalia na taas-noong nakatingin kay Maxwell at hindi iniisip kung gaano kataas na tao ang nasa harap nito ngayon.Well, para kay Natalia ay isang mababang-uring nilalang lang itong nasa kaniyang harapan. Isang Harrington na wala namang pinagmalaki kundi puro kayabangan, pambababae, at pang-aalipusta lamang. Kahit pa itong si Maxwell ay matangkad, mestizo, matangos ang ilong, at maganda ang kulay-berde nitong mga mata ay wala siyang pakialam.Para kay Natalia, isa lamang siyang walang-kwentang asawa na pinilipi siyang lokohin gamit ang sarili pa niyang kapatid. Huminga ito nang malalim at sinagot muli ang tanong ni Maxwell.“Ang sabi ko, hindi ko gagawin ang operasyon kahit patayin mo p
“Nasaan si Tristan? Kumusta ang anak ko?”Dali-Daling pumasok si Maxwell sa operating room na tila hindi pansin si Natalia na nasa tabi lang ni Tristan. Dumiretso ito sa kaniyang anak at saka ito niyakap. Nagtagal ito ng ilang segundo kaya pinili na lang ni Natalia na tumayo at lumayo mula sa pwesto ng mag-ama.Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Natalia na kamukhang-kamukha ng bata ang itinatago niyang anak mula sa dati nitong asawa. Tila naninigas ang kaniyang katawan dahil sa pinaghalong takot, galit, at sakit habang pinanonood si Maxwell na niyayakap ang isang bata na kamukha ng anak niya. Pakiramdam nito'y nahuli na siya, kahit na ang totoo'y hindi pa dahil kamukha lang naman ang bata.Hindi maipaliwanag ni Natalia kung bakit, pero ilang mga salita ang lumabas sa kaniyang bibig kaya't napatingin sa kaniya si Maxwell. "A-Anak mo?"Kumalas mula sa pagkakayakap si Maxwell at umayos ng tindig bago harapin si Natalia. Kahit si Maxwell ay hindi rin makapaniwalang pagkatapos n
"Maxwell?" "Joaquin?"Kung kanina'y naka-face mask pa si Natalia nang makita ng dati nitong asawa, ngayon ay wala nang nakaharang sa kaniyang mukha. Kitang-kita ng dalawang mata ni Maxwell ang kulay brown nitong mga mata, makinis at maputing balat, mapupulang labi, matangos na ilong, at ang nunal nito sa leeg. Bahagyang naakit si Maxwell sa kaniyang nakita ngunit saglit lang ay nawala rin ito.Si Joaquin naman ay tila gulat na gulat pa rin. Hindi lang dahil nakita ni Maxwell ang doktor na hinahanap niya, kundi dahil parang kilala ni Natalia si Maxwell. Matagal na ba silang magkakilala o sadyang tanda lang ni Natalia ang pangalan ng magulang ng pasyente nito? Iyan ang tanong ni Joaquin sa kaniyang isipan.Halos ilang segundo at matagal na titigan ang naganap bago sinubukang magsalita ni Joaquin nang pautal-utal. "D-Dra. Allyson..."Napakunot ang noo ni Maxwell at tumingin kay Joaquin. "Hindi mo kilala ang tunay na pangalan ng babaeng ito? She's Natalia Costaleon!"Nanindig ang mga bala
7 YEARS AGO..."Bakit ngayon pa talaga bumagyo nang malakas? Paano ako makakauwi nito?" sambit ni Joaquin habang kausap ang kaniyang sarili. Nasa storage room ito ng hospital at hinahanap ang nawawala niyang name tag. Pagkatapos ng ilang segundong paghahanap, nakita niya na rin ito sa wakas. "Ayun! Nakita rin!""Joaquin Lopez." nakalagay sa name tag nito. Isang itong soon-to-be-doctor na kino-kompleto pa ang kaniyang residency requirement para maging isang ganap na doktor. Sa mga ka-batch nito, siya ang pinakabata dahil sa kaniyang angking talino at katapangang sumubok ng mga bagay-bagay. Kahit naman ngayong araw, alam niyang babagyo ng ganitong oras pero nagawa pa rin niyang pumasok.Nakangiti itong ikinakabit ang name tag sa kaniyang damit nang may biglang pumasok sa storage room kung nasaan siya ngayon. Mga nurse na tila takot na takot at nagtatago sa loob. "H'wag kayong maingay!""A-Anong nangyayari sa labas? Pinapasok na ba tayo ng bagyo?" tanong ni Joaquin pero ni isa ay walang l
Ang akala ni Tristan, aalis na si Liam pagkatapos nitong makipag-kamay sa kaniya. Nabanggit din naman kasi ni Tristan na baka dumating na si Tita Lucia niya at baka magalit pa kay Liam. Ngunit ito namang huli, biglang may napansing pagkakatulad nilang dalawa ni Tristan."Pansin mo ba? Parang magkamukha tayo 'no?" Hinawakan pa ni Liam ang pisngi ni Tristan para titigan. Kung alam lang sana ni Liam na may kambal pala siyang kapatid, iisipin niyang kapatid niya itong batang nasa kaniyang harapan na si Tristan. Pero dahil hindi, wala naman siyang inisip na kakaiba.Dahil sa nabanggit ni Liam, tinitigan din ni Tristan si Liam. Nang unti-unti niyang ma-realize na totoo nga ang sinasabi ng bata, agad lumaki ang kaniyang mga mata at tila hindi makapaniwala. "Oo nga no! Bakit magkamukha tayo?"Umiling si Liam at binitawan ang pagkakahawak sa pisngi ni Tristan. "Hindi ko rin alam.""Ako rin eh. May sarili naman akong mommmy." sagot naman ni Tristan.Nang marinig muli ni Liam ang tungkol sa nan
"Bakit di naman 'to masarap?" Nang itanong iyon ng inosenteng mukha ni Liam, napatingin na lang sa kaniya si Tristan habang pinagmamasdan ang una kung paano niya ito ubusin bawat butil. Ang nasa isip tuloy ni Tristan ay isang batang pulubi itong si Liam dahil sa paraan ng pagkain niya ngayon. Tsaka kung totoong hindi masarap, bakit tila paubos na niya ang pagkaing nasa lamesa ni Tristan?Dahil lang din siguro sa gutom at hindi pa nga nag-a-almusal si Liam. "Si Tita Lucia ko ang gumawa niyan. Sabi niya 'yan daw ang kakainin kong breakfast. Bakit mo inubos?"Kinuha ni Liam ang isang sandwich na itinabi niya sa kaniyang bulsa na dala nito mula sa kaniyang bahay. Ang sabi nito'y kakainin niya ang tinapay na ito kung sakaling siya'y magutom. Ngunit nang makita niya na ang palaman ay peanut butter, na siyang ayaw na ayaw ni Liam, mas pinili na lang niyang tiisin ang gutom at hintayin si Tristan na ibigay sa kaniya ang pagkain nito.Dahil nga ayaw ni Liam ng kaniyang baon, ibinigay na lang
Dahil kinakabahan si Natalia na makita ng mga Harrington si Liam, agad nitong nabitawan ang sumbrero at saka tumakbo palabas ng kaniyang kwarto upang hanapin ang bata. Nasa ikalawang palapag na rin naman siya kaya nagpunta na siya sa kwarto ni Joaquin, nagbabakasakaling nandoon si Joaquin o ang bata. Pagpasok nito sa opisina, walang kalaman-laman ang silid. Dumiretso ito sa loob ng kwarto ni Joaquin upang makita kung nandoon sila, ngunit agad din itong nabigo.Unti-unti nang namumuo ang kaba sa dibdib ni Natalia. Hindi nito alam ang gagawin kung sakali mang makita ng kahit isa sa mga Harrington si Liam dahil siguradong magkakagulo. Gaya ng nangyari noong nakita ni Anton Smith, makisig na secretary ni Maxwell, si Liam sa labas ng hospital kasama si Yaya Tess, iniiwasan na itong muli ni Natalia. Mabuti na nga lang at noong panahon na iyon, nalusutan nito ang paghihinala ni Maxwell at tila napaniwala niyang nagi-ilusyon lang si Anton noon. Nakalabas na ng hospital si Anton pero hanggang
"Sigurado ka ba talagang kalalabanin mo ang kapatid mong si Lucia? Kilala mo ang katayuan niya sa pamilya Harrington, Natalia. Isa siya sa mga tagapag-alaga ni Tristan kaya maaari niyang gawin ang kahit anong gusto niya sa anak mo, para lang inisin ka."Sasagot pa sanang muli si Natalia ngunit biglang may tumunog sa kaniyang telepono. "Psychiatric Department?" tanong ni Joaquin nang makita niya kung sino ang tumatawag sa cellphone ni Natalia. Hindi maigalaw ni Natalia ang kaniyang kamay dahil hindi nito alam kung bakit tumatawag ang psychiatric department sa kaniya, pero bigla nitong naalala na ipina-test niya pala si Tristan pagkatapos noong pagwawala nito sa kaniyang kwarto. Bago pa man masagot ni Natalia ang tawag, agad na itong namatay kaya naman 'missed call' na ang nakalagay.Tumingin nang seryoso si Natalia kay Joaquin at bahagyang ngumiti. Hindi ito mapang-asar na ngiti ngunit isa itong ngiti na nag-aalala para kay Joaquin at sa kaniyang anak. Alam ni Natalia na nag-aalala l
"Si Olivia na ang ina ni Tristan!" sagot pabalik ni Lucia. Hindi pa ito tumigil dahil nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. Hindi man nito masaktan si Natalia ng pisikal, sinisigurado naman ni Lucia na masasaktan niya ang damdamin ni Natalia. "Hindi ko siya pinalaki para lang matalo mo bigla, Natalia. Ako lang ang kilala niya ngayon at natural lang na disiplinahin o alagaan ko siya. Eh ikaw? Sino ka, haha? Ano namang meron ka o anong estado mo sa mga Harrington para magreyna-reynahan ka sa harap ko ngayon? Huwag mong sabihin na sinasaktan ko ang bata dahil kahit naman totoo 'yan, wala kang magagawa para mapigilan ako. Si Olivia na ang ina ni Tristan at ako naman ang kaniyang tiyahin, ang pinakamalapit sa kaniya. Samantalang ikaw ay isa lamang estranghero na dapat ay namatay na pitong-taon ang nakalilipas."Sa maduming paraan, pinaghirapan ni Lucia ang estado niya ngayon sa buhay ng mga Harrington. Nagpaka-plastik ito para makisama. Nagpaka-alila ito para pagsilbihan ang mga Harringto
"Huwag mong ilihis ang usapan, Natalia. Isusumbong kita kay Maxwell!""Edi isumbong mo!" malakas na balik ni Natalia, hindi natatakot sa mga pagsigaw ni Lucia. "Sa sarili mo ikaw mag-alala, Lucia, dahil kapag hindi mo nasagot ng ayos ang mga susunod na itatanong ko, ikaw ang mas lalong malilintikan sa akin..."Natahimik si Lucia, hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Natalia. "Paano nahulog si Tristan sa building? Imposible ang sinasabi niyong basta na lang siya nahulog at wala kang kinalaman eh..." tanong ni Natalia at tila nag-iimbestiga sa tunay na nangyari. Noong unang araw kasing dinala si Tristan dito, si Lucia agad ang unang nagpaliwanag na baka naglalaro lang sa bintana si Tristan at hindi inaasahan, nagkasya ito at nahulog. Ngunit simula pa naman noon, hindi na naniwala si Natalia.Matalim ang mga tingin ni Natalia at saka muling nagsalita. "May kinalaman ka ba sa nangyari sa kaniya noong araw na iyon?"Dahil basa na rin naman ng tubig si Lucia, hindi halata sa kaniya a
"Ano at paano mo tinatrato ang anak ko nitong mga nakaraang taon, ha, Lucia?"Hindi naisip ni Lucia na darating ang panahon kung saan mababaliktad ang sitwasyon nila ngayon. Pakiramdam nito, si Natalia na ang nasa itaas dahil sa kung paano siya nito sigaw-sigawan. Bukod pa riyan, pakiramdam niya'y unti-unti nang mabubuking ang mga plano niya para sa kaniyang pamilya.Galit na galit si Natalia, pero wala itong laban sa laki ng katawan ng mga bodyguard kaya ang ginagawa lang niya ay takutin ang mga ito. Natuwa si Natalia nang mapansing may takot pa rin ang mga body guard sa kaniya kahit na matagal na silang naghiwalay ni Maxwell. Kung sabagay, sa pagitan ni Natalia at Lucia ngayon, kahit na sino naman ay mas kakampihan si Natalia kung kilala nila ang babaeng ito.Pagkatapos ng ilang taong paghahantay na makarating sa pwestong ito, sa wakas ay nakaharap na rin ni Lucia ang isang bago at matapang na Natalia sa panahong ito. Kung dati'y walang lakas si Natalia na ipagtanggol ang kaniyang s
"C-Costaleon..." pag-uulit ni Lucia sa apelyido ng doktor na pamilyar sa kaniya. "N-Natalia Costaleon?"Hindi makapaniwala si Lucia dahil sa kaniyang nakikita, pero tila wala ito sa tuliro pagkatapos siyang gantihan ni Natalia ng isang napakalakas na sampal. Sa isip-isip ni Natalia, nakilala na rin naman siya ng kaniyang kapatid kaya mas mabuti nang lubos-lubusin na niya ito.Kung magkakaroon man siya ng iba pang pagkakataon para masaktan ito nang pisikal, masyado pa itong matagal. Bakit hindi pa ngayon na nag-aaway na rin naman sila?Nang matanggal ang surgical mask na nakatakip sa mukha ni Natalia, nagulat din si Joaquin dahil hindi dapat makita ni Lucia ang totoong hitsura ni Dra. Allyson. Ngunit wala na itong nagawa, nalunod ang kwarto ng mga sigaw ni Lucia habang sinasabunutan siya ni Natalia."Alisin mo ang mga kamay mo! Huwag mo akong hawakan, babae ka!" sinubukang protektahan ni Lucia ang kaniyang sarili mula kay Natalia, ngunit wala itong nagagawa dahil tila lumakas ng sampun
"Kaya mo bang makipagplastikan kahit ngayon lang?"Tiningnan siya ni Natalia na animo'y hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Joaquin. Naiintindihan naman ni Natalia kung saan nanggagaling si Joaquin at ang mga solusyon na kaya nitong ibigay bilang chief of staff ng hospital na ito at bilang kaibigan. Malaki rin ang utang na loob niya rito dahil sa pagtulong ni Joaquin sa kaniya nitong mga nakaraang taon.Ngunit iyon na nga ang problema. Kay Joaquin may utang na loob si Natalia, hindi sa mga Harrington. Kung may luluhuran man siya at hihingian ng patawad, si Joaquin 'yon at hindi ang mga Harrington na umalipusta sa kaniya.Ngumiti ito pero ang sagot niya ay, "Hindi. Ayokong gawin ang inuutos mo, Joaquin.""Hindi mo ba kayang gawin ito para sakin, Natalia?" pagmamakaawa ni Joaquin. "Alam ko namang ikaw ang tama... pero kapag lalo mo pang ininis si Ms. Lucia, mawawalan ka talaga ng trabaho at pati ng koneksyon dahil sa kapangyarihan ng mga Harrington. Ikaw na rin ang nagsabi, wala ka nama