Share

Chapter 25

Kahit bahagyang madilim at tanging lampara lang sa kwarto ni Tristan ang nagbibigay ilaw sa loob ng silid, kitang-kita ni Natalia ang pagnanasa na may halong galit sa mga mata ni Maxwell. Hindi niya nagugustuhan ang kaniyang nakikita. Ni hindi rin nito alam kung bakit ganito ang reaksyon nito o kung bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon.

Anong meron? Anong nakain ng lalaking ito para iharap ang kaniyang pagmumukha kay Natalia nang ganyang kalapit?

Sa isang iglap lang, isang madiing kagat ang nadama ni Natalia sa balikat nito mula sa lalaking nasa harap niya. Ilang segundo niyang ininda ang sakit bago niya maitulak si Maxwell palayo at saka ito sinampal.

Ni hindi man lang nayanig ang katawan ni Maxwell sa lakas ng sampal ni Natalia. Ang huli nama'y napahawak na lang sa kaniyang balikat sa sakit habang nagngi-ngitngit ang mga ngipin sa galit dahil kay Maxwell.

Hayop talaga 'to! Palibhasa pinanganak sa taon ng mga aso!

Kahit sobrang sakit na ng nararamdaman nito, hindi pa rin siya s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status